Pranses at Maraming Indian Ang Nagsasalita NG Kanilang Katutubong Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika.

Si Bolivar- ang Tagapagpalaya


Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayain ang Timog Amerika laban
sa mga mananakop. Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan ni
Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa mga Espanyol noong
1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain.
Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa isang bartolina ng mga Espanyol.
Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng Timog
Amerika.
Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya ang mga Espanyol nang
magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng
Great Colombia (ang buong hilagang pampang ng South America). Tinawag siyang
tagapagpalaya o liberator at pagkatapos, naging pangulo. Limang taon ang nakalipas, tinalo ng
kaniyang heneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa
Peruvian Andes.

You might also like