Anekdota Sa Buhay Ni Jose Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Anekdota sa buhay ni Jose Rizal

umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na


dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng
abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang
matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala
sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-
naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang
lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng
aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

Sagutin ang mga tanong


Ano ang paksa ng anekdota?
Sino-sino ang tauhan?
Saan naganap ang mga pangyayari sa teksto?
Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa?
Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng mayakda?

Anekdota sa buhay ni Manuel L. Quezon


Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-
sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng
Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok
ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay
sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa
maysakit ang kanyang pagdating.
Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may
panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is here."
Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na
ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay,
"Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno."
Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari
sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.

Sagutin ang mga tanong


Ano ang paksa ng anekdota?
Sino-sino ang tauhan?
Saan naganap ang mga pangyayari sa teksto?
Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa?
Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng mayakda?

Ang Tsinelas ni Jose Rizal


Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian
kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila
umiindak kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa
aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan
upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin
sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o
ng karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa
kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan
ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang
aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong
itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa
akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya
ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

Sagutin ang mga tanong


Ano ang paksa ng anekdota?
Sino-sino ang tauhan?
Saan naganap ang mga pangyayari sa teksto?
Anong motibo ng may-akda ang ibig niyang ipabatid sa mga mambabasa?
Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng mayakda?

Akasya- Gugugol ka ng mahabang panahon bago ito lumaki at habang ito ay tumatanda, ito ay mas lalong
tumitibay at tumatatag, ito ay pumapahiwatig sa mga kurso na mahirap ngunit maganda and kalalabasan
Kalabasa- Gugugol ka lamang ng ilang buwan para ito ay mamunga, habang ito ang tumatanda ito ay mas
lalong nalalanta. Ito ay pumapahiwatig sa mga kursong madalian ngunit mahirap ang kalalabasan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1085956#readmore

You might also like