Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

P ANAN ALIKSIK UKOL S A MG A KAKANIN NG S AN RAFAELENO AT


MG A SULIRANING KINAK AHARAP SA P AGG AW A NITO

-------

Isang Pananaliksik na
Iniharap Kay:
Gng. Jennalyn Lai

Bilang bahagi ng Kahingian sa Asignaturang


Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

-------

Ang Mananaliksik

Quiatchon, Ryan Angelo V.

2018
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa para sa layuning


malaman ang iba't ibang uri ng kakanin mula sa bayan ng San Rafael
sa Bulacan.

INTRODUKSYON

Mayaman ang ating bansa sa mga kakanin na nagmumula sa


paligid ng ating lalawigan dahil ang ating bansa ay mayaman sa
pananim. Dahil sa malikhain angmga Pilipino, nagagamit nila ang
mga bagay sa kanilang paligid upang maging kapaki-pakinabang at
mapagkakakitaan. Maraming lalawigan ang nakilala dahil sa
masasarap nilang kakanin at isa na ditto ang probinsya ng Bulacan.
Ang bayan ng San Rafael sa probinsya ng Bulacan ay kilala sa
iba't ibang larangan lalong lalo na sa larangan ng pagluluto.
Karamihan ng mga nakatatanda ay may kanya ka nyang kakayahan sa
pagluluto ng sari -saring mga putahe kaya naman ang bayan na ito ay
kinikilala sa pagluluto ng masasarap na pagkain. Isa sa mga uri ng
pagkain na kilala ang bayan na ito ay sa paggawa ng mga kakanin.
Nagong pangunahing produkto ito ng mga San Rafaeleño at naging
pangunahing hanapbuhay ng mga mamayan na naninirahan sa
bayan.
Maraming uri ng kakanin sa ating paligid at karaniwan na sa
atin ang mahiligding magluto ng mga ito. Sa paghahanda ng kakanin
isinasaalang-alang din ang sustansya na maidudulot nito dahil
karaniwang ipinapalit ito sa regular na pagkainna hindi kinain sa
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

oras. Masipag magluto ng mga kakanin an gating mga magulangat ito


ang ipinamamana sa bawat salinhali. Dahil sa malikhaing isip ay
napagtutuunan mga mahilig magluto na subuking itinda ang masarap
nilang nilutong miryendasa bahay. Mayroon ding naging maunlad
dahil sa pagtitinda ng mga kakanin na ito.
Iba’t ibang mga kakanin ang matatagpuan sa bayan ng San
Rafael at kabi-kabila ang mga manggagawa nito. Sa pag-usad ng
panahon ay madami nang nagbago sa paggawa nito at madaming
kakanin pa ang natuklasan. Bukod sa pag-unlad ng paggawa at mga
kagamitan sa pagluluto ng mga kakanin, hindi mawawala ang mga
suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa ng kakanin. At ito ang
layunin ng aking paggawa ng pananaliksik na ito.

METODOLOHIYA

Ang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik na may pamagat na


Pananaliksik Ukol Sa Mga Kakanin Ng San Rafaele no At Mga
Suliraning Kinakaharap Sa Paggawa N ito ay gumamit ng
pamamaraang deskriptibo at pangkasaysayang pananaliksik.
Ang napili ng mananaliksik na pamamaraan upang maisabuhay
ang naturang pag -aaral ay sa tulong ng survey kung saan maglalaan
ng katanungan ang mananaliksik sa mga gumagawa ng mga kakanin
sa San Rafael, Bulacan. Layunin ng pamamaraan na ito na mas
mapatibay at mahingi ang opinyon ng mga piling respondente ukol sa
mga suliraning kanilang kinakaharap.
Naging mabisa din ang paggamit ng mananaliksik ng “ interview
method” sa ginawang pananaliksik. Makikipag-panayam ang
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

mananaliksik sa mga respondante upang map atibay ang ginagawang


pag-aaral.

RESULTA

Mayaman ang San Rafael sa mga kakanin bilang pangunahing


produkto ng kanilang lugar. Sa isnagawang pag-aaral, natuklasan ng
mananaliksik na napakaraming uri ng kakanin sa San Rafael at
mayroon din namang mga suliranang hinaharap ang mga gumagawa
nito. Ang mga nalikom na impormasyon at datos ng mananaliksik ay
bunga ng pakakapanayam sa mga piling respondente na angkop at
may kaalaman sa naturang paksa. Ang mga nakalap na impormasyon
ay pinagsama-sama ng mananaliksik upang mas maging mabisa at
lubos na maunawaan ang pananaliksik

Nalikom na mga Uri ng Kakanin at Deskrips yon

1. Puto ( 3-15 pesos/piraso)


- ito ang pinakapopular sa mga kakanin ng San Rafael. Ito ay
may iba’t ibang kulay at may sahog sa ibabaw na maaaring keso,
mantikilya o itlog na maalat.

2. Kutsinta (3-15 pesos/piraso)


- ito ay kilala bilang kapares ng kutsinta at isa din sa
paboritong kakanin ng mga Pilipino. It o ay gawa sa malagkit, niyog,
asukal at iba pa.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

3. Bibingka (50-350 pesos/ order o bilao)


- isang uri ng mamon na gawa mula sa malagkit na bigas o
galapong at gatas ng buko. Niluluto ito sa isang hurnuhang yari sa
putik, pinaiinitan ng nagbabagang uling na nakapatong sa ibabaw ng
lutuin. Iniihaw ito ng patung -patong. pinapahiran muna ito ng
mantekilya at binubudburan ng asukal. Isinisilbi ito na may kasamang
ginadgad na niyog. Ang bibingka ay gawa sa galapong, gata, asukal,
itlog at baking powder. Ang mga pinaghalong sangkap ay binubuhos
sa isang lalagyan na nilagyan ng dahon ng saging. Niluluto ito sa
buhay na uling sa isang oven na gawa sa clay. Maaari din itong
lutuin sa mas makabagong oven. Ngayon hindi na kailangan
maghintay sa pagsapit ng kapaskuhan para makatikim ng masarap
na bibingka. Maaari na itong ma -order sa mga restaurant at mga
maliit na tindahan ng pagkain sa mall. Masarap ang bibingka lalo na
yung espesyal na bibingka na dinagdagan ng itlog na pula at kesong
puti.

4.Pichi-pichi (3-20 pesos/piraso)


- isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay
gawa sa niyog at cassava o kamotang kahoy. Ito ay isa sa mga
paboriton g ihanda sa mga salu -salo o kahit sa mga ordinaryong araw
lamang. Ang pagkaing ito ay nagmula sa probinsya ng Quezon at lalo
pang pinasarap ng mga San Rafaeleno.

5. Palitaw (5- 10 pesos/piraso)


- isang uri ng mamon sa Pilipinas na niluto mula sa malagkit na
bigas, at hinaluan ng asukal budbod ng laman mula sa prutas ng
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

puno ng buko. Tinawag itong palitaw dahil nang ilaglag ang mga
likidong halo nito sa kumukulong tubig, lilitaw ito sa ibabaw.

6. Biko (100-300 pesos/bilao)


- isang uri ng matamis na panghimgas na gawa mula
sa bigas at gatas na buko. Mabentang mabenta ang kakaning ito sa
mga Pilipino, lalo kapag may okasyon tulad ng pista ng bayan, araw
ng mga patay, mahal na araw, kaarawan, at iba pa.

7. Espasol (40-150/kahon)
- isang uri ng manipis at mahaba o tubo ng matamis
na nagmula sa Laguna at lalo pang nakilala sa Bulacan. Gawa ito
mula sa galapong, gatas ng buko, minatamisang ginadgad na laman
ng buko, at binubudran ng tinustang galapong.

8. Suman (60- 150/ dosena)


- isang popular na kakanin na gawa sa malagkit na binalot sa
dahon ng saging, niyog o pandan. Ang suman ay maaaring isaws aw
sa asukal, minatamis na sarsa o tinimplahang gata. May iba’t ibang
klase ng suman depende sa pinangalingang rehiyon. Ang kilalang
suman sa San Rafael ay ang suman sa latik na mayroong latik mula
sa niyog. Masarap din ito kainin kasabay ng hinog na man gga.

9. Cassave cake (30- 120 pesos/ kahon)


- ito ay gawa sa kamoteng kahoy na nilagyan ng madaming
keso sa ibabaw upang lalong suamrap at luminamnam ang lasa neto.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

10. Maja Blanca (20 -30 pesos/order)


- isa ring kilalang kakanin sa San Rafael na gawa sa malagkit,
gata ng niyog at gatas upang mas maging malasa at malinamnam.

11. Puto Bumbong (13 -55 pesos/order)


- isang kulay lilang bibingka na kung saan pinangalanan
matapos maluto sa isang tubo ng ka wayan. Kilala ito tuwing sasapit
ang pasko.

12. Sapin-sapin (20-50pesos/hiw a)


- ang sapin-sapin ay isa sa kakaning Pilipino na masarap kung
saan ang pangunahing sangkap ay giniling na malagkit. Hindi ito
nawawala sa espesyal na okasyon gaya ng pas ko o bagong taon.
Hinahaluan din ng gatas ang sapin -sapin para mas maging masarap
at food coloring upang magkaroon ng iba't ibang kulay.

13. Buchi o butsi


- ito ay karaniwang gawa sa galapong na may palamang
monggo sa loob at binubudbudran ng linga upang mas lalong tumiim
ang lasa.

Mga Nakalap na Kasagutan sa Pakikipana yam


Ang mananaliksik ay nangalap pa ng karagdagang impormasyon
sa paraan ng pakikipanayam upa ng mas maging matibay ang
pananaliksik.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

 Ano ang mga bagay na nagbago sa paggaw a ng inyong


kakanin sa paglipas ng panahon?
Maraming bagay ang nagbabago sa iba’t ibang mga
larangan sa paglipas ng panahon. Kabilang na dito ang sa
paggawa ng kakanin ng mga San Rafaeleno na kung saan
madaming pinagbago ang pamamaraan ng paggawa ng kanilang
mga kakanin mula sa mga sahog hanggang sa mga kagamitan
na ginagamit sa paggawa ng mga ito.
Ayon sa mga respondente, malaki laki na din ang
pinagbago ng paggawa nila ng kakanin sa paglipas ng panahon.
Lalong na lalo na at halos ang lahat ng kabubuan ng
respondente ay gumagawa na ng kakanin nakalipas na
dalawampung taon. Ang pinakamalaking pinagbago ng k anilang
paggawa ay ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa nito.
Halimbawa na lamang ang kudkuran nng niyog na isa sa
pangunahing sangkap ng mga kakanin. Kung noon ay mano
mano ang pagkudkod sa mga ito, may makabagong mga
kagamitan na sila uoang ams mapada li at mapabilis ang
produksyon ng mga ito. Isinama na rin ang paglalagay ng mga
kakanin sa liyanera o ang kasangkapan na pinaglalagyan ng
mga sapin sapin at pati na ng sikat na leche flan na kung saan
mayroon na silang makina na kusang naglalagay ng mga sa hog
sa liyanera. Nagbago na din ang sistema sa ibang mga
nagkakakanin na kung saan dati ay nagbebenta lamang sila sa
mga palengke na ngayon ay kung saan saan na nila ito
naibebenta at kung minsan ay dinadala pa sa mga karatig
probinsya upang matikman ang g awang San Rafael. Umunlad
din ang kanilang produksyon kung kaya’t gumagawa sila ng
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

mga kakanin sa mga nagpapagawa na gagamitin sa iba’t -ibang


mga okasyon.

 Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng mga ito?


Bawat pag-unlad ay mayroong kaakibat n a positibo at
negatibong epekto sa mga manggagawa ng kakanin sa bayan
ng San Rafael.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

APENDIKS

“P ANANALIKSIK UKOL S A MG A KAKANIN NG S AN RAF AELENO AT


MG A SULIRANING KINAK AHARAP SA P AGG AW A NITO ”
(Questionnaire)

1) Magtala ng mga kakanin na iyong itinitinda at ilagay ang presyo ng


mga ito:
- -
- -
- -
- -
- -
- -
- -

2) Ilang taon na ang iyong negosyo na pagkakakanin?


1-5 taon
6-10 taon
11-20 taon
Mahigit 20 taon

Pakikipanayam:
 Ano ang mga bagay na nagbago sa paggawa ng inyong
kakanin sa paglipas ng panahon?
 Ano ang mga positibo at negatibong epekto ng mga ito?
 Ano ang inyong pangunahing suliranin na inyong kinakaharap
sa paggawa ng kakanin sa kasalukuyang panahon?
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

You might also like