Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay-aralin sa Filipino

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naipapaliwanag ang karaniwan at di-karaniwang pangungusap;


B. Natutukoy ang posisyon ng simuno at panaguri; at
C. Masiglang nakikilahok sa mga Gawain sa loob ng klase.

II. Nilalaman

A. Paksa: Karaniwan at di-karaniwang Pangungusap


B. Kagamitan: Mga larawan , Laptop, at T.V.
C. Sanggunian: Hiyas sa Wika VI

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
-Magandang Umaga Klas! -Magandang Umaga din po Ma’am
3. Pagsasaayos ng mga upuan at
pagpulot ng mga kalat
4. Pagtala ng liban
5. Balik-aral
- Tanda nyo pa ba klas ang mga - Opo maam
paksang napag aralan natin noong
mga nakaraang araw?

-Magaling! Ano nga ulit ang - Ang Pangungusap po ay salita


Pangungusap Joy? o lipon ng mga salita na may
buong diwa.
- Magaling Joy! Ano naman ang - Simuno at panaguri po Maam
dalawang bahagi ng pangungusap
Precious?
-Magaling Precious! Ang Simuno ay
bahagi ng pangungusap na pinag-
uusapan ang
Panaguri naman ay nagsasabi
tungkol sa simuno.

Sa tulong ng mga ito malalaman mo o


masusuri natin ang ayos ng
pangungusap.
B. Pagganyak
-Mayroon akong inihandang mga
pangungusap na inyong babasahin.
Pansinin at suriin ang mga
pangungusap
Set 1
1. Ang mga suklay ay pwedeng
linisin.
2. Ang isip ay paunlarin.
3. Tayo ay makinig sa guro.
4. Ang mga kuru-kuro at talakayan
ay ating suriin.
Set 2
1. Pwedeng linisin ang mga
suklay.
2. Paunlarin ang isip.
3. Makinig tayo sa guro.
4. Ating suriin ang mga kuru-kuro
at talakayan.

-Mayroon ba kayong mga napansin sa -Ma’am sa unang Set na


mga pangungusap klas? pangungusap lahat may “ay” kumpara
sa sumunod na Set
-Tama! Ano pa (Tawag ng - Maam sa Set 1 po nauuna ang
studyante)? simuno kesa sa panaguri sa set 2
-Magaling (pangalan ng studyante) naman po ay nauuna ang panaguri
kesa sa simuno.
C. Pagtalakay sa Aralin
-Ang ating mga binasa ay mga
pangungusap.
-Ngayong araw ay ating tatalakayin
ang Ayos ng Pangungusap.
-Mayroon tayong dalawang ayos ng
Pangungusap at ito ay ang
Karaniwan at Di-karaniwang ayos.

Panaguri + simuno = karaniwang


ayos ng pangungusap
- Karaniwan ang ayos ng
pangungusap kung nauuna ang
panaguri sa simuno.
Simuno + panaguri = di-karaniwang
ayos ng pangungusap.
Di-karaniwan ang ayos ng
pangungusap kung simuno ang
nauuna sa panaguri. Ang di-
karaniwang ayos ay may ay na nag-
uugnay sa simuno at panaguri.

AKTIBITI - Opo Maam


- Naiintindihan ba ang ayos ng
Pangungusap?
- Magaling! Ngayon mag kakaroon
tayo ng aktibiti, hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat, bubunot ang
dalawang lider ng bawat pangkat kung
Karaniwan o Di-karaniwang ayos ng
pangungusap ang kanilang sasagutan
sa Board. Kapag ang nabunot ay
karaniwang ayos ng pangungusap ay
kailangan nila itong palitan sa di-
karaniwang ayos, kapag naman di-
karaniwang ayos ang
pangungusap,ito ay kailangan nilang
palitan sa karaniwang ayos ng
pangungusap. Ang unang pangkat na
makakatapos ay syang panalo.
- Naiintindihan ba ang mekaniks ng -Opo Ma’am.
ating aktibiti klas?
Mahusay, simulan na natin an gating
aktibiti.
- (babanggitin ang pangkat na nanalo)

D. PAGLALAHAT
-Klas, ano nga ulit ang ating aralin - Ayos ng pangungusap po
ngayong araw? Maam.

-Tama! Ano ang dalawang ayos ng - Karaniwan at Di-karaniwang


pangungusap? ayos po maam.
-Mahusay!
-At ano nga ba ang kahalagahan ng -Ma’am ito ay para magamit naming
ating tinalakay ngayong araw? sa pang- araw- araw naming
pakikipag- usap at maaari din sa
pagsusulat.
-Tama! Ngayong tapos na nating
natalakay ang ating aralin ay handa -Opo Ma’am.
na ba kayo sa maikling pagsusulit?
IV Pagtataya

Isulat ang US kung nasa unahan ng panaguri ang simuno at HS kung nasa
hulihan ng panaguri ang simuno.

1.Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.


2. Nagbayad ng buwis si G. Santos.
3. Igalang mo ang iyong mga magulang.
4. Si Tina ay masipag at tapat.
5. Si Emilio Aguinaldo ay dakilang heneral at sundalo.

Assignment
- Gumawa ng limang pangungusap na may karaniwang ayos at limang
pangungusap na Di-karaniwang ayos. Isulat ito sa inyong Kwaderno

Inihanda ni
Diane D. Alcaraz.

You might also like