Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“Sa likod ng mga ngiti”

ni: Russell T. Bautista

Ang akala nila ako’y walang problema


Dahil araw-araw ako daw ay masaya
Ngunit sa likod ng mga ngiting ito
Isang sikreto ang bumabalot rito

Minsan ako’y nagkasala na sa gawa


Hindi sinasadya naunahan lamang ng kaba
Matagal ng itinatago ngunit konsenya ay kumakatok
Kinakabahan kahit sa tilaok ng manok

Nung ako’y nasa edad ng labing-tatlo


Ugali ko’y talagang barumbado
Nanay at Tatay ko sumasakit na talaga ang ulo
Dahil sa akin silang dalawa ay sadyang problemado

Sumapit sa edad na labing-walo


Ugali ko’y di parin nagbabago
Alak, droga, sigarilyo ay nagtagpuan ko
Hindi ko na ito natigil dahil sa dalang saya nito

Kinagabihan ako’y naglalakad sa eskinita


Ako ay may nakita isang dalagita
Dala ng tama ng droga at kalasingan
Siya ay aking natipuhan at napagdiskitahan

Hinalbot ko siya at pinatulog


At dinala siya sa tabing ilog
“Malalim na ang gabi tiyak na walang makakita”
Sambit ng aking isip na hayok na hayok na talaga
Gagasahin ko na dapat ito
Ngunit siya ay nagising at nagsusumamo
Ayaw ko siyang pakawalan at hinawakan ng todo
Nanlaban ito at naiumpog ko sa bato

Sa ilog nagkalat mga dugo ng dalagitang ito


Di makaisip ng paraan dahil sadyang ako’y nalilito
Ihinulog na lamang sa ilog ang katawan nito
At umuwi na lang ako sa bahay na pakaripas ang takbo

Makalipas ang dalawang araw ng insidente


Nagtapuan ang katawan ng dalagita ng mga residente
Buti na lamang mga magulang ko ako’y nilayo
Para maitago at magbagong buhay na ako

Makalipas ang sampung taon parang walang nangyari


Balita ko naibintang ang krimen sa iba na ako naman ay may ari
Nakatapos na din ako ng kolehiyo
At ang kursong inaral ko ay abogado

Kahit na kilala ako bilang palatawa


Mga alala ng nakaraan sadyang naalala
Ginawa kong kasalanan sa dalagita
Gusto ko ng pagbayaran na talaga

You might also like