Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Proserpina ay anak ni Zeus(ang Diyos ng mga Diyos) at Demeter(Diyosa ng Anihan).

Siya ay isang dalagang maganda na katu-katulong ng inang si Demeter sa pangangalaga sa mga halaman
sa lupa. Siya ang kasama ng ina kapag namimitas ng bulaklak.

Si Proserpina ay masayang nakikipagsayawan sa parang kasama ang iba pang kadalagahan. Masayang
nagsasama ang mag-ina.

Samantalang si Pluto (Ang Diyos sa ilalim ng lupa at Diyos ng mga namayapa) ng mga panahong iyon ay
malungkot. Nag-iisa lang siya sa kanyang kaharian sa ilalim ng lupa. Ang gusto nya ay magkaroon ng
kasama. Ang magkaroon ng Reyna sa kanyang kaharian ngunit maraming dalaga ang tumangging tumira
sa kanyang kaharian.

Isang araw nagtungo sa ibabaw ng lupa si Pluto doon niya natanaw si Proserpina na kasama ng mga
kaibigan. At kanyang sinambit “Siya na ang gagawin kong reyna ng aking kaharian”. Kanya ngang kinuha si
Proserpina habang namimitas ng mga bulaklak.

Humingi man ng tulong si Proserpina sa kanyang ama ngunit siya ay hindi nito narinig. Ang tanging
nakarinig lang ay ang mahiwagang diyosa na si Hikate. Sumigaw ng sumigaw ang dalaga. Ang
alingawngaw ng kanyang sigaw ay ikinalat ng hangin sa mga burol at kagubatan hanggang sa ito ay
marinig ng kanyang inang si Demeter.

Dali dali itong bumalik sa Sisilya at hinanap ang kanyang anak sa kanilang bahay ngunit wala doon ang
kanyang anak.

Hinanap ni Demeter ang kanyang anak na si Proserpina ng siyam na araw ngunit di nya ito matagpuan.

Dahil sa kalungkutan di siya kumain o uminom man lang.


Nang ikasampung araw dumating si Hekate at ibinalita nga nito ang narinig niyang sigaw ni Proserpina.
Ngunit di nito nakita kung sino ang kumuha sa dalaga.

Pumunta si Demeter sa Diyos ng araw , sinabi ni Apollo na ang kumuha sa kanyang anak na si Proserpina
ay si Pluto.

Nalungkot si Demeter kung kaya’t hindi nya naasikaso ang mga gawain sa ibabaw ng lupa. Namatay ang
mga halaman at nagutom ang mga tao. Dumaan ang mga araw ay lalong nagkagutom gutom ang mga
tao. Lumapit sila kay Demeter hiniling nila na patubuin na ang mga halaman sa lupa ngunit dahil sa
kanyang kalungkutan naging matigas ito.

Hinanap niya ng hinanap si Proserpina nang wala na siyang pag-asa ay lumapit siya kay Seus, hiniling nya
na ibalik ang kanyang anak. At kanyang sinabi “Kung siya ay ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng
masaganang ani sa lupa”.

Naawa si Seus sa kanya kung kaya’t ipinangako nito na ibabalik si Proserpina kung ang dalaga ay hindi pa
kumakain ng kahit na ano habang nasa kaharian ni Pluto.

Natuwa si Demeter, Nagpunta siya sa kaharian ni Pluto sa ilalim ng Lupa. Nakita nya ang kanyang anak na
si Proserpina at sila’y masayang nagyakap. Ngunit si Proserpina pala ay nakakain na ng anim na buto ng
Granada.

Minarapat ni Pluto na mamalagi si Proserpina sa kanya ng anim na buwan(taglagas at taglamig sa ibabaw


ng lupa) at sa piling naman ni Demeter ang nalalabing anim na buwan(tag-sibol at tag-araw sa ibabaw ng
lupa).

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1597697#readmore

You might also like