Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paggamit ng cellphone, nakakatulong?

CELLPHONE – isang gadyet na lubos na nakatutulong sa mga tao. Maaari itong gamitin si maraming
paraan – sa pag aaral, sa kabuhayan, sa pakikipagkomunikasyo-n at sa paglilibang. Karamihan sa mga
humahawak ng cellphone ay mga kabataan, mga estudyante, ilalapag natin isa-isa.

Bago pumasok mg eskwelahan, o kahit kagigising pa lang ay unang hahanapin ng paningin ay ang
cellphone. Ganyan ang mga estudyante. Unang aalalahanin ay kung naicharge ba ang cellphone o kung
may nagpadala ba ng mensahe. Pagpasok sa eskwelahan at may bakanteng oras, dudukutin sa hulsa ang
cellphone upang maglibang. Pamatay oras. Hanggang sa uwian na, cellphone pa rin ang nasa isip. Isa yan
sa epekto ng oaggamit ng cellphone, nalululong sa paggamit ng gadyet na ito ang isang mag aaral na
halos hindi na matanggal sa kanilang isipan.

Sa totoo lang, nagagamit nga naman ang cellphone sa laglilibang. Pwede kang maglaro sa cellphone ng
mga larong sikat na sikat sa kabataan, katulad ng larong “ mobile legends “ at “ rules of survival “ Sabi pa
nga ng ibang kabataan, mas mainam pa daw na kalikutin at maglaro sa cellphone kaysa sa pagbabasa ng
libro na kung saan ay makapagbibigay pa sana ng ibat ibang mahahalagang impormasyon sa kaanila.
Mas marami ang oras na naigugugol nila sa paglalaro kaysa sa pagbabasa ng mga aralin, paggawa ng
proyekto at pagsagot sa mga kanilang takdang aralin. Pati sa loob ng paaralan, hindi na natigil ang
pagkutingting nila sa kanilang cellphone dahil sa paglalaro. Minsan kahit nandyan na ang guro, hindi la
rin sila papaawat at hihirit pa ng ilang segundo dahil giit nila, mahirao ang mabawasan ang star nila sa
larong iyon at bumaba ang kanilang ranggo. Pero diba mas mahirao kapag napalabas ka sa klase at
bumaba ang iyong grado? Baka nga hindi nila ito naiisip dahil sa busy sila sa kanilanv sariling mundo at
yan din ay isang hindi kaaya ayang dulot ng cellphone sa kabataan.

Sabagay, nakakatulong naman talaga ito sa pag aara. Pag may hindi naintindihan sa klase, maaari nilang
gamitin ang cellphone at maghanap ng kasagutan. Sa paggawa ng proyekto, maaari silang makakita sa
inyernet ng pwede jilang vawing pagbasehan para sa gagawing proyekto. Sa iba nilang subject,
kinakailangan din ang paggamit ng cellphone upang magsaliksik at magkalap ng mga impormasyon
tungkol sa isang bagay o paksa. Nakakatulong nga ito ngunit may masama pa rin itong epketo. Sa
pagpayag ng guro na gumamit ng cellphone ang mga mag aaral, maaari silang matutong mandays kapag
may pagsusulut o aktibidad. Minsan sa sobrang dami ng gawain ng guro, hindi na gaanong napapansin
ng guro ang gawain ng bawat isa. Minsan itinatago ng mga estudyante ang kanilang cellphone sa
kanilang bag at titingin dito kapag mayroon silang hindi masagutan na tanong. Nakapanghihinayang din
dahil imbis na sariling utak ng estudyante ang pinapagana at pinapaunlad, ay mas nagtatangkilik sila a
teknolohiya. Nakadepende na sila dito.

HINDI dapat gumamit ng cellohone ang mga mag aaral kapag nasa loob ng paaralan o kapag may klase.
Imbis na makatulong ito sa pag aaral, mas lalo itong nakakasira at nagiging isang sagabal. Mas mainam
na lang kung itoy kukumpiskahin ng mga guto bago magsimula ang klase at pagbalik nito bago ang uwian.
Lubos na nakakaapekto sa mga kaisipan at performance ng kabataan at nalalason ang kanilang mga oag
iisip. Mas mavuti kung sabahay nalang gagamit ng cellphone upang hindi maapektuhan at makaabal sa
pag aaral. HINDI mabuti ang paggamit ng cellphone sa paaralan kaya simulan ang pagbabago sa sarili.
Maging isang responsableng magaaral at mavuting halimbawa sa kapwa. Hugutin ang mga paa sa
pagkabaon at bumangon!

You might also like