Kasaysayan at Kultura NG Mga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Kasaysayan at Kultura ng mga Blaan

Posted on November 28, 2016


Matapos pag-usapan ang kasaysayan at ang mga Talaingod Manobo, ating pag-
usapan naman ang isa pa sa 18 Lumad tribes na matatagpuan sa Mindanao, ang mga
B’laan, na kabilang sa mga indigenous people’s group na bumiyahe mula sa
Mindanao para makiisa sa Lakbayan 2016

Ayon kay Dolphing Cugan, isa sa mga pinuno ng mga Blaan, ang kanilang tribo ay
nagsimula bago pa ang panahon ng mga Espanyol. Noong panahon ng Sinaunang
Pamayanan kung saan ang kalakalan ay masagana bago dumating ang mga Espanyol,
mayroong dalawang magkapatid na pinuno, sina Flasap at Pley Fubli. Nag-asawa si
Pley Fubli ng isang mangangalakal mula sa gitnang silangan habang si Flasap naman
ay hindi. Ang mga anak ni Flasap ang kasalukuyan ngayong ninuno ng mga 18
grupong Lumad habang ang mga anak naman ni Pley Fubli ay ang mga ninuno ng 13
grupong Moro ngayon.

Dolphing Cugan, isang B’laan, Secretary-General ng kasagla

Bagamat ang makikitang nakatala sa kasaysayan ay ang ngalan ng grupo ng mga


Moro, hindi ibig sabihin nito ay wala nang nagawang pakikipaglaban at
pagdedepensa ang mga Blaan.
Panahon pa lamang ng mga Espanyol ay nakikipagdigma na ang mga Blaan upang
depensahan ang kanilang teritoryo, ang lupang ninuno. Nilabanan ito ng mga angkan,
ng mga pamilya, ng buong komunindad. Naging matagumpay naman ang
pakikipaglaban nilang ito dahil hindi gaano naabot ang mga Blaan ng mga
ideolohiyang kolonyalistang Espanyol, maging ng relihiyong Katolisismo.

Ngunit nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, naabot nila at ng kanilang mga
ideolohiya ang kaloob-looban ng Mindanao, gayundin ang komunidad ng mga Blaan
dahil na rin sa mga missionary works ng relihiyong Protestantismo. Kumalat na sa
mga Blaan ang mga ideolohiya at ilang kaisipang Amerikano ngunit kasabay nito ay
ang patuloy nilang paglaban sa mga epekto ng kolonyalismong Amerikano..

Nariyan ang 1905 Mining Act na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasaayos.
Karugtong niyan ang patuloy na pangangamkam ng lupa dahil na rin sa abusadong
sistema ng pagrerehistro sa lupa, at ang patuloy na pagkalimot ng pamahalaan sa
mga pambansang minorya, o “Indigenous Peoples” sa ingles. Ayon pa kay Cugan,
hindi sila nabibigyan ng kaukulang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at
pangkalusugan na dapat ay kanila ring tinatamasa.

Ang teritoryo ng mga Blaan ay nakabase hindi sa papel ngunit sa kanilang “native
title,” wika nga ni Cugan. Ang mga ito ay ang mga katawan ng lupa at tubig na
kanilang pinoprotektahan tulad ng mga bundok, bulubundukin, ilog, lawa, sapa, at
iba pa. Sabi pa ni Cugan, ang tribo ay isang tribo kung siya ay mayroong teritoryo,
kultura, at sistemang pulitikal.

Ayon sa kanya, ang teritoryo rin ang nagsasaad ng ekonomiya ng komunidad habang
ang pulitika naman ang nagsasaad sa kung papaano hinahawakan at pinapatakbo ang
buong komunidad. Datu system ang mayroon sa tribo ng Blaan habang umaabot
naman sa Sultanate system ang mga Moro. Sa katunayan, ang terminong “datu” ay
nagmula sa mga “Moro.” Hiniram lang ito ng ibang grupong Lumad dahil ito ang
pinalaganap na katawagan ng gobyerno noong panahon ni Marcos. Bong fulong ang
tawag sa katutubong pinuno ng mga B’laan (Lalo 2014, 1). Kung kaya ang datuship
ay tinatawag sa Ingles na “fulongship.” Kung isasalin sa Filipino, “pamumuno ng
fulong” ang dapat itawag dito.

Dahil na nga rin sa ang teritoryo ang nagsasaad ng ekonomiya ng kanilang lugar,
patuloy ang kanilang paglaban at pagdepensa sa kanilang lupang ninuno kahit na
mayroong mga balakid tulad ng plantasyon ng mga saging, rubber, pinya, at oil palm.
Maliban riyan ay ang sapilitang pagpasok ng mga malalaking kumpanya ng mga
pagmimina.

Gawa ng patuloy na plantasyon, pagmimina, at kawalang responsibilidad ng


pamahalaan sa mga nangyayari, marami sa mga katutubong ito ang nawawalan ng
tirahan. Ayon kay Cugan, ang pakikipaglabang ginagawa nila laban sa pagmimina at
sa pangangamkam ng mga lupain ay hindi lamang para sa kanilang mga katutubo
ngunit para sa buong bansa.

Ang mga likas na yaman ng bansa ang ninanais nilang protektahan dahil ang dapat
magtamasa nito ay ang kapwa Pilipino nila at hindi mga malalaking korporasyon
mula sa ibang bansa. Sabi pa niya, kung ang Pilipinas ay magkakaroon lamang ng
sarili at nasyonalisang pagmimina, mababawasan pag-alis ng mga Pilipinong
nangingibang bansa, mababawasan ang pag-alis at pagbawas ng human resources ng
bansa.

Maliban riyan ay isinusulong din ng mga Blaan ang laban sa sariling pagpapasiya o
self-determination. Isang paraan ng pagpapakita nila nito ay sa pamamagitan ng
edukasyon. Nagtayo sila ng mga alternatibong paaralan para sa kanilang mga
indigenous peoples. Ngunit ito ay nahahadlangan dahil na rin sa patuloy na
militarisasyon sa kanilang lugar. Bagkus ang edukasyon at pagtuturo sa kanilang lugar
ay may hinaharap pang mga sagabal. Ang mga kabataan nila ay minsan narerecruit sa
mga paramilitar. Ginagamit itong mga paramilitar maliban pa sa anti-insurgency na
kampanya ng gobyerno upang sikilin ang mga inisyatibo ng grupong Blaan para sa
sustainable agriculture.

Malungkot pang idinagdag ni Cugan na ang national operation, o ang patuloy na


pagwawalang bahala sa kanila at pagmamaliit sa kanilang mga katutubo ay isa sa
mga suliraning kanilang kinahaharap na hindi nararanasan ng ordinaryong
mamamayang Pilipino na hindi naman katutubo.
Mapa ng teritoryo ng B’laan sa Lawa ng Sebu (kaliwa); at larawan ng nasabing lawa
(kanan)

Mga kagamitan ng mga Blaan

You might also like