Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.

ISKANING

Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad
ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di
binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang
binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang
Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.

Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon
sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw
na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga
mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong
pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng
numero ng isang taong nais makausap.

2. ISKIMING

Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y
pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na
maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.

Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng
pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at
nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.

17274497_120300002534109453_2101886536_n

3. PREVIEWING

Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo
at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-
unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.

b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.

c. Pagbasa sa una at huling talata.

d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.

e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.

f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

kaswal

4. KASWAL

Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o
pampalipas ng oras.

impormasyon

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON

Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan
kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa
layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.

17238827_120300002535805032_503234459_n

6. MATIIM NA PAGBASA

Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para
matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.

mrpHcEK
7. RE-READING O MULING PAGBASA

Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan
ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

mrpH0Fw

8. PAGTATALA

Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging
mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

You might also like