Ap Q1 Week1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Department of Education

Region X
Division of Misamis Oriental
MAPUA ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


DATE:__________ (IV- HOPE)
TIME:_____________________
Ms. Joyce Mae H. Omerez

I. Layunin
1. Natatalakay ang konsepto ng bansa;
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa;
3. Nakabubuo ng kahulugan ng bansa;
4. Nakikiisa sa pangkatang gawain.
II. Paksang-aralin
A. Paksa: Konsepto ng Bansa
B. Kagamitan: graphic organizer, mga larawan ng mga pangkat ng tao, larawan ng lugar, tula, metacards, tsart
C. Mga Sanggunian: CG ph. 38, TG ph. 1, LM ph. 2-3,
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pamukaw Siglang Gawain:
Awitin ang liriko sa saliw ng tono ng “Leron-leron Sinta”
“Paraiso”
(bansa)
nilikha ni: MGR
Ikaw at ako, tayo ay pareho
sa kultura’t wika’y magkatulad tayo
Ang ating lupai’y ating teritoryo
tayo’y nabubuhay sa iisang paraiso.
B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Sabihin sa mga mag-aaral na kukuha ng ika-apat na bahagi ng papel. Pasulatan ito ng pangalan ng bansa na alam
nila maliban sa Pilipinas.
2. Paglalahad
Paano masasabing ang isang lugar ay isang bansa?
3. Pagtuturo/Paglalarawan
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga grupo ng tao na may pagkakatulad-tulad ng kultura at larawan ng
isang lugar o teritoryo.

naninirahan
sa iisang
teritoryo

BANSA

Ano ang masasabi ninyo sa mga pangkat ng tao?


(Pagpapakilala sa mga pangkat ng tao)
Kung ang bawat pangkat ng mga tao na may magkakaparehong kultura at paniniwala ay nanirahan o nagtungo sa
iisang lugar o teritoryo, ano sa palagay ninyo ang tawag natin sa lugar na ito? (bansa)
Magbibigay ng mga halimbawa ng bansa ang mga bata.
4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa
Ano-ano ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain?
Pangkatang Gawain
Iaayos ng bawat grupo ang mga ginulong salita/parirala na nakasulat sa mga metacards upang makabuo ng isang
pangungusap.

o pare-parehong wika, lugar o teritoryo grupo ng tao pamana,

na may naninirahang mga kulturang pinanggalingan Ang bansa ay

at relihiyon, na may magkakatulad kung kaya makikita ang iisa


lahi na
.
(Pag-uulat ng bawat grupo)

5. Paglalahat

Batay sa ginawa ninyong activity, ano ang kahulugan ng bansa?

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-parehong
wika, pamana, relihiyon at lahi.
6. Pagpapahalaga
Sa ginawa ninyong activity kanina, paano ninyo agad nabuo ang mga ginulong mga salita?
7. Pahuling Pagtataya
Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Ang _____________ ay lugar o ___________________ na may naninirahang mga grupo ng


______________ na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-
parehong _________________, relihiyon at ___________________.

lahi wika tao


teritoryo bansa

Tamang sagot:
Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, relihiyon at lahi.

8. Takdang-aralin
Magbigay ng limang (5) halimbawa ng bansa.
Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
MAPUA ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


DATE AND TIME:______________ (IV- HOPE)

Ms. Joyce Mae H. Omerez

I. Layunin
1. Naiisa-isa ang katangian o elemento ng pagkabansa;
2. Naipaliliwanag ang mga katangian na bumubuo sa bansa;
3. Napahahalagahan ang bansa.

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Katangian o Elemento ng pagkabansa
B. Kagamitan: powerpoint presentation
C. Mga Sanggunian: CG ph. 38, TG ph. 2-3, LM ph. 3-4

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pamukaw Siglang Gawain: Ehersisyo
1. Pagpapaikot ng ulo/balikat/bewang/tuhod

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Ano ang kahulugan ng bansa?
2. Paglalahad
Ano-ano ang bumubuo sa bansa?
3. Pagtuturo/Paglalarawan
Pagsusuri ng larawan/graphic organize

Tao
Teritoryo

Ito ay tumutukoy sa lawak ng Sila ang grupong


lupain at katubigan kasama ang naninirahan sa loob ng isang
himpapawid at kalawakan sa teritoryo na bumubuo ng
itaas nito. Ito rin ang tinitirhan populasyon ng bansa
ng tao at pinamumunuan ng
pamahalaan.

Pamahalaan
Soberanya o ganap
BANSA Ito ay isang samahan o
na kalayaan organisasyong political na
itinataguyod ng mga grupo ng
tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng isang
Ito ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng
pamahalaangAnomamahala sa ninyo sa larawan?
ang masasabi
kaniyang nasasakupan.

Ano ang mayroon sa isang bansa?


(Teritoryo, tao, pamahalaan, soberanya o ganap na
kalayaan)
Ano ang ipinapahiwatig nito?

4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa
(Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain)
Pangkatang Gawain
Isagawa ang Gawain B sa LM ph. 5

5. Paglalahat
Ano-ano ang apat na elemento ng pagkabansa?

Ang apat na elemento ng pagkabansa ay tao,


teritoryo, pamahalaan at ganap na kalayaan o
soberanya.

6. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa bansa?

7. Pahuling Pagtataya
A. Panuto: Isulat ang apat na elemento ng pagkabansa?
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
(teritoryo, tao, pamahalaan, soberanya o ganap na
kalayaan)

B. Ipaliwanag ang katangian na bumubuo sa bansa.


8. Takdang-aralin
Sumulat ng journal kung paano mo mapahahalagahan ang ating bansa.
Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
MAPUA ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


DATE AND TIME:______________ (IV-HOPE)
Ms. Joyce Mae H. Omerez
JUNE 05 ,2019 HOLIDAY WEDNESDAY
JUNE 06 ,2019 THURSDAY
I. Layunin

I. Layunin
1. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat elemento ng pagkabansa.

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Kahalagahan ng Bawat Elemento ng Pagkabansa
B. Kagamitan: graphic organizer, tsart
C. Mga Sanggunian: CG- AP4AAB-Ia-1. , LM ph. 3-4

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pamukaw Siglang Gawain
Bibigkasin ng klase ang tula na pinamagatang :
“ Elemento ng Bansa Ko”
Bawat bansa sa daigdig kagaya ng Pilipinas
Ay may mga elementong hindi dapat natitinag
May pamahalaang tunay na malakas,
May sariling teritoryong masaya at ligtas.

Ating bansang Pilipinas may ganap na soberanya


Kapangyarihang mamahala sa bawat bayan at probinsya
Kaayusan at katatagan ang kinakailangan
upang magkaroon tayo, sibilisadong lipunan.

Ating bansa’y binubuo bawat isang Pilipino


Sama-samang naninirahan sa iisang teritoryo
Iba’t iba man ang wika’t pangkat etniko
lahat tayo’y Pilipino, Pilipinas ang bansa ko.

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Ano-ano ang mga elemento ng pagkabansa?
Nangan
ga-laga
2. Paglalahad sa
Sa palagay ninyo ano ang kahalagahan ng bawat elemento? bansa

3. Pagtuturo/Paglalarawan
Suriin ang graphic organizer TAO
Tagapag
Tagaga
-ugnay sa
nap
bansa
Tirahan ng
tao

TERITORY
Pinagkukuna
O
n ng pinamumunu
ikinabubuha an ng tao
y ng mga
tao
Nagpapan
atili ng
maayos na
lipunan

PAMAHAL
AAN Basehan ng
Tagataguy
pamamah
od ng
ala ng
mga tao
Tagapanga pinuno
laga

SOBERANY
A
Tagapama Tagapagpas
hala unod

Ano ang kahalagahan ng tao, teritoryo, pamahalaan at soberanya sa isang bansa?


4. Kasanayang Pagpapayaman/ Pagkabisa
Pangkatang Gawain
Ipakita sa malikhaing paraan ang kahalagahan ng bawat elemento ng pagkabansa.
Pangkat I – Tao
Pangkat II- Teritoryo
Pangkat III- Pamahalaan
Pangkat IV- Soberanya
5. Paglalahat
Ano-ano ang kahalagahan ng tao? teritoryo? pamahalaan? soberanya?
Ang tao ay mahalagang elemento dahil siya ang nangangalaga, tagapag-ugnay at tagaganap sa bansa.
Ang teritoryo ay tirahan, pinagkukunan ng ikinabubuhay at pinamumunuan ng pamahalaan.
Ang pamahalaan ay mahalaga dahil ito ang basehan ng pamamahala, tagataguyod sa mga tao at
nagpapanatili ng maayos na lipunan.
Ang soberanya ay mahalaga dahil tagapamahala, nangangalaga at tagapagpasunod.

6. Pagpapahalaga
Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang mapahalagahan ang bawat elemento?

7. Pahuling Pagtataya
Tukuyin ang mga kahalagahan sa Hanay B ng mga elemento ng bansa sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
HANAY A HANAY B
_______1. Tao a. Basehan ng pamamahala, tagataguyod at nagpapanatili ng
maayos na lipunan
_______2. Teritoryob. Nangangalaga, tagapag-ugnay at tagaganap sa bansa
_______3. Pamahalaanc. pinagkukunan ng ikinabubuhay at pinamumunuan ng tao
_______4. Soberanyad.tagapamahala, nangangalaga at tagapagpasunod

Tamang Sagot:
1. b.
2. c.
3. a.
4. d.

8. Takdang-aralin

Ibigay ang kahalagahan ng mga sumusunod:


1. Tao- ______________________________________________________
2. Teritoryo-__________________________________________________
3. Pamahalaan-_____________________________________________
4. Soberanya-_______________________________________________
Department of Education
Region X
Division of Misamis Oriental
MAPUA ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


DATE AND TIME:_____________ (IV- HOPE)

Ms. Joyce Mae H. Omerez


FRIDAY
I. Layunin

1. Nakalilikha ng dayorama na nagpapakita ng elemento ng pagkabansa;


2. Naipakikita ang pagkakaisa sa pangkatang gawain.

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Paggawa ng Dayorama
B. Kagamitan: kahon, colored paper o magasin, gunting, tali, tsart,
dayorama (sample) na inihanda ng guro
C. Mga Sanggunian: CG- AP4AAB-Ia-1 p.38

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pamukaw Siglang Gawain: Awit: “O, Kay Liit ng Mundo”
Ito ay mundo ng kasiyahan,
Ng kalungkulatan , ng kalumbayan
Pag-ibig, pag-asa at pagmamahalan
Dapat isaalang-alang.

O kay liit ng mundo (2X)


O kay liit ng mundo,
kay liit ng mundo.
B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Nakagawa na ba kayo ng dayorama?
2. Paglalahad
Ano-ano ang makikita sa isang dayorama?
Alam ba ninyo kung paano ito ginagawa?
3. Pagtuturo/Paglalarawan
Pagpapakita ng tunay na dayorama ng bansa
Ano ang masasabi ninyo sa dayoramang ito?

Pabatid: Ihanda ng guro ang sariling gawang dayorama na nagpapakita ng elemento ng pagkabansa.

4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa
Ano-ano ang pamantayan sa pangkatang gawain?
Ang bawat pangkat ay gagawa ng dayorama ng bansa.
(Maaaring gawin ito sa isang kahon)
Pangkat I- Tao
Pangkat II- Pamahalaan
Pangkat III- Teritoryo
Pangkat IV- Soberanya

5. Paglalahat
Ano ang dayorama? Ang dayorama ay isang likhang sining na
6. Pagpapahalaga nagpapakita ng isang pangyayari o
modelo ng isang bagay o lugar.
Puntos Pamantayan
5 Nakalikha ng maganda, maayos, angkop at wastong dayorama
4 Nakalikha ng maganda, maayos na dayorama ngunit hindi angkop sa paksa.
3 Nakalikha ng dayorama ngunit hindi gaanong maayos
2 Hindi natapos ang ginagawang dayorama
0-1 Walang nagawang dayorama
Ano ang kaugalian na dapat taglayin habang gumagawa ng isang proyekto?
7. Pahuling Pagtataya: Pagtataya sa ginawang dayorama ng bawat pangkat gamit ang rubric

You might also like