Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ika-20 siglo: Matalinong Mananalapi, Angat ka Kabataan!

Sa pag-usbong ng makabagong panahon, maraming bagay ang naglalaho, napapalitan, at unti-


unting namamayagpag, mula't sa pagsibol, kultura, tradisyon, paniniwala at kaugalian. Napakalayong
pagkakaiba mula sa ating mga ninunong kinagisnan kumpara sa nagiging estilo ng pamumuhay sa
ngayon. Naaalala ko pa ang minsa'y sabi ng aking lola, noong kapanahunan nila, madalas na binibigay ng
kanilang magulang ang halagang " bente singko sentabo" kung saan sa puntong Ito kanila nang naibibili
ang halagang Ito sa sulit sa laking makakain at masarap na panawid uhaw na baon, hindi lang yun mula sa
ganitong klaseng halaga kanilang napagkakasya nila Ito sa isang araw na hindi nagugutom. Isa itong
katunayan na gaano man kaliit o kalaking halaga meron ka importante na matuto kang magtipid para sa
iyong pangangailangan at kagustuhan dahil dito nskasalalay ang iyong magandang kinabukasan.

Sabi nila ang mga kabataan ngayon ay mistulang tamad at palaasa na sa buhay nila, umaasang
ang lahat nang gagawin ay madali at hindi mahirap para sa kanila. Sa pagtakbo ng mundo mula sa
pagsakop ng panahon ng teknolohiya kapansin- pansin ang mabilis na pag-unlad ng ekonomiya mga
proyektong pang imprastraktura, tinatayong negosyo at dumaraming oportunidad. Saklaw sa mga
pagbabagong ito ang mga katanungang, paano nga ba tayo makakasabay sa modernisasyong ito? Bilang
isang kabataan, matutugunan kaya natin nang maayos ang pangangailangan sa buhay? Magiging
matalinong mananalapi ba tayo sa panahong Ito? Ano? Bakit? Kailan? Paano?

Ayon sa isang pag-aaral mula sa Pew taong 2018, kanilang isiniwalat na 92 porsyento ng mga
milenyals ay may mga sariling smartphone at 85 porsyento rito ay gumagamit ng social media. Nasanay
ang mga kabataan sa ngayon na kontrolin ng teknolohiya ang kanilang buhay, klik dito, klik doon, isang
pindot lang makukuha Mo na ang inaasam- asam mong bagay na gustong mapasakamay. Mga platforms
na nag sisilbing gabay sa modernisasyong ito katulad ng data harvest na layuning padaliin ang pagkuha
ng impormasyon sa mundo, mga latest na balita, mga search engines katulad ng Google, Yahoo at Bing.
Isa pa sa mga platforms na Ito ang marketplace, ang pagpasok at paglabas ng pera, ang pagbenta at
pagbili ng mga produkto, isa sa mga kinahihiligan ng mga kabataan sa ngayon kung ano ang mga patok at
nauuso na nais nilang mabili.

Sadyang maraming kapakinabangan ang pagpasok ng makabagong teknolohiya sa mundo.


Gumagaan ang buhay at napapadali ang gawain, hindi mo na kailangan mag-antay ng ilang oras para
makuha ang gusto mo, hindi tulad noon na hindi pa gaanong kaunlad ang serbisyo ng teknolohiya at
mahirap pa sa sinuman ang magpatakbo o i-asa sa mga Ito ang gawain. Ganun pa man, hindi parin
mawawaglit sa lahat ng bagay na may kasabihang " ang sobrang paggamit ay may malaking epekto rin" at
" ang sobrang paggamit ay nakakasama rin". Lahat ng bagay ay may magandang naidudulot subalit ito'y
may masamang naidudulot rin. Marahil malaya tayong nakakapaglabas ng pera sa mundo ng teknolohiya
partikular sa paggamit ng social media. Marami rito ang nabibiktima ng pekeng produkto, nabibiktima ng
scam, pag hack ng online account at pagnanakaw ng personal na impormasyon.

Ayon sa isang balita mula sa Abs-Cbn nitong nakaraang hunyo, umabot sa halos 1,000 katao ang
nagreklamo sa pulisya matapos mabiktima sa ilang kompanya na sangkot umano sa investment scam sa
Davao del Norte. Kinasuhan ng large-scale estafa ang ilang kawani ng isang kompanya matapos umano
nilang tangayin ang 200 million na galing sa kanilang mga investor. Isa lamang ang balitang ito na
patunay sa kawalang seguridad nang paglabas ng pananalapi sa hindi kilalang ahensya. Importanteng tayo
ay mag-ingat at higit sa lahat wag basta-basta magtitiwala kung kani-kanino.
Ang buhay nga naman ay sadyang mahirap, kung praktikalan lang naman ang pag-uusapan, hindi
pwedeng mawala dito ang pera, susi para mabuhay, susi para sa kinabukasan, ginagamit ito upang bawat
araw na dumating ay maayos maitawid.

Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Dadating ang panahon isa sa mga
kabataang ito ay papasok sa politika, ang iba nama'y doktor, abogado, sundalo, guro at marahil iba rito'y
gustong maging negosyante. Ika nga 70 porsyento ng mundo ay binubuo na ng mga pangkat at indibidwal
na negosyante pero bago pa man madagdagan ang sektor ng pagnenegosyo mainam paring maihanda ang
mga kabataan, pumasok man o hindi sa larangang ito, na maging isang matalinong mananalapi lalo na sa
makabagong panahon.

Bilang isang kabataan, magandang matutunan natin kung paano kumita ng pera gamit ang social
media sa madaling paraan. Mula sa ating mga lumang kagamitan, maaari natin itong ibenta gamit ang buy
and sell portals bukod pa dito matutulungan pa nating makahanap kung sino man ang nagnanais na bumili
ng iyong produkto, kumita ka na nakatulong ka pa. Higit pa rito kung ikaw man ay kumikita na ng sapat
na halaga, maaaring ipunin mo Ito para sa iyong kinabukasan o protektahan gamit parin ang makabagong
kagamitan mula sa iyong bank account. Isa lamang ito sa mga halimbawa kung paano kumita habang bata
palang tayo, mula dito natuto tayo kung paano gamitin at makibagay sa kung anong pangangailangan ang
hinaharap natin.

Bilang isang kabataan parin, at parte nang pagbabago sa mundong ito, importanteng meron
tayong sapat na kaalaman para maayos nating mahawakan ang ating mga salapi. Gamit ang P.E.R.A ,
Protektado, Epektibo, Realistiko, at Asenso, bawat isa sa atin ay matututong pahalagahan ang bawat
sentimo, gayundin bilang isang kabahagi ng mundong ito tayo ay matatawag na matalinong mamamayan,
matalinong mananalapi. Protektado, sadyang napaka- sarap sa pakiramdam na ika'y kumikita sa madaling
paraan, nakakawiling tingnan ang pagpasok ng salapi sa buhay mo ngunit mahalagang maprotektahan
natin ito upang maiwasang mabiktima ng scam at kung ano-ano pa . Epektibo, ating suriin ang paglabas at
pagpasok ng pera, saan nga ba napupunta ang mga Ito, kailangang balanse ang ating pinag- kakagustuhan
upang hindi mapunta ito sa walang saysay na bagay. Realistiko, maging totoo tayo sa mga plano sa buhay,
kung gusto nating umunlad ang buhay natin simulan natin ito sa ating mga sarili, maging responsable at
disiplinado tayong mananalapi. Asenso, importanteng isipin din nating palaguin ang ating mga salapi,
gumawa tayo ng mga bagay na ikakaunlad pa ng mga pera natin, isa ito sa mga susi papunta sa inaasam-
asam nating tagumpay sa buhay.

Ang paglipas ng panahon ay sadyang napakabilis, unti-unti nating nararamdaman ang


makabagong sistema ng buhay. Modernisasyong kapaligiran, umuunlad na ekonomiya, kailangang may
magawa tayo, kailangang makasabay tayo. Hindi na nga maaalis na teknolohiya ay kakambal na ng buhay
natin, wala na tayong magagawa, andito na ito , importante na gamitin natin ang teknolohiya upang
umunlad at kumita. Makinabang sa mabuting paraan, gawing makabuluhan ang modernisasyong ito at
wag nating kalimutan ang mga hakbang sa pagsasagawa nito. Hindi masamang magtayo ng negosyo
gamit ang social media pero mabuting maging handa tayo sa mabuti at masama nitong epekto dahil alam
ko mga kapwa ko kabataan, na wala sa ating bobo at mangmang lahat tayo ay matatalino. Gamit ang
P.E.R.A, Protektado, Epektibo, Realistiko, Asenso, susi sa tagumpay, susi sa pag-unlad, diskarte sa buhay
susi sa pag-angat, ako, ikaw, sila, tayong lahat ay tatawaging matalinong mananalapi.

You might also like