Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang hangin, alon at punong binabayo ng hangin.

Sino kaya ang mas malakas, ang hangin, alon o ang punong binabayo ng
hangin? Madalas daw ay nag-aaway ang mga ito noong araw dahil sa
nagpapalakasan sila.

Isang araw, sinabi ng hangin, "O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas


malakas ako kaysa sa inyo?"

Ngumiti ang alon. "Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin.
Hayun, may lalaking dumarating. Kung sino sa ating tatlo ang
makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang kikilalaning mas malakas."

"Payag ako”, sagot ng punong binabayo ng hangin.

Nauna ang hangin, umihip ito ng pagkalakas-lakas para maalis ang polo ng
lalaki pero hindi natinag ang lalaki.

“Hahahahahahahahahahahahaha” natawa ng pagkalakas lakas ng dalawa.

“Wala ka pala e!”, sabi ng punong binabayo ng hangin, “tignan mo ako!”


Pinagpag ng pinagpag ng puno ang kanyang dahon na binabayo ng hangin,
pero hindi natinag ang lalaki.

“Hahahahahahahahahahahahahaha” tawa ng dalawa. “Ang hina mo din!”


sabi ni alon, “tignan nyo ako!”

Binasa ng alon ang lalaki hanggang sa inalis nito ang kanyang suot na polo.

“Nagtagumpay ako!” sabi ni alon.

“Ang galing mo!” sabi ng dalawa. “Mula ngayon ikaw na ang pinakamalakas
sa ating tatlo”

WAKAS

You might also like