Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MON OLOGO N I MAR IA CL AR A

Ako’y kilala sa lipunan, hinahangaan ng marami dahil sa taglay ng aking kagandahan at isang
simbolo ng tunay na Pilipino.

Lubos ang aking kasiyahan ng malaman kong babalik dito ang aking kasintahan na si Ibarra.
Ngunit minabuti kong sa sarili ko nalang ang aking kasiyahan na ito. Paniguradong hahanapin
agad ako ni Ibarra sa kanyang pagbalik.

Sinang, aking kaibigan kung sakaling hanapin ako sa iyo ni Ibarra sabihin mo nalang na…. gusto
ko nang putulin ang relasyon namin dahil sa matinding dahilan.

Lapit na, malapit na ang araw ng aking pagpapakasal. Ngunit… bakit ganito ang aking
nararamadaman sa halip na kasiyahan ay kalungkutan ang aking nadarama.

Kagabi’y hindi ako makatulog… hindi dahil sa natatakot akong magpaksal kay Linares ngunit
dahil lubhang magpapakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal. Buong akala ko na kapag
dumating ang araw ng aking kasal ay mararamdaman kong nakalutang ako sa langit at hindi
parang nahuhulog sa impyerno. Maging ang napakalaking kasiyahan na to na hinanda ng aking
ama ay hindi kayang pawiin ang pangungulila ko sa pinakamamahal kong Crisostomo. Sa’king
kalungkutan ay tumakbo ako palabas at tumungo sa azotea. Parang may natatanaw akong anino
ng dalawang lalaki sa dako roon. ‘Di kaya isa sa kanila ay si… si… Crisostomo! Ikaw nga! Aking
mahal! Napakasaya kong makita kang muli! Patawarin mo ko sa aking pagpapakasal kay Linares.
Pumayag lamang ako dahil gusto kong ilayo ka sa kapahamakan. Tandaan mo na sa buhay kong
ito ikaw lamang ang aking mamahalin at wala nang iba pa.

Matapos niya kong yakapin ng mahigpit sa kanyang unti-unting paglayo ay para bang unti-unti
ring nadudurog ang aking puso. Hindi ko alam kung kalian ko siya makikita o makakausap o
maaring hindi na…

Kinabukasan ay nabasa ko sa dyayro, patay na si Crisostomo… hindi ito maari! Hindi ito maari!
Kagabi lamang ay nakita at nakausap ko siya! Ngayon malalaman kong patay na siya at iiwan
akong mag-isa?! Bakit ganito?! Bakit?! Kung gayon ay wala ng silbi ang aking desisyon na
magpakasal kay Linares. Mas gugustuhin ko pang mamatay o kaya manatili sa kumbento at
magsilbi sa Diyos habang buhay kesa magpakasal sakanya Ngayon ay wala na si Crisostomo ay
wala na ring saysay ang aking buhay.
Kinakatawan ko si Leonor Rivera, isa sa mga nagging kasintahan ni Dr. Jose Rizal. Ako’y isang
simbolo ng dalagang Pilipina at ipinapahiwatig ko sa inyo na ang isang tunay na nagmamahal ay
handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal. Ang isang tunay na Pilipina ay handang
manindigan at siya’y handang ipaglaban ang kanyang tunay na nararamdaman.

Ako po si Maria Clara tunay na anak ni Padre Damaso.

You might also like