Download as ppsx, pdf, or txt
Download as ppsx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

ARALIN 3

HALAGA NG PAGGALANG SA
LOOB NG TAHANAN

Maria Ruby De Vera Cas


Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
Layunin 1
Naipapamalas ang
kahusayan sa pakikinig ng
balita
Nasasagot ang mga
tanong sa mahahalagang
detalye ng napakinggang
balita
Pagbabaybay

1.kalugdan 6.responsibilidad
2.kumakalinga 7.sumasalamin
3.tradisyon 8.matimo
4.gampanan 9.katangian
5.isinasagawa 10. kamalayan
Paghahawan ng Balakid Oo
Ano ang ibig sabihin
ng huwarang pamilya?
Huwarang
Pamilya

Hindi

Sa bandang itaas nito, gumuhit ng mga


larawan na kaugnay ng salitang nililinang.
Sa bandang ibaba naman ay ang mga
larawan na kasalungat ng nililinang. Gawin
ito sa kuwaderno.
Pagganyak

Kung magkakaroon ng
pagpaparangal sa isang huwarang
pamilya, ipapasok mo ba bilang
nominado ang sarili mong pamilya?
Bakit?
Pagganyak na Tanong

Bakit pinarangalan ang pamilya


ni Manuelito Villanueva?
Gawin Natin
Pamilyang Navoteño,
Pinarangalang Huwarang Pamilyang Pilipino
Oktubre 1,2012
MULING NAPILI sa ikalawang pagkakataon ang Navotas,
sa pagkakaroon ng isang huwarang pamilya matapos
parangalan ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) ang isang pamilya sa nasabing lungsod
sa ginanap na Huwarang Pamilyang Pilipino bilang paggunita
ng National Family Week nitong nakaraang Biyernes sa SM
Mall of Asia, Pasay City.
Napili ang Pamilya Villanueva na si Manuelito
Villanueva, ama ng tahanan, ng Brgy. Tanza Navotas
City na may limang anak, mula sa 12 nominadong
pamilya sa buong Kamaynilaan.
Ang nasabing programa ay isang bahagi ng
Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s upang
mapanatili ang kalagayan ng nabanggit na programa at
maging aktibo ang mga miyembro sa kanilang lipunan.
Ang tanging ikinabubuhay ng pamilya Villanueva ay ang
pagiging mangingisda ni Manuelito habang ang asawa nito
maliban sa pag-aalaga ng kanilang mga anak ay
boluntaryo ring nagtuturo bilang guro sa Tulay ng
Kabataan Foundation. Makatatanggap ang pamilya ng
Php1,400 bawat buwan para sa edukasyon at kabuhayan
ng pamilya.
At ngayong araw ng Lunes,Oktubre 1, bibigyan ng
pagkilala ni Mayor John Rey Tiongco ang Pamilyang
Villanueva bilang huwarang pamilyang Pilipino, na
gaganapin sa Navotas City Hall Ground, sa ganap na ika-
8 ng umaga.
Sino ang bibigyan ng pagkilala?
Bakit siya pararangalan?
Ilarawan ang kanilang pamilya.
Ano ang benepisyo ng pagkakahirang
sa kaniya bilang ama ng huwarang
pamilya?
Ihalintulad ang sariling pamilya sa
pamilya ni Manuelito.
Ibigay ang hinihinging impormasyon ng talaan ayon sa
balitang napakinggan.
Ano ang
nangyari?
Paano Saan
nangyari? nangyari?

Pamagat
ng Balita
Bakit Sino-sino ang
nangyari? narito?
Kailan ito
nangyari?
Ano-ano ang dapat
tandaan upang
maunawaan ang
pinakikinggang balita?
2
Layunin
Nakapagbibigay ng panuto gamit
ang pangunahing direksyon
Naisasalaysay muli ang
napakinggang balita gamit ang mga
larawan
Pagbabaybay
Pagtuturo
ng mga salita
Ano ang ibig sabihin ng
huwarang pamilya?
Gawin Natin
Pangkatang Gawain
-Gumuhit ng larawan na
nagpapakita ng mga pangyayari sa
napakinggang balita.
Pagyamanin Natin
Pag-aralan ang mapa na ito. Subuking magbigay
ng mga panuto gamit ang pangunahing direksyon.
Ano-ano ang makikita sa
Silangan? Kanluran? Hilaga?
Timog?

Paano makararating sa lugar


kung bibigyang parangal ang
pamilya ni Manuelito?
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawain
Ito naman ang gamitin mo sa pagbibigay ng
mga panuto gamit ang pangalawang direksiyon.
Gawin Mo
Iguhit ang sariling pamayanan.
Sumulat ng limang panuto
tungkol sa mga lugar na makikita
rito. Gamitin ang mga pangunahing
direksiyon.

Paano mo maipakikita ang


pagiging magalang sa pagbibigay
ng direksiyon?
Pagsasapuso
Tukuyin kung gaano mo kadalas ginagawa ang
sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang 1 kung
madalas, 2 kung minsan at 3 kung hindi.
Gaano mo ito kadalas gawin?
Sinusunod ko ang utos ng aking mga magulang.
Iginagalang ko ang karapatan ng mga kapamilya ko.
Iginagalang ko ang kanilang pagkakaiba-iba.
Pinahahalagahan ko ang kakayahan at galing ng aming kapamilya.
Bumabati ako kapag may dumarating.
Nagpapaalam ako kapg umaalis.
Ipinapaalam ko kung saan ako pupunta.
Nagmamano/humahalik sa pisngi o kamay ng nakatatanda.

You might also like