Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano ang maitutulong ng prayoritisasyon sa ating paggawa?

Ang prayoritisasyon ay ang pag-iiskedyul ng mga gawain. Ang pagbibigay ng priyoridad


sa isang gawain ay napakahalagang factor upang maabot ang kalidad at panahon. Ito
ang dalawang bagay na naisasaayos kapag naglaan ng prayoritisasyon. Ang
pagtatantiya ng sapat na panahon ay makatitiyak sa kalidad ng isang gawain.

Gayundin, kapag ang mga gawain ay nagkakasabay-sabay sa limitadong panahon,


tiyak na magdadagdag ito ng suliranin at baka pa nga hindi matapos ang gawain.

Isa pang factor ng pagbibigay ng priyoridad ay ang pagtiyak na magagmit mo ang


panahon mo sa mas epeketibong paraan. Ano ito? Baka mas mainam na unahin ang
mahahalaga kaysa sa hindi gaanong mahalaga. Baka nais mo ding unahin ang mga
malalaki ang budget o value kaysa sa mga mabababa lamang. Ang ilan naman ay
inuuna ang mga gawaing depende sa due date nito. Ang ilan naman ay pinipiling
ipagpaliban ang mga gawaing hindi pa kumpleto ang materyales samantalang may
gawaing kumpleto naman na at puwedeng-puwedeng simulan na.

Importante na alam natin at naiintindihan ang kahalagahan ng ating mga gawain at


kung anu-ano ang mga magiging epekto nito para malaman din natin kung ano ang
mga trabaho ang mas bibigyan natin ng prayoridad. Kung madami ang nakapila nating
mga gawain, maari tayong maggawa ng listahan depende sa importansya at
pangangailangan ng mga ito. Sa gayon, mas magiging organisado ang ating paggawa
at wala din tayong makakaligtaang trabaho.

Sa paggawa nito, hindi mo lang inaabot ang kalidad ng isang gawain kundi ng lahat ng
mga gawaing kasama pa niya. Mas nakikita ang katipiran at pagiging praktikal kung ang
panahon ay nagagamit natin ng epektibo.

Ito lamang po at maraming salamat sa pakikinig. Sana ay may natutunan tayo sa aking
binahagi. Magandang umaga po.

You might also like