Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Buwan ng Wika 2019 Script

Agosto 30, 2019


1:00 – 5:00 PM

Introduksyon

FELIX: Magandang Hapon po sa inyong lahat!


MJ: Maayong hapon sa inyong tanan!
FELIX: Binibini, bakit ka ba nagsasalita gamit ang Cebuano? Ngayon ay
ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Dapat Tagalog ang ginagamit
natin sa pagsasalita.
MJ: Hindi Ginoo, ang Cebuano at Tagalog ay pawang mga Wikang
Katutubo ng ating bansa. Ang Tagalog ay mula sa Luzon at ang Cebuano
naman ay sinasalita sa Visayas at dito sa atin, sa Mindanao.
FELIX: Pero Buwan ng Wika ngayon, kaya dapat Tagalog dahil ito ang
ating Pambansang Wika.
MJ: Nagkakamali ka Ginoo, ang ating Pambansang Wika ay hindi Tagalog
kundi Filipino. Napagpasyahan lamang noon ng Surian ng Wikang
Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino na ang Tagalog ang
gawing batayan para mabuo ang ating Wikang Pambansa na siya namang
ipinagutos ng ating dating Pangulong Manuel Luis Molina Quezon sa ilalim
ng Kautusang Tagapagpagganap bilang 134, taong 1937. Kaya ang ating
Wikang Pambansa na Filipino ay hindi lamang purong Tagalog kundi ito ay
binubuo ng pinag-sama-samang mga Katutubong Wika ng ating bansa. At
kabilang na doon ang Tagalog at Cebuano, at marami pang iba.
FELIX: Ahh ganun pala. Kaya pala ang tema ng Buwan ng Wika ngayong
taon ay… ano nga ulit ‘yun?

MJ at FELIX: “Katutubong Wika: tungo sa isang bansang Filipino.”

MJ: Ang Buwan ng Wika ang isa sa mga pagkakataon natin upang
payabungin at ipagmalaki ang ating sariling wika.

FELIX: Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan
na ang ating Pambansang Wika ay hindi lamang isang instrument ng
komunikasyon kundi siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang
isang indibidwal at bilang isang bansa.
MJ: Kaya bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay
uumpisahan na natin ang ating palatuntunan.
I. Panalangin
FELIX: At bilang pasimula ay magsitayo po ang lahat para sa panalangin
na inihanda ni ________________________, mag-aaral sa ika-___ baiting
__________ at susundan naman ito ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

[Panalangin]

II. Pambansang Awit ng Pilipinas

MJ: Manatili pong nakatayo para sa Pambansang Awit ng Pilipinas.

[Pambansang Awit ng Pilipinas]

III. Pambungad na Pananalita


FELIX: Bago ang lahat, tinatawagan ko po ang ating Center Manager, na si
Bb. Jocerimay B. Enaya, upang magbigay ng kaniyangPambungad na
Pananalita. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan!
[Pananalita]

MJ: Maraming salamat po, Bb. Enaya.

IV. Krayterya at Mga Hurado

FELIX: Upang basahin sa atin ang krayterya ng pagmamarka at upang


ipakilala sa atin ang ating mga naimbitahang mga hurado ay narito si Gng.
Rve Jean L. Bahian.
[Pagbabasa at Pagpapakilala]

MJ: Maraming salamat, Gng. Bahian.


FELIX: Sige. Handa na ba ang lahat ng mga kalahok?
MJ: Gusto lang po naming ipaalam sa lahat na kahapon ay nagkaroon ng
Pre-judging sa Malikhaing Pagsayaw at Musikang Acoustic.
FELIX: At ang tatlong pangkat na nanguna sa ginanap na Pre-judging
kahapon ay sila lamang ang maaaring magtanghal ulit ngayon na siyang
pagpipilian para tanghaling nanalo.
MJ: Simulan na natin ngayon na! Ang unang magtatanghal ngayon ay ang
unang kalahok ng Musikang Acoustic na nagmula sa
__________________.
[Musikang Acoustic 1]
FELIX: Maraming salamat ___________.
MJ: Sa puntong ito naman ay masasaksihan natin ang pagrampa ng ating
mga Lakan at Lakambini mula bilang 1 hanggang 5 upang i-tampok ang
kanilang malikhaing pambansang kasuotan.
[Catwalk 1-5]

FELIX: Ang gaganda at ang kikisig talaga ng ating mga mag-aaral sa


Informatics Bb. MJ.
MJ: Oo naman, G. Felix. Mana yata sila sa mga guro nila.
FELIX: Ngayon naman ay itatanghal ng mga mag-aaral mula sa
_____________ ang kanilang Malikhaing Pagsayaw.
[Malikhaing Pagsayaw 1]

MJ: Maraming salamat ___________.


FELIX: Sa pagkakataong ito ay masasaksihan natin ang pagrampa ng
ating mga Lakan at Lakambini mula bilang 6 hanggang 10 upang i-tampok
ang kanilang malikhaing pambansang kasuotan.
[Catwalk 6-10]
MJ: Isang masigabong palakpakan para sa ating mga nagwagwapohan at
nagagandahang mga Lakan at Lakambini.
FELIX: Narito naman pangalawang kalahok sa Musikang Acoustic na mga
mag-aaral mula sa___________________ upang tayo ay pakiligin.
[Musikang Acoustic 2]

MJ: Maraming salamat. Ang susunod naman ay ang pangalawang kalahok


sa Malikhaing Pagsayaw na nagmula sa ________________.
[Malikhaing Pagsayaw 2]

FELIX: Narito naman pangatlong kalahok sa Musikang Acoustic na mga


mag-aaral mula sa___________________ para sa kanilang awitin.
[Musikang Acoustic 3]

MJ: Maraming salamat. Lubos-lubosin na natin ‘to. Ang panghuling kalahok


na magtatanghal sa Malikhaing Pagsayaw ay nagmula naman sa
________________.
[Malikhaing Pagsayaw 3]

FELIX: Maraming salamat sa lahat ng ating mga kalahok ngayong hapon.


MJ: Isang masigabong palakpakan naman para sa kanilang lahat.
[TABULATION NG MARKA]

FELIX: Maraming Salamat. Ngayon naman ay ating matutunghayan ang


isang intermisyon mula kay Bb. Nirah Manggis , na siyang nagwagi sa
Malikhaing Pagtutula na naganap noong Agosto 19, 2019
MJ: Palakpakan para kay Bb. Nirah! Ngayon ay hindi naman magpapahuli
ang isa sa mga guro ng Informatics sa pagbabahagi ng kaniyang talento.
Narito si G. Felix Tindugan upang magbahagi ng isang awitin.
12

Swej,.
Dan: Maraming Salamat. Ngayon naman ay ating matutunghayan ang
Intermisyon na may pamagat na “Mahal” mula sa ika-12 baitang CCS Day
class, Fel Candido.
[Intermisyon]
Maica: Maraming Salamat Fel Candido. Oki pa ba kayo? Alam niyo ba ang
Fliptop? Kung gayon, di na natin patatagalin pa tunghayan na natin ang
“Sapakan ng Letra” na pinangunguluhan ni Ace Aying mula sa ika-12
baitang CCS Day class. Tinatawagan na rin namin ang mga kalahok na
umakyat sa entablado.
[Intermisyon]
Maica: Maraming Salamat sa Intermisyon. Ngayon, handa na ba kayong
malaman kung sino-sino ang mga nagwagi sa kategorya ng, Sabayang
Pagbigkas, Katutubong Sayaw, Tula/Deklamasyon, Balagtasan, at Spoken
words.
Dan: Alam kong atat na atat na kayong malaman, kaya di ko na
papatagalin pa. Sa kategorya ng…
[Pamamahagi ng mga Awards]
Dan: Maraming Salamat sa lahat ng mga nanalo at sa lahat na nagbigay
ng kanilang 100 porsyinto. Panalo pa rin kayo para sa akin.
Maica: Bago matapos ang araw na ito, tinatawagan namin si G. Lorenzo
Agbay para sa kanyang Pangwakas na Salita.
[Pangwakas na Salita]
Dan: Maraming Salamat Sir Agbay. Sa ating mayamang salita, madali
nating makikita ang iba’t-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at
humulma sa pagkatao ng mga Filipino.
Maica: Samakatuwid, ang wika rin ay maaari ring maging batayan ng ating
nakaraan at kultura. Mahalin natin ang ating wika tulad ng tinuran ni Rizal.
Dan: Sabi nga sa ating tema,
D & M: “Filipino: Wikang Mapagbago”
Dan: Ako po si Dan,
Maica: At ako po si Maica.
D & M: Maraming Salamat po at Paalam!

“Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit sa hayop at malansang isda;


kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”

You might also like