Aralin 2-Karapatang Pantao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

ARALIN 2: Mga Karapatang

Pantao
Paksa: Pagkabuo ng
Karapatang Pantao
Maraming pagkakataon na
nababasa sa mga pahayagan,
naririnig sa radyo,
napanonood sa telebisyon, at
napag-uusapan ang paksa
tungkol sa karapatang pantao.
Kung bibigyan ka ng
pagkakataong magtanong sa
mga taong iyong
masasalubong kung ano ang
ibig sabihin ng karapatang
pantao, iba’t ibang sagot ang
iyong makukuha. Ito ay dahil
sa iba’t ibang karanasang
humubog sa kanila
batay sa kinaaanibang
relihiyon, uri ng kultura at
lipunang kanilang
kinabibilangan.
Taglay ng bawat tao ang mga
karapatang nakabatay sa
prinsipyo ng paggalang sa
isang indibiduwal. Lahat ng
nabubuhay na ndibiduwal ay
may taglay na mga karapatan
dahil bawat isa ay nararapat
na tratuhin nang may
dignidad. Saklaw ng tao ang
kaniyang mga karapatan sa
aspektong sibil, poltikal,
ekonomikal, sosyal, at kultural.
539 B.C.E. – Sinakop ni Haring
Cyrus ng
Persia at kaniyang mga tauhan
ang lungsod ng Babylon.
Pinalaya niya ang mga alipin at
ipinahayag na maaari silang
pumili ng sariling relihiyon.
Idineklara rin ang
pagkakapantay-pantay ng
lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked-
clay cylinder na tanyag sa
tawag na “Cyrus Cylinder.”
Tinagurian ito bilang “world’s
first charter of human rights.”
Kinakitaan din ng kaisipan
tungkol sa karapatang pantao
ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India,
Greece, at Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon
at pananampalataya sa Asya
tulad ng Judaism, Hinduism,
Kristiyanismo, Buddhism,
Taoism, Islam at iba pa ay
nakapaglahad ng mga kodigo
tungkol sa moralidad, kaisipan
tungkol sa dignidad ng tao at
tungkulin nito sa kaniyang
kapwa.
1215- sapilitang lumagda si
John I, Hari ng England, sa
Magna Carta, isang
dokumentong naglalahad ng
ilang karapatan ng mga taga-
England. Ilan sa mga ito ay
hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang
anumang ari-arian ng sinuman
nang walang pagpapasiya ng
hukuman. Sa dokumentong
ito, nalimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng
bansa
1628- sa England, ipinasa ang
Petition of Rights na
naglalaman ng mga karapatan
tulad nang hindi pagpataw ng
buwis nang walang pahintulot
ng Parliament, pagbawal sa
pagkulong nang walang sapat
na dahilan, at hindi pagdeklara
ng batas militar sa panahon
ng kapayapaan.
1787- inaprubahan ng United
States Congress ang Saligang-
Batas ng kanilang bansa.Sa
dokumentong ito, nakapaloob
ang Bill of Rights na ipinatupad
noong Disyembre 15, 1791. Ito
ang nagbigay-proteksiyon sa
mga karapatang pantao ng
lahat ng mamamayan at
maging ang iba pang taong
nanirahan sa bansa.
1864-isinagawa ang
pagpupulong ng labing-anim
na Europeong bansa at ilang
estado ng United States sa
Geneva, Switzerland. Kinilala
ito bilang The First Geneva
Convention na may layuning
isaalang-alang ang pag-alaga
sa mga nasugatan at may
sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.
1948- itinatag ng United
Nations ang Human Rights
Commissionsa(UNHRC)
pangunguna ni Eleanor
Roosevelt, asawa ng yumaong
Pangulong Franklin Roosevelt
ng United States. Sa
pamamagitan ng naturang
komisyon, nilagdaan at
ipinatupad ang dokumentong
tinawag na Universal
Declaration of Human Rights.

You might also like