Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TEORYANG PAMPANITIKAN

HUMANISMO
A. Ano ang humanismo?
 Humanitas (kabaitan ng kapwa tao) + ism (paniniwala)
 Ang teoryang Humanismo ay isang pananaw ukol sa paniniwala at prinsipyong
tao.
 Isang paniniwala na mas mahalaga sa katwiran ng tao kaysa sa katwiran ng
Diyos.
Konsepto - Ito ay ang pagbibigay-halaga sa kalagayan ng sangkatauhan. Binibigyan
nito ng halaga ang bayanihan at pag-aalala sa ibang tao.
 May bunga ang panitikan sa tao. Sa humanismo ang pananaw na nakasentro sa
tao. Kinikilala ang bilang panukatan ng maraming bagay at pangyayari.
 Inilalarawan kung paanong ang tao ay nakikibaka sa buhay at mga karanasan sa
mundo. Itinatanghal ang kalagayan ng tao bilang isang indibidwal. Ang tao ay
ginagamit na batayan sa pagkilala sa sangkalawakan.
 Ang pagkakaroon ng indibidwal na pananaw sa buhay at malayang ekspresyon
ng kakayahang intelektwal ng tao ang higit na mahalaga.
 Ito ay pananaw na nakasentro sa tao sa halip na sa diyos. Sa pilosopiya, ito ay
ang pagbibigay-diin sa DIGNIDAD at KAHALAGAHAN ng isang
INDIBIDWAL.
Pinaniniwalaan ng mga humanista na …
“Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang
panginoon ng kanyang kapalaran.” – Protagoras (Villafuerte, 1988)
 Ang tao ay nilikhang RASYONAL na taglay sa kanilang sarili ang kapasidad
para sa katototohanan at kabutihan.
 Sa paglakad ng panahon lumitaw ang bagong humanismo, ayon sa mga
tagasunod nito, hindi raw dapat ipaliwanag ang kahalagahan ng tao sa
pamamagitan ng HEREDITI at KAPALIGIRAN.
 Dahil ang tao ay may malayang pagpapasya, siya ay malayang
nakakapagdedesisyon kung alin ang mabuti o masama sa kanya.

Mga Halimbawa:
Halimbawa 1. Ang mga mag-aaral ay nagpaplanong magpatayo ng
Akademiya ng wikang Kastila para mabigyan ng oportunidad ang mga
Pilipino na matuto ng wikang Kastila.
Konsepto: Mas may tiwala ang mga humanista sa mga pananaw na
lohikal, makatwiran kaysa sa paniniwala ng relihiyon at binibigyan
nilang halaga ang kritikal na pag-iisip.
Halimbawa 2. Hindi ginagamit ni Basilio ang Agua Bendita dahil alam
niya na ito ay pinagmumulan ng iba’t ibang sakit.
Konsepto: Naniniwala ang mga "Humanists" na ang tao lamang ang
may kontrol sa kanyang sariling kapalaran.
Halimbawa 3. Si Simoun ay nagpaplano at kumikilos sa kanyang mga
panukala. Hindi siya umaasa sa Diyos.

You might also like