Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG MGA BATIS PANGKASAYSAYAN

Bahagi ng pag-aaral ng kasaysayan ang pagkilala sa mga bagay na pinagkukunan ng mga tala at datos upang lubos
na maunawaan ang kronolohiya, saysay, at katibayan ng mga kaganapan. Matapos na magbigay ng paksa ay isinaalang-
alang ng mga historyador ang mga batis o sanggunian ng kasaysayan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
sangguniang pangkasaysayan sa pagtitiyak ng mga konklusyon at naratibo ng nakaraan. Dahil dito, mahalagang kilalanin
ang dalawang uri ng sangguniang pangkasaysayan na magsisilbing batayan sa pagsulat ng kasaysayan.

Pangunahing sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan ang mga tinatawag na primaryang batis. Ang mga ito ay ang
bagay at mga tala na naglalaman ng impormasyon na galing mismo sa bagay o tao na pinag-uusapan sa kasaysayan.
Nangangahulugan na ang mga ito ay mga uri ng bagay na umiiral kasabay ng mga pangyayaring tinatalakay.

Ang mga PRIMARYANG BATIS ay maaaring uriin sa dalawa : nakasulat at di- nakasulat.

Ang mga nakasulat na primaryang batis ay mga dokumento na naglalaman ng mga ulat ng kaganapan, tala o opinyon,
pananaw, at damdamin ng may- akda. Ilan sa mga halimbawa:

A. TALAARAWAN- tinatawag din itong diary/ journal. Ang mga ito ay naratibo ng mga kaganapan na inakda ng mga
tao na mismong nakaranas at nakasaksi sa mga pangyayari. Kadalasan na ito ay isinusulat ng may-akda araw- araw.
Isang halimbawa nito ay ang diary ni Hen. Gregorio Del Pilar na naglalarawan ng kanyang karanasan sa pakikibaka
sa mga Amerikano. Nagtapos ang kanyang pagsusulat nang siya ay mapaslang ng mga Amerikano sa Pasong Tirad.
B. AWTOBIYOGRAPIYA- tinatawag din itong talambuhay na isinulat ng may-akda na pumapatungkol sa kanyang
sarili. Mahahalagang mga kaganapan, lugar, tao at mga pangyayari ang kadalasang paksa ng nasabing akda.
C. LIHAM- ito ay ang mga sulat ng may-akda na naglalaman ng mensahe, pananaw, o damdamin na nais niyang
iparating sa taong kinauukulan.Halimbawa nito ay ang liham ni Rizal sa kadalagahan sa Malolos na may petsang
Pebrero 22, 1889. Dito pinapurihan ni Rizal ang kagitingan at katapangan na ipinamalas ng mga kadalagahan ng
Malolos na umalpas mula sa pagkaalipin ng kamangmangan sa pamamagitan ng paghiling nila sa gobernadora-
heneral na makapagtayo ng isang paaralan na magtuturo ng Wikang Espanyol.
D. DIYARYO/ PAHAYAGAN- isang dokumento na inilathala at inilimbag kaalinsabay ng mga isyung panlipunan na
tinatalakay mismo sa mga pahayagan.Maaari rin itong maglaman ng ulat ukol sa mga kaganapang pulitikal, pang-
ekonomiko at panlipunan.

You might also like