A Love Story

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

A Love Story

Written by toneewritestragedies

NOTE: All the names, scenes and events in this short story is purely fictional. Any
resemblance to true person or events are coincidental. Please, don�t publish this
work in any website as your own. It�s plagiarism. If you want to publish this, be
sure to inform the writer and put the credits. THANKS


***


A Love Story
Clich�, but not-so-typical love story of best friends.
��
�Kath, mahal ko talaga sya.��Halos maluha ako sa sinabi ni Rence. Kung gaano sya
ka-inlove nung sinabi nya yan saken, yung puso ko naman, parang dudugo na. Ang
sakit malaman at marinig na sinabi sayo mismo ng taong mahal mo na may iba syang
mahal. Yung gusto mong umiyak at sumigaw dahil sa sakit na nasa puso mo pero di mo
magawa? Na tatakpan mo ng mga ngiti ang lungkot sa puso mo? Na sasabihan mo sya ng
mga encouraging words para ipursue nya yung pagmamahal nya dun sa babaeng gusto nya
pero sa loob mo sana ikaw na lang ang minahal nya?


Ang hirap.

Wala nang mas sasakit pa.


�E-eh di ligawan mo sya. Parang may gusto rin naman sya sayo e.��sabi ko sa kanya
sabay ngiti. Pilit kong tinatago sa puso ko yung sakit. Na kung pwede ko lang
ihabol sa kanya na, �Ako rin, gusto kita Rence.� Pero di ko kaya. Di ko magawa.
Ayokong masaktan ako ng sobra. To the point na kahit isipin ko palang na sabihin ko
yun sa kanya, rejected na kaagad ako.


�Yun na nga e, nararamdaman kong may gusto rin sya saken. Kaso aalis sya. Pupunta
sya sa probinsya nila. Baka mahirapan akong sabihin yun.��Nakita ko sa mga mata ni
Rence na nag-aalangan syang umamin kay Raphaella. Inakbayan ko sya at pinalakas ang
loob nya.


Ano pa nga ba ang magagawa ko bilang ulirang BEST FRIEND?


�Ano ka ba Rence! Cheer up! Wag kang mawalan ng pag-asa. Alam mo, ang mga girls,
naghihintay lang sila ng time para kausapin sila ng lalakeng gusto nila. Alangan
namang si Raphaella pa ang umamin sayo diba? Hey, be a gentleman.�


Rence, naghihintay ako. Naghihintay ako na sabihing gusto mo ako. Umaasa ako..


Pakiramdam ko gumagaralgal na yung boses ko and in any time, maiiyak na ko.
Parang..Di ko na ata kaya magstay pa rito ng matagal. Na dapat mailabas ko na lahat
ng sakit na nasa puso ko ngayon.


�Tama ka nga siguro Kath. Oo, aamin na ko sa kanya mamaya. Pupunta ako sa kanila.
Sasabihin ko na yung totoong feelings ko. Ayoko na magkunwari.��Puno ng pag-asa
yung tono ng pananalita ni Rence. Pero ako?Heto, umaasa.Pa rin. Sana man lang may
masamang hangin umihip sa puso nya at maramdamang ako pala ang mahal nya at hindi
ang iba. Pero wala. Hanggang panaginip ko lang masasabi at mararanasan yun.


�Very good! P-proud talaga..ako..sayo.�**sniff**�yan ang tunay
na�**sniff**�lalake.. Di naduduwag..�**sniff**�magsabi ng �feelings nya�**sniff**�
Sorry Rence, di ko na mapigilan ang luha ko. Pasensya na.


Nagulat sya ng Makita akong umiiyak. Kahit di nya alam ang dahilan kung bakit,
inakbayan nya ako at pinunasan ang mga luha ko. Mga luhang di nya alam na sya pala
ang dahilan.


�O Kath! Bakit k-ka naman umiiyak?Ano �yun? Bigla ka na lang umiiyak dyan e.�


Hinawi ko yung kamay nya at pinunasan ko ang mga luha ko. �W-wala to Rence.Tears of
joy.Hehe. Kasi aaminin mo na kay Raphaella na gusto mo sya. Masaya lang ako p-para
sayo.�


Ngumiti sya at bigla akong niyakap. Kung pwede ko lang ipadama sa mga yakap nya na
mahal ko sya,kung pwede ko lang ipadama na sana patahanin nya ako sa pagluha, kung
pwede lang sana ipadama sa kanya na sana mahalin nya rin ako.


�Haha. Di mo naman kelangang madala sa emosyon ko Kath. Basta�t andito ka para
suportahan ako, lalaban ako. Nakataya ang love life ko rito e. pag napasagot ko si
Raphaella, lalabas tayo twing sabado. Pero syempre sa 6 days na in a week, siya ang
kasama ko.���Kinindatan nya ako. Bakit ba kelangan may mga ganitong pakiramdam sa
mundo? Yung nanandyang manakit?� �Kaya wag ka nang iiyak ha. Papanget ka nyan, hala
ka.Wala magkakagusto sayo hehe.�


Sana magustuhan mo rin ako Rence. Kapag ba itinigil ko na yung pag-iyak ko,
mamahalin mo rin na ba ako?


***



9pm. Ilang oras na rin ang lumipas mula nang magkausap kami ni Rence tungkol sa
pagconfess nya ng feelings nya kay Raphaella. Siguro ngayon, maayos na sila at
nakapag-aminan na ng pagmamahal nila sa isa�t isa. Kapag naiisip ko na magkahawak
ang mga kamay nila, na masaya silang nag-uusap, mas lalo akong nasasaktan at mas
naiiyak. \


Masayang mabuhay. Pero kapag nararanasan mo ang ganitong sakit, parang katapusan na
ng mundo�para sa mga bigo katulad ko.


Calling..
Rence


Ha? Anong meron at tinatawagan nya ako? Akala ko miss call lang pero hindi e,
tinatawagan nya talaga ako.


�Hello?��sagot ko sa kanya.


�Kath..��kung kanina determinado sya, parang ngayon, ang lungkot nya.


�Bakit Rence? May problema? Anong nangyari?Asan si Raphaella?�


�Nahuli na ako Kath.�


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko sa kanya. Pakiramdam ko, sa
isang iglap parang unti-unting nawawala ang sakit.


�Kath, di ko na nasabing mahal ko sya. Pagpunta ko sa bahay nila, nakaalis na sya.
Nahuli na ako. Ang tanga ko!!�


Hindi ko alam kung tatawa ba ako, magugulat o matutuwa e. may chance na ako kay
Rence.


Di na ako makapagsalita, gusto kong sumigaw at magtatalon sa tuwa. May pag-asa pa
ako.. Meron pa.. Di ako titigil hanggang mahalin ako ni Rence.


�Kath? Hello? Andyan ka pa ba? Sabi ko��


�Oo Rence, nandito pa ako. P-paano ba �yan? Eh di hihintayin mo na lang sya b-
bumalik dito?�


�Uhhm, siguro. Di naman mawawala yung feelings ko para sa kanya. Kapag bumalik sya,
nandito pa rin yun. Mahal ko pa rin si Raphaella.�


Aww.


***


Sa halos isang linggong magkasama kami palagi ni Rence, wala akong ginawa kundi
ipadama sa kanya yung totoong nararamdaman ko, yung pagmamahal ko. kahit di ko man
sabihin sa kanya ng direkta na mahal ko sya, pinaparamdam ko naman yun thru
actions. Alam ko, nafi-feel kong alam na nya na may gusto ako sa kanya..



Tumagal ang mga araw, naging linggo, at ngayon halos isang buwan nang di umuuwi
galing probinsya si Raphaella. Masaya akong sabihin na mas nagkakalapit na kami ni
Rence, na parang higit pa sa magkaibigan ang turingan namin. Akala nga ng iba
naming kaibigan eh kami na. kung pwede nga lang sabihing �OO� e. pero syempre gusto
kong si Rence ang mag-initiate tungkol sa magiging relasyon namin na nagiging higit
pa sa natural naming pagsasama bilang magkaibigan. Nilulubos-lubos ko lang ang mga
panahon na kasama ko sya at kaming dalawa lang. nandito sa puso ko, at alam kong
ako na rin ang mahal ni Rence.


***


Birthday ko. masasabi kong isa to sa pinaka-espesyal kong kaaarawan dahil bukod sa
18th birthday ko e nandito rin si Rence. Siya ang escort ko. sa buong duration ng
party, palagi akong nakangiti at masaya. Isa na rin siguro na maramdaman na nawala
na yung sakit nung ma�reject� ako emotionally ni Rence. Ngayon parang may mas pag-
asa na ako.


Sobrang saya ko talaga nang si Rence ang maging last dance ko sa debut. Umaapaw
yung saya sa puso ko at mas minahal ko pa sya kesa dati. Ngayon ko lang naranasan
ang maging ganito kasaya at maging in love. Si Rence na talaga ang para sa akin.
Kung wala sya sa buhay ko, di ko na alam..



�Kath. Ahm, may gusto sana akong ibigay sayo.��Sabi ni Rence saken nung nakaupo
kami. Tapos na kasi ang program proper, bale sayawan na lang ngayon.


Bigla naman akong kinilig na ewan. �Sige, ano �yun?�


Tumayo sya at inoffer saken yung kamay nya.�Doon tayo sa tahimik na lugar. Mas
maganda kung nandun tayo.�


Nginitian ko sya at hinawakan ang kamay nya..��Sure�


Sa may likod ng pavilion kami pumunta. Ang romantic ng setting.May mini-garden at
tree lights. Mas natuwa ako nang makakita ng mga fireflies na lumilipad sa paligid
namin. Ang masasabi ko lang? effortlessly perfect.


Tumikhim sya at saka niluwagan ng kaunti yung necktie nya. Ito na Kath. Ito na..



�Kath.Happy birthday ulit. Alam mo sobrang saya ko na ikaw ang naging bestfriend
ko. palagi kang nandito sa tabi ko pag may kelangan ako o kung naaalanganin ba ako
o masaya. Sa lahat ng ups and downs ko, nandito ka. di mo lang alam kung gaano ako
ka-proud na ikaw ang best friend ko. nang umalis si Raphaella, akala ko katapusan
ko na rin yun. Kala ko di ako magiging masaya pero mali ako. Muntik ko nang
malimutan na may Kath pala sa tabi ko na hindi nagsasawang samahan ako sa lahat ng
nangyayari sa buhay ko.�


Sobrang naliligayahan ang puso ko sa mga naririnig ko kay Rence. Naiiyak na rin ako
sa tuwa. Salamat at nalaman nya yung importance ko sa buhay nya.


�Naging mas masaya ako na kasama ka Kath. Doon, mas v-in-alue ko yung friendship
natin. Mas v-in-alue kita. Mas naging importante ka sa buhay ko��


Sorry kung napakaiyakin ko pero di ko na napigilan ang sarili kong maiyak sa tuwa
sa naririnig ko. akala ko dati katapusan na para sa akin at wala na akong pag-asa.
Meron pa rin pala. Pinakinggan ng Diyos ang hiling ko.



�Hey, wag ka namang maiyak dyan Kath. Ang ganda na nga ng eksena ko e, umiyak ka
pa.��biro nya saken. Hinampas ko naman sya ng mahina sa braso.


�Eh sa naiiyak ako e. tears of joy to ano.��Sabi ko sa kanya. �Teka, asan na ba ang
ibibigay mo saken ha? Words of gratitude lang ba ang regalo mo? Wala nang dagdag
haha.�


Pinisil nya ang magkabilang pisngi ko.��Meron ano. Pinag-ipunan ko to nang matagal
para lang sayo..��may kinuha sya sa bulsa na isang maliit na box. Ewan ko ba, ang
lakas ng tibok ng puso ko..



�For you Kath.Happy birthday.��Binuksan nya sa harap ko yung maliit na box..na
naglalaman ng singsing.. Isang napakaganda at eleganteng singsing. Di ko alam pero
mas naluha ako, mas naramdaman kong mahalaga ako kay Rence..


Di ako makapagsalita sa sobrang saya, kilig at excitement lalo na nung sinuot nya
sa index finger ko yung singsing.



�Ang ganda. Sabi ko na e, bagay sayo at kasya pa. naku, ingatan mo �yan. Ang mahal
pa naman ng bili ko dyan. ��asar nya saken.


�OO. Iingatan ko to. Salamat Rence. Di ko alam ang irereact ko dito. Ang ganda
ganda nito. Thank you.�


�You�re welcome.��Saka niyakap nya ako.


Pagbitaw ko sya kanya sa pagkakayakap nya, tinanong ko sya.��Bakit mo naman ako
binigyan nito.Masyado atang mahal?�


Ngumiti sya. �Alam ko, pero wala akong di bibilhin sa bestfriend ko. aside sa
birthday gift, token of gratitude ko na rin yan sayo Kath..�



Token of gratitude?


�Kath. Thank you. Dahil sayo mas lumakas ang loob kong umamin kay Raphaella. Sinabi
ko na sa kanya na mahal ko sya. Kath, kami na! girlfriend ko na si Rapahaella! It�s
official, sinagot nya ako last week. Sorry kung ngayon ko lang nabanggit sayo ha.
Gusto ko kasing isurprise ka para mas masaya tayong nagse-celebrate ng debut mo.
Diba ang saya? Salamat Kath! Dahil sayo nagpursigi ako. Tinext ko sya at tinawagan
pati nagcha-chat sa webcam. Doon nya ako sinagot Kath! Ang saya saya ko! ang hirap
pigilin yung saya pero ngayon�arrgh! Ang sarap isipin na girlfiend ko na si
Raphaella. Ang saya talaga! Salamat Kath!! You�re the best best friend in the
world!�


Pakiramdam ko, napako ako sa kinatatayuan ko.
Pakiramdam ko, tumigil ang mundo ko.


Kung kanina lumluha ako dahil sa saya, ngayon naman mas umaagos pa ito dahil sa
sakit. Kaya pala sobrang saya nya last week, kaya pala nya ako binigyan ng ganito
kaespesyal na regalo�dahil sila na pala ni Raphaella.



Sobra sobrang sakit!


Sana may sniper man lang na maligaw at tumama sa akin para mawala na lang ako
bigla. Ang sakit Rence! Umasa ako sayo! Akala ko mahal mo na rin ako katulad ng kay
Raphaella. Hindi rin pala. Ginawa ko ang lahat para mawala sya sa puso mo pero wala
ding nangyari! Sya pa rin ang gusto mo. Sobra akong nag-effort�sa wala din naman
pala mapupunta. Rence! Mahal kita alam mo ba �yun? Mahal na mahal na mahal kita!
Mas nauna pa kitang mahalin kesa kay Raphaella! Ako yung laging nasa tabi mo, ako
yung karamay mo sa lahat ng saya at lungkot, Ako yung palagi mong katabi pero bakit
ayaw mo sa akin Rence?! Bakit di mo ako mahal? Ang sakit sakit! Lahat ng pag-ibig
na kaya kong binigay, binigay ko sayo to the point na wala ako halos itira sa
sarili ko tapos ganito lang?



Nagmahal ako ng taong hindi pala ako kaya mahalin?



�Kath?Ano?Naspeechless ka ata.Ang saya diba? Kami na ni Raphaella�



Naiinis ako sa sarili ko. Sobra. Ang tanga tanga ko para umasa sa kanya..



�Congrats Rence..a-ang galing mo..biruin mo..napasagot mo siya.. ang galing
talaga..Idol���tinapik ko yung brasao nya habang umiiyak.


�Magaling ako? Eh bat ka umiiyak dyan ha? Tears of joy?�



Tears of sorrow and hurt to Rence. Sorry.��O-oo. Masaya ako para sa inyo..��gusto
ko nang maglupasay! Rence mahal kita! Sobra.



Tumalikod sa kanya at naglakad. Di ko na to kaya. Gusto ko pang umiyak nang umiyak.



�Kath?Saan ka pupunta? Okay ka lang?�



�Magsi-cr lang ako Rence. Kanina pa kasi ako n-naiihi e.��pagsisinungaling ko sa
kanya.� Ang gusto ko lang naman gawin e magkulong sa kwarto ko at umiyak ng
umiyak..



�Sige.Hintayin kita ulit rito.�



Ayoko na Rence. Nawalan na ako ng pag-asang ipaglaban yung pagmamahal ko sayo..di
ko na kayang sabihing mahal kita..



�S-sure.Sige ba hehe.�


�Okay ka lang ba talaga ha?�


Nag-ok sign ako sa kanya nang di lumilingon. Naglakad ako ng direcho hanggang sa
tumakbo palayo sa kanya.



Palayo sa pag-ibig kong ako lang pala ang umaasa..

You might also like