Ang globalisasyon ay pagsasama-sama ng mga nasyunal na pamilihan tungo sa isang global na pamilihan na pinamamagitan ng libreng pagpapalit-palitan at pagbebenta ng mga kalakal ng iba’t ibang mga bansa. Dahil sa globalisasyon ay nakakaroon ng interaksyon ang bawat bansa sa buong mundo. Ang globalisasyon ang isa sa mga “factors” na nakaaapekto nang malaki sa ekonomiya ng isang bansa ito ay dahil sa libreng pagpapalit-palitan at pagbebenta ng mga kalakal ng iba’t ibang bansa ay nakatutulong upang maipalaganap sa iba’t ibang bansa ang mga produktong gawang lokal ng isang bansa. Katulad na lang ng Pilipinas, tayo ay kinikilala sa iba’t ibang bansa dahil sa pag-export natin ng mga lokal na mga produkto gaya ng bigas, mais, mga minatamis na mga prutas, at iba pa. Karagdagan ay ang pagpasok ng mga makabagong teknolohiya at “telecommunications” na mga kumpanya sa ating bansa. Dahil rito ay mas napauunlad natin ang ating pagserbisyo sa mga mamamayan sa Pilipinas, mas napadadali ang mga proseso sa atig sistema, at mas nagiging “updated” tayo sa mga teknolohiyang nakapagbabago sa buhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Dahil din sa globalisasyon ay nakagaagwa ng mas marami pang hanapbuhay ang gobyerno kung saan natutulungan nito ang mga naghahanap ng trabaho na makahanap ng maayos na trabaho upang may pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan nila at ng kanilang mga pamilya. Dito pumapasok ang pagkakaroon natin ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs na mga Pilipinong manggagawa na pumupunta ng iba’t ibang mga bansa upang maghanapbuhay dahil sa malaking oportunidad sa pagkita ng pera upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga naiwan dito sa Pilipinas. Ang globalisasyon ay isa sa mga phenomena na nakapagpabago at patuloy na nakapagbabago sa daloy ng ekonomiya ng isang bansa at ng pandaigdigang ekonomiya. 2. Ano ang pinagkaiba ng Global South sa Global North? Ayon sa isa sa mga paksa na tinalakay sa aming klase sa the Contemporary World, sinasabi ng Three World Theory na ang mga bansa sa mundo ay nakapaloob sa tatlong klasipikasyon: “First World,” “Second World,” at ang “Third World.” Ang “First World” ay ang kinapalolooban ng itinuturing na pinakamayayamang mga bansa sa mundo. Sila rin ay tinuturing bilang mga “Western Capitalists.” Ilan sa mga bansang kasama rito ay ang United States of America (USA), Japan, Canada, New Zealand, Australia at iba pang mga bansa sa kanluraning bahagi ng Europe. Ang “Second World” naman ay kinapalolooban ng mga bansang komunista’t sosyalista at mga estadong industriyal gaya ng Soviet Union at ang kaniyang mga kaalyadong bansa. At pinakahuli ay ang “Third World.” Ito ay kinapalolooban ng mga bansang walang mga piniling mga kaalyado. Sa mga nabanggit na mga mundo, sinasabi na ang mundo naman ay nahahati sa dalawang bahagi. Ito ay ang Global North at ang Global South. Ang Global South ay tinatawag rin na “Poor South.” Ito ay isang metapora kung saan ito ay kinapalolooban ng mga bansang matatagpuan sa third world. Habang ang Global North naman ay tinatawag na “Wealthy North.” Ito ay kinapapalooban ng mg bansang kasama sa First and Second World. Sa heographiya, ang mga bansa sa itaas ng ekwador ay ang mga bansang kasama sa Global North habang ang mga nasa ibaba naman ng ekwador ay ang Global South. Ngunit hindi masasabi na ang lahat ng bansang nasa itaas ay kabilang sa Global North pagdating sa socio-economic status ng isang bansa at gayundin sa Global South na nakaayon sa World Bank. 3. Paano nakikita ang five scapes ni Appadurai sa Pilipinas? a. Ethnoscape - Ito ang paggalaw ng mga tao. Sa Pilipinas ay dumarami ang bilang nga mga Pilipinong pumupunta ng ibng bansa upang doon maghanapbuhay dahil sa tingin nila ay mas malaki ang perang kanilang kikitain doon kaysa sa Pilipinas. Marami ring mga tao ang ninanais na manirahan sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas dahil sa tingin nila ay mas mataas ang kalidad ng buhay roon kay sa bansang kanilang pinaggalingan. b. Financescape - Ito ang daloy ng pera. Sa Pilipinas ang currency natin at Philippine Peso. Dito sa Financescape ay naipakikita nito ang palitan ng peso at ng iba pang pera ng iba’t iabng mga bansa. Ito rin ay naipakikita sa mga gastusin ng mga tao sa pamilihan. Nakaugnay rito ang inflation at deflation sa presyo ng mga bilhin sa Pilipinas. c. Technoscape - Ito ay tumutukoy sa mga teknolohiya. Ang Pilipinas ay tumatanggap ng mga teknolohiyang gawa sa ibang bansa gaya ng mga cellphones, laptops, at iba pang gadgets sa ibang bansa gaya ng South Korea, China, USA, at iba pa. Tayo rin ay tumatanggap ng mga teknolohiyang nakatutulong upang mapaunlad ang kalusugan, agrikultura, at iba pa. Ngunit mayroon ding mga Pilipinong nakaiimbento ng mga teknolohiyang nakatutulong sa iba’t ibang aspeto ng buhya gaya ng latest na teknolohiya na nakapagco-convert ng ingay patungo sa elektrisidad na kapaki-pakinabang sa buhay ng tao. d. Mediascape - Ito ay tumutukoy sa kultura. Dahil tayo ay nasakop ng iba’t ibang mga bansa sa kanluranin ay nakuha natin ang karamihan ng kanilang mga kultura gaya ng sa Espanya, Amerika, at Japan. Sa kasalukuyan dahil sa globalisasyon ay mas marami tayong kulturang natatanggap gaya ng Kpop mula sa South Korea, Pagco-cosplay at Anime galing sa Japan, at iba pang kultura. Ngunit hitik naman tayo sa kulturag Pinoy. Subalit dahil sa pag-unlad n gating bansa ay mga mga nawawala na tayong kultura na napapapalitan ng ibang kultura. e. Ideoscape - Ito ay tumutukoy sa daloy ng ideolohiya sa isang bansa. Dahil sa pagtakbo ng iba’t ibang tao na nais umupo sa puwesto sa gobyerno ay nagkakaroon tayo ng chaos sa Philippine government. Dahil sa iba’t ibang mga ideolohiya nila (intelektwal man o hindi) ay nagkakaroon ito ng malaking epekto sa bansa dahil sa ginagawan nila ito ng mga batas. Ang mga batas ay ang mga tuntuning dapat sinusunod ng bawat isa sa isang bansa. May iba’t ibang opinion ang mga tao sa isang bansa kaya’t kapag may mga hindi makataong batas ay ipinaglalaban ito ng mga grupo na ang layunin ay pagkapantay-pantay ay kapayapaan ng bansa. 4. Ano ang kinakaharap ng daigdig na kinakailangang bigyan ng pansin? Magbigay ng limang suliranin at ipaliwanag bakit ito pandaigdigang suliranin. a. Climate Change/ Pagkasira ng Kalikasan - Isa ito sa pinakamalaking suliranin ng daigdig. Dahil sa mga maling gawain at pag- aksyon ng mga tao, nagkakaroon ng pagbabago sa mga klima sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Natutunaw na ang mga yelo sa north at south pole. Nasusunog na ang mga kagubatan sa iba’t ibang mga bansa. Namamatay at nagiging endangered na ang iba’t isang mga uri ng hayob sa iba’t ibang bahagi ng globo. Napupuno na ng mga basura ang mga anyong tubig. Nakakalbo na ang mga bundok. Unti-unti nang namamatay ang daigdig at kapag ipinagpatuloy pa ang mga gawaing ito, hindi na maaring mabuhay pa sa planetang ito at mamamatay tayong lahat. b. Kahirapan - Ito rin ang isa sa pinakamalaking suliraning kinahaharap ng daigdig nang napakatagal nang panahon. Napakalaki ng epekto nito sa lahat ng aspeto na bumubuo sa daigdig. Sa paglaki ng populasyon sa daigdig, mas lumalala ang kahirapan. Dahil sa kahirapan ay tumataas din ang bahagdan ng mga taong namamatay dahil sa wala na silang makain. Dahil din ditto ay dumarami ang mga kaso ng krimen at ang kadalasang dahilan ay dahil hirap sila sa buhay at wala silang magpagkitaan ng pera. Kapag patuloy na tumaas ang lebel ng kahirapan sa daigdig ay maaring may malaking epekto at mas masamang resulta pa ito sa lipunan. c. Malnourishment/ Pagkagutom - Ito ay nakaugnay ng kahirapan. Dahil sa kahirapan ay kulang ang nakakain ng ibang mga pamilya. May mga lugar din na hindi nahahatiran ng tulong gaya ng mga taong nakatira sa mga isolated na mga lugar na mahirap puntahan. Nakakaawa ang kalagayan nila dahil karamihan ay kulang sa nutrisyon na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang sakit. Hindi naman lahat ay naaabutan ng tulong kaya’t kadalasan ay iniinda na lang nila ang kanilang mga sakit. Kapag nagpatuloy ang paglaki ng populasyong walang natatanggap na tamang pagkain ay mas tataas ang lebel ng mga taong namamatay. d. Unemployment/Underemployment - Isa rin ito sa mga suliraning kinahaharap ng daigdig. Ito rin ay umuugnay sa suliraning kahirapan. Dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng ibang mga tao ay mas lumalaki ang bilang ng mga taong lugmok sa kahirapan. Mataas na rin kasi ang standard ng iba’t iabng mga industriya na hindi naman kayang abutin ng mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Karamihan naman ng mga taong may hanapbuhay ay hindi nakatatanggap ng sapat na sahod upang ipangtustos sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. May iba naman na nakapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi nagta-trabaho malayo sa tinapos na programa sa kolehiyo. Dahil dito ay nagkakaroon ng kakulangan sa tao ang ibang mga nagangailangan ng propesyunal o mga maggagawa. Kapag nagpatuloy ito ay mas darami ang bilang ng mga taong lugmok sa kahirapan. e. Pollution - Isa ito sa mga suliraning kaugnay ng pagkasira ng kalikasan. Dahil sa pagdami ng mga industriya sa daigdig ay dumarami na rin ang polusyon na nararanasan nating mga tao. Dahil sa polusyon sa hangin ay nagkakaroon ng iba’t ibang sakit sa respiration ang mga tao. Dahil sa polusyon sa tubig ay nasisira ang biodiversity ng mga hayop sa karagatan at namamatay ang mga isda na kung saan ay nauubos ang iba’t ibang species ng mga isa. Dahil sa polusyon sa ingay ay hindi na nagiging kalmado an gating lipunan na nakaaapekto sa sikolohikal na estado ng mga tao. Iilan lamang ‘yan sa mga polusyon. Kapag hindi ito naagapan ay tuluyan itong makadaragdag sa pagkasira ng kalikasan at sa pag-init ng mundo na maging dahilan ng pagkamatay nating lahat. 5. Ano ang pinakamahalagang natutunan n’yo sa klase ko? - Ang pinakamahalagang natutunan ko sa klase ni Sir Mejedin Tena ay ang pagkamulat sa mga usaping sosyal at pulitikal sa ating bansa ay isa sa pinakamagandang bagay na maaari mong gamitin upang makapag-ambag ka sa kaayusan at pagkapantay-pantay sa ating lipunan lalo na sa Pilipinas. Na dapat ay matuto tayong magbigay opinyon sa mga isyung malaki ang bahagi sa ating kaunlaran at sa karapatan ng bawat mamamayan. Bilang kabataan ay hindi lang dapat tayo naka-pokus sa kung ano ang nararanasan natin ngayon, bagkus ay mangarap tayo para sa bayan natin upang bawat isa sa atin ay magtulungan para sa kaunlaran at kapayapaan ng ating bansang Pilipinas. Maraming salamat kay Sir Mejedin Tena.