Aklat NG Lihim Na Kapangyarihan at Kaalaman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 51

(MAY ANOTASYON)

NI
ANTHONY ACE ARROYO VALDERRRAMA

SANTA MARIA, LAGUNA.


August 4, 2013
PAGHAHANDOG
Para sa iyo Mahal kong Infinito Deus Yahweh El Shaddai
Sa iyong dakilang kapurihan at pagmamahal sa akin at sa aking
angkan
Inihahandog ko sa iyo ang gawa kong ito.
Napakabuti mo sa lahat ng sandal, salamat po sa wagas na Pag-ibig
sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na aking Panginoon at manunubos.

Sa aking mahal na mga magulang Jose Zaldy Redor Valderrama at


Felisa Maulawin Arroyo
Inihahandog ko sa inyo ang gawa kong ito.

Sa aking mga kapatid na sina


Ma. Jeserela A. Valderrama at Joseph Godfrey Valderrama
Inihahandog ko sa inyo ang gawa kong ito.

At sa aking pinakamamahal at buhay kong asawa at mga anak: Sa


aking kaluluwa Mrs. Carol Prucia Valderrama at sa aking
malalambing na mga anak na aking buhay: Karl Rexal P. Valderrama
at Nathalie Valderrama
Inihahandog ko sa inyo ang gawa kong ito.

Sa angkan ng Valderrama at Arroyo


Inihahandog ko sa inyo ang gawa kong ito.

Sa aking mga kaibigan


Inihahandog ko sa inyo ang gawa kong ito.

AD MAIOREM DEI GLORIAM

PANIMULA
Ang mga usaping esoteriko1 ang patuloy kinahuhumalingan ng
ilan natin mga kababayan ngayon. Mula pa noong unang panahon, ang
lihim na karunungan2 ay hindi maikakailang sangkap para sa
matagumpay na pamumuhay, at hindi maitatatwa na kinailangan din
itong gamitin sa oras ng pangangailangan.

Bago pa dumating ang mga taga kanluranin upang tayo ay


sakupin at impluwensiyahan, ang mga katutubong Pilipino ay nag-
angkin na ng tinatawag na Anting-Anting, upang tugunan ang
pangangailangan nila ng katanyagan at katagumpayan.

Noong dumatal ang mga kastila dito sa ating Inang Bayan, ay


nabago bahagya ang pananaw ng mga Pilipino sa Lihim na Kaalaman
sapagkat ito ay nahaluan ng mga maka-Kristiyanong pananampalataya3
na ibinahagi ng Simbahang Katolika4 na binigyan naman ng sariling
interpretasyon ng mga esoterikos. Kung dati, ang lihim na kaalaman
ng mga katutubo ay tungkol lamang sa mga maka-kalikasang kaalaman
tulad ng mga mutya, aklat ng kalikasan; ngayon ay may mga nalikha ng
Talandro, Medalyon, at mga lihim na aklat na kinatititikan ng mga
kasaysayan lihim at mga oracion.

Ang tanong ngayon ay bakit nga ba napakahalaga ng Anting-


Anting sa ilan sa ating mga Pilipino? Ano nga ba ang mga kawili-
wiling bagay na dulot ng isang Anting-Anting sa tao na gumagamit
nito? Ano nga ba ang lihim ng isang Lihim na Karunungan? Dapat nga
ang lahat ng ito ay mabatid ng mga Tagalog5 sa aking aklat na ito?
Ito ang buong puso kong ibabahagi. Marapat lamang na isatitik ko na
ang aking 24 na taon na ginugol ko sa pagtuklas ng Lihim na Karunungan.
Ano nga ba itong kinawiwilihan ko mula noong taong 1989 hanggang sa
pagsasatitik ko ng lahat ng ito ngayong taong 2013. Mahalaga na
maunawaan na nasa dugo ang pag-aangkin ng mga natatanging
galing (Anting-Anting) ng isang tao. Dapat maunawan na mayroong
dalawang uri ng kaalaman, ito ay ang Hayag6 at Tago7 na

1
ESOTERIKO – ito ang karunungan ng Diyos na TAGO, dahil hindi ito matutunghayan sa Bibliya, subalit ang mga mag-aaral
dito ang gumamit ng salitang aklat ng kalikasan na siyang pinagkunan ng kanilang mga kaalaman.
2
KARUNUNGANG LIHIM- ito ay ang paggamit ng mga nakatagong kaalaman na hindi nahayag sa nakararami. Layunin
nito ay maging sangkap ng katawan laban sa mga panganib, karamdaman, at pagkaligalig. Ito noong unang panahon at
hanggang sa ngayon ay ang paggamit ng mga talandro, medalyon, oracion at mga mutya na totoo namangpatuloy na
nasa puso ng mga Pilipino. Sa ibang termino, ang Lihim na Karunungan ay ang tinatawag na Anting-Anting o Agimat.
3 Kristiyanismo- ito ang isa sa pangunahing relihiyon sa Bansang Pilipinas. Ang Relihiyong ito ay itinatag ni Hesus-

Kristong Panginoon noong A.D. 33 bago siya ipako sa krus.


4
Katolika- ito ang turing sa Inang Simbahan ng mga totoong Kristiyano. Ang terminong Katolika ay galling sa salitang
Griyego na “katolikos” na ibig sabihin ay “pandaigdigan o pangkalahatan/Universal”.
5
TAGALOG- ayon sa pag-aaral pangkasaysayan, ang terminong tagalog ay nagmula sa salitang “taga-ilog” na
tumutukoy sa mga katutubong Pilipino na laging naninnirahan sa tabi ng ilog. Noong panahon ng mga Kastila dito sa
ating Bansang Pilipinas, ang paggamit ng mga katutubong Pilipino (i.e. indios) sa salitang tagalog ay nangangahulugang
Pilipino sa ating panahon, ibig sabihin, saan mang rehiyon dito sa Bansa, ang isang katutubo ay tinutukoy na Pilipino.
6
ECCLESIASTICAL/HAYAG – ito ang karunungan ng Diyos na kung tawagin ay HAYAG dahil ito ay nakasulat sa mga aklat
lalung-lalo na sa Bibliya. Dito nagmula ang mga ginagamit ng mga mananampalataya upang mabuo ang mga angkop na
kakailanganin upang magkaroon ng paniniwala sa Panginoon Diyos na Lumikha.
Kaalaman. Sabi ng mga Los Antingeros8, itong dalawang kaalamang ito
ay hindi maaring paghiwalayin sapagkat may mga natatanging dahilan.9

Ang mapanuring pag-iisip at matatalas na paningin ang


kinakailangan ng isang tao sa ganitong larangan. Dapat maging
malinaw sa isang tao na ang Lihim na Karunungan ay hindi ordinaryong
kaalaman na basta na lamang ipinagkakaloob ng Poong Maykapal sa
isang tao. Halina at alisin natin ang tabing na pinagkukublian ng
mga Lihim na karunungan.

Nawa ang aklat na ito katitikan ng Kabutihan, Kaalaman at Karangalan


sa isang babasa!!!

ANG MAY AKDA

Mr. Anthony Ace A. Valderrama, Ph.B.

Ang
Aklat ng Kalikasan
7
Ito ay ang tinutukoy na Esoterikong Kaalaman na akin na nabanggit sa unang footnote sa unang pahina.
8
Los ANTINGEROS- isang samahan na binuo dito sa Pilipinas na ang layunin ay mangalap at magbahagi ng mga
kaalamang lihim na ang gamit ay ang makabagong teknolohiya na Internet.
9
May DAHILAN ANG DIYOS kung bakit mayroong TAGO at HAYAG na karunungan. Ang HAYAG ay gabay upang marating
ang tugatog ng iyong inaasahang kaligtasan, at ang TAGO naman ay siyang kapangyarihan na magliligtas sa oras ng mga
kapahamakan at kagipitan.
(Isang Paliwanag)
May isang aklat na kung tawagin ay “Aklat ng Kalikasan” kung bakit ganito ang tawag ay
sapagkat ito’y ibinigay sa tao mula sa “DI PANGKARANIWANG” kapangyarihan. Sinasabi na ito
ay aklat na nakukuha sa kagubatan na maaring kaloob ng mga elemental10 ng kalikasan. Ang aklat
ng Kalikasan, ayon sa pananaliksik ay ang pinagmulan ng mga lihim na kaalaman na sa
kasalukuyan ay pinag-aaralan bilang TAGO NA KARUNUNGAN.

Dito sa aklat na ito ay matutunghayan ang mga lihim na pangalan ng Diyos na


pinaniwalaan hindi lamang ng mga Kristiyano pati na rin sa iba’t-ibang sistema ng paniniwala sa
Diyos. Tayong mga Kristiyano ay may pinaniniwalaan na pangalan ng Diyos na natatala sa aklat ng
kalikasan, ito ay ang JEHOVAH11 na ating pinaniniwalaan at sinasamba. Sa aklat naman ng
kalikasan ay ganito ang sinasabi, “NOONG GINAWA ANG MUNDO AY JEHOVAH ANG
PANGALAN NG DIYOS”. Nang ginawa ang araw ay HICAAC ang pangalan ng Diyos, HICAOC
naman nang lalangin niya ang buwan at HIMBODOA naman nang ginawa niya ang mga bituin.

Kung sabihin namang ang Diyos ay Kataas-taasan, ang pangalan nito ay EL ELYON.12
Alam natin na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, at ang kanyang pangalan ay EL
SHADDAI13 at EL OLAM kung turingan namang Diyos na walang hanggan. Noong ginawa ng
Diyos ang tao ay ELOHIM ang Kanyang pangalang ginamit, at nang lalangin ang apoy ay
YAWESERE ang Kanyang pangalan, ADONAI14 naman nang ginawa ang tubig. Ito ay iilan
lamang sa Kanyang makapangyarihan at nakatagong pangalan na magpapatunay na sa bawat
ginawa ng Panginoon ay iba-iba ang Kanyang pangalan. Sa Pitong Kontinente nitong Daigdig, sa
bawat mga Bansa, ang mga nalikhang hayop nakapagpapahayag ng mga pangalan ng Diyos sa sarili
nilang mga tinig. Ating tunghayan, sa tilaok ng manok ay maririnig natin ang CO COCO OC, sa tahol
ng aso ay CAO at AW, sa ibon ay OAC sa palaka ay OC AC, sa pusa ay NGIAO at MAO, sa kambing
ay ME, sa tupa ay VE, sa kalabaw ay ONGA, sa baka ay MA at sa mga isda sa tubig ay
AC CAC EC OC COC. Ang mga iyan ay pawang mga salita ng mga hayop at mga isda sa tubig.
10
Elementals- ito ay yaong mga espiritu na nananahan/naninirahan sa mga kagubatan, tabing ilog, o mga espiritu na
nag-aalaga ng mga bukal ng tubig. Ang mga halimbawa nila ay ang mga engkanto at mga lamang lupa.
11
JEHOVAH- galling sa salitang Hebreo na “Jod He Vau He” na tumutukoy sa Diyos. Ito ay nagmumula sa apat na
buntala na tumatangan sa mundo.
12
EL ELYON- ibig sabihin ay Diyos na Kaitaasan.
13 EL SHADDAI- Ibig sabihin ay Diyos ng Makapangyarihan.
14
ADONAI- salitang Hebreo na ibig sabihin ay Panginoon.
Sang-ayon sa tagong karunungan, ang salita ng mga hayop at isda ay mayroong malawak na
kahulugan na siyang pangalan ng Diyos sa mga kani-kanilang kaalaman. Basahin natin ngayon ang
salita ng manok, ating maririnig ang mga salitang CO COCO OC sa kanyang pagtilaok ang tatlong
CO CO CO ay isa sa maraming pangalan na nag-iisang Diyos na lumalang sa lahat ng bagay at
nagtatangan ng kapangyarihang buo. Ang OC (OCCELITAM) ay ang hanging Espirito15 ng Diyos
na nagdadala sa Kanya sa lahat ng dako. Ang titik na O at C sa OC ay ORTAC at CRISTAC.
Tunghayan naman natin ang tinig ng aso. Sa tahol ng aso ay ating maririnig ang CAO at AW. Ang
aso ay tumatahol lalong-lalo na kung ito ay mayroong napansin na di pangkaraniwan para sa kanya,
sabi pa ng mga matatanda, ang aso ay tatahol kung ito ay makakita ng mga masamang espirito, nasa
kanyang pagtatahol ay lalabas sa kanyang bibig ang salitan CAO na sang-ayon sa tagong karunungan,
ito ay Tagong Pangalan ng Diyos. Ang basag sa salitang CAO ay ito: CRISTAC AMINATAC
ORTAC at sa ibang banda, ang AW naman ay AMPILAM WEYEM na isa ring pangalan ng Diyos.
Ganoon din ang huni ng ibong uwak na dili iba kundi OAC (binaligtad lamang ang sambit ng
kahulugan) ay katulad din sa tahol ng aso ang kahulugan. Ang palaka naman ay ganito ang kanilang
salita. May OC at mayroon din namang AC. Ang OC ay gaya ng naipaliwanag sa tilaok ng manok.
Ang AC16 naman ay pangalan ng Diyos noong nag-iisa pa lamang Siya. Ibig sabihin noong wala pa
ang mundo. Ang dalawang titik ng AC ay ito AMINATAC CRISTE. Ang pangalang ito ay
nagmumula sa isang malawak at matayog na kahulugan dahil sang-ayon sa kasaysayan ang
Diyos ay isang espirito at na may matayog na kahulugan. Isang DIYOS na walang simula at walang
katapusan17. Ngayon ay tuntunin natin ang dalawang salita ng pusa. Kapag nagalit ang pusa ay lalabas
sa kanyang bibig ang salitan MEAO. Sabi ng kasaysayan ito daw ay pangalan ng isang matapang
na espirito buhat sa Diyos at ito ang basag ng MEOROAM ENCANTO AMINATAC ORTAC
at ang NGIAO naman ay isang salita na laging nasa bukang bibig ng pusa. Ito ay isang kabanal-
banalang pangalan ng kataas-taasang Diyos. Ang dalawang titik na NG ay NIGAUM GAYIM at
I.A.O. naman ay pangalan ng Diyos na ibinigay kay Moises noong ito ay nabubuhay pa sa lupa. Ang
IAO ay ang ISCHIROS ATHANATOS OTHEOS na ayon sa pananampalatayang Katoliko ay
pangalan ng TATLONG PERSONA18. Kung susuriin natin ang IAO ay nakasama sa salitang
ALELUIA na siya ring pangalan at tawag natin sa Diyos ngunit hindi batid ng nakararami na sa
tuwing sasambitin ng ating bibig ang ALELUIA19 ay kinikilala natin ang Diyos. Ang salitang ME
ng kambing ay isang pangalan din ng Diyos na ang kahulugan ay
MAIGSAC EIGMAC20. Ang MA naman ay salitang laging bukang bibig ng baka, ang basag nito

15
Hanging Espiritu- ang tinutukoy dito ay ang Espiritu Santo.
16
Sa wikang Latin ang AC ay nangangahulugang AT sa wikang Filipino. Ang AC at ET sa wikang Latin ay iisa ang
kahulugan sa wikang Filipino. Sa Lihim na Karunungan ito ay binigyang kahulugan na AMINATAC CHRISTE, na
nagagagamit na Pangkaligtasan sa mga panganib pagkat nakapangliligaw ng mga kaaway.
17
INFINITO DEUS ang turing dito kung saan siya ang walang simula at walang wakas. Ang Alpha at Omega. Ang
pananampalatayang esoterriko sa INFINITO DEUS ay ang pangunahing lunduyan ng paniniwala ng mga mag-aanting
dito sa Pilipinas.
18 Tatlong Persona- para sa aming mga katoliko, sila ay ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo na. Ang buhay na Iisang

Diyos sa pagkatatlong Persona.


19
ALELUIA o ALELOIA- ang AL ay ibig sabihin ay KATAAS-TAASAN, ang EL naman ay DIYOS at ang UIA (OIA) ay OTHEOS
ISCHIROS ATHANATOS. Ang ibig sabihin nito ay KATAAS-TAASANG DIYOS SA TATLONG PERSONA.
20 Ang Maigsac Eigmac ay salita ng Infinito Deus sa kwento ng Combate Espiritual. Ang Maigsac Eigmac ay magagamit

sa tagabulag kung ito ay sassambitin ng ganito: HOCSERIUM MAIGSAC EIGMAC SALVAME.


ay MACMAMITAM AMICAMEA21. Ang sabi lagi ng tupa ay VE, ibig sabihin ay VOLHUM
EGOLHUM na isa sa pinakatagong pangalan din ng Diyos.

Ito ang mga ilan sa mga pangalang binibigkas ng mga iba’t-ibang uri ng hayop, isda at ibon
na kung saan ay hindi binigyang pansin ng mga tao sa buong akala na ang mga iyan ay walang
kabuluhan, subalit ang kasaysayan ng tago na karunungan ay nagpapahiwatig na ang lahat na may
buhay sa balat ng lupa ay kumikilala sa kanyang tagapaglalang na walang iba kundi ang Poong
Maykapal, si Yahweh el Shaddai.

NOTA BENE22: ITO AY AKING ITINAMA, SINURI


AT NILANGKAPAN NG ANOTASYON.

21
Ang Macmamitam Amicamea naman ay magagamit na panglumay kung may taong galit at huwag matuloy ang
masamang banta. Ang Macmamitam ayon sa lihim na kasaysayan ay nangangahulugang pangalan ng Infinito Deus at
ang Amicamea naman ay dalawang salitang Latin na nangangahulugang “Amica=Kaibigan” at “Mea=Akin”, sa madaling
turing ito ay nangangahulugang AKING KAIBIGAN.
22
NOTA BENE- ibig sabihin nito ay “mabuting paala-ala”.
INFINITVS DEVS23
(COMBATE ESPIRITUAL)

Naisip ni Bathala na bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay magkaroon


siya ng isang kasangguni na makakatulong. Sa kaniyang pag-iisip ay sumipot sa kanyang ulo ang
limang TITIK na may sinag at nagniningning sa anyo ng limang talulot ng isang mayuming
bulaklak. Ang bulaklak na ito ang tinatawag na FLORA del CIELO na ang ibig sabihin ay
BULAKLAK ng LANGIT24, at ang limang titik na nabanggit ay dili iba kundi ang matamis na
pangalang M-A-R-I-A, na sa wikang Siria ay MIRIAM na ang kahulugan ay KATAASTAASAN.
Nang hindi pa ginagamit ang pangalang MARIA, BULAKLAK lamang ang tawag ng Bathala sa
naging kauna-unahang bunga ng kaniyang pag-iisip. Ang unang inihanda niya sa kanyang paglikha
ay ang INFERNVS25 o IMPIERNO na nasa ikapitong suson26 ng Mundo pababa. Tunghayan natin
ang nasa larawan:
Makikita sa
MUNDO-dapat
larawan ang
mabatid na ang
pitong Suson at
hugis ng mundo
ang mga nilalang
ay Oblate
na nanahan dito
Spheroid at hindi
sa bawat suson.
bilog o oblong
Ang anim na
tulad ng
nasa anim na
paniniwala ng
suson ay totoong
iba.
nakakasalamuha
ng tao.

Ganito ang sabi ni Bathala kay BULAKLAK: “Ikaw muna ay aking iiwan, bantayan mo ang aking
Kaban ng Tipan na huwag mong pangangahasang buksan, at kapag hindi mo sinunod ang aking
bilin sa iyo ay mananaog ka sa aking gagawing lupa at magpapakasakit upang tipunin ang mga
sumabog at nangawalang birtudes”. Nang masabi ni Bathala ang gayon, ay nanaog na siya sa
kailaliman upang ihanda ang isang malungkot na tahanan ng kanyang mga piling Arkanghel na

23
Infinito Deus- salitang Castillano na ibig sabihin ay Diyos na Walang Hanggan. Sa lihim na kaalaman ng mga Pilipino,
si Melencio T. Sabino ang nagpalawig nito. Ginamit niya ang salitang Infinito Deus upang ipakilala sa mga Pilipino na
may sariling Anting-Anting ang mga Pilipino na kakaiba sa mga Agimat ng mga Kanluranin. Buong akala ni Sabino ay
nakalikha na siya ng sariling esoteriko ng mga Pilipino, ngunit dapat mabatid na ang salitang Infinito Deus ay salitang
hiram mula sa mga Kastila sapagkat bago pa man dumating ang mga kastila dito sa Bansa, ang tawag nang mga
sinaunang Pilipino sa Diyos ay Bathala, kaya Bathala dapat ang aking gamitin samito ng combate esperitwal na ito.
24
Flora del Cielo- ang tinutukoy na bulaklak ng langit na ito ay ang Birheng Maria na ina ni Hesu-Kristo.
25
INFERNVS at hindi INFERNUS- pansinin ang pagkakaiba. Dapat mabatid na walang letrang U sa wikang latin, kung
ang isang salitang Latin ay isusulat at meron itong U, ito ay papalitan ng V para sa pormal na paninitik sa wikang Latin.
26 Suson- ang ibig sabihin nito ay baitang o palapad. Ang pitong suson na sinasabi ay ang pitong dimensyon ng mga

nilalang.
lilikhain na magsusuwail sa kaniya. Nang maka-alis na ang Dios ay binuksan ni Bulaklak ang
nasabing Kaban ng Tipan sa hangad na mapatunayan ang katotohanan at katuparan ng mga sinabi
sa kanya. Nang kanyang buksan ang kaban ay biglang lumabas ang tatlong letrang “B” na may mga
pakpak at nagsilipad. Ang tatlong titik na nabanggit ay ang BAM BAU BIM na tatlong salitang
kung sabihin ay TRES VIRTUDES na lubhang mahimala at makababalaghan. Nang magkagayon
ay biglang isinara ni Bulaklak ang kaban, subalit ang tatlong “B” ay nakalabas na hindi niya
namalayan. Nang magbalik ang Bathala buhat sa paglikha sa AVERNI27, ang sabi niya kay
Bulaklak ay ganito: “Ngayon ay matutupad sa iyo ang aking sinabi na mananaog ka sa lupa at
magpapakasakit sa oras ng pagliligtas ng aking bugtong na anak”. Matapos niya na masabi ang
mga ganoong kataga kay BULAKLAK ay ginawa na ng Dios ang PLANO o ang ANYO ng
kanyang mga lilikhain at gagawin: tubig, apoy, hangin, lupa,28 langit, mga kahoy at halaman, mga
tao at mga hayop, araw, buan at bituin. Ganito nga ang nangyari:
Unang araw ng Paglalang
Ang apat na elemento ay wala pang hugis, wala pang porma at hitsura ang apat na ito ay pinagbuklod-
buklod ng Infinito Diyos sabay ang salitang “CREAVIT SECTIBVS CAELVM ET TERRAM” kaya
nagkaroon ito ng hugis. Sa aklat ng Genesis 1:1-2 ay ganito ang nakasulat, NANG SIMULANG
LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT ANG LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O
ANYO, DILIM ANG BUMABALOT SA KAILALIMAN AT UMIHIP ANG MALAKAS NA
HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”.29
Ang Infinito Diyos ay nagsalita muli ng ganito, “ACNA TURVATE SODEM AC SODEM
TREASET BVITARAP”, at nabuo ang apat na elemento na naging sangkap upang mabuo ang
Mundo.
Muling nagsalita ang Diyos ng ganito, “MANAOT LVMBRATE ACTIVVS DEVS MEAVITE
DEVS SANCTA MEVS”, at nagbukod ang Lupa at Tubig, at may sinabi pa, “MAL QUE ATIM
MIRBEATIM MACMAMITAM”, ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaiba-ibang mga
Bansa. Sa Genesis 1:3-5 ay ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGKAROON NG
LIWANAG, AT NAGKAROON NGA, NASIYAHAN ANG DIYOS NANG ITO’Y
MAMASDAN. PINAGBUKOD NIYA ANG LIWANAG AT ANG DILIM. ANG LIWANAG AY
TINAWAG NYANG ARAW AT ANG DILIM NAMAN AY TINAWAG NA GABI – IYON
ANG UNANG ARAW”. Sa Tagong kasaysayan ay ganito naman ang pagkakasabi ng Diyos,
“FIAT LUX BAMRURATAP MUMSAPER DIE LVXIM DVCAM HVMIEYER PEMHVMAC
AIDISTORBA BARTASI JELVMEL MENAC CATOR FOOC FIAT BARPITVM EGO
RVSARITVS MVNDVM YIBESLIHA HAC MILVREMUS EGRVMINTOR BIMSITOR
HANDOR DEVS”. Nang ito’y masabi ay naghiwalay ang liwanag at ang dilim at nangyari ang
pinakaunang araw sa buong kasaysayan.
Ang unang araw ng paglalang ay nagbigay ligaya sa Infinito Diyos ganoon din sa Kanyang mga
kaantabay, maligaya silang30 nagbabatian at dahil doon ay may sinabi ang Diyos na ganito,
27
Pansinin natin, na ayon kay Melencio T. Sabino dito sa kuwento niya ng paglikha ng Infinitvs Devs, inuna niyang
likhain ang impyerno bago ang langit na kanyang tahanan. Marapat lamang na itama natin na ang unang nilikha ng
Diyos ay ang kanyang tahanan na pamamalagian at hindi ang impiyerno na ang paris ay basurahang tapunan ng
kanyang mga lilikhaing suwail na nilalang na magmumula sa pitong dimensyon o pitong suson. Kung susuriin din ang
teksto, si Bulaklak ang unang sumuway sa Diyos na isa namang malaking kabulaanan, kung ganito, nangangahulugan
bang ang unang suwail ay si Maria? Itanong sa sarili at sagutin po mahal na mambabasa.
28
Tubig, Apoy,Lupa, Hangin- ito ang apat na elemento na nilikha ng Infinitvs Devs na substansya ng kanyang
Sangnilikha. Malimit silang tawagin ng mga mag-aanting na IGNE, NATURA, RENOVATOR, INTEGRA na dili iba na sya
naming akronim ng INRI. Ngunit dapat mabatid na ang tunay talagang kahulugan ng INRI ay ang ipinaratang ng mga
Hudyo at Romano kay Jesus na “Hesus Nazareno Hari ng mga Hudyo= Iesvs Nazarenvs Rex Ivdaeeorvm”.
29
Maliwanag na mula nang likhain ang mundo ito’y mayroon ng lupa, hangin at tubig bagamat wala pa itong ganap na
kaanyuan.
30
Ang tinutukoy dito ay ang 24 na matatanda na nakapalibot sa trono ng Diyos.
“HOMBRES SE LVMBRE BIRHAMOY DE DVCAM BALRISI HVMANVM MIGTIAL
SACSILVOM DEVS SIGHOM”, at ang 24 Ancianos ay sumagot ng ganitong salita, “DEVS
EGOSVM NOM NVMBRE SILAC CARTOAM DEVS EGOSVM MOSTAHVS HIGRVSILVM
CIAMIM CVM EDRVTE ACDVDVM MOMINTOR”. Pagkatapos noon ay nagsimula na naman
siyang maglalang.

Pangalawang araw ng kaniyang paglalang. Sa


araw na ito ay ginawa ng Diyos ang kalawakan upang mamagitan sa tubig na nasa itaas at sa may
bandang ibaba, kaya ang sabi sa Genesis 1:6-8 ay ganito, “SINABI NG DIYOS: “MAGKAROON
NG KALAWAKANG MAGHAHATI SA TUBIG UPANG ITO’Y MAGKAHIWALAY AT
NANGYARI ITO, GINAWA NG DIYOS ANG KALAWAKAN NA PUMAGITAN SA TUBIG
NA NASA ITAAS AT NASA IBABA, LANGIT ANG TAWAG NYA SA KALAWAKAN,
DUMAAN ANG GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA; IYON ANG IKA-2
ARAW”. Sa tagong kasaysayan naman ay ganito ang sinabi ng Diyos nang ginawa ang kalawakan,
“BERNATE DEVS MOS HIC HACCO MEVM SVPERNA EGOSVM”. At nang tawagin niya ang
kalawakan na LANGIT ay ganito ang salitang binigkas niqya, “BVNAMORATE AB SILOC
HISCORTE CAELVM”. At dagdag nito upang maging ganap ang pinaka-unang pangalawang araw
sa buong kasaysayan ng paglalang, nagsalita muli ang Panginoon. “NVMBRATE CAELORVM ET
TERRAM SEDIVM MVNDVM LACIMVNA HIGROSEM PACTOBOTEL ECRAESIM EGO
DEVS MVNDVRARIPVS DEVS”.31 Nang ito’y masambit, sumagot ang 24 Ancianos ng ganitong
salita, “REJIGESE BISOLANE VIENTE QUATRO SEÑORES EGOSVM SANCTE LVX DA
MIHI PARPARAM SARALAM BUNCAO PIIG SINTVRISMO EGOSVM DEVS”.32 Pagkatapos
noon ay naganap ang ikalawang araw ng paglikha.

Pangatlong araw
Sa araw na ito ay pinagsama-sama ng Diyos ang tubig sa isang dako upang lumitaw ang lupa, tumubo
ang sari-saring halaman, mga kahoy na siyang sanhi ng kagandahang hindi pwedeng pantayan. Ang
mga bulaklak na kung pagmasdan ay parang nagpapaligsahan sa ganda. Ang punong kahoy na halos
nagtataasan upang matatanaw ang kapaligiran nagsisayahang lumanghap ng simoy ng hanging sariwa
at ang mga kabundukang punong-puno ng sari-saring halaman ay parang nag- aawitan sa tuwa
dahil nadarama ang kaligayahang walang halo kundi puro kagalakan. Sa Genesis 1:9-13 ay
ganito ang nakasulat, “SINABI NG DIYOS, MAGSAMA-SAMA SA ISANG DAKO ANG TUBIG
SA SILONG NG LANGIT UPANG LUMITAW ANG LUPA, AT ITO’Y NANGYARI. ANG LUPA
AY TINAWAG NIYANG DAIGDIG AT KARAGATAN NAMAN SA NAGSAMA-SAMANG
TUBIG. NASIYAHAN SIYA NANG ITO’Y MAMASDAN. PAGKATAPOS, SINABI NG
DIYOS, MAGKAROON SA LUPA NG LAHAT NG URI NG HALAMANG NAMUMUNGA AT
NAGBUBUTIL. AT NANGYARI ITO. TUMUBO NGA SA LUPA ANG MGA HALAMAN.
NASIYAHAN SIYA SA KANYANG GINAWA NANG ITO’Y MAMASDAN. DUMAAN ANG
GABI AT SUMAPIT ANG UMAGA – IYON ANG IKA-3
ARAW. Nang pinagsama ang Tubig upang lumitaw ang Lupa at ganito ang sinabi ng Diyos sang-
ayon sa tagong kaalaman. “DE TRACTOR HOBI COMIEMS TVNADOR EMPARITILLOS
SIRCABVS HVMRETOS”. Nang ginawa ang mga damo at halaman ay ganito ang sabi ng Diyos.
“OCCVLVM HVMBAR QUI DE ADO ACTE FIGNIMVS ET BARTVARVS”, at nagsalita muli
upang tumubo ang mga kahoy at lupa, “LYACHAM LAYALGEMA LAYAFARAU LIALFARAH
LEBARA LABAROSIN LAYARA RALUS VINYERE ALSANTE SANCTI MICLO

31
Igagalang saan man lugar kung ito ay sasambitin.
32Ito ang debosyon sa 24 na matatanda, ito ay sa pangkaligtasan mula sa kamay ng mga kaaway. Sambitin at hindi
tatamaan ng bala ng baril, ibulong sa tubigna iinumin upang mapa-cabal ang balat.
PANICULO33”, pagkatapos sa mga salitang ito lumitaw at tumubo ang lahat ng uri ng
punongkahoy sa balat ng lupa.
Ang pangatlong araw sa kanilang paglalang ay nagbigay dagdag ligaya sa Diyos at sa Kanyang mga
gawa, ubod sa ligaya ay nagsalita ang Diyos ng ganito: “DEUS MEUS CASTABOLANE EGO
BERILLOS BUADOS MACRISE HIGUTE VILVO HUMAR ESORASIOM TUBBY”.34 Nang
madinig ito ng 24 Ancianos sila’y sumagot ng sabay-sabay sa pamamagitan ng mga salitang ito.
“DEUS PATRIS TITRUS EGO SUM MEUM TOCRIBUS TAALIRUS ROROLUS DEUS
BAARTIBUS SICUTABUS ESTIMUS HONTIBARUM MUMBORUM EGO SACLO LUMBRE
MUSTAEMTILUS.” Pagkatapos sa mga salitang ito ay naganap ang pangatlong araw.

Pang-apat na Araw ng Paglalang:


Sa araw na ito ay nilikha ng Diyos ang Araw, Buwan, at mga Bituin. Ang Araw ay nakalaan upang
magbigay liwanag sa panahon ng araw at ang Buwan ay para magbigay liwanag sa gabi. Ang mga
Bituin naman ay upang magbigay kagandahan sa buong kalawakan lalong-lalo na sa panahon ng gabi.
Ang mga ito ay siyang tatanglaw sa buong mundo. Sa Genesis
1:14 hanggang 18 ganito ang sabi: “SINABI NG DIYOS. MAGKAROON NG MGA TANGLAW
SA LANGIT PARA MABUKOD ANG ARAW SA GABI. ITO ANG MAGIGING BATAYAN
SA BILANG NG MGA ARAW, TAON AT KAPISTAHAN. MULA SA LANGIT, ANG MGA
ITO’Y MAGSASABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG AT GAYON NGA ANG NANGYARI.
NILIKHA NG DIYOS ANG DALAWANG MALAKING TANGLAW: ANG ARAW, UPANG
TUMANGLAW SA MAGHAPON, AT ANG BUWAN, UPANG MAGBIGAY LIWANAG KUNG
GABI. NILIKHA RIN NIYA ANG MGA BITUIN, INILAGAY NIYA SA LANGIT ANG MGA
TANGLAW NA ITO UPANG MAGSABOG NG LIWANAG SA DAIGDIG. TUMANGLAW
KUNG ARAW O GABI, AT MAGBUKOD SA LIWANAG AT DILIM. PINAGMASDAN NG
DIYOS ANG KANYANG GINAWA AT SIYA’Y NASIYAHAN.” Ganyan ang sabi
sa hayag na karunungan. Nang Likhain
ang Araw: Bagamat sa hayag na kaalaman ay may malaking kakulangan sa
tunay na pangyayari, ang tago naman ay ganito ang pagpaliwanag. Nang likhain ng Diyos ang Araw
na ito ang salitang Kanyang binigkas: “HIC ESPIRITUM MEUM35 ET CUM SAR MUNDI VINCIT
NOS EMPERIM”36. Nang ito’y masabi biglang nagkaroon ng araw. Ang araw ay inilagay ng
Infinito Diyos sa gitna ng kalawakan upang magbigay ng tanglaw sa daigdig37. “SARMUNDI
ENERITUM MURLUM MACMITOR HIGUR.” Ang araw ay nagkaroon ng dalawang mata na
siyang nagbigay buhay sa init nito: “SINASOP MISOP HUMPILAC LARA MEUS EGO REMOS”.
Nagkaroon ng dalawang tainga upang madinig kung ano man ang pag-uutos ng Diyos sa kanya.
“BUCERRA LAGASTOSE HINLOT MIMPAL EGO PAL LACMIT SUNIMBUR DEUS”,
nagkaroon ng bibig upang may kakayahang makipag-usap sa mga nilikha ng Diyos gaya ng Buwan,
mga Bituin, at higit sa lahat ay makapagbigay siya ng mensahe sa Diyos sa kahit anong bagay ng
ginagawa ng tao at iba pang mga nilalang ng Diyos sa Mundo, kaya isa ito sa dahilan kung
bakit ang tao hindi puwedeng

33
Oracion sa Tagabulag, kumapit sa buhay na puno, pigil paghinga habang sinasambit.
34
Oracion sa mahigpitang labanan.
35
Ang kahulugan nitong HIC ESPIRITVM MEVM ay “ito ang aking espiritu”. Sa ibang aklat na lihim, ang nakasulat ay
Hiccaac Espiritvm Mevm.
36 Itong salitang ito ay nagpapahiwatig na ang Araw ay ang espiritu ng Dios, dahil sa taglay nitong liwanag na walang

kapara. Ang salitang ito ay mabisang gamit sa sarili upang igalang ng kapwa at kassisilawan ng kapwa, o ang kapwa ay
laging nakatungo sayo. Ang salitang ito ay nakalibot sa medalya ng araw ngunit sa ganitong pagkakatitik: HICAACC
ESIRITUM MEUM ET CUM SAR MUNDI VESET NOS EMPERIM.
37 Gitna ng kalawakan: ito ay nangangahulugan na ang sentro ng kalawakan ay ang araw at ang lahat ng mga Planetas

ay umiinog (umiikot palibot) sa araw.


magsinungaling sa Kanya.38

Ang Pang-anim na Araw ng Paglalang


Sa araw na ito ay nilalang ng Diyos ang Tao at mga Hayop. Dito ginawa ang unang tao na
tinatawag niyang Adan at Eva at ang ito ay binigyang kapangyarihan upang mamahala sa lahat ng
hayop, isda at ibon dito sa lupa.39 Sa Genesis 1-:24 hanggang 30 ay ganito ang nakasulat: “SINABI
NG DIYOS: MAGKAROON NG LAHAT NG URI NG HAYOP SA LUPA – MAAMO,
MAILAP, MALALAKI AT GAYON NGA ANG NANGYARI NILIKHA NGA NIYA ANG
LAHAT NG ITO, SIYA’Y LUBOS NA NASIYAHAN NANG MAMASDAN ANG MGA ITO.
Pagkatapos likhain ang mga ito, sinabi ng dios ngayon: “LALANGIN NATIN ANG TAO40,
ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN, SIYA ANG MAMAHALA SA MGA
ISDA, MGA IBON AT LAHAT NG HAYOP, MAGING MAAMO O MAILAP, MALAKI O
MALIIT.”
Nilalang nga ng Diyos ang mga tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at
isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya: “MAGPAKARAMI KAYO AT PUNUIN NG
INYONG MGA SUPLING ANG BUONG DAIGDIG AT PAMAHA-LAAN ITO. BINIBIGYAN
KO KAYO NG KAPANGYARIHAN SA MGA ISDA, SA MGA IBON, AT SA LAHAT NG URI
NG BUTIL AT MGA BUNGANG KAHOY NA INYONG MAKAKAIN, ANG LAHAT NG
HALAMANG LUNTIAN AY IBIBIGAY KO NAMAN SA MAILAP NA HAYOP, MALAKI MAN
O MALIIT AT SA LAHAT NG MGA IBON.” At ito nga ang nangyari. Ang pang-
anim na Araw ay siyang panghuli sa paglalang ng Diyos. Dito nagkaroon ng makulay at buhay ang
sandaigdigan gawa ng nagkaroon na ito ng nilalang na siyang mamahala at magtatakbo sa
lahat ng may buhay. Sa tagong karunungan
ay ganito ang salaysay na ang Diyos ay lumalang sa lahat ng uri ng mga hayop, ang Diyos ay
nagsalita ng ganito: “MURPICTICTUM ET NUNUM EMERENCIANA ET NUNUM MITAM”,
nang ito’y masambit kumalat sa mga kabundukan at sa kapatagan ang lahat ng uri ng hayop, ito’y
maging maamo o mailap o maliit o malaki, at muling nagsalita ang Diyos upang mabasbasan ang
mga ito: “NUMBRIBUS TICUS DEUS HAMPIR NIMRUBATO CULAMPAIM MICTURIMUS
INIMITUS MUNDUM SINUGRATOR HIGMACANUM”.41
Nang likhain ang unang tao sa mundo ay pinangalanan itong ADAM (Adan). Ang pangalang
ADAM ay hinugot mula sa apat na buntala na tanglaw ng mundong sangtinakpan, ang salitang
pinagmulan ay ito: A – ASTROS D – DISIS A – ANAT//UL M – MISEMBRE.42

38
Itong mga katagang ito ay hindi dapat unawain ng literal sapagkat kung susuriin ay nangangahulugang ang Dios ay
naasa lamang sa kanyang mga pambihirag nilalang at maaring makapaglimiita sa naturaleza ng Diyos, na alam naman
ng lahat na hindi maari sapagkat ang Diyos ay may angking kakayahan na hindi nakadepende sa iba kundi tayo mga
nilalang ang nakadepende sa kanya. Wika nga sa Latin ay “Ens a se at Ens ab alio”.
39 SaTeolohiya o sa agham ukol sa Diyos, dapat mabatid ng lahat na ang nakatala sa Biblia na paglalang ng Diyos sa

Mundo ay simbolikal lamang na ginamit ni Moeses para sa mga Israelitang kahahango lamang niya sa Ehipto. Ang
layunin nito ay upang ipakilala ni Moses na mayroong buhay at nagmamahal na Diyos sa ating lahat. Kung susuriin at
uunawaing literal ang paglikha na binabanggit sa Biblia ay mapagtatanto natin na paano malalaman ni Moses ang
eksena ng paglikha sa Mundo ay wala pa naman siya noon, kaya nangangahulugan lamang na simbolikal narativ lamang
ito. Ibig sabihin ay wala talagang nakita si Moeses na Adan at Eba na umiral noong unang panahon sapagkat noong
isilang si Moeses ay madami ng tao sa Mundo, sa katunayan ay sibilissado na ang ehipto kung kaya’t may kakayahan
na itong alipinin ang mga Israelita.
40
Nangangahulugang ang Diyos ay may kasama at ito ay ang Diyos Anak, si Hesus.
41
Ito ay magagamit na pampaamo ng mga hayop.
42
Ang Adam (sa wikang Griyego) naman ayon sa pag-aaral na kinuha ko sa aking aklat na Dictionary of the Bible ay ito
ang nakatala: ADHAM, mula sa salitang Hebreo na nangangahulugang “hinugot o nagmula sa pulang lupa”. Ito ang
ginamit ni Moses sapagkat sa kanilang lugar ang lupa ay mapupula.
Ang Genesis 2:7 ay ganito ang nakasulat: “NILIKHA NG DIYOS ANG TAO MULA SA ALABOK,
HININGAHAN SA ILONG AT NAGKAROON NG BUHAY.” Subalit sa tagong
karunungan ay ganito naman ang kasaysayan. Inihanda ng Diyos ang mga sangkap na
ipinagkaloob sa tao na ang mga ito ay SUBTILIDAD, IMPASIBILIDAD, AGILIDAD at
CLARIDAD. Ang mga apat na ito ay hinugot mula sa apat na elemento sa mundo na walang iba
kundi ang APOY, HANGIN at LUPA at TUBIG. Pagkatapos ay nagsalita ang Diyos ng ganito:
“SUBTILIDAD PAMULI QUIP PENSEMULI OSIM PERLIM ODIM PEMPAUM,
IMPASIBILIDAD PINCUAM CUGEP PELINCUAM HIFERE PAUPERUM ICUIS, AGILIDAD
PINTUIM PICERE PINTUM ARIEP PINCUIM ACUTIM, CLARIDAD PINDIMALLIM
PERCUIM LIATUM PAMULI LICARIUM.”
Nang matapos magsalita ang Infinito Diyos ay kumuha ng isang dakot na alikabok at nagsalita
muli: “TE EJITUR CLEMENTISSIME PATER PER DEUS ESPIRITUM TUUM DOMINUM
NOSTRUM SUPLICES ROGAMUS AC PETIMU UTI ACCEPTA HABEAS ET BENEDICAS
DOMINE INTOTO CORDE MEO QUEMADMODUM DAMAHI LUMECH GADAL PANCIA
VEFOAS MEOROD LAMIDOCH BALDACHANERETHON MITATRON, HAEC DONA
HAEC MUNERA HAEC SANCTA SARAFICIA ILLIBATA ALASASES LATORES ARAM
ARADAM ADRADAM FRUOISIERE ABE ABEUC ABEIC ABEICA CARMAR AC OC
DEUS.” Ang alikabok ay maging tao, subalit ito’y wala pang buhay kaya nagsalita muli ang Diyos
at ito’y hiningahan sa ilog sa ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI JOHAOC ABHA HICAAC
AERISIT HOCTACSIT ALIMIRACTIM HOCMITAC AMINATAC HIPTAC”, at upang pasukan
ang katawan nito ng apat na elemento, ito ang sinabi ng Diyos: “PAMPANABAL PRUITIATEM
GETECAN TES PUICCIMPRIAEM CRUISISIUM.”
Ang katawang material ay dapat magkaroon ng espirito kaya nagsalita ang Diyos ng ganito upang
pasukan ng espirito ang katawan ni Adan: “ACUTIN PERICTATOS REXSISIUM CINCIMATIM
PIMPUMABAL PICIONABAL PAMPANABAL, at upang gumalaw ang katawan ni Adan:
“ALLITUIM HISIUMIEM ALLITAM RACIONISUM PICERE SARAPACIONEM
PIMPUMABAL, at para makapagsalita si Adan, anito ang sabi ng diyos: “PELINCUAM
PRILICAM PURITIRITIS PAMPANABAL, at upang maging normal na tao si Adan, at huwag
Makita ang kanyang espiritu, “PURFIFINICURI PANPANABAL EUNIC CIUME ESISIRA
PAMPANABAL SUBIRISATI NIMTAR CRUITIATOR GUM.”
Nang matapos mabasbasan si Adan, ito’y naging tunay na tao, subalit may nakita ang Diyos na
dapat magkaroon si Adan ng kasama, kaya sa Aklat ng Genesis 1:18, 21, 22, 23, 24, 25 ganito ang
sabi: “MATAPOS GAWIN ANG LAHAT NG ITO, SINABI NI YAHWEH, HINDI MAINAM NA
MAG-ISA ANG TAO, BIBIGYAN KO SIYA NG MAKAKASAMA AT MAKATULONG
KAYA’T PINATAWAG NI YAHWEH ANG TAO. SAMANTALANG NAHIHIMBING,
KINUHA NIYA ANG ISANG TADYANG NITO AT PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT
NIYON. ANG PINAGHILOM ANG LAMAN SA TAPAT NIYON. ANG TADYANG NA IYO’Y
GINAWA NIYANG ISANG BABAE, AT INILIPAT SA LALAKI. SINABI SA LALAKI, “SA
WAKAS, NARITO ANG ISANG TULAD KO, LAMAN NG AKING LAMAN, BUTO NG
AKING BUTO, BABAE ANG SIYANG ITATAWAG SA KANYA SAPAGKAT SA LALAKI
NAGMULA SIYA. ITO ANG DAHILAN KAYA INIWAN NG LALAKI ANG KANYANG
AMA AT INA UPANG SUMAMA SA KANYANG ASAWA, SAPAGKAT SILA’Y NAGIGING
IISA. KAPWA SILA HUBAD, GAYUN MA’Y HINDI SILA NAHIHIYA.”
Sa tagong kasaysayan ay ganito naman ang kwento. Noong si Adan ay naging tao na, nakikita niya
ang ibang nilalang na gawa ng Diyos ay mayroong mga kaparis, sinabi niya sa sarili na mabuti pa
ang mga hayop ay mayroon silang kapareha. Naramdaman ni Adan ang lubos na pangungulila kaya
nagsalita siya ng ganito: “DEUS EGOM MUNTAR EGO SUSTI MITIMI PAC LUBAR DATUM
MEUM” at nadinig ito ng Diyos at sumagot ng ganito: “REPITUMI MAUCAT DAETIVES
MENHAT MAUCNAT,” at natapos itong masabi nakatulog si Adan at habang mahimbing itong
tulog na magsalita uli ang Diyos ng ganito: “MEMUS MAUS MITOS DIMUS RATULIA
DOMINUS DEUS” nang ito’y masambit hinugot ng Diyos ang isang tadyang sa bandang kaliwa ni
Adan at nagsalita ng ganito: “MAUSTIVUS DICRIS TAUS” at hinilom ang laman na pinagkunan
ng tadyang.
Itinabi ang tadyang sa natutulog na Adan at nagsalita muli ang Diyos ng ganito: “PUROKUS
MURAMUS DITESUM HUM MEAM DAUTINAL LACRIBUS HUSIBIBUS EGOSUM at
naging babae ang tadyang, hiningahan ng Diyos sa ilong ng ganitong pangungusap: “JUAAHUHAI
RONAOC DUMAC ABHATAC ANATAC SIBULERUS DEUS MEAS HAAC TAAC NAAC” at
nagkaroon ng hininga ang babae at upang maging tunay na tao ang babae ay ganito ang sabi ng
Diyos: “LUMARAC MUAM MICTIM JUNAUS TAAMIMIT RICSAULAR SILUSTUMI
JUMARI. At biglang nagising si Adan at maligaya siya nang makita niyang mayroon na siyang
kasama. Tinawag niya Eva ang babae, ang pangalang EVA ay hango sa tatlong ilog na
pinakamalaki sa mundo, E – EUFRATES, V – VILHA, A – AEDOM.43 Kaya, nang ginawa ng
Diyos, ganito ang sinabi Niya: “ATING GAGAWIN SIYANG KALARAWAN NATIN”.
Gayon nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon sa loob ng anim na araw
at Siya’y nagpahinga44 sa pang pitong araw.
Nang mayari na ang nasabing PAGLIKHA, ay ipinakita ng Dios kay Bulaklak na kaniyang
kasangguni at sinabi naman nito na tumpak at mabuti kung espiritual, ngunit kailangang baguhin
ang iba kung gagawing Material, sapagkat ang plano ng Dios, ang malalaking kahoy at ang maliliit
at mabababa ay maliliit naman ang bunga. Sinabi ni Bulaklak na kung ang mga kahoy na yaon ay
ilalagay sa lupa ay kailangang ang lalong malalaki at matatayog ay siyang dapat bigyan ng maliliit
na bunga, at ang maliliit at mabababang halaman at gumagapang sa lupa ay siyang dapat bigyan ng
malalaking bunga, matataas ay malalaki ang bunga, sapagka’t sinabi ni Bulaklak na ang matatayog
at malalaking kahoy ay sisilungan ng mga tao hayop kung nadadarang sa init ng araw, at kung ang
malaking bunga ng kahoy ay mahinog at hindi makaya ng tangkay at malaglag at sa pagkakataong
ito ay may taong nakasilong at mabagsakan ay maaaring mamatay o mapinsala ang tao, kaya’t ito
ay dapat baguhin ang sabi ni Bulaklak, ginawa nga ng Infinitvs Devs ay binago. Ang malaki at
matayog ng kahoy ay siyang pinapagbunga ng maliit, at ang maliliit na halaman ay siyang
pinapagbunga ng malalaki, ayon sa payo ni Bulaklak.45 Ng nakahanda na ang lahat ay inisip ng
Infinitvs Devs na likhain na ang kanyang mga kakatulungin. Nang siya’y nag-iisip ay bigla siyang
pinawisan sa taguilirang kanan, at ng kanyang iwaksi ang labing anim na wisik ng pawis ay naging
labing anim na Espiritu. Muli siyang pinawisan sa taguilirang kaliwa at walong butil na pawis
naman ang sumipot at ng iwaksi ay naging walong Espiritu rin. Ganyan ang sabi sa mito46 ng aklat
ni Melencio T. Sabino47. Sa dalawampu’t apat48 na ito ay hinugot niya ang tatlo na magsisiganap at
tutupad sa kanyang ginawang plano. Ito ang tinatawag na tatlong makapangyarihang AVELATOR

43
Ayon naman sa Dictionary of the Bible; ang ngalang Eba ay mula sa salitang Hebreo na Hawwah na ibig sabihin ay
Buhay.
44 Hindi dapat maging literal na ang Diyos nga ay nagpahinga. Dapat na mabatid na ang Diyos ay hindi nagpapahinga.
45
Kung ating susuriin itong inihayag ni Melencio T. Sabino, maiisip nating hindi wasto ang kanyang pagkakapahayag
sapagkat hindi lahat ng malalaking puno sa daigdig ay maliliit ang bunga, sapagkat dito man sa ating Bayan Pilipinas, at
sariling bayan din ni Sabino ay hindi niya napagtanto na maging ang puno ng langka ay may malaking bunga na
maaring makapaminsala sa tao kung siya ay mabagsakan.
46
Mito- ibig sabihin ay alamat.
47
Karunungan ng Diyos- ito ang pangunahing aklat na isinulat at inilimbag ni Sabino noong mga taong 1952/1953. Ito
ang naging pangunahing batayan ng pananampalataya ng mga Pilipinong mag-aanting. Dito nakasalig ang maraming
paniniwala sa mga anting-anting.
48
Maraming mga mag-aanting ang nagpapalagay na ang dalawampu’t apat na ito ay ang 24 ancianos (matatanda) na
nakapalibot sa Diyos Ama sa langit (Pahayag 12: 16). Kontra sa sinabi ni Melencio T. Sabino na dito sa 24 na matatanda
na ito nagmula ang Tatlong Personas. Paano ito mangyayari gayung ang Santissima Trinidad ay Diyos. Patuloy pong
suriin.
AVETEMIT AVETILLO. Ito ang Tatlong Personas o Santisima Trinidad na nag-usap upang
pasimulan ang paglikha.49
Nang nag-uusap na ang Tatlo ay nakatanaw sila sa malayong malayo sa dakong kailaliman, ng
tatlong liwanag na nagniningning na tumataas at patungo sa dakong kinalalagyan nila. Ang buong
akala ng Tatlo ay sila lamang ang una at sila lamang ang Dios50, ngunit ng makakita sila ng iba ay
sumaloob nila na may iba pang Dios na katulad nila. Ang nasabing liwanag ng malapit sa tatlong
nag-uusap ay tumapat ang bawat liwanag sa bawa’t isa at ng kanilang pagmasdan ay tatlong titik na
nagniningning na S.T.M. na ang sabi sa kasaysayan ay SAU TUM MUP na naging tatlong bato na
kanilang uupuan. Nang sila’y uupo na, ay nakita nila sa ibabaw ng bawa’t bato ay may tig-iisang
salitang nakasulat na ARDAM ARADAM51 ADRADAM. Ang tatlong salitang ito ay siyang tunay
na pangalan ng Tatlong Personang nag-uusap52. Ang mga pangalang ito ay dapat ilihim at hindi dapat
sabihin kundi doon lamang sa karapat-dapat pagsabihan.

Sa pag-uusap ng tatlo ay pinagkaisahan nila na gawin at palitawin ang lupa, subalit ng lumitaw ang
lupa ay gayon na lamang ang kanilang pagtataka at panggigilalas sa kanilang nakita na pitong bakas53
na hindi nila maubos malirip kung bakit nagkaroon ng gayon ay hindi pa sila lumilikha ng tao, kaya’t
inisip nila na hanapin upang makilala kung sino ang mga may bakas niyon. Sa kanilang paglalakad
ay natagpuan nila ang nasabing pito54, subali’t ng tanungin nila upang makilala ay ayaw magsabi ng
kanilang pangalan, at ang sagot pa sa tatlo ay wala silang paki-alam sa kanila at sila’y hindi nila
nasasakupan55. Sa sagot na ito ay umalis ang tatlo at iniwan na ang pito upang magbalik sa kanilang
upuang bato, ngunit sa pag babalik nila ay nakatanaw sila sa malayo ng dalawang
katao56

49
Sa bahaging ito, mapagtatanto natin na nakalilito ang Banghay ng sansaysay ni Melencio T. Sabino sapagkat tila
sinasabi niyang sa kanyang mito na ang Santissima Trinidad ang naglikha sa bahaging ito na taliwas naman sa una
niyang sanaysay na ang Infinitvs Devs ang lilikha. Sa isang banda, kung susuriing mabuti, ang sansaysay ni Sabino ay
nagpapahayag na ang tatlong Personas ay nagmula sa infinito, gayung para sa ating lahat, ang Infinitvs Devs at ang
Santissima Trinidad ay iisang Diyos. At dagdag pa dito, ang Santissima Trinidad ay hindi kabilang sa 24 na matatanda
na nakapalibot sa trono ng Diyos.
50
Masasabi ba natin tatlo ang Diyos? Hindi ba’t iisa lamang, kaya hindi angkop ang paggamit ni Sabino ng salitang
“SILA” sapagkat ito ay tumutukoy sa bilang na nakararami o higit sa isa. Taliwas din sa katolikong pananampalataya na
ang Santissima Trinidad ay “IISANG DIYOS NA MAY TATLONG PERSONA: AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO”.
51
ARA- Salitang Latin na ang ibig sabihin ay “Altar”.
52
Ayon sa pananampalatayang katoliko, ayon sa atin; ang tunay na pangalan ng Tatlong Persona ay (Jehovah=an g
ating AMA na tagapaglikha), (Hesus= ang Diyos Anak na tagapagligtas), (Espiritu Santo= ang mang-aaliw at
tagapagpabanal).
53
Ayon sa mito,ang pitong bakas na ito ay tumutukoy at sumisimbolo nang pagtungo ng Infinitvs Devs sa impyerno ng
ito ay kanyang likhain. Simbolo na habang tumutungo doon ang Infinitvs ay dinaanan niya ang pitong dimensyon ng
daigdig o ang pitong suson.
54
Para maiwasan ni Sabino ang panunuri ng mambabasa, ipinahiwatig niya na ang pitong bakas na nakita ng Tatlong
Personas ay pag-aari ng pitong nilalang na kung tawagin ay pitong kanunununuan.
55
Ang pitong kanunununuan na ito ay ang mga sumusunod: Sancto Magob, Santo Macob, Sancto Marob, Santo
Yubuob, Santo Lib Sto. Loctorum, Sancto Baclorum.
56
Ang dalawang nilalang na ito ay ang dalawang nuno naninirahan sa pusod ng mundo. Ayon sa mito, sila ang
nangangalaga sa Araw at Buan. Sila ang lalaki at babae na makikita sa orihinal kong medalyon ng Infinitvs Devs.
Pansinin si Kristo na
nakaluhod sa nunong
Infinito. Ito ay kaiba sa
ordinaryong sari ng
medalyon ng sa
Infinitvs Devs.

Nunong Lalaki Nunong Babae


(HICAAC) Siya (HICAOC) Siya
ang ang
humahawak sa humahawak sa
Buan Araw

ANG AKING MEDALYON NA INFINITVS DEVS NA INUKIT MULA SA TANSO

na hindi rin nila mapagsino, totoong nagugulumihanan ang tatlo sa nangyayaring ito, kaya’t ang
ginawa ng tatlo ay nilapitan ang dalawang nakita at kanilang tinanong, subali’t ang sagot ng dalawa
ay kagaya rin ng pito, na hindi sila dapat paki-alaman at sila’y hindi nila nasasakupan57, at ang sabi
pa sa Tatlong Personas nitong Dalawa: “Nang hindi pa yari ang sangtinakpan, gumawa na kami ng
aming sariling tahanan, sa litid ng mundo kami tumatahan, kami ang naghahawak ng araw at buan
na iyan.” Sa sagot na ito ay iniwan na ng tatlo ang dalawa upang magtuloy sa kanilang upuan at
magpatuloy na sa kanilang paglikha at paggawa. Pinagkayarian ng tatlo na gawin ang liwanag na
tatanglaw sa sangsinukob, at sinimulan na nga nila ang paggawa sa araw. Nang mayari na nila ang
araw ay hindi nila mabigyan ng lubos na liwanag, ng ningning at ng init. Walang ano-ano ay nakarinig
sila ng isang tinig na nagsasabi na ang tanging makapagbibigay ng kailangan nila sa araw ay ang
matandang babae na kanilang nakita na tumatahan sa litid ng lupa, kaya ang ginawa ng Ama ay
inutusan ang Anak sa sinasabing matandang babae upang hingin ang kanilang kailangan. Nang
lumakad na ang Dios Anak ay biglang nagdilim ang dinaraanan at hindi nya malaman ang kanyang
patutunguhan kaya’t siya’y napatigil at sa pagtigil niya ay may tinig siyang narinig na nagsabi sa
kanya na ganito ang kanyang sabihin upang magliwanag at ng makita niya ang kaniyang
dinaraanan. Ang salita ay ganito: LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC UPH
MADAC ABO NATAC58. Nang ito’y masabi ay biglang nagliwanag ang kanyang daraanan, kaya’t
siya’y nagpatuloy. Nang siya’y sumapit sa pusod ng mundo na tinatahanan ng nasabing matandang
babae ay tumawag siya, ngunit walang sumasagot bagama’t nararamdaman niya na may mga tao sa
loob. Nang siya’y ayaw buksan at ang matandang babae ay hindi niya makausap ay nagbalik siya sa
Amang nag-utos upang ipagbigay-alam ang nangyari. Nang matanto ng Ama ang nangyari ay

57
Ibig sabihin nitong “hindi nasasakupan” ay “hindi binayagan”.
58
Ang salitang ito ay ginagamit ng mga mag-aanting bilang kaligtasan sa oras ng panganib.
pinabalik ang Anak at ang bilin niya pagdating sa pinto ng yungib ng matanda ay ganito ang
sabihin: “Credo de la Sanctisima Trinidad Virgen Muy Poderoso Sumitam Rey de los Erejes59
Tartan Sancta Emerenciana, Mibat Miallarat Jesus Virgen Maria Isumo Benedictus Crucis, Oh
Deus Mitam Imibuyos Deste Allisum Seram Calabariam Apocalipsis. Hoc Est Enim Corpus Meum,
Et Incarnatus et de Spirito Sancto, Natus Ex Maria Virgine Et homo factus est et crucifixus: Sancta
Emerenciana, Santo Estolano. Sancto Algamo, Sancto Mitam, Sancto Solamitam, Sancto Icam Sancto
Demicallote Sancto Demillorus, Adveni Dissimo Loctuos , Sancta Mitam Ceram Balambam
Guntillan Mujer Angelitam Singatam Obalam Tantan. Sancto Magob, Santo Macob, Sancto Marob,
Santo Yubuob, Santo Lib Sto. Loctorum, Sancto Baclorum”.60

Nang dumating ang Dios Anak sa pinto nang nasabing kueba ay tumawag siya sa matandang babae
at ng siya’y ayaw buksan ay sinambit ang mga salitang sinabi ng Ama. Matapos niyang banggitin
ang mga nasabing pangungusap, ang pinto ng kueba ay biglang nabuksan at lumabas ang
matandang babae. Sinabi ng Dios Anak ang kanyang sadya, at ipinagkaloob naman ng matanda ang
hinihingi ni Hesus. Dumukot ang matandang babae sa kanyang lukbutan at isang bubog na
nagniningning ang ini-abot sa Dios anak, at ang bilin ay ikuskos ang nasabing bubog sa mukha ng
araw upang magliwanag at magkainit. At gayon nga ang ginawa ng Dios Anak, ikinuskos sa mukha
ng araw, at ang araw ay uminit, nagningning at nagliwanag.

Habang pinagmamasdan nila ang maningning na araw, sila’y nakarinig ng isang tinig na hindi nila
mapagsino, kaya’t kanilang sinundan at ng kanilang abutan ay isang ulilang liwanag61 ang kanilang
nakita. Tinanong nila kung sino siya at ang sagot sa kanila siya’y mata, at biglang lumagapak sa
kanilang harapan ang isang matang may pakpak. Nang kanilang dadamputin ay biglang lumipad
ang matang may pakpak at kanilang hinabol hanggang sa gitna ng dagat. Ang matang tumalsik ay
biglang nabasag at naging tatlong piraso na naging tatlong isda at sa katawan ng bawa’t isa ay
nakasulat ang tig-iisang salita na ARAM ACDAM ACSADAM62. Nang sundan ng tatlong Personas
ang tatlong isda ay biglang lumubog at nawala at naging tatlong bato sa pusod ng karagatan. Sinundan
din ng tatlong Personas at hindi hinihiwalayan hanggang sa sila’y sumapit sa kaibuturan ng dagat.
Nang sila’y sumapit sa lugar na yaon, ay nakakita sila ng isang malaking bato at sa libis ng nasabing
bato ay may isang matandang naglalakad63 ang ngalan ng malaking bato ay ARA na wikang Latin
na ibig sabihin ay ALTAR; ginawa nga ng Tatlo ay sinundan ang matanda.

Sa gayong pangyayari, ang Dios Ama ay nangusap SANCTUS DEUS, Ang Dios Anak ay sumagot
SANCTUS FORTIS, Ang Espiritu Santo’y nagsulit SANCTUS IMMORTALIS, ngunit may

59
Kay Melencio T. Sabino ay “Rey Delos Erejes” na ibig sabihin ay “Hari ng mga Erehe” ang erehe ay kalaban ng
simbahan. Ang erehe ay kaanib ng simbahan na ang layunin nila ay magturo ng mali na maaaring makaligaw sa isang
katoliko. Marapat ko lamang na itama ng ganito “Rey delos Reyes” na ibig sabihin ay “Hari ng mga hari” na tumutukoy
kay Hesu-Kristong ating Panginoon.
60 Ito ang Credo dela SANTISSIMA TRINIDAD na ginagamit ko bilang debosyong panalangin sa Tatlong Personas.
61
Ulilang Liwanag- ito ang tinutukoy na Ulilang Kaluluwa (Nag-iisang kaluluwa) o Anima Sola ngunit sa ibang salin ito
ay ANIMA SOL na ibig sabihn naman ay KALULUWAA ng ARAW.
62
Ang tatlong ito naman ayon sa mito ay itinuturing na tatlong tukod ng Mundo. Ang tatlo din na pangalan na ito ay
ginagamit ng mga manggagamot (albularyo) sa pagpapagaling ng taong may espiritwal na karamdaman.
63
Ito ang Spiritum Wacsim, anyo ng Infinitvs Devs sa ilalim ng karagatan.
sumagot na boses wika’y MISERERE NOBIS64. Ang Tatlo’y lumingon pagdaka sa boses na
nagbadya, at sila ay nagtaka sapagkat sila ay may kasama. “Halina’t ating hanapin at ng ating
masumpungan” wika ng isa sa kanila, nang matagpuan ang matandang sinusundan, ito ay biglang
pumasok sa bato ara at yaong batong pinasukan ay walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man
tingnan buo at parang hininang.65 Ito ang ipinahayag ng Nunong nangusap upang ang bato ay
bumukas. LIMBOR CALICATAB PATER SANCTO TITAB ET LLAVIS SARAC (SARJAS).

Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado: ARAM
MANLA MANGGASAC CALINABOC CALICABOC MORTALITAEM SALOCTIL,
ALICATAB CALARCAR CATARCAR SANCTO PATER TRITIYO. Ito ang ibubulong mo sa
pinto nang makaitlo: RITUIT GARITDIT LARUIT LAYARIT LAMBICUB LARICUB
CALICUB.66

Nang ang bato ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Tatlong Personang mahal walang makabukas
sinoman. Ginawa ng Tatlong Personas sa langit agad umakyat, tumuntong sa alapaap at sila ay
nangag-usap.

At kanilang sinasambit yaong wikang matatamis: SANCTUS DEUS, SANCTUS FORTIS,


SANCTUS IMMORTALIS sumagot na naman ang boses at ang wika’y MISERERE NOBIS.
Pinaghanap na pilit ng Tatlong Persona. Ang Anak ay inutusan na hanaping pilitan.

64
Ang Sanctvs Devs, Sanctvs Fortis, Sanctvs Immortalis, Miserere Nobis ay nangangahulugan na Banal na Diyos, Banal
na Kalakas-lakasan, Banal na Walang Hanggan, kaawaan mo kami. Ito ay panalanging katoliko na nasa wikang Latin na
hiniram ni Melencio T. Sabino para gamitin sa kanyang Mito.
65
Sa ibang aklat, talandro o medalyon ang batong pinasukan ay may lagusan sa ilalim ng bato na ayon sa mito ay ito
yaong libis na nilalakaran ng Infinitvs Devs.
66
Ano at kataka-taka at isiningit ni Sabino sa kanyang Aklat na Karunugan ng Diyos ang talatang ito, kung susuriin ito
ay walang kaugnayan? Sa bahaging ito ng talata, ang tinatalakay ay ang Batong pinasukan ngunit napasingit ang
tungkol sa halamanan ng Getsemani at ang paraiso. Ito’y walang kaugnayan sa paksang tinatalakay kung tutuusin.
Sa kanilang pag-uusap biglang sumipot ang liwanag sa ulunan ng Tatlong Personas at iyon ang ika-
apat67. Nang akmang ito ay kukunin nila ito ay dagling lumisan; yaong liwanag ay agad ipinahabol
ng Diyos Ama kay Jesus na Anak niya, hindi nagawang abutan at di na nakita ang nasabing
liwanag. Sa paghabol ni Hesus sa ikaapat na liwanag, ay nakita niya ang matanda doon sa bato OMO68
ang pangalan, pagdaka’y pumasok ang matanda sa nasabing bato. Yaong batong pinasukan walang
pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang bato ay masarhan
sa matandang pinasukan, walang makabukas sinoman. Tinungo ni Hesus ang bato at pinakiusapan
ang matanda na pabinyag. Ang matanda ay tumugon na ganito ang sinabi: BENEFICAT DOMINVS
et ANGELVS IN CAELIS, DEVS CONSVMATVM EST IN JERVSALEM DEVS MEVS
ESPIRITO SANCTO SALVAME CHRISTI69. Ang tugon naman ni Hesus: IN CAELIS, DOMINUS
NON SOLO DEUS70, VERBO BENEFICATIS IN DIGNUM CRISTUS SANCTORUM MANIBUS
SALVAME71. Ang sagot naman ng nasa loob ng bato: BENEDICTVS TVIS CRISTO IESVS72,
CONSVMATVM EST IN DEVM IN DIGNVM CRISTVS CRISTVS DEVS MEVS INDIGNVM
CRISVM EGOSVM. Ganiyan ang sagot ng Apo Diyos habang siya’y naroroon sa loob ng bato
HOMO, katawa’y nanlulumo doon sa bato HOMO. Ang Nuno’y ayaw pasakop kaya nagwika si
Jesus: EGOSVM MURMVRAB MOCTVLAN EBOC DINOS. Sumagot naman ang nasa loob:
SANCTVS TVI ILLOS ASAV PATER NOBAY SANCTO MEAM SANTO LEAM BIHAB
BISAC LAMPAS TALARAPAS ang pinto ay iyong ibukas. LAMBVCANVS. Yaong batong
nasarhan ay bumukas kapagkuan, ang Nuno’y sa itaas nagdaan, kay Jesus ay di namalayan. Ganito
naman ang saad sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas at lumabas sa itaas: PATER
SANCTO ACAB PATER SANCTO HIRVIL GREMVGAN PONTIFICE PILATO HOMO TVO
HOMO. Noong lumabas sa bato ang Nunong Infinito, ang kaniya naman tinungo ay ang masayang
Paraiso. Sinundan kapagkaraka, ng banal na Tatlong Persona at doon nila nakita liwanag na kaaya-
aya. Nang sila’y nasa Paraiso na, ay nakatanaw sila ng isang maligayang liwanag na walang katulad,
at sa gitna ng nasabing liwanag ay naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang dakila at kamahal-mahalang
trono. Nang mamalayan ng Infinito Dios ang ninanais ng Tatlong Personas na makalapit sa kanya
upang siya’y binyagan, ay agad sinabi ang ganito: CUIVERITATIS VERBVM EGO SVM. Sa
winikang ito, ang Tatlong Personas ay napatigil at hindi nakatuloy, kaya’t si Jesus ay nagwika naman.
Oh makapangyarihang LAMUROC MILAM, rey delos reyes, ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay
aking binyagan. Nang matalos ng Infinito Dios ang gayong sinabi ni Jesus, ay nangusap naman siya
ng ganito: HIPARO DEL RAPTO SIGIT HIPARO SIGIT73. Nang ito’y masabi ay biglang naparam
sa kanilang mga mata yaong maligayang
liwanag, sampu ng Infinito Dios ay hindi nila nakita, kaya’t muling nagwika si Jesus: Oh

67
Ang tatlong naunang liwanag na tumapat sa ulunan ng Tatlong Personas ay nauukol sa bawat isa. Itong ikaapat na
liwanag na tumapat sa kanila ay ang liwanag ng AnimaSola na ayon sa Lihim na Kaalaman ng mga mag-aanting ay
tumutukoy naman sa liwanag ng Nuno na walang iba ayon sa mito ay ang Infinitvs Devs.
68
Ito ang ikalawang bato na pinasukan ng Infinitvs Devs. Ang batong ito na ang ngalan ay OMO, kung susuriin ang
kanyang ngalan, ang OMO ay maaring galling sa salitang Latin na HOMO na ibig sabihin ay TAO.
69 Ang wikang ito ay magagamit sa pangkaligtasan sa panganib kung ito ay sasambitin bago umalis ng tahanan.
70
Kung isasalin ang wikang Latin na ito sa Tagalog ay ito “Sa Langit, ang Panginoon ay hindi nag-iisang Diyos”. Kung
ating susuriin, nangangahulugan bang madaming Diyos? Ang Diyos ay iisa lamang.
71
Ang wikang ito ay magagamit sa pangkaligtasan sa panganib kung ito ay sasambitin bago umalis ng tahanan.
72 Hindi letrang J kundi I sa wikang Latin ang ngalang Hesus sapagkat sa alphabeto ng wikang Latin ay walang letrang J.
73
Oracion sa taguibulag.
makapangyarihang LAMUROC MILAM haring pinopoon at Dios ng mga hari, ako ang ikalawang
Persona na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Nang ito’y marinig ng Infinito Dios ay
biglang nagtindig sa kanyang pagkaupo sa luklukang trono at habang siya’y lumalakad ay ganito
ang sinasabi: SARJAS GUIMPAS RATAL MACAGUIMPAS SUPLENT SAVATOR74.
Naramdaman ng Tatlong Persona na ang Infinito Dios ay lumabas sa Paraiso ngunit hindi nila
nakikita kungdi naririnig lamang nila ang yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi nakasunod
agad, ngunit ng kanilang sundan ay nakasapit na ang Infinito Dios sa bundok ng Boord. Sinundan
nila ang Infinitvs at nang sila’y dumating sa nasabing bundok, ay nabasa nila na nakasulat sa mga
dahon ng kahoy ang dalawang letra na L.M. Nagsalita na naman si Jesus: Oh makapangyarihang
LAMUROC MILAM hari ng mga hari, ako ang abang si pascua na parito sa iyo upang ikaw ay
binyagan. Ang Infinito Dios ay sumagot: MAIGSAC EIGMAC75. Sa winikang ito ay nalinlang ang
paningin ni Jesus at hindi niya makita ang Infinito gayong nasa tabi lamang niya, kaya’t si Jesus ay
nagwika ng ganito: HUGARE NUGHVM76. Sa winikang ito ni Jesus ang Infinito Dios ay biglang
sumuling-suling at hindi maalaman ang kanyang patutunguhan ngunit siya’y hindi hiniwalayan ni
Jesus at siya’y sinundan at pinaki-usapann na pabinyag upang maging binyagan at maraming bagay
ang ipinangangako ni Jesus sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag.

Nang maramdaman ng Infinito Dios ang nangyayaring ito sa kanya, ay biglang nagwika ng:
CVIVERITATIS VERBVM BULHVM77. Nang ito’y masabi, si Jesus ay hindi makapangusap,
kaya’t ang Amang nag-utos kay Jesus ay biglang nagwika naman PROCVLTIS BOHOB. Nang
ito’y masabi ang Infinito Dios ay hindi makakilos, kaya’t nagwika naman siya SUPNERIT
HVLHVM MALAMVROC MILAM at siya’y nakagalaw at bigla niyang sinunggaban ang isang
batong sillar na ang bigat o timbang ay may isang daan at limampung arroba at ang nasa’y ipalo kay
Jesus, kaya’t biglang sinabi ni Jesus ang IGSAC at ang dalawang kamay ng Infinito Dios ay hindi
makagalaw, at saka isinunod ang IGMAC at biglang nabitawan ang hawak na bato, at saka
sinundan ng IGOT HUM at ang Infinito Dios ay biglang nalugmok sa tinutuntungan bato na may
ilang sandali, ngunit ang ginawa ni Jesus ay ibinalik ang pangungusap at ang Infinito Dios ay
pinagsaulan nang malay. Nang makita ng Infinito Dios ang nangyayaring ito sa kanya ay biglang
sinambit ang kamahalmahalan niyang pangalan na LAMUROC MILAM. Ito‘y isinigaw nang ubos-
lakas ng boses na kagulat-gulat at biglang nagdilim ang sangtinakpan at lumindol ng malakas,
subalit ng makita ng mahal na Virgen (Bulaklak) mula sa kinaroroonan niyang langit, ay biglang
sinambit niya ang MAGSIAS BOLHUM at biglang tumigil ang lindol, napawi ang dilim at biglang
nagliwanag. At si Jesus naman ay biglang nagwika ng PACTENIT EGOLHVM. Nang ito’y masabi,
ang Infinito Dios ay biglang lumubog sa tinutuntungang bato at hindi makakilos na parang
naengkanto, at inisip ni Jesus na bitin, ngunit ang mahal na Virgen ay nagsalita naman ng ganito:
EDEVS GEDEVS DEDEVS DEVS DEVS DEVS EGOSVM GAVINIT DEVS78, at hindi na

74
Oracion sa taguibulag.
75
Sa Malikmata.
76
Sa paninigalpo.
77 Oracion sa pakikipagtalo at sa husgado.
78
Oracion, hindi matutuloy ang masamang Banta.
natuloy ang ang iniisip ni Jesus ng ito’y masabi ng Mahal na Virgen79. Ang ginawa ni Jesus ay
pinaki-usapan ang Infinito Dios kaya’t ang sabi:

ELIM - katawang pagka-Dios,


ENE MANUM – baras ng pagka-justicia, ako’y naparito sa iyo,
EXIAS - ikaw ay pabinyag
ESUI ESUPERATIS EXIANIBUS – sa pangalan ng Ama, Anak, at Espirito Santo, sumang-ayo ka
sa akin.

ANG SAGOT NG NASA LOOB NG BATO:

NUCCIUM – hindi ako papayag


HUCCICIM – walang pangyayari
NAUPTRIS - sino ang iyong Ama,
HUCSIUM – sino kang naparito at sinong nag-utos sa iyo,
NATUS – ako ang Ama ng iyong amang tinuran
HUCCIANI – ako ang unang lumitaw,
NUCAM DEI – Isang Dios na nanghahawak at dapat pagkunan ng kapangyarihan.

ANG SABI NG DIOS ANAK:

ETSAC ECATUM MANUM DEI – ako ang Anak ng Dios na dapat sundin
EMPURO MECATIONEM – hari ng langit at lupa
IN DEI – Dios na walang katapusan na kina-uuwian ng lahat ng bagay, wala kungdi ako at ang
Ama ko lamang, ang dapat magbinyag upang mapasok ka sa aking bakuran.

ANG SAGOT NG NASA LOOB NG BATO:

SERICAM – hindi ka dapat maki-alam


SERIORUM – sa hindi pumapasok
SURTIS SURTIS - sa lumalabas sa iyong bakuran
MICCIONEY – ako ang Dios na dapat sundin.
CECATUM – ikaw ang bibinyag
HUC DEI – ako ang siyang marapat

ANG SAGOT NG DIOS ANAK:

ENATAC EXANTIUM MORUM – ikaw ang Ama ng hindi binyagan, hindi ka dapat mapasok sa
pinto ng kalangitan
ENTIO GETILE MEA TI MEA – kung hindi ka papayag na sa akin ay pabinyag,

79
Kung susuriin ay akapagtataka na biglang lumitaw sa eksena ang Mahal na Birhen habang ang eksena ng sa Diyos
Ama at Espiritu Santo ay nawaglit sa nangyayaring kumbate espirituwal ng Infinito at ni Hesus. Tila kung iisipin mabuti
ay nakaliligaw itong pahayag ni Meleencio T. Sabino at nagpapakita lamang na hindi organisado ang kanyang
pagtalakay sa kwento.
CORPOREMENTE L E S T I CATUM – hindi ka masasakop ng aking katawan at kapangyarihan,
ako ang nagtatangan ng ilaw at kalangitan.

ANG SAGOT NG I. DIOS:

LUXIM – Ako ang Ilaw


MORIM – ng kalangitan
MURANI – magbubukas at bubuksan,
MONA MONIM – na naghahawak
MONA MONIM - na naghahawak ng lahat ng bagay.

ANG SABI NG DIOS ANAK:

EXIAM MIRAM – ikaw ay pabinyag sa pangalang iyan at ang sinomang tumawag ay hindi
dadanas ng anomang hirap sa kabilang buhay,
REX MIRANO – tatawagin kang ikalawa sa aking katawan,
ENERIUM MATAM – sa pangalang ng aking Ama,
ENRICAM MITAM – Sa pangalan ng Espirito Santo,
ENSUTIO MICAM – Sa kapangyarihan ng Santissima Trinidad, ang siya kong ibibinyag sa iyong
katawan, Dios sa mula at sa walang hanggan, na walang katawang pagka-Dios.

ANG SAGOT NG NASA LOOB NG BATO:

UNIEM – ako ang Santisima Trinidad,


UNNUM – lumabas at nilabasan
CANANUM – na nagbibigay ng kapangyarihan,
Batum – Dios na hindi matarok,
UBCATUM – Isang Dios na tunay, at kayo ang Bait, ang Loob At Ala-ala.
ACSIBIT CORPORE TRINITATIS SICUT DEUS, LUTME LOS SALVATOR ET CONFUNDE
HOC SUTAM TRINITATIS TUI ET SANCTI EVAE LI.
“AKO’Y PABIBINYAG SA KAPANGYARIHAN KO AT SARILING LAKAS, NGAYON AKO
AY PAPAYAG, SUNDIN MO BALANG IPANGUNGUSAP :”
LUTME – walang mahuhulog
ESMATIBAL – walang kahirapan,
SALUTIS GENTELISE MICAM – ni dilim walang dadaanan, sabog ang impierno ang limbo ay
waray, mabuksan ang langit ako ang dadaan.
ESNASOC - aking isusuot,
ESNAVAT – daliri ko sa labas
EVEVAT – ako’y pabibinyag, sa pangalan ko rin doon magbubuhat,
MACMAMITAM MAEMPO MAEM – ako’y isang Dios sa Ama, sa Anak, sa dunong,
kapangyarihan at lakas, tatawaging Dios na Tatlong Personas.
ANG SABI NG DIOS ANAK:

EGO TE BAPTISE MACMAMITAM MAEPOMAEM IN NOMINE PATRIS ET FILI ET


SPIRITUS SANCTI EGO SUM DEUS TURBATUS.80

Nang ito’y masabi ng Dios anak ay biglang nagwika ang Infinito Dios:

SUB TIHOY MIDAD IN SALIDAD QUI LIMIDAD - dito sa winikang ito, nawalang bigla ang
tatlo, lumubog umalis sa tatlong mundo nahawi sampu ng bato, humarap ang tatlo Ama, Anak, at
Spirito Santo
EGOSVM MACMAMITAM MAEMPOMAEM – Ejercitos at Gloria ng Pitong MAEM, Senor
Dios de los Mundos. A. V.81

80
Ito ay magagamit sa pagbibiyag sa mga gamit na anting-anting.
81AUM VODOC ang kahulugan, ang sabi ng marami ngunit para sa akin ay “Aleph Vau”na dili iba kundi “Abba” na ibig
sabihin ay “Ama”. Makikita naman ito sa talandro ng ATARDAR, gaya ng makikita sa larawan.
- Haring walang pinagmulan, at hari ng punong pinagmulan, at hari ng hari ng lahat ng hari:
FEISUM EISUM CEISUM FECSUM TRI-ENICIM TRICNISUM HURICCIUM FURIM
FERICCIUM HUCCIUM.82

Bago umakyat sa langit ang Tatlo, ay nag-iwan muna ng dalawang salita na dili iba’t ang kanyang
lihim na pangalan M.M.83 at ang sabi niya ay ganito: Ito ang iniwan kong pangalan sa lupa noong
ako’y maengkanto sa bundok ng Boor84, at ng umakiat ang tatlo ay itinuro kay Jesus ng Ama ang
pangalan na I. D.85 Na nakasulat sa sikat ng araw at doon sa mukha ng araw ay nakasulat ang mga
salita na makikita sa larawan:

PAX TIBI
DOMINE
DEUS NORUM
DEUS NORAM
DEUS NOCAM
DEUS MEORUAM

82
Oracion; igagalang at pangingilagan ng sino man kung gagamitin, Hari saan mang lugar. Mapapansin din na sa
bahaging ito naputol ang kwento ng kumbate spiritual.
83
M.M.- Macmamitam Meoruam.
84
Hindi matukoy kung Boor o Tabor. Ngunit ang maaringg tinutukoy dito ni Sabino ay Tabor dahil wala naman natala
sa kasaysayan na Bundok ng Boor.
85
I. D. – ibig sabihin ay Infinitvs Devs.
Bukod dito, ay nag-iwan pa siya dito sa lupa ng dalawampu’t apat na pangalan ng dalawampu’t
apat na matatanda na nakapalibot sa Dios Ama sa langit na kaitaasan. Ito ay ang mga sumusunod:

1.HAVET 14.GENSDURA
2.ANORETERCUM 15.NUDANTUROSA
3.HAECJAM 16.ARUMDUDATOR
4.GESTABATOLNISE 17.SUBJESTUS DESYT
5.NONEDEMITE 18.MOATALITATIR
6.PLAUSUCINTER DEDERIT
7.ASPIANTEDIVO 19.LUISISERORBE
8.ARASUPILLA 20.TREMENDA CUJUS
9.NUBESUBDENSA 21.SUSPONTE SUMJESIT
10.MONSTRUMTE 22.PENDENTIS DEI
11.LETHALIBURNOS 23.NOVENDECIM
12.ELEJETIBUS CURUM 24.GRACAEGO
13.AMATVIDERI

H.A. H.
A.B. A. C.
HOCMITAC AMINATAC HIPTAC
ATUM BEM ATAIR CIEM
U.R. G. U. M.
UYABITGALINAM UNTAR
RESUREXIT MULATAS

1. HOCMON 13. ABRICAM


2. AMOMAM 14.GENTIUM
3. HUBAM 15.NATAUME
4. GRENTE 16.ANIMASUA
5. NENATAC 17.SERICAM
6. PAMPANABAD 18.MATAMORUM
7. ACMULATUM 19.LAUSBAL
8. AGUECA 20.TUMATUM
9. NUMCIUM 21.SUAM
10. MULATOC 22.PETRUM
11. LUMAYOS 23.NATUM
12. ESNATAC 24.GENTILLORUM
Sa araw at Buan, ito ang pinagkaisahan ng sila ay bigyan ng
kaliwanagan dito sa ibabaw ng lupa: Inang MURLILUAC SIACTIS
SANCTUS PRONOBIS SANCTUS LUMAGOS.

Ito ang pinagkaisahan ng apat na Angel na iyong kakasamahin sa


iyong pagpasok. Ito ang inawit ng nagbuhat sa dagat SALVUM POPULUM
PACPACTUM OARUM ANGELUM SALBIM PIPILIM SARIOLIJIM DOMINI TUORIM
IMPIRITATUM, Inang MURLIM ako’y papasok. QUEM SALVATO TRINITATO,
sa Amang Santo BEATO.

Ito ang pinagkaisahan ng Araw at Buan ng sila’y lumapit sa


kabilang mundo, ay walang makapangyarihan kungdi sila lamang.

YLUJO YRAYIS YLAGLORIA

LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC UP MADAC * ABO NATAC

Buksan ninyo ang pinto at kami’y papasok.

Ito ang winika ng Ina ng araw ng siya’y pumasok sa kailaliman sa


kaibuturan ng Santong kalihiman: TRAGUIBOG YNCIRIOT TIBOG VIHAB
CALICUB TALTABOG TRITALIS ACOARUG SANTILAC.

Ito ang winika ng Ama ng Buan ng siya’y lumapit sa kailaliman sa


kaibuturan ng Santong kalihiman:

QUIM TATRATIRUM SALBUM INTRITORIUM SALAMPAT SALUMPAT.


MGA PANALANGIN SA INFINITVS DEVS

1. Panalan
gin sa Medalya ng Infinitvs Devs86
CUIVERITATIS VERBUM CHRISTUM IGLASUMIT

SUPNERIT HULHUM MALAMUROCMILAM

EGSAC EGMAC EGOLHUM

LAMUROC MILAM IGRASOMIAM

LUXIM CECATUM MACMAMITAM ADONAI

ELEHITIBUS ANORETERCUM DEUM QUILIMIDAD EXIANIBUS

AUMILACTIM DAUB NAUPATRIS TUMATUM

HUCCIUM NAUPATRIS NUGHUM

HANTIM IBACTE YEBECHAM

HOGARE NUGHUM

REGNUM NARMALEUM MECATIONEM

BORIM BICHAIRIM CUIVERITATIS VERBUM BULHUM

ESMEREIL HICAAC UNIVERSUM ACIRICAM

BULHUM MAGSIAS SERICAM

HUCCICIM GENTILE NUCSILUMIN

MAIOUD DAEIOUM NUXGUHUM

ENTILLESISTE SERIMOIM CUISIHIMIDAT AVEMINOS LEVEYUM

AVERICIUM MEMERIL

86
Ang panalangin na ito ay binigay sa akin ng aking kamag-anak na taga-Paquil, Laguna. Ang ngalan niya ay Napoleon
Galleros Jr na kung tawagin ko ay Lolo Do. Pinsan siya ng aking lola Honor Arroyo. Ito ang idadasal sa medalya ng
Infinitvs Devs.
REVELITAM BARSABAL SURUPAC VERHEMSPAG IVERMAT BOHOB SARAPAO
REVELICUM LICIRIUM ACRITIM

DEUM SUSPONTESUBJESYT HURMPRA SUATUM ELEJETIBUS DEDERIT


VERBARPHANTIM EGOSUM DECEYUS ASETUM

GATCHALELA NOVENDECIM PENDENTIS ACEUGAAC ACMULATUM NUMCIUM


MATAMORUM LUSISIRORBE YRAYIS ABRICAM ANIMASUAM NUDANTUROSA

ESINTOLABAT HASEHERAM ELIMIAM ABERATIS ENCANTO UYABIT MULATUS


ERAIS DEI FOOC HUM ISMATIMI DEOREM

VACNUMBAO HUCTUM CHRISTUM OLARONAT PACSAGO VICTUINEM


CAELORUM REX JAHAHAC ABAC

ORGUM BERUBAM CUIVERRITATIS NOLHUM TEORIM EGOLHUM NAMACUAM


GIRAMALAMUROC EIGMACSUM VERE VIA AMBULUM ROGUITIM

AMICA MEA MICHTAM MACMALAM LAMUROC TEORSOC SIHAMAG DEORAM


NATUM CHRISMIHURTAB ARTURMEG PAMPANABAL NENATAC ADONAI AVE
CHRISTUM

PAO ARATUM OCATORIM ANIMA MEAM NUCTIM QUITANAC BERSUMIT


COMPERMAT JURACTAM MEORUAM

2. Melacion
MELACION BALGALARVM IN LA MANVM CALARAM PATER URNVBIS COABIT
ETERNAM PONDETOR DE DEVS ETERNAM ET VESTRVM SECRETVM AMARE DEI
PERSECVAMVR SANCTI. AMEN

3.Credo Sa Infinitvs Devs


CREDO IN INFINITVS DEVS, SALVS MEA DOMINVM NOSTRVM OMNIPOTENTEM
DEVS REY DELOS REYES OMNIVM SANCTORVM ME VIVI SALVTATEM IN CAELVM
ET ETERNAE MVNDVM SALVA ET PRAERUPTVM BEATVM SPIRITVM MEVM
CORVM CREDO DEVM DIGNVM SIGNORVM SANCTVM DOMINVM NOSTRVM
DEVM MACMAMITAM GRATIAM LAMVROC MILAM ADONAI AMEN.

4. Panalangin Paghingi Ng Tulong Sa Infinitvs Devs


EGOSVM PRINCIPIVM EGOSVM VERBVM VC- AV- IOC INTROIBO AD ALTARE
DEVM, QVI LAETIFICAT IVVENTVTE MEAM INDVLIGENTIAM ABSOLVTIONEM ET
REMISSIONEM PECCATORVM NOSTRORVM TRIBVAT NOBIS OMNIPOTENTI.
CHRISTVS SOLUS INFINITVS HERI ET HODIE PRINCIPIVM EGOSVM HOC FINIS ET
ALPHA ET OMEGA IPSIVS SVNT TEMPORA ET SAECVLA IPSI GLORIA ET PER
EGOSVM PER VNIVERSVM EGOSVM VNVM DEVM ELOHIM DEVM AEOUI MAAM
MAAM BAAM BAAM MAOC EMAOC ALIOC FOOC VHVMESIT MERTIM EGOSVM
SANCTA TRINITAS SOLO INFINITVS DEVS PAX TIBI DOMINE DEVS NORVM DEVS
NORAM DEVS NOCAM DEVS MEORVAM MACMAMITAM MAEMPO MAEM
MALAMVROC MILAM Muy PODEROSO REY DELOS REYES CHRISTVS CREDO DELA
SANCTISSMA TRINIDAD PATER DEVS OMNIPOTENTEM DEVS ELOHIM. HOSTIAM
PURAM + HOSTIAM SANCTAM+ HOSTIAM IMMACVLATAM+ SANCTAM VITAE
AETERNAE+ SALVTIS PERPETVAE OMNIA IN SAECVLA SAECVLORVM. AMEN +++

5. Panalangin Sa Infinitvs Devs; Sa Pangkaligtasan Sa Panganib


SITIMITIS TISIMISIT MISIMISIM INFINITVS DEVS TODO PODEROSO SALVADOR DEL
MUNDO LIBERA ME SALVA ME. JICAAC ICAYAB DEVS ANIMASOLAM, AMANG
TETRAGRAMMATON. KASIHAN MO POAKO AT IPAG-ADYA SA PPATALIM AT SA
BALA AT SA LAHAT NG MGA DISGRASYA. OH PODEROSO MITAM REX INFINITVS
DEVS DELOS REYES TODO PODEROSO BICTIMA HOMANO BINGOBOS ICVMO
CERTE Y FUERTE MAS FUERZAS. AMEN

6. Debosyon Sa Infinitvs Devs


MAGNVM DIGNVM MATAM MITAM MICAM HVM DOMINVM AETERNVM
TRAEMENDA CVIVS DEVS NOVI SERVIDENCIA IVSTVS BALAOIS AQVIM
PLAVSISENTIR DALICIVM ELLVM PATER AD AETERNVM LIBERA ME SALVA ME
MAROM +
MACOM +
MITAM +
MACMAMITAM +
HVM +
IBA’T- IBANG MGA TALANDRO

You might also like