LP - ESP July 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

COLEGIO DELA NUESTRA SEÑORA DE GUADALUPE

Summitville Subdivision Putatan, Muntinlupa City

BANGHAY ARALIN

Asignatura ;  Edukasyon sa Pagpapakatao


Paksa:  Pagmamahal at Pag-aalaga sa sarili, Gawaing Mabuti
Baitang: Unang Baitang
Hulyo 3 – Hulyo 8 : 100 minuto
Petsa; Oras:

Sanggunian: Butil ng Pagpapahalaga ni Voltaire M. Villanueva

Mga Kagamitan Aklat at Iba’t-ibang larawan


I. Pamantayang  Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sariling
Pangnilalaman: kakayahan,pangangalaga sa sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng pamilya
II. Pamantayan sa
 Naipakikita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili
Pagganap:
III. Batayang  1. Nakikilala ang sariling: 1.1. gusto 1.2. interes 1.3. potensyal 1.4. kahinaan 1.5. damdamin
Kasanayan: / emosyon
IV. Time Frame:  20 minuto
V. Proseso ng
Pagkatuto: Ika-anim Araw - (Hulyo 09, 2018)
Layunin

 Natutukoy ang iba’t-ibang sakit na maaring makuha sa di tamang


pangangalaga ng sarili.
 Nauunawaan ang mga naidudulot ng sakit sa ekonomiya, gawain at oras.
 Nakakapagsadula ng positibo at negatibong dulot ng pagkakasakit ng isang
tao.

Araw araw na Gawain

 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng liban
 Pamamahala sa Silid-aralan
 Pagbabalik aral

Pagganyak

Bumuo ng apat na pangkat na magiging kasama sa pagbabahagi ng sagot sa


sumusunod na katanungan. Bawat isa ay magiging kinatawan sa bawat bilang ng
mga tanong na ipahahayag sa buong klase matapos buuhin ang sagot sa inyong
sariling pang-unawa.

Pangkat 1 – Anu-ano ang iba’tibang paraan upang maging malinis at malusog


ang pangangatawan?
Pangkat 2 – Ano ang magiging kapalit ng pagiging malinis at malusog?
Pangkat 3 – Kung hindi naging malusog at malinis ano ang mangyayari?
Pangkat 4 – Bakit isang mabuting kasapi ng pamilya ang batang malinis at
malusog?

Pagtalakay

Mga bata napakahalaga ng pagiging malusog at malinis sa katawan dahil ito ay


isang kayamanan. Alam niyo ba na may iba’t-ibang maaaring maapektuhan kung
tayo ay magkakasakit. Anu-ano sa palagay niyo ang mga ito? Tama!

1. Maaaring tayo ay magkagastos ng Malaki, lalo na kapag tayo ay nahospital.


2. Maaari ding tayo ay lumiban sa klase kung tayo ay may sakit at di natin
magagawa ang araw-araw na Gawain.
3. Maaari ding maaksaya ang ating panahon o oras sa pagkakasakit.

Pagsusuri

Sa ating pagbabalik-aral nabanggit niyo na mahalaga ang tamang kalusugan at


kalinisan sa sarili tulad ng:

 Paliligo araw-araw
 Magsipilyo matapos kumain
 Gumamit ng sarili at malilinis na gamit.
 Wastong paraan ng pagkain

Paglalahat

Ngayon, mga bata ating tandaan na ang tamang kalusugan ay kayamanan rin,
kung kayo ay malusog, maaaring maiwasan ang malaking gastos sa pamilya,
abala sa mga dapat gawin at maaring di maaksaya ang oras.

Paglalapat (Gawain)

Bumuo ng dalawang pangkat at bumuo ng dula-dulaan tungkol sa:

Unang pangkat - tamang kalusugan, yaman ng pamilya


Pangalawang Pangkat – sakit dulot ay hirap sa pamilya

Pagtataya

Iguhit ang tsek ( ) kung ang binabangkit ay yamang kalusugan at ekis


(X) kung hirap na dulot ng sakit.

_____1. Si Ana ay lumiban sa eskwela dahil sa sipon.


_____2. Siya ang hindi nahuhuli sa klase dahil siya ay natutulog ng maaga.
_____3. Matataas ang kanyang mga grado dahil kumakain siya ng
masusustansiyang pagkain.
_____4. Kumakain ng tsokolate araw-araw, kaya namaga ang ngipin.
_____5. Nagtatakip ng bibig kung uubo.

Kasunduan

1. Sumulat ng isang pangako sa sarili upang mapanatiling malinis at malusog?


Ikapitong araw – (Hulyo 10, 2018)
Layunin

 Nakapagbubuo ng pangako sa sarili, sa kapwa o pamilya upang


mapanatiling malusog at malinis.
 Nakakagawa ng simpleng awitin upang makaiwas sa sakit.
 Nakakapagpapahalaga ng aralin tungkol sa kalusugan.

Araw araw na gawain


 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng liban
 Pamamahala sa Silid-aralan
 Pagbabalik Aral

Pagganyak

Bumuo ng tatlong grupo at bumuo ng isa, dalawa o tatlong pangako sa sarili


upang mapanatiling malinis at malusog ang katawan.

Pagtalakay

Para sa inyo, ano ang kahulugan ng:

KALINISAN KALUSUGAN

Pagsusuri

Ang bawat bata ay nagpapahayag ng kanilang naintindihan sa pamamagitan ng


tamang paraan ng pagpili ng wastong pagkain ng isang tao sa araw-araw.

Paglalahat

Ngayon, mga bata may kakayanan na kayong makabuo ng pangako sa inyong


sarili, dapat ding tandaan na ang pangakong ito ay di lamang mananatili sa ating
sarili kundi pati na sa ating kapwa o pamilya.

Paglalapat (Gawain)

Bumuo ng dalawang pangkat at bumuo ng awitin na may pamagat na “Hiling”


Ito ay hiling tungkol sa kung papaano makakaiwas sa sakit o karamdaman.
Pagtataya

Bilugan ng dilaw na kulay ang salita na nangangako tungkol sa kalusugan at guhitan


ng kahel kung ito ay hindi nangangako tungkol sa kalusugan
.

 Ako ay susunod ng pag-inom ng gamit kapag may sakit.

 Maglalaro ako maghapon sa labas kahit maiinit o maulan.

 Matutulog ako ng walong oras sa isang araw

 Magbabasa ako ng may tamang liwanag ng ilaw.

 Hindi ako kakain ng matatamis o maaalat na pagkain.

 IInom ako ng malamig na soft drinks kapag nauuhaw.

Kasunduan

1. Bilang isang malusog na bata, paano niyo ibabahagi ang inyong kakayahan sa mga
gawaing bahay?
Iikawalong araw – (Hulyo 11, 2018)

Layunin

 Matukoy ang mga kakayahan sa mga Gawaing bahay.


 Mapahalagahan ang pagbahagi ng kakayahan sa mga Gawain.
 Makabagi ng pagtulong sa pamamagitan ng paglalahad ng sariling karanasan
na nagagawa sa kanilang sariling tahanan..

Araw araw na gawain


 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng liban
 Pamamahala sa Silid-aralan
 Pagbabalik Aral

Pagganyak

May iba’t-ibang Gawain ang nakatala sa pisara, alin-alin doon ang kayang gawin ng
isang batang nasa Unang baiting.

Pagtalakay

Ngayon, mga bata, kayo ba ay nakapagbabahagi na ng inyong kakayahan sa inyong


tahanan? Anu-ano ang mga gawaing ito?

Pagsusuri

Ano ang inyong nararamdaman kapag kayo ay nakapagbabahagi ng inyong


kakayahan sa mga Gawain sa inyong tahanan?

Paglalahat

Mga bata inyong tandaan na kung tayo ay may magandang kalusugan at disiplina sa
sarili dapat din natin itong ibahagi sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing
bahay, yun lang namang mga bagay na kaya niyong gawin.

Paglalapat (Gawain)

Bumuo ng dalawang grupo na nagpapakita ng mga Gawain na naitutulong ninyo sa


inyong tahanan. (gamit ang rubrics)

Pagtataya

Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng pagtulong sa mga gawaing bahay.


Kasunduan

1. Anu-ano ang mga kakayahang maaaring ibahagi sa paaralan?


Ikasiyam na araw – (Hulyo 12, 2018)
Layunin

 Maintindihan ang kahulugan ng konsensya at paggalang.


 Mapag-iba ang taong may konsensya at pagglang sa wala.
 Makagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng taong may konsensya at
paggalang.

Araw araw na Gawain

 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng liban
 Pamamahala sa Silid-aralan
 Pagbabalik Aral

Pagganyak

Ang guro ay magkukwento ng isang maikling kwento na may pinamagatang “ Si


Konsensya, Aking Kaibigan”. Mga bata makinig ng mabuti at pagkatatapos may mga
bagay akong itatanong sainyo.

Pagtalakay

Nasiyahan ba kayo o nahiwagaan sa maikling kwento na aking ibinahagi.


 Sino sina Mona at Konsensya?
 Anu-ano ang nangyari sa usapan nina Mona at Konsensya?
 Bakit naging masaya sina Mona at Konsensya sa pakikipag-usap sa isa’t-isa?

Pagsusuri

 Paano magiging isang mabuting bata sa tulong ng sariling konsensya?

Paglalahat

 Alam niyo ba ng ang pagsunod sa tamang konsensya ay nagiging daan tungo


sa kabutihan at paggalang?

Paglalapat (Gawain)

 Bumuo ng isang dula-dulaan na may pamagat na “Ang batang may konsensya


at batang magalang” at ito ay isasadula sa harapan.

Pagtataya

Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


tamang pagsunod sa konsensya at may paggalang, malungkot na mukha nman
kung walang pagsunod o paggalang.

_____1. Ako ay sumasagot ng may “po at opo”.


_____2. Si Maria ay lumiliban sa klase ng walang dahilan.
_____3. Sinasagot ko ng pabalang ang aking guro kapag mahirap ang pinagagawa.
_____4. Nagsisinungaling ako upang huwag mapagalitan
_____5. Pumipila ako ng maayos bago pumasok ng aming klase.
6. Ginagawa ko ang aking kasunduan bago maglaro.
7. Sinusunod ko ang tamang oras ng pagtulog.
8. Ayaw kong makinig sa aking guro kapag siya ay nagpapaliwanag.
9. Ginagalang ko ang lahat ng taong makakasalamuha ko.
10. Nagsasabi ako ng “makikiraan po kapag may dalawang taong nag-uusap sa
daraanan ko.

Kasunduan

VI. Pagtatasa:
Ikalimang araw – (Hulyo 08, 2018)

Layunin

 Mapagtanto ang tunay na yaman ng pamilya


 Ibahagi ang tunay na kalakasan at kahinaan
 Sabihin ang mga tunay na yaman ng pamilya na dapat ipamana

Araw araw na Gawain

 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng liban
 Pamamahala sa Silid-aralan
 Pagbabalik Aral

Pagganyak

Bumuo ng apat na grupo at punan ang bawat bintana sa pisara ng isang tiyak na
halimbawa upang masilip ang iba’t-ibang pagpapahalaga na umiiral sa iyong
pinagmulang pamilya.

1) Pagmamalasakit/Pagtutulungan
2) Pagmamahalan at Paggalang
3) Pagsunod sa Alituntunin
4) Pagtupad sa Pinag-usapan

Pagtalakay

Magaling ang bawat isang grupo ay nakapagtala ng pagpapahalaga na umiiral sa


kanilang pamilya. Ngayon ating talakayin ang Pagkilala sa sarili: Dugtungan ang
mga bitin na pahayag upang ipahayag ang pagiging mabuting kasapi ng pamilyang
kinabibilangan.

 Masayang buklod ang pamilya dahil ______________________________


 Mahalagang buklod o nagkakaisa ang pamilya sapagkat
___________________________________________________________
 Kung hindi mabubuklod ang pamilya _____________________________

Pagsusuri
Ano ang napatunayan ninyo sainyong sarili sa pagtuklas ng inyong kalakasan at
kahinaan?

Paglalahat

Ating napapatunayan na ang kahinaan ng bawat isa o pamilya ay maaaring maging


kalakasan at maging yaman kung tayo ay may
 Pagmamahalan
 Paggalang
 Pagsunod sa alituntunin
 Pagsunod sa napag-usapan
 Pagtutulungan

Paglalapat (Gawain)

Bumuo ng apat ng pangkat na gagawa ng tila nagpapakuha ng litrato. Sa hudyat ng


guro ay ipapamalas ang sumusunod na larawan.

Pangkat 1 – Nagmamahalang pamilya


Pangkat 2 – Tumutupad sa Usapang Kasapi ng Pamilya
Pangkat 3 – Nagtutulungang Pamilya
Pangkat 4 - Sumusunod sa Alituntunin ng Pamilya

Pagtataya

Piliin sa loob ng kahon ang akmang pagpapahalaga sa pamilya sa sumusunod na


sitwasyon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

a. Pagmamahal
b. Paggalang
c. Pagsunod sa alituntunin
d. Pagsunod sa napag-usapan
e. Pagtutulungan

______1. Agad na umuuwi sa tahanan pagkatapos ng klase para makatulong sa


gawaing bahay.
______2. Bago matulog at pagkagising, agad na humahalik sa mga magulang.
______3. Kasama ang kapatid sa paghuhugas ng mga plato upang madali itong
matapos.
______4. Bago umalis at pagdating galling sa paaralan nagmamano sa mga
magulang at nakatatanda.
______5. Isinasapuso ang bilin ng magulang na kapag may kausap na matanda ay
bawal sumali sa usapan.

Kasunduan

1. Bakit may kasabihang “Ang kalusugan ay kayamanan”?

You might also like