Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Katotohanan at Opinyon

May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling


opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa
pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na
pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang
maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na
maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan.

Opinyon
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang
batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na
batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa
magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring
mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking
palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,
para sa akin, sa ganang akin atbp.
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa
isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa
Diyos.

Katotohanan
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng
pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring
mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan
ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng,
pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay,
tinutukoy na, mababasa na atbp.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng
nababawasan ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na
unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
TANDAAN:
KATOTOHANAN OPINYON

Parehong uri ng impormasyon


Maaaring Base sa mga saloobin
mapatunayan na at hindi maaaring
mapatunayang totoo.
totoo.
Bihirang magbago Madalas nagbabago
sa pinagmumulan sa mga pinagmulan

You might also like