Filipino Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
PANGASINAN Division II
RED ARROW HIGH SCHOOL
San Nicolas

2ND Departmental Examination


Grade 7 - Diamond
FILIPINO
S.Y. 2019 – 2020

Name: Date: ______/30____

I. Tukuyin ang mga pangungusap kung anong uri ng pangungusap na walang paksa
ang tinutukoy. Piliin kung ito man ay isang uri ng Eksistensiyal, Pahanga, Maikling
Sambitla, Pamanahon, at Pormularyong panlipunan. (10 puntos)

_________________________ 1. Ang galing naman!


_________________________ 2. May bagyo ba?
_________________________ 3. Aray!
_________________________ 4. Ano ba yan!
_________________________ 5. Magandang umaga po
_________________________ 6. Mayroon daw darating.
_________________________ 7. Tanghali na.
_________________________ 8. Lumilindol.
_________________________ 9. Ang ganda niya!
_________________________ 10. Sige po.

II. Ibigay ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong. Ilagay ang sagot sa
kahon. (10 puntos)
SAGOT
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

1. Ang _____________ ay isang paglalakbay sa ibang lugar o bansa na ang unang


layunin ay makapagliwaliw at makita ang likas na kagandahang taglay ng bawat
lugar na pinupuntahan.
2. Ito ay isang uri ng panghihikayat kung saan ito ay ginagamitan ng Audio at Video
upang makapagbigay ng impormasyon o manghikayat.
3. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga lugar na maaring puntahan
at bisitahin.
4. Binubuo ito ng mga larawan at mensaheng nagpapakita at nagpapahayag ng
kagandahan at mga natatanging tanawin sa isang bayan.
5. Ito ay pagtatalakay o pagkukuwento na matatagpuan sa Internet.
6. Anong uri ng pngungusap na walang paksa ang nagpapahayag ng damdamin ng
paghanga sa isang tao, bagay, o lugar.
7. Ito ay nagsasaad ng pagbati at pagbibigay-galang.
8. Ito ay nagsasaad ng panahon.
9. Ang nagpapahayag na matinding damdamin katulad ng Ano ba yan! Aray! At iba pa.
10. Nagpapahayag ng pagkakaroon ng tao, bagay, at iba pa. Nagsisimua ang
pangungusap sa May at Mayroon.

III. Ipaliwang ang mga sumusunod na tanong. (10 puntos)

1. Anong paniniwalang Pilipino ang ipinakita ni Haring Madali nang pumunta siya sa
langit upang bawiin ang kaluluwa ng kaniyang kapatid? Pinaniniwalaan pa rin ba ito
sa ngayon?

2. Anong damdamin ang namamayani sa seleksiyon na Orosman at Zafira?

Prepared by: Checked by:

Mrs. Ada O. Ancheta Mr. Rodel Tamondong


Gas B – Adviser Principa

ANSWER KEY
I.
1. Pahanga
2. Eksistensiyal
3. MS
4. MS
5. PP
6. E
7. Pamanahon
8. Pamanahon
9. Pahanga
10. PP
II.
SAGOT
1. Turismo 6. Pahanga
2. Audio-visual presentation 7. Pormularyong panlipunan
3. Travel brochure 8. Pamanahon
4. Poster 9. Maikling Sambitla
5. Blog 10. Eksistensyal

You might also like