Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG DIGNIDAD NG TAO

PANTAY NA PAGKILALA SA DIGNID AD, SA KAPWA AY IBIGAY

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang
makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang
makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba kaibigan?
Sapagkat siya ay iyong kapwatao. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao.
Ito ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang
karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa. Hindi nga ba’t
ito rin ang utos ng Diyos sa tao? Sinabi niyang “Mahalin mo ang iyong kapwa
katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Nangangahulugan ito ng pagkilala
sa dignidad na taglay ng lahat ng tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon
sa Kaniyang wangis. Ibig sabihin, ayon sa Kaniyang anyo, katangian at
kakayahan. Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t ito
ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, ibig sabihin,
taglay ng lahat ng tao. Ngunit, marahil tinatanong mo ang iyong sarili, ”Bakit
may pagkakaiba ang tao? Bakit may taong mayaman? Bakit may mahirap?
Bakit magkakaiba ang kanilang edad, kasanayang pisikal, intelektuwal at moral
na kakayahan, ang benepisyo na natatanggap mula sa komersiyo, at ang
pagkakabahagi ng yaman? Maging ang talento ng tao ay hindi pantay-pantay
na naibahagi. Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao?
Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao
at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
Narito ang mga Katangian ng Likas na Batas Moral:
Obhetibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito
ay nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi
nililikha; kaya hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao.
Pangkalahatang katotohanan ito na may makatwirang pundasyon. Naaayon sa
reyalidad ito at hindi nakabatay sa tao. Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang
bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito
naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.
Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao,
sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa
lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan
ng tao; kaya‟t ito
ay nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao.
Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito
ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay
permanente. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya‟t ang batas na
sumasaklaw sa kanya ay permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.
Di-nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil
hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao
sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang
Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad
ng iisang alituntunin para sa lahat.

You might also like