Professional Documents
Culture Documents
Communicative Event
Communicative Event
LOLA: Magpupunta ako sa Mac Arthur Adult Day Health Care Center. May parti ang mga seniors.
LOLA: Naku, ang nasira kong asawa. Iba ang panahon namin. Filipino custom, “no touch.” Matagal
nanliligaw ang lalake sa babae. Sinusuyoniya ang mga magulang ng babae. Humihingi muna siya ng
permiso sa magulang ng dalaga bago dumadalaw at nanliligaw.
GEMMA: ‘La, totoo po bang taon ang binibilang ng mga magkasintahan bago sila nakakasal? ‘Yun bang
naririnig ko na kailangang magsilbi ang lalaki sa pamilya ng babae, yung umiigib ng tubig, nagsisibak ng
kahoy?.
LOLA: Noong panahon ng Mama ko ‘yon. Sa baryo, kinikilatis ang ugali ng lalake. Mahaba ang ligawan
para nakikilala ang tunay na pagkatao niya. Nagbibihis siya nang pormal kapag umaakyat ng ligaw. Sa
Maynila, nag-a-Amerikana ang mga lalaki at sa probinsiya naman, nagbabarong Tagalog. Maagang nag-
aasawa ang mga babae noon. Ang nanay ko disisais lang. Pero laging may sumasamangtsaperon sa mga
babae. Minsan, nauupopa nga ang tsaperon sa gitna ng nagliligawan. Tuloy, pag minsan, dahil sa
masyadong hinihigpitan sila ng mga magulang, nagtatanan tuloy ang mga magkasintahan.
LOLA: Hindi pero sinusulatanniya ako parati. Alam mo noon, nagsusulatan ang nag-iirugan.
JULIUS: ‘La, ako, sa chat room ko nakilala ang gerlpren ko. Sabi niya, type niya ako. Simple lang.
Nalalaman agad namin ang mga gusto at ayaw namin.
LOLA: Naku, e parang palay pa ang lumalapit sa manok. Aba noon, mahinhin ang mga babae at
mahiyain. Mahalaga ang panyo at pamaypay. Sabi ng Mama ko, kapag ang panyo ay idinadamping
marahan sa kilay, ang ibig sabihin noon e, laman ka ng aking isipan.
LOLA: Ibig sabihin, iniisip kita. Kapag idinadampinaman sa mga labi, ang ibig sabihin naman noon e,
gusto kitang makausap.
LOLA: Sa abaniko naman, kapag ibinubukas at itinatakip sa dibdib, ibig sabihin ay mayumi at mahinhin
ang dalaga. Pagkatapos nang mahabang ligawan, namamanhikanang mga magulang ng lalake sa mga
magulang ng babae at hihingin ang kamay ng kanilang dalaga. E ngayon, hindi na ginagawa ‘yan, kasi
madalas, nakuha na ang kamay. Wala nang hihingiin.
LOLA: Hindi. Ginayuma ako. Hindi, biro lang. Dakila ang pagmamahal ng Lolo n’yo. Iniibigniya ang
bayan at namatay siya para sa pag-ibig na ito, para sa akin, sa Papa ninyo at para sa inyo.