Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

MA. DANICA B.

CARANYAGAN

BSACT 12FB1

PROF. ELLAR AMPARO

Sa Filipino 143 ay marami akong natutunan gaya na lamang ng iba’t


ibang disiplina sa pagbasa, mga proseso sa pagbasa, mga paraan ng
pagpapahayag, mga iba’t ibang genre ng nakasulat na teksto, mga iba’t
ibang disiplina sa pagsulat. Ang mga kahinaan at kahalagahan ng pagbasa at
pagsulat. Ang mga uri ng mga teksto. Ang mga kasanayan sa akademikong
pagbasa. Mga bahagi ng konseptong papel tulad ng rasyunal,
layunin,metodolohiya, inaasahang bunga, pagbabalangkas. Natutunan ko
rin ang mga uri at katangian ng balangkas. Nalaman ko rin ang kahalagahan
ng mga sangkap sa proseso ng komunikasyon. Ang tamang pagsasaayos ng
mga datos. Ang mga ito ay mahalaga lalo na sa ating pag-aaral para maging
makabuluhan ang lahat sa ating pag-aaral.

Natutunan ko rin ang mga batayan sa pananaliksik kung ano ang


kahalagahan at kahulugan nito. Nalaman ko rin ang mga dapat na katangian
ng isang mahusay na mananaliksik. At sa ating paggawa ng isang
pamanahong papel dapat alam natin ang mga bahagi ng pananaliksik.
Nalaman ko na mahalaga ito lalo na sa kolehiyo dahil madalas itong
ginagawa dapat maging pamilyar sa wastong paggawa ng pamanahong
papel. Kung ano ang mga proseso na dapat gawin.

Nagpapasalamat ako sa aming propesor na nagbigay ng kaalaman,


panahon, pasensiya at pag-gabay para lalo kaming matuto at madagdagan
ang aming kaalaman sa FILIPI NO. at maisabuhay ito sa aming pag-aaral.
Naging huwaran siya sa aming mga estudyante niya.

You might also like