Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PORTFOLIO

SA
FILIPINO 9

INIHANDA NI:
CLIGH C. SURLA
9 – FAITH

IPINAHANDA NI:
JOWEL M. ASTORGA II
PORTPOLYO

I. Layunin
II. Pamagat
III. Lagom
IV. Dokumentaryo/Kapsyon
V. Konklusyon
VI. Maikling Pagsusulit
I. LAYUNIN

Ang layunin ng “Mga Patak ng


Luha" na hikayatin ang mga
tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ang kanilang
pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang
pagpapahayag.
II. PAMAGAT
Pangangatuwiran
Ito ay isang papapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang
isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.
Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason. (- Arogante)
Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at
magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pakinggan, tanggapin
at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong
dapat isaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na
sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo
ninuman subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
Dahilan ng Pangangatuwiran
1. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kaniya.
3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kaniyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa

Kasanayang Nalilinang sa Pangangatuwiran


1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng
sarili at pag- unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa
nararapat na kapasyahan.
Uri ng Pangangatuwiran
1. Pangangatuwirang Pabuod o Induktibo - nagsisimula sa mga halimbawa o
partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang
simulain o katotohanan.
2. Pangangatuwirang Pasaklaw o Dedaktibo - sinisimulan ang pangangatuwiran
sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o
katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na
pangyayari o katotohanan.
III. LAGOM
Ang kwentong pinamagatang "Mga
Patak ng Luha" ay umiikot sa kwento ng
isang batang si Ishaan na may dyslexia.
Ibig sabihin nagkakabali-baliktada ang
mga salitang binabasa at isinusulat. Lagi
siyang pinapahiya sa klase at maging ng
kanyang mga magulang hanggang sa
dumating ang isang gurong
nakakapagpabago sa kanya. Si Ram
Shankar Nikumbh Sir na siyang naging
dahilan upang malinang ang talento ni
Ishaan sa pagguhit sa kabila ng
karamdaman nito.
IV. DOKUMENTARYO/
KAPSYON

Ang kwentong "Mga Patak ng Luha" ay


halaw sa Taare Zameen Par (“Every
Child is Special”), isang Bollywood Film
ng bansang India. Ito ay isinulat sa
Filipino ni Julieta U. Rivera.
V. KONKLUSYON
Hayaan mo lang bumuhos ang iyong
luha, dahil tayo ay may kaniya-kaniyang
pagkabukod-tangi.

Bawat bata ay may istilo ng pagkatuto.


May kaniya-kaniyang katangian at
kakayahan..
VI. MAIKLING PAGSUSULIT

1.Tama ba ang ginawa ng magulang ni Ishaan


maging ng kaniyang mga guro na hindi siya
unawain sa kaniyang mga kahinaan bilang
mag-aaral?

2.Makatuwiran ba ang pagpaparusang ginawa


ng kaniyang mga guro?

3.Tama ba ang desisyon ng kaniyang pamilya


na siya ay ilipat ng paaralan?

4.Kung ikaw ay isang guro, gagawin mo rin ba


ang ginawa ng guro sa sining?

5.Dapat ba nangyari ang mga nangyari kung


naging maunawain lang ang bawat isa?

You might also like