Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino I

I. Layunin:

Nasasabi ang pagkakatulad/pagkakaiba ng mga bagay/larawan ayon sa kulay.

Pagpapahalaga: Pakiki- isa sa gawain at tiwala sa sarili.

II. Paksang Aralin:

Pagsasabi ng Pagkakatulad/Pagkakaiba ng mga Bagay/Larawan ayon sa Kulay

Sanggunian: PELC Pagbasa pahina 8

BEC Prototype pahina 28-29

Kagamitan: mga larawan na may iba’ t – ibang kulay tulad ng dilaw na mangga, berdeng bayabas atbp.
Pocket tsart, Power Point Presentation

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:

Panuto: Magbigay o ituro ang mga bagay asa paligid na may magkakatulad na hugis.

Mga Estudyante: Itinuro ang Bola at Mundo

Pagganyak:

Guro: Sa mga larawan na nasa pisara, pangalanan nga natin sila isa isa.

Lahat: pusa, mansanas, ubas...

Guro: Ngayong napangalanan na natin silang lahat, anong mga katangian ng bawat larawan ang pumukaw ng inyong
atensiyon? Osige Alicia.

Alicia: May ibat iba po silang hugis.

Guro: Magaling! Maraming salamat Alicia! Ano pa ang pumukaw sainyo? Ikaw naman Brent.

Brent: May iba iba po silang kulay.

Guro: Mahusay! Oo, may iba iba silang kulay. Ngayong araw na ito, sabay sabay nating alamin ang pagkakatulad ng
mga bagay ayon sakanilang kulay. At kung mapapansin niyo may katabing roleta si teacher. Ito ang tinatawag na
"Roleta ng nga Kulay", iikot ni teacher ang roletang ito at ang kulay na nakatutok sa arrow ang siyang kulay ng mga
larawan na atung kokolektahin. Tara, simulan na natin. Ayan ang kulay na napili ng ating roleta ay dilaw. Halinat
hanapin natin ang mga bagay na kakulay ng nakatutok saating roleta. Ayan nakuha na natun silang lahat, pangalanan
nga natin sila isa isa.

Lahat: Araw, ilaw, tsinelas, pusa, at bituin.


B.Paglalahad

1. Ipakita ang iba pang larawan na magkakatulad at magkakaiba sa kulay.

2. Ipasabi ang pagkakatulad pagkakaiba ng mga larawan

3. Ipapangkat ang mga larawang magkakatulad ng kulay.

C. Paglalahat

Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang mga larawan?

D.Pagsasanay:

Bawat bata ay may hawak na plaskard na may kulay. Hanapin at magasama sama ang mga bata na may hawak
ng plaskard na may magkakatulad na kulay.

E.Paglalapat

Sabihin ang larawang naiiba ang kulay

IV. Pagtataya:

Bilugan ang mga laraawan na magkakatulad ang kulay

puso orange dahon

yelo orange araw

V. Takdang Aralin

Gumupit ng mga larawang magkakatulad ng kulay

You might also like