Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Engkantada ng Makulot

(Maikling Kuwento)

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya, matahimik at


matakutin sa Diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na prinsesang reyna ng
Makulot. Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinalulugdang alaga ay Torong
Ginto. Ang Torong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang baka, ay malimit
makitang nanginginain ng damo sa kaparangan.
Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibigan at pagmamagandang-loob
ng mga mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at
mapagkawanggawa sa mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto nabibigyan ng
salapi ng prinsesa ang mga mahihirap na nangangailangan ng tulong upang
ipagtawid-gutom.
Sila ay dapat may mabuting budhi't malinis na asal. Nguni't kung ang
mga tao'y mahilig sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsesa.

Lumakad ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot sa


magandang halimbawa at malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla
ang Torong Ginto. Nawala rin ang prinsesa engkantada. Sakali mang makita
ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng gutom, salot, sakit
at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nagprusisyon, nagdasal,
nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako sa kanilang mga anitos.

Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga tao ang paglabas ng


Torong Ginto. Kung makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga
halaman o di kaya'y magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.

Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang tumawag ng


pulong. Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Torong
Ginto ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at
makisig na binata at subok na kawal ay ialay sa prinsesa upang maalis ang
kanyang galit.

Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang sunugin.


Di-umano'y ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong
pagpapakasakit!

Nang kakanin na ng apoy ang taong ubod ng tapang ay siyang paglabas


ng Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantada ng Makulot.
Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang mahiwagang baston.

Ang binata ay tinangay ng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa


isang iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapwa
sakay ng Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto
mula noon ay hindi na napakita.

Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay
nagbago na rin at nanatiling mabubuting tao.

You might also like