Filipino QT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: _____________________________________________________

I. PANUTO: Basahin ang mga pangungusap, salungguhitan ang angkop na kahulugan sa loob ng
saknong.

1. Maiksi ang pisi ng mga rebeldeng sundalo.


(mayamutin, kapos sa pera, madaling mamatay)
2. Ang taong balat sibuyas ay mahirap pakisamahan
(mayabang, mayaman, maramdamin)
3. Ang sundalo ng gobyerno at rebelde ay langis at tubig.
(magkaaway, hindi pabor sa gobyerno, magkatimpla)
4. Lumaki ang ulo ng mga kamag-anak ng naupong oposisyon.
nagkasakit, yumabang, tumaas)
5. Ang produksyon ng bigas sa pamilihan salat upang tustusan ang pangangailangan ng
mamimili.
( Sobra, kulang na kulang, naubus)
6. Ang galit ni Bb. Cruz ay napawi nang humingi siya ng kapatawaran.
( nawala, nagkaroon, lumala)
7. Si Raul ay pasinghal na nag-utos sa katulong kaya lalo itong nalito.
(pagalit na pagsasalita, malumanay, mapag-aksaya)
8. Ipinagkalooban ako ng aking mga magulang ng magandang regalo dahil nagkaroon ako ng
mataas na marka.
( inutusan, sumunod, ibinigay )
9. Mabilis na tumalima ang kasambahay s autos ni Raul.
(umiyak, sumunod, umalis)
10. Narinig ng ina ang palahaw ng bagong gising na anak.
(pag-tawa, pag-sigaw, pag-iyak)
II. Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Kapansin-pansin ang kagandahan ni Angelica.


2. Ang anak ng kapitbahay natin ay tamad.
3. Ang mga damit nina Gina at Amanda ay magkasinghaba.
4. Kakaiba ang mga talento ng mga tao sa sirko.
5. Tumakbo pauwi ang asong duwag.
6. Ang opinyon ko ay salungat sa opinyon ng karamihan.
7. Dalian na natin dahil huli na tayo!
8. Tuwing tag-ulan, berde ang Chocolate Hills.
9. Ang mga kriminal ay may mga pekeng pasaporte.
10. Naghanda si Nanay ng espesyal na meryenda para sa atin.

III. Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uring may salungguhit
ay nasa lantay na antas, PH kung ito ay nasa pahambing na antas,
at PS kung ito ay nasa pasukdol na antas.
_____ 1. Napakaganda ng mga palamuti sa mga bahay tuwing
Pista ng Pahiyas!
_____ 2. Magandang asal ang paggamit ng “po” at “opo” sa
pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa iyo.
_____ 3. Ang buhok ni Katrina as mas mahaba sa buhok ni Sarah.
_____ 4. Di-gaanong mabigat ang dalang bag ni Joshua.
_____ 5. Ang galing-galing ng mga mananayaw na napanood
namin!
_____ 6. Huwag kayong pumunta sa lugar na mapanganib.
_____ 7. Ubod ng hirap ang trabaho ng isang manggagawa sa
pabrikang ito.
_____ 8. Magsintanda ang lolo ni Jose at lolo ni Pedro.
_____ 9. Ang pamayanan sa tabing-dagat ay payapa.
_____ 10. Si Jason ang pinakamatangkad na anak ni Ginang
Rosario
IV.

_____ 1. Isa sa kanyang mga paboritong pagkain ang


empanadang Ilocos.
_____ 2. Kailangan ko ng kalahating kilong manok para sa lulutuin
ko na tinola.
_____ 3. Ito ang unang pagsusulit namin sa paaralan.
_____ 4. Isinabit niya sa imahen ang kuwintas ng mabangong
sampaguita.
_____ 5. Libu-libong tao ang dumayo sa Lungsod ng Naga para sa
Pista ng Peñafrancia.
_____ 6. May dugong Tsino ang mag-anak na Tan.
_____ 7. Hinaplos niya ang malambot na balahibo ng Lhasa Apso.
_____ 8. Maraming alam tungkol sa lutuing Pilipino ang tita ni
Emily.
_____ 9. Kumain na tayo habang mainit pa ang pagkain.
_____ 10. Bukas ang ikawalong anibersaryo nina Benjamin at Becky.
V. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang ang panlaping makadiwa na ikinabit dito.
1. Nagtrabaho si Sam sa Singapore noong 2011.
2. Si Ate Ruby ay maglilinis sa kusina.
3. Kinuha niya ang walis at pandakot sa likod ng
pinto.
4. Handugan natin ng mga bulaklak ang imahen.
5. Kanina pa umalis ng bahay ang mga bata.
6. Tinanggap ni Rosita ang aming munting regalo.
7. Pwede mo ba akong samahan sa palengke bukas?
8. Ang takot na pusa ay tumakbo nang mabilis.
9. Dito naman kayo magbakasyon sa Disyembre.
10. Sino ba ang gumupit ng buhok mo?
VI. Lagyan ng angkop na panlaping makadiwa ang salita sa loob ng panaklong
at isulat ang pandiwa sa patlang upang mabuo ang pangungusap.

1. Wala kaming masakyan na dyip kanina kaya (lakad) ____________


kami pauwi.
2. Si Kuya Bert ang (maneho) ____________ ng van papunta sa
Tagaytay bukas.
3. (abang) ____________ mo sa harap ng bahay mamayang hapon ang
pagdaan ng trak ng basurero.
4. Nakita ko na (lipad) ____________ patungong silangan ang eroplano.
5. (kain) ____________ mo ba itong huling piraso ng chocolate keyk?
6. Matapang na (laban) ____________ ang mga Pilipino sa mga
dayuhang mananakop.
7. (Iyak) ____________ ang bata nang iwan siya ng kanyang nanay.
8. Huwag kang (takot) ____________ sa mga taong nakamaskara.
9. (gulat) ____________ sina Tatay at Nanay sa sorpresang pagdiriwang
na inihanda namin para sa kanila.
10. (laro) ____________ muna kayo sa sala habang hinahanda ko ang
hapunan natin.
11. (hiram) ____________ ni Ate Maria ang diksiyonaryo natin kahapon
pero isinauli niya na ito.
12. Dapat ay (parusa) ____________ ang mga tiwaling opisyal sa
pamahalaan.
13. Labis ang saya ni Marianne dahil (kamit) ____________ niya ang
unang gantimpala sa paligsahan.
14. Ang buong mag-anak ay (dasal) ____________ tuwing bago matulog
sa gabi.
15. Ang mamamayan na may disiplina ay laging (tawid) ____________ sa
tamang lugar.

You might also like