Professional Documents
Culture Documents
Supplement Material Reviwer AP5 2ndLT
Supplement Material Reviwer AP5 2ndLT
Supplement Material Reviwer AP5 2ndLT
BUL-OL- ang pinakatanyag na eskultura na inuukit sa mga punong kahoy gaya ng nara, yakal
at ipil mula sa Hilagang Luzon lalo na sa Cordillera na nagpapaptunay ng
pananampalatayang pagano ng mga sinaunang Pilipino na naniniwala sa mga iba’t ibat
espiritu.
BIAG NI LAM- ANG- ay isang uri ng panitikan ng sinaunang Pilipino na nag mula sa lalawigan
ng Ilokos.
Marso 17, 1521- Napadpad ang pangkat ni Magellan sa isla ng Homonhon sa golpo ng Leyte
kung saan nakilala niya si Raha Kulambu ang piununo ng Isla.
Marso 28, 1521- Mula sa Homonhon si Magellan kasama ang kanyang mga tauhan at Raha
Kulambu ay nagtungo sa Limasawa, Samar.
Marso 31, 1521- Idinaos ang kauna- unahan misa sa Pilipinas ni Padre Pedro Valderrama sa
Limasawa, Samar. Pinangalanan ni Magellan ang Pilipinas na Arkipelago De San Lazarus.
Nakipag sanduguan si Magellan kina Raha Kulambu at Raha Siago, ang pinuno ng Limasawa.
Abril 8, 1521- Lumipat ng Cebu ang pangkat ni Magellan at nakipag sanduguan kay Raha
Humabon, ang pinuno ng Cebu.
Abril 15, 1521- Naganap ang kauna- unahang pag bibinyag sa katolisismo ng 800 Pilipino kasama
sina Raha Humabon at Amihan, asawa ni Humabon na pinangalanang Juana at neregaluhan ni
Magellan ng Sto. Nino. Nag daos ng ikalawang misa at nag tirik si Magellan ng krus sa Cebu
hanggang ngayon ang krus na ito at Sto Nino ay matatagpuan sa lalawigan.