Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BOSES NI NANAY

Ni Hatdog

“Anak, bili mo nga ako nito!”

“Anak, pakisuyo nga nito!”

“Anak, pakiabot nga nito!”

Ang boses ni nanay ay minsan nakakaireta, lalo na pag siya ay may kailangan. Minsan tinatawag pa niya ang pangalan ko
at sasagot ako ng “bakit po?”, pero hindi siya sasagot kung bakit. Bakit kailangan lahat ako gumawa, yung tipong
sisigawan pa ako para abutin ang remote para sa TV na nasa tabi lang niya. Wag po kayo mag kamali, wala pong sakit ang
nanay ko, masigla siya, at malusog siya.

Nung nawalan kami ng katulong sa bahay, halos lahat ng utos sa akin ibinibigay, kahit apat kaming magkakapatid, at kahit
alam niya madami akong ginagawa, ito ba yung ibig sabihin ng ‘favorite child’? Minsan naramdaman ko ng itinuturing
nalang ako bilang katulong sa bahay, hindi bilang anak. Wag po kayo mag kamali, hindi po ako galit, masayahin po ako, at
magalang sa kanyang magulang.

Pero pag naririnig ko ang boses ni nanay, bumabaliktad ang mundo ko, parang lahat ng mga magandang katangian ko ay
nababaliktad at nagiging masama. Pag naririnig ko at boses ni nanay, nag iiba ako.

“Anak, baba ka dito sa kusina”

Ayan na naman, ang mahiwagang boses ni nanay, ano na naman kaya kailangan nito?

“Anak, bilisan mo, bumaba ka dito”

Minsan gusto kong utusan nanay ko eh, para maramdaman niya yung nararamdaman ko.

“Anak, na saan ka? Dali na, Anak, baba na dito”

Pero kahit pa ano, siya paren yung masusunod.

“Opo, baba na po nay, saglit lang” ang sabi ko habang nag susulat sa diary ko.

Sinarado ko ang aking diary at umalis sa aking kama habang dala ang aking cellphone. Lumabos ako ng kwarto at narinig
ko na naman yung boses ni nanay, “Nak! Dali may surpresa ako!”

Surpresa? Ano nanaman yun? Mabagal ako bumababa sa hagdanan, biglang tumunog ang cellphone ko, nakita ko na
tumatawag sakin si nanay, Ano trip nito? Sinagot ko siya “Po?”

“Nak, nan dito lang ako sa bahay ng lola mo ah? Initin mo nalang yung pag kain jan pag na gutom ka”

Sa bahay ni lola? Pero....

“Nak! Bumaba ka na! May surpresa ako! Dali!”

Hindi boses ni nanay yun.

You might also like