Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Ipaliwanag ang bawat saknong.

“Sa loob at labas ng bayan kong sawi

kaliluha’y siyang nangyayaring hari

kagalinga’t bait ay nalulugami

ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

-Ibig sabihin niyan ay sa loob at labas ng berbanya ay puno ng pagtataksil at kasamaan ang nagwawagi.

Ang magandang asal ay ipinupukol

sa laot ng dagat na kutya’t linggatong,

balang magagaling ay ibinabaon

at inililibing na walang kabaong.

-Kung sino pa ang may 'magandang asal', siya pa ang naghihirap. Kung sino pa ang 'mabuti', siya pa hindi
makahanap ng katarungan.

Nguni, ay ang lilo’t masasamang loob,

sa trono ng puri ay inaluluklok,

at sa balang sucab na may asal-hayop,

mabangong insenso ang isinusuob.

-parang may isang hari na napakasama ng loob sa bawat tao.

O taksíl na pita sa yama’t mataas,

o hangad sa puring hanging lumilipas

ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat

at niyaring nasapit na kahabag-habag.”

-Isinasalaysay ni Florante na ang mga mapaghangad na taksil ang dahilan ng kanyang kasawian.

2. Patungkol saan ang tula? Ipaliwanag.

-Isa itong obra-maestra sa ating sariling panitikan. Ito rin ay isang tulang salaysay na inaawit. Isang
kwento ng pag-iibigan nina Florante at Laura na dumaan sa maraming pagsubok

You might also like