Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Greece

- Timog silangang Europe. Mabundok kung kayat watak watak (city state)
Kabihasnang Minoan
- Ang unang sibilisasyon ng bansang Gresya ay lumitaw sa isla ng Crete. Ang sibilisasyong ito ay tinawag na Minoan sa karangalan ni Haring Minos
na sinasabing naghari noon doon.
- Ang mga ninuno ng mga taga-Crete ay nanggaling sa Anatolia at Syria. Sila ay magagaling na mandaragat at dumating sa Crete sa pagitan ng 4000
at 3000 B. C. E.
- Ang kabisera ng kabihasnang Minoan ay ang Knossos, matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo. Lahat ng daan sa Crete at nagtatapos sa Knossos.
Ang iba pang mahahalagang lugar ng kabihasnang Minoan sa Crete ay Phaestos, Gournia, Mallia at Hagia Triadha.
- Ang sining ng pagpipinta ay ipinakita ng mga Minoan sa dalawang larangan – sa mga fresco at mga palayok.
- Bull Dancing – imahe na madalas inilalarawan ng mga fresco ng mga Minoan.
- Tinanggap ng mga Minoan ang impluwensya ng Egypt sa kanilang sining. Ilan sa mga ito ay ang double axe, figure-of-eight shield at ang trident.
Kabihasnang Mycenaean
- Ang mga Mycenaean ay mga katutubo ng lugar sa paligid ng Caspian Sea.
- Noong 1900 BCE, lumikas sila at pumunta sa Greece kung saan sila nagtatag ng kanilang mga sariling lungsod.
- Agamemnon – Ang pinakatanyag na hari ng Mycenaea.
- Heinrich Schliemann – Nakatuklas ng guhong labi ng Mycenaea.
- Mayroong sariling sistema ng pagsulat ang mga Mycenaean na tinawag na Linear B.
- Ang mga Mycenaean ay may paniniwala sa isang makapangyarihang diyos, si Zeus na naghahari sa isang pamilya ng mga diyos at diyosa.
- Ilang taon makalipas ang ika-13 siglo BCE., ang kabihasnan ng Mycenaea ay bumagsak.
Panahong Hellenic
- Naganap ang Panahong Hellenic bandang 800 hanggang 338 B.C.E
- Tinawag ng mga sinaunang Greek ang kanilang sarili na “ Hellenes”.
- Polis – Ang tawag sa mga unang pamayanan sa Greece na itinuturing na lungsod-estado o city state sa kadahilanang ito ay malalaya, may sariling
pamahalaan ang bawat-isa at ang pamumuhay ng mga tao ay nakasentro sa iisang lungsod.
- Napaliligiran ito ng matitibay na pader bilang proteksiyon laban sa mga mananakop.
- May acropolis, o pinakamataas na bahagi ng polis.
- May agora, o pampublikong pamilihan at liwasan.
Sparta
- Ang Sparta ay isang estado- military na matatagpuan sa timog na bahagi ng Peloponnesus.
- Kalalakihan (magsilbing mandirigma sa sparta)
- Kababaihan (mga karaniwang atleta. Tungkuling magsilang ng malulusog na anak
Athens
- Ang Athens ay isang demokratikong estado nan ang papahalaga sa pangkaisipang aspeto ng tao
- Kalalakihan (magaral at magpakadalubhasa)
- Kababaihan (nakatuon sa gawaing pangtahanan)
Ginintuang panahon ng athens
- Delian League- binubuo ng 140 kasaping polis upang patatagin ang depensa ng Greece laban sa mga Persian.
Banta ng Persian
- Mula sa silangang bahagi ng Greece
- Darius I (hari ng Persia)
- Xerxes (anak ni Darius)
Ang tunggaliang Sparta at Athens
- Peloponnesian League- itinatag, sa pangunguna ng Sparta
- Ang hidwaan sa pagitan ng Athens at Sparta ay humantong sa Peloponnesian War.
Imperyong Macedonian
- Philip hari ng Macedonia, hinangad na pagisahin ang mga lungsod-estado sa Greece at bumuo ng hukbong sandatahan
- 338 BCE ang Macedonia ay sinalakay ng Athens at Thebes
- Dahil sa pagkawagi ng Macedonia sa Athens at Thebes, ang buong Greece maliban sa Sparta ay napasailalim ng Macedonia
- Alexander the great anak ni philip at naging hari ng Macedonia at Greece sa edad na 21
- ang Persia, Egypt, Afghanistan at hilagang India ay kanyang nasakop at nagtatag siya ng imperyo sa kanlurang Asya at pinalaganap
Ang kaisipang Greek
- noong 323 BCE sa gulang na 32 taon namatay si Alexander sa Babylon sa hindi matiyak na karamdaman
Pamanang ng Greek
- Iliad at Odyssey- pinakadakilang epiko ng Greece. Nagmula ang epikong ito kay Homer, isang bulag na makata
- Sumamba ang mga sinaunang Greek sa mga diyos at diyosa.
- Aris- digmaan
- Athena- karunungan
- Demeter- diyosa ng agrikultura at pagkamayabong
- Hades- diyos ng underworld
- Poseidon- karagatan
- Dionysus- alak at pagsasaya
- Doric, Ionic at Corinthian
- Alphabeto
- Trahedya- dula tungkol sa pag- ibig, digmaan, pagtataksil, at pagkamuhi. Ito ay may kalunos- lunos na katapusan.
- Komedya- nakatatawa o mapanuyang tono
- Socrathic Method- pagkamit ng kaalaman sa pamamagitan ng tanungan at sagutan
- Hippocrates- iniambag niya sa larangan ng medisina ang Hippocratic Oath , isang kodigo ng mga wastong kaasalan sa panggagamot.
- Aristarchus – mas Malaki ang araw sa daigdig at gumagalaw paikot sa araw ang daigdig.
- Pythagoras- Pythagorean Theorem, nagpapaliwanag sa relasyon ng mga side ng isang right triangle sa isa’t isa.
- Euclid- “Ama ng Geometry”
- Herodutos- “Ama ng Kasaysayan”(History of the Persian Wars)

You might also like