Ang Kamatayan Ni Tiyo Samuel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG KAMATAYAN NI TIYO SAMUEL

(Ni Efren R. Abueg)

SA KANYANG balisang magdamag ay isa-isang sumulpot sa silid na iyon ang daan-daang


lalaki at babae, mga kabataang may hawak na kartelon at mga aklat at may mumuting bag na
nakasakbat sa balikat sa paglakad at nagsisiawit ng kantahing pambayan, nakatigil ang trapiko,
ang ulo ng tsuper ay nangagusli sa mga durungawan, nakanganga o nakangisi o nakaismid,
ngunit hindi sila nababalino, patuloy sila sa pagmamartsa, patungo sa gusaling iyon sa pagitan ng
malalaking puno akasya.
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Mataas ang tuno ng kanilang awit, walang pagpipiigil sa pagbubuhos ng kanilang damdamin,
binibigyang-diin ang kanilang layon at habang nalalapit sa gusaling iyon, nagmamadali ang
kanilang hakbang, waring minamadali ang pagkuha sa isang bagay na kanilang kailangan.
…Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa yo …
Pilit siyang dumilat, nguit parang bakal ang bigat ng talukap ng kanyang mga mata at ang
kapaligiran ay hindi nagbago sa kanyang isip. Nagmamartsa pa rin ang mga kabataang lalalki at
babae, nagniningas ang mga sulong hawak ng nagunguna at nangahuhuli at patuloy ang pag-
awit, paulit-ulit, hanggang sa makubkob ang binalantok na harapan ng gusali at sa isang sigaw
ng lider ay tumahimik ang lahat.Bigla, ang mga ningas ng sulo ay hinipan sa harapan ng gusali,
ang naningkad ay ang maputing liwanag.
Mga kapatid, bakit kayo naririto? Bakit tayo umaawit? Bakit hawak natin ang mga
kartelon?
Parang isang dambuhalang bibig ang sagot. Umuugong.
Parang isang dalampasigang binabayo ng nagdurumambang mga alon.
Ibagsak ang imperyalismo! Wasa akin ang kanilang mga interes!
Mula sa malayo, unti-unting narinig ang matamis na ugong ng mga sirena. Gumuguhit, nag-
aapura. Sa binalantok na harapan ng gusali, ang mga kabataang lalaki at babae ay nangapatigil sa
pagsigaw, at nakiramdam at sa
ilang sandali, parang tubig na umasanib sa kanila ang lalaking, nakauniporme, may taklob ang
mga ulo, may hawak na mahahabang batuta ay may mga mukhang kinasinagan ng pagbabanta.
Muli, pinilit niyang dumilat. Parang may naamoy siyang kung ano. Malansa. Sa karimlan ng
kanyang isip, kumapa siya
- kailangang kumapit siya sa isang bagay, kailangang makabangon siya, mapuntahan ang mga
batang lalaki at babaing nasa harap ng gusaling iyon at bigyan ng babala: May panganib! May
panganib! Ngunit wari’y kalawakang walang hanggan ang lahat, pawang hangin, pawang mga
bagay na hindi mahipo ngunit nadarama at pati siya’y nakalutang, nakalutang at hindi niya
mapigil ang kanyang pagkatangay. Sa pagkaunawa ng panganib sa ssa
pagkatangay, napasigaw na lamang siya: Huwag! Huwag! subalit waring yaon ay huli na
sapagkat hindi pa napipinid ang kanyang bibig ay sumambulat sa kanyang pandinig ang isang
umuugong na daluyong, tulad ng pagbayo ng mga marahas na alon sa isang lugaming
dalampasigan. Umikot siya, umikot ng umikot, habang ang kanyang dalawang bisig
nanghahalihaw, humahanap ng isang bagay na mahahawakan. Hanggang sa ang kanyang
balintataw ay sumilay ang liwanag. Itinaas niya ang kanyang mga kamay, pantay sa kanyang
dilat na dilat na mga mata sa
buong pagkagimbal niya, nakita niyang may dugo sa kanyang mga daliri, malapotna dugo,
kulay-granateng dugo! Nangatal siya. Bakit may dugo ang aking mga kamay? Bakit? Muli
pumikit siya. Sinikap niyang makabalik sa pook ng mga kabataang lalaki at babae sa binalantok
na harapan ng gusali at hanapin ang kanyang anyo at tingnan kung ano ang nangyari at mmabatid
kung bakit may dugo ang kanyang mga kamay. Subalit payapa na ang binalantok na harapan ng
gusali at ang naroon ay ilang laglag na dahong niyapakan ng mga lalaking mapuputi ang balat at
gintoo ang mga
balahibo’t buhok.
Hindi lamang balisa siya sa kanyang magdamag. Ngayon, gimbal na siya sa kanyang karimlan.
Humahagok siya sa pagkakapikit at aywan kung bakit sa tuwing hahagok siya nakararamdam
siya ng gaan sa talukap ng kanyang mata. Parang nalulusaw ang pagkabakal niyon, parang
nagiging papel, manipis na papel . Natuwa siya. Mababatid niya ang lahat-lahat. Malalaman niya
kung panaginip lamang ang lahat ng iyon.
Dumilat siya. Sumambulat sa kanyang mukha ang liwanag ng silid. Nakatayo siya sa gitnang-
gitna, nangatal ang mga kamay at sa kanyang paanan, may isang katawang nakatagilid sa
pagkakatimbuwang at ang mga ulo’y
nakakiling at ang isang bahagyang nakadilat na mata ay nakasulyap sa kanya.
Sino ito? Sino?
Dahan-dahan, tumiklop ang isang paa niya, ang kanan at pumantay ang kanyang tuhod sa
handusay na katawan at sa lumilinaw nang paningin ay binulaga siya ng mukhang iyong kilang-
kila niya, mula sa pagkabata, mula pa sa pagkakaisip, ang mukhang iyong hindi niya malilimot,
a, ang mukhang iyon ng kanyang Tiyo Samuel
Bakit patay ang kanyang Tiyo Samuel? Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Ano ang
nangyari?
Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Ano ang nangyari?
Tumindig siya, umurong at sa kanyang bibig ay ibig
tumalilis ang sigaw ng paghihilakbot. Bakit may dugo ang kanyang mga kamay? Siya ba ang
pumatay sa kanyang Tiyo Samuel? Umurong siya ng umurong, papatakas, papalayo, ngunit sa
pagkakatitig sa duguang mga kamay, sa mga daliring nangangatal ay nasalabid sa kung saan ang
kanyang mga paa at siya’y nabuwal at binawi man niya ang katawan
ay kumalabog din siya sa lapag at pumalo ang kanyang ulo sa isang matigas na bagay at muli,
kinandong siya ng dilim.
Naroon naman ang maraming kabataang lalaki at babae. Nagsisigawan. Sa di kalayuan sa
binalantok na harapan ng gusali ay umaatungal ang mga sirena at sa may hagdanan ng gusali ay
may mga puting lalaking sumisigaw, nakasuntok ang mga kamay at nagmumura, samantala, ang
sumasanib na malaki’t matitipunong lalaking nakauniporme, may taklob ang mga ulo at may
hawak na mahahabang batuta, ay nakahawak sa puluhan ng mga kartelon at ang mga mata’y
tinatalsikan ng matinding poot. At sa isang iglap na pangitaing iyoon ay nahagip niya ang
kanyang anyo, ipinagtutulakan ng dalawang lalaking malalaki’t matitipuno at siya’y nanlalaban,
manghahalihaw at maya-maya pa’y nakita niyang tumaas ang mahabang batuta ng isang
nakauniporme at sinangga niya iyon at sinikmuraan niya ang mga hawak at siya’y sinipa nito at
aywan kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng patalim ang kanyang kamay at nanaksak siya,
nanaksak nang walang patumangga hanggang sa ang mga daliri niya ay manlagkit sa kulay-
granateng dugo.
Makirot ang kanang likod ng kanyang ulo. Sinapo niya iyon, may dugo. Mabigat ang talukap ng
kanyang mga mata, ngunit sinikap niyang dumilat. Tinakasan ng lakas ang kanyang mga bisig
ngunit nakagagap pa rin siya. Subalit hindi nagtagal, may mga kamay na sumaklit sa kanya,
pabaltak siyang itinindig at isang mukhang mabalasik
ang bumulaga sa unti-unting nabuksan niyang paningin.
Bakit mo siya pinatay? Bakit?
Natulala siya. Sino ang kanyang pinatay? Bakit siya pumatay? Bakit?
Hindi siya sumagot. Parang tangang tumingin siya sa mabalasik na mukha at ang bibig nito ay
bumuka at sumara at siya’y narindi lamang sa mga tanong nito at siya ay yumuko at sa pagyuko
ay nahagip ng kanyang paningin ang katawang nakahandusay sa sahig at naliligo sa natuyo nang
granateng dugo. Ang kanyang Tiyo Samuel? At itinaas ang kanyang mga kamay sa pagkagimbal
at nakita niyang ang mga daliri niya ay may dugo at iya’y nanghihilakbot at napasigaw at siya’y
niyugyog ng mga humahawak sa kanya at muli’t muli siyang tinanong: Bakit mo siya
pinatay?Bakit?
At sa pagdilat – pagpikit niya ay nakita niyang ipinarada sa kanyang mukha ang isang balisong,
ang pagkapilak niyon ay kakapiraso sa may dakong puno ng talim, sapagkat may bahid ng dugo.
NASA paltok sila ni Ligaya, sa likod ng kabit-kabit na gusali ng pamantasan. Nakahiga siya sa
damuhan at si Ligaya ay nakalupasay sa kanyang tabi at nakatanaw sa ilaya.
Tinangnan mo ! Hayan, tingnan mo!
Hindi siya kumilos. Ang tiningnan niya ay mga bagay kay Ligaya na kinagigiliwan niyang
tingnan, tulad ng taynga, ng batok na may itim na nunal, at ang buhok nitong kay-haba, ngunit
ngayon ay ipinaputol na, at ang punggos ng balikat na tulad sa hindi pa nalilini na gintto ang
pagkakayumanggi.
Bumangon ka nga, Felipe. Tingnan mo!
At binatak ang isa niyang bisig at napilitan siyang bumangon at tumanaw sa ilaya.
O?
Hayun! Nakikita mo ba’ng usok na ‘yon?
Ano’ng usok ang sinasabi mo? Wala naman, a!
Felipe, tinutudyo mo ba ako?
Nakabaling sa kanya si Ligaya at naglulunoy siya sa mga matang iyon at dagli, nagnasa siyang
halikan iyon at simsimin ang tubig na nagpapakislap sa kaitimang naroroon.
Di ba ‘yon ang factory ng tiyo mo?
O?
Ang yaman ng tiyo mo. Sabi ng aking Itay, ang Papa mo lang ang mayaman… hindi ang tiyo
mo. Pero nang mamatay ang Papa mo, yumamang mabuti ang tiyo mo.
Nakatanaw si Ligaya sa mga gusaling may labasan ng usok na naghahamon wari sa langit. Isang
malawak na lupa ang kinatitindigan, nanakukubkob ng matataas na pader. Kumislap ang mga
bubong sa tama ng sikat ng araw.
Baka balang araw, mayaman pa ‘yo ang tiyo mo!
Nalusaw sa paningin niya ang mga gusali, ang malawak na lupang kubkob ng matataas na pader.
Nasa isang bundok-bundukang niyugan sila ng kanyang Tiyo Samuel at nakatunghay sila a
maraming bunduk-bundukan ng mga niyog nawawaiwas ang mga dahoon, ngunit paglilisan na
ang malakas na hihip ng hangin, ang malalabay na dahon ay yuyuko, na wari bagang isinusuko
ang katayugan sa nakatingalang lupa!Nakabota ang kanyang Tiyo Samuel, nakabastipol, may
hawak na baston at itinuturo sa kanya ang lawak ng ari-arian ng kanyang ama.
Mula rito hanggang … iyong lahat ‘yan!
Ang doon ay waring walang katapusan … isang kahabaan ng kaluntiang hindi maabot ng
kanyang paningin.
Pagsapit mo ng beinte-dos … iyo na ‘yan
at kailangang paghandaan mo. Kaya gusto ko’y agrikultura ang kunin mo... dahil malupa ang
iyong Papa.
Pinipilit niyang abutin ng tingin ang malayong doon ng lupain ng kanyang yumaong ama at
marahan, parang isang munting dasal ang inusal niyang mayaman ako!.mayamang-mayaman! At
kasunod niyan ang badya ng tuwa.
Nalusaw a kanyang paningin ang mga bundok – bundukang iyon at ngayon, nasa himpapawid
sila ng kanyang Tiyo Samuel, sakay ng isang helicopter at nakatunghay sa kanila sila sa makapal
na kaluntian ng punong abakada.
Masdan mo… iyong lahat ‘yan!
Libu-libong punong abakada, malalapad na dahong susun-suson, waring nakatunghay sa
mamula-mulang lupang kinatamnan at sa pagbaling niya sa kanyang tiyo ay naroon ang liwanag
ng isang mukhang tiwalang-tiwala sa hawak nitong kapangyarihan.
Pagpalain mo ang abakadang ito, tulad ng pagpapala ng iyong Papa. Mula sa lupang iyan, ang
walang katapusang biyaya ay mapapasaiyo.Ngunit binawi niya ang tingin sa kanyang Tiyo
Samuel. Nalusaw anf mukhang iyon at ang pumalit ay isang mukhang putting-puti , matangos na
ilong, ginintuang buhok at nakatabako, at nagtatawa at wari’y may inililihim sa kanya. Sa
mukhang iyon ay sumanib ang nagtataasang mga gusali, ang dambulang mga makina, ang libu-
libong taong bahagi ng mga makinang iyon at ang mga tela , at ang mga pako at ang papel at ang
mga sapatos at ang mga plastik na kagamitan, umaagos ang mga iyon, patungo sa kinaroroonan
ng kay-raming mga kayumangging nakaabang nangakataas ang kamay sa pagkakatuwa,
sumasalubong upang sa isang iglap, ang agos ng mga kagamitang ito ay kanilang dumugin nang
dumugin at sila’y nagkakagitgitan, nagkadagildilan, nagkayakapan, nagkasikuhan at sila’y
parang mga hayop na bigla na lamang naging mga balik sa pag-aagawan sa pira-pirasong mga
buto!
Sumigaw siya. Tigil! Huwag! Nguni’t hindi magkamayaw ang lahat. Sigawan pagbabanta.
Halakhak ng malakas. Daing ng mahihina. Ang karimlan ay manipis at pinagmadan niya si
Ligaya. Isang katawang kayumangging pagkaraang mahubaran ay pinatitingkad ng manipis na
karimlan at hnipo niya iyon at nadamang mainit at, dahan-dahan, ikinulong niya iyon sa kanyang
mga bisig at dinama ng katawan at pagkaraang sumayad ang kanilang katawan sa malambot na
hihigan ay inusal niya, isang usal ng isang magsasakang maghahasik pa lamang ng palay sa
bagong sinuyod na linang: ano m,an ang manggyari, alagan mo ang iiwan ko sa’yo. Hindi siya
sinagot ni Ligaya. Dumaing itong parang nasugatan at inabot ng kanyang kamay ang kanyang
ulo at hinila at siniil ng halik ang kanyang bibig.
Sa karimlang iyon, sa kapayapaan ng kanilang katawan ay parang puting aninong sumulpot ang
kanyang Tiyo Samuel at siya’y binatak sa bisig at siya’y pinagmasdan at saka binalingan Ligaya
at sila’y kapwa kinaladkad a harap ng salamin at sa isang iglap, sa sumambulat na liwanag, ay
natanghal ang hubad nilang katawan.
Tingnan mo ang iyong kulay! Tingnan mo ang sa kanya! Nagtatangis ang mga ngipin ng
kanyang Tiyo Samuel. Naroon ang poot. Sa kanya; pagkasuklam; kay Ligaya, pandidiri.
Nakikita mo?
Nakikita mo?
Ang sigaw na iyon ay sinagot ng mga hikbi ni Ligaya. Ng pagtutukop ng dalawang kamay sa
maselang bahagi ng katawan, ng pangangatal ng mga bisig nito, sa pagbuka ng bibig na waring
ibig paghimagsikan.
Naramdaman niya ang pagbatak sa kanya ng kanyang Tiyo Samuel. Inilalayo siya kay Ligaya,
inilalayo.
Nagpupumiglas siya. Bitiwan mon ako! Bitiwan mo ako! Lumayo si Ligaya, lumayo at maya-
maya, bigla na lamang itong nawala. Nagpupumiglas siya. Nangagat at naniko att umigaw at
siya’y nakahulagpos at sa kahubdan niya ay hinanap niya si Ligaya.
Ligaya! Ligaya!
Nakita niya ang sarili sa isang pangit na pook: sa mga datig-datig na dampa, sa mga
nagpupusaling eskinita, sa mga tulay na nangangapal sa kapit ng putik. Tumatakbo siya,
hinahabol ang aninong naanyuan niya mula sa malayo, mabilis sa pagtakbong walang
inaalagatang katitisuran-kahahantungan – ang mahalaga’y abutan ang aninong naanyuan niya at
pigilin at yakapin at muli, dalhin sa silid niyang iyon at aluin at muli, pagpunlaan ng kasiyahang
aalagaan nito ano man ang mangyari sa kanya.
ISANG araw ay may dumaong na bapor mula sa Europa. Isang higanteng bapor na nagtatanghal
ng mabibigat na kasangkapang Europeo at niyakag niya roon si Ligaya. Tumuon ang kanyang
tingin sa mga makinang iyon. Makikintab na gayong nakahinto at hindi umaandar ay waring
naghahatid sa kanya ng ugong. Naririnig mo ba si Ligaya. Nakatitig sa kanya si Ligaya at parang
maiiyak ito sa pagkaunawa kaipala sa kanyang iniisip.
Umuugong, Ligaya. Umuugong!
At hinaplos niya ang makina at ang lamig ay nanulay sa kanyang mga ugat at sinabi niya kay
Ligaya na balang araw,
ibig niyang lumikha na gayong makina, at makita ng libu-libong makinang umuugong sa
kanyang kapaligiran, umuugong walang hinto, parang mahiwagang awit ng Ibong Adarna,
magpapabangon sa mga tisikong mga katawan sa lugar nina Ligaya, at magpapadaloy ng dugo sa
mga tabaing katawan at magpapaumbok ng masel sa mga bisig na walang magawa. Nakikita
niya ang libu-libong mukhang iyon, pumapasok lumalabas sa mga higanteng pabrika, hindi yuko
ang ulo, hindi pagal, hindi nakatiim-sa-poot ang mga bagang, kundi nangakatawa, nangabibiruan
at nagsisipamadali, na wari bagang may naghihintay sa kanila, sa kani-kanilang destinasyon.
Muli, hinaplos niya ang
mga makinang iyon, at pinihit niya ang isang ikiran at umikot ng bahagya ang makina at hindi na
iyon tumigil at nagsimulang umugong, kinain ang mga katawan ng abakang bagong kabubuwal
at niligis ang laman ng mga niyog na biyak sa gitna, umuugong na parang awit ng Ibong Adarna,
pumailanglang sa papawirin at ssa mga tahanang hindi na pawid, kundi mga konkreto at
nangagdungawan ang mga mukhang walang hapis, ang mga mukhang sumasalubong sa
tamis ng awiting iyon.
Naiintindihan mo ba ako, Ligaya?
Nguni’t muli, hindi siya siinagot ni Ligaya, kundi pinakatitigan siya nitong kaipala’y nakaunawa
sa kanya at parang nahigop itong kanyang katawan sa isang iglap at numipis ang liwanag at
nakita na naman niyang hubad si Ligaya, ang buong pagkababae ay isang dipang kayumangging
lupa at niyakap niya ang katawang iyon at inual ang dati niyang inuusal at dumating si Ligaya at
sa kanyang isip ay nabuo ang isang kasiyahang balangaraw ay aalagaan ni Ligaya ano man ang
mangyari sa kanya.
Felipe! Felipe!
Hinabol siya ng kanyang Tiyo Samuel. Tumalilis siya. Nagpasikut-sikot siya sa mga
nakahambalang na karton na pagsisidlan ng mga pulbos na iniluluwa ng mga mumunting bibig
sa pabrika ng kanyang Tiyo Samuel. Hindi siya lumingon. Natatakot siyang sa kanyang
paglingon ay pamatigil siya sa paghakbang at hindi siya makalayo.
Felipe!
Felipe!
Binilisan niya ang paglakad, halos takbo na, subalit dumalas at lumakas ang bagsak ng mga
yabag sa kanyang likuran at bago siya makaiwas ay nahawakan siya ng matigas na kamayng
kanyang Tiyo Samuel.
Wala kang utang na loob!
Parang sinampal siya. Napaharap siya sa kanyang Tiyo Samuel. Sinusurot siya ng mga paningin
nitong parang dalawang daliring isinusundot sa kanyang mukha.
Matapos siyang mapalaki. Gaan’ong edad mo nang mamatay ang iyong Papa?
Nakarinig siya ng malakas na tili. Naghihimagsik na tili. Ayoko! Ayoko!
Lumalakas pa. Namumuno sa kanyang pandinig.
Hindi ko hinihinging bayaran mo ako. Aanhin ko’ng kabayaran mo? Huwag mo lamang akong
hiyain sa mga kaibigan ko. Mga pilantropo ‘yan na maggnenegosyo sa Pilipinas para tulungan
ang ating matatalino na walang salaping magagamit sa pag-aaral. Kailangan nilang puhunanin
ang kanilang salapi, upang magpatuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong sa matatalino natin.
Bakit tututulan ang pagpeprenda ng kalahati ng ari-arian mo? Makatutulong ka sa dahilang
layunin nila. At walang anumang panganib na malustay ang salapi mo. Bakit? Nang gamitin ko
ba sa mga negosyo ko ang pera mo, ang kabuhayan mo ba’y nabawassan kahit isang kusing?
Hindi. Kabit-kabit ang aking mga pabrika, at ni isa bang pirasong lote ay naiawas sa iyong
lupain.
Lumalakas pa ang tili. Sinisiil ang kanyang taynga. At muli, tinalikuran niya ang kanyang Tiyo
Samuel. Patakbo siyang
lumayo. Tumakbo ng buong bilis. Ngunit patuloy na lumalakas ang tili, humahabol. Ayoko!
Ayoko! at sa pagtakbo niya ay parang may isang batang lalaking labindalawahing taong gulang
na nakita niya sa malayo, isinasakay ng isang lalaki sa
isang matangkad na kabayo at ayaw sumakay ang bata at nagsisipa at nagtatadyak, ngunit
tinatampal ng lalaki. Papalapit siya. Nakaririndi na ang tili. Ibig na niyang bumalik, nguni’t
hinahabol siya ng kanyang Tiyo Samuel. Sasalungahin na rin niya ang tili. Tatakpan na lamang
niya ang kanyang taynga. At papalapit na nga siya at
lumilinaw ang anyo ng bata at ng lalaki hanggang sa nang mapaharap siya sa mga iyon ay
namangha siya: ang batay
siya! ang lalaki ay ang kanyang Tiyo Samuel! Napahinto siyang bigla,parang tuod na isinaksak
sa lupa at sa pagkakitang ang bata ay naisakay na sa kabayo at ang latigo ng lalaki ay nakaamba
sa katawan ng hayop, sumigaw siya, malakass na sigaw at ang kabayo ay biglang umigtad at
sumibad ng takbo at ang batang nagtitili ay nangakataass ang kamay sa ma matinding
pagkatakot. Pagkaraan ng ilang saglit, ang tili ay naging bulong na lamang ng lumipas
na mga sandali.
Matagal bago bumalik ang kabayo. Wala na ang tili; hindi na niya narinig. Ang bata’y nakadapa
sa ibabaw ng
hayop, nakalaylay ang mga bisig. Ang kabay ay lumapit sa lalaki at inungkad-ungkad ang mukha
nito, na wari bang sinasabi: Panginoon, natupad ko na po ang ipinag-uutos n’y at tinapik-tapik ng
lalaki ang umuungol na kabayo na wari bagang isinagot:
Magaling! Magaling!
Sa pagkakatigalgal inabot siya ng kanyang Tiyo Samuel at hinawakan nito ang kanyang
malalatang bisig at siya’y inakay na pabalik at muli, nagdaan sila sa naghambalang na mga
karton na paglalagyan ng mga pulbos na iniluluwa nmumunting bibig ng mga makina sa pabrika
at sa loob ng silid na tinakasan niya ay nakangaupo ang tatlong dayuhang lalaki, ginintuan ang
mga buhok, mapupula ang mga mukha at matatangos ang mga ilong.
Nakangiti ang kanyang Tiyo Samuel na nagsalita at nagttaguan ang mga lalaking dayuhan at ang
isa sa mga ito
ay naglalakad ng mga papeles sa mesa at tinabihan iyon ng isang pluma. Muli hinawakan niya
ang kanyang Tiyo
Samuel sa bisig at inakay sa luklukang katapat ng mga papeles at iniupo siya roon at inabot sa
kanya ang
pluma at hinawakan niya iyoon at lumagda siya sa mag papeles.
Pumikit siya. Ang umalit na manipis na karimlan sa kanyang isip ay nagluwa ng isang hubad na
katawan, Kayumangging katawan na kilala niya sa tingin, langhap at dama. Parang matigas ang
mukha, parang naninisi at nagyuko
siya ng ulo at matagal, naroon siya’t naghihintay wari ng parusa, ngunit ang kayumangging
katawan sa kanyang harap ay parang bato, walang kilos, walang tinig, walang init!
Hindi ko kasalanan, Ligaya! Napiilitan lamang ako !
At siya’y umiyak.
Ang kayumangging katawan ay biglang nagkabuhay, lumapit
sa kanya at inabt siya ng saklaw ng init ng dugo nito at siya’y tumingala at
nakita niyang ang mga matang iyon ay may luha.
Nakikkiramay sa kanya si Ligaya!
YAON ay kagubatan ng mga kartelon. Nagsisigawan ang maraming kabataang lalaki at babae,
nagtutungayaw,
nagmumura. Sa malapad na hagdanang may maraming baitang, ilang pulis ang nakataliba,
pinangangalagaan ang tatlong malalaki ang tiyang lalaki na naka-amerikana.
Ito’y para sa kabutihan natin. Kung ang kasunduang parity ay hindi palulugitan, saan tayo
magbibili ng ating produkto sa mataas na halaga?
Nagsigawan na naman. Booo! Boooo!
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Nangangatal na mga kamay na waring may hawak na
granadang handang pasabugin sa ibaba ng hagdanang iyon, upang ang gusaling iyong
tagapagtanggol ng dayuhang interes ay gumuho.
Ibagak ang mga imperyalista!
Nagsunuran ang mga kabataang lalaki nagtungayaw. Booo! Booo!
May kaguluhan na sa dakong kaliwa ng hagdanan. Ilang kabataang lalaki at babae na may dalang
kartelon ang
nagtangkang pumanhik sa hagdanan, hinadlangan ng mga pulis, itinulak, hanggang sa isang
babae ang nangudngod nang saklolohan ng mga nasa ibaba ay nanunggaang mga pulis at
nagkaroon ng paghahamok.
Ibagsak ang mga imperyalista!
Parang mababanat ang mga litid sa leeg niya. Parang
hinahatak na kung anong mga kamay mula sa itaas ang kanyang mga bisig.
Nagpatuloy siya sa pag-sigaw, hanggang sa maramdaman niya na may dumaklot sa
kanyang likod. Napalingon siya.
Tiyo Samuel!
Hindi siya binitiwan ng mga kamay na parang agila. Binatak siya, papalayo sa karamihan,
palabas sa kagubatan ng mga kartelon, patungo sa isang makintab na limosinang nakaparada sa
ibayo ng lansangan.
Isinalya ssiya sa loob ng sasakyan. Bumangga sa katangan ng kamay ang kanyang baywang at
nakadama siya ng kirot. Ang balisong na nakasukbit doon ay waring umukab sa kanyang laman.
Sa bahay!
Sumibad ang limosina, iniwan ang kagubatan ng mga kartelon, ang gusaling sa pagkakatunghay
sa mga kabataang
lalaki at babae ay parang isang matandang bingi sa mga sigaw.
Sa bahay, dinatnan niiya roon si Ligaya.
Bakit ka narito, Ligaya?
Tumingin lamang si Ligaya sa kanyang Tiyo Samuel. Waring takot ang mga mata ni Ligaya.
Bakit?
Ipinakaon ko siya.
Bumaling siya sa kanyang Tiyo Samuel. Nag-uusig ang kanyang mga mata. Tinagos ang nakikita
niyang kabuktutan sa kalooban nit, nilulutas ang hiwaga ng pagkakataon kay Ligaya.
May problema ka.
Ang problema?
Nagdadalangtao siya!
Napatigalgal siya, pagkatigalgal ng isang naalala, at
sumibatang kanyang tingin kay Ligaya at sinagad ang dakng puson at nang makitang may umbok
ay napalapit dito.
Totoo?
Muli, Tumingin! Ligaya sa kanyang Tiyo Samuel. Saglit na tinging humantong sa pagyuko, sa
paghikbi, sa pagkaligalig ng balikat.
Huwag kang matakot… pakakasalan kita!
Nilapitan siya ng kanyang Tiyo Samuel. Hinawakan siya sa
bisig at inilayo siya kay Ligaya.
Hindi? Bakit? May pananagutan ako sa kanya!
Sapagkat siya’y hindi para sa iyo.
Tingnan mo’ng balat mo… mestiso ka … tingnan mo’ng balat niya …kayumanggi! Ano ang
sasabihin ng Papa mong
namatay?
Pananagutan ko’ng nangyari sa kanya?
Wala kang pananagutan, Felipe. Aalisin natin ang sanggol na ‘yan. Madaling alisin
Nakarinig siya ng kaingayan, ng sigawan, ng takbuhan.
Nakarinig siya ng sipol ng mga sirena, nakarining siya ng putok ng mga rebolber.
Umikot ang kanyang paningin. Nasa liblib siya ng kagubatan ng mga kartelon,
nagigitgit ng dalawang pangkkat ng mga lalaking nakauniporme, na may hawak na mahahabang
batuta at nakaamba at
papatayin siya.
Hindi! Hindi
Hindi na ang tinig niya ang kanyang narinig. Libu-libong tinig ng mga kabataang lalaki at babae,
tumututol, naghihimagsik. Parang ang isang santinakpan ay biglang nagising, parang mga
hinaing sa dibdib ay biglang
bumulwak at kumalat sa buong daigdig.
Ligaya, umalis ka na! Ligaya, umalis ka na!
Sumigaw siya ng paulit-ulit na sigaw na bumatak sa kanyang mga litid sa leeg at si Ligaya ay
nanlabo sa kanyang paningin at ang lahat ay umikot at siya ay tinangay at sa pagtangka niyang
pigilin ang pag-ikot na iyon ay napahawak siya sa kanyang baywang at nagapgap niya ang
balisong at napahigpit ang paghawak niya roon hanggang sa iyon ay mahugot at sa pag-ikot niya,
ipinaghalihaw niya ang balisong na iyon, sapagkat may nakabibinging halakhak na sumusunod
sa kanya sa pag-ikot at pagdilat niya ay nababanaagan niya ang kanyang Tiyo Samuel, ang
maluwang na bibig ay waring isang hayok na bunganga ng dambuhalang sa ilang sandali pa ay
lalagom sa kanya.
Mahigpit ang pagkakaapol, itinaas niya ang balisong at sa isang kisap- mata ay lumabas siya sa
nag-uumikot niyang paningin at ang patalim ay ibinaon niya sa dibdib ng humahalakhak niyang
Tiyo Samuel.

You might also like