Professional Documents
Culture Documents
Way Back Home
Way Back Home
Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula - Way Back Home
B. Direktor - Jerry Lopez Sineneng
C. Prodyuser - Charo Santos-Concio at Malou N. Santos
D. Pangunahing Tauhan
Joanna/Ana (Kathyrn Bernardo) - Isang mabait at magalang
na anak na laki sa hirap. Siya ang nawawalang anak ni Ariel
at Amy na kapatid nila Jessica at Jeff. Isa sa magaling na
swimmer sa kanilang paaralan na mahigpit na kalaban ni
Jessica sa paglangoy.
Jessica (Julia Montes) - Sikat at magaling na swimmer sa
kanilang skwelahan. Siya ang sinisisi ng kanyang ina na si
Amy sa pagkawala ni Joanna sa tabi ng dagat.
Jeff (Ahron Villena) - Panganay na kapatid nina Jessica at
Joanna.
AJ (Sam Conception) - Kaklase at kababata ni Jessica na
may pagtingin din sa kanya.
Michael (Enrique Gil) - Matalik na kaibigan ni Ana na may
lihim na pagtingin sa kanya.
Ariel (Tonton Gutierrez) - Mapagmahal na ama at asawa ni
Amy.
Amy (Agot Isidro) - Siya ay mabait at mapagmahal na ina
at nangungulila sa pagkawala ni Joanna.
Lerma (Lotlot De Leon) - Ang kumupkop kay Joanna at
kinilalang ina ni Ana.
Junior (Jairus Aquino) - Anak ni Lerma at nakakatandang
kapatid ni Buboy.
Buboy (Clarence Relgado) - Anak ni Lerma na bunsong
kapatid ni Junior.
Yaya Minda (Cecil Paz) - Ang mabait na katulong ng pamilya
Santiago.
E. Tema ng Pelikula
F. Buod ng Pelikula
Mga bata pa ang tatlong anak ng mag-asawang Santiago sina Jess, Jessica
at ang bunsong si Joanna. Nagbabakasyon silang pamilya sa Pawikan Cove
Beach Resort sa Batangas nang biglang sumama ang pakiramdam ng panganay
nilang anak na lalaki na si Jess. Nagsusuka ito kaya naman umalis at
naghanap ng doctor ang kanilang ama na si Ariel. Habang si Amy naman ay
binabantayan ang may sakit na anak. Habang si Jessica naman ang binilinan ng
kanyang magulang sa pagbantay sa nakababatang kapatid na si Joanna.
Sinabihan na sila na huwag na lumayo at hintayin ang kanilang ama ngunit
dahil sa gusto nilang makita ang mga pawikan na papunta sa dagat, umalis at
nagpunta sa mga pawikan ang magkapatid kasama ang iba pang mga bata. Sa
sobrang pagkaaliw ni Jessica sa pawikan hindi na niya namalayan na hindi na
pala niya kasama si Joanna. Doon na nagsimula ang problema ng pamilya
Santiago. Nawala ang bunsong anak na si Joanna.
Realismo
Eksistensyalismo
Humanismo
B. Mga Aral
C. Kabuuang Pananaw
Bisa sa Isip
Bisa sa Damdamin
Bisa sa Kaasalan
Palompon, Leyte
COLLEGE OF EDUCATION
Basic Education Department
Ipinasa ni:
Alestrella M. Sanchez
Ipinasa kay:
Guro