Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Kontemporaryong Isyu Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay

IKATLONG MARKAHAN nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang


pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may
ARALIN 1 – KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN transgender na katauhan. Siya ay nagdadamit o nag-aanyo na
para sa ibang kasarian (cross-dresser)
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Transsexual – kung ang isang tao ay dumaan sa isang medical
Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Magkaiba na diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay may
ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang pagkakakilanlang kasarian na kabaliktaran ng kanilang pisikal na
dalawang salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho kasarian.
ng salitang kasarian.
Queer – mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado
SEX GENDER ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
-tumutukoy sa kasarian - tumutukoy sa mga
kung lalaki o babae. panlipunang gampanin, Pagkakakilanlang Pangkasarian
- Ito rin ay maaaring tumukoy kilos, at gawain na itinatakda
sa gawain ng babae at lalaki ng lipunan para sa mga Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian
na ang layunin ay babae at lalaki. (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
reproduksiyon ng tao. - Masculine at Feminine personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
- Ayon sa World Health nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak,
Organization (2014), ang sex kabilang ang personal napagtuturing niya sa sariling katawan (na
ay tumutukoy sa biyolohikal maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo
at pisyolohikal na katangian o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
na nagtatakda ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang
pagkakaiba ng babae ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita,
sa lalaki. at pagkilos.

Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan


Oryentasyong Seksuwal
Gender Roles sa Pilipinas
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong
seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng Gender Role - papel na ginagampanan ng kasarian
isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong Pre-Kolonyal • Ang babae ay pagmamay-ari ng mga
ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o lalaki.
kasariang higit sa isa. • May mga babaeng ginagawang
binukot.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong
sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung • Ang “Boxer Codex” ay isang
siya ay lalaki o babae o dokumento na tinatayang ginawa
pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang noong 1595. Ang dokumento (at
heterosekswal, homosekswal, at bisekswal. mga larawan) ay pinaniniwalaang
pagmamay-ari ni Luis Perez
Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa Dasmariñas, ang Gobernador-
miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong Heneral ng Pilipinas noong 1593-
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki. 1596. Ang dokumento ay napunta sa
koleksiyon ni Propesor Charles
Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa Ralph Boxer.
mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas • Ayon sa Boxer Codex, ang mga
gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang Panahon ng lalaki ay pinapayagan na magkaroon
babae bilang sekswal na kapareha. mga ng maraming asawa subalit
Espanyol maaaring
Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin patayin ng lalaki ang kaniyang
ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa asawang babae sa sandaling makita
babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy) niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ipinakikita sa kalagayang ito na mas
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa malaki ang karapatan na tinatamasa
kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at ng kalalakihan noon kaysa sa
kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng kababaihan.
Pilipinas na; bakla, beki, at bayot). • Bagamat kapwa pinapayagan noon
ang babae at lalaki na hiwalayan ang
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kanilang asawa, mayroon pa ring
kasarian makikitang pagkiling sa mga lalaki.
Kung gustong hiwalayan ng lalaki
Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong ang kaniyang asawa, maaari niya
seksuwal sa anumang kasarian itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya
sa pahahon ng kanilang pagsasama.
Subalit kung ang babae ang - Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang
magnanais na hiwalayan ang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae,
kanyang asawa, wala siyang ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila
makukuhang anumang pag-aari. rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang
• Ngunit sa Panahon ng mga Pag- simboliko bilang “tila-babae.”
aalsa, may mga Pilipina ring - Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung
nagpakita ng kanilang kabayanihan saan sila ay may relasyong seksuwal.
gaya ni Gabriela Silang. Nang
mamatay ang kanyang asawang si ❖ Dekada 60
Diego Silang, nag-alsa siya upang - ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang
labanan ang pang-aabuso ng mga Philippine gay culture sa bansa.
Espanyol. Gayundin, sa panahon ng - Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na
Rebolusyon ng 1896, may mga tumatalakay sa homoseksuwalidad. Mababanggit ang mga akda
Katipunera tulad nina Marina Dizon nina Victor Gamboa at Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis
na tumulong sa adhikain ng mga Flores.
katipunero na labanan ang pang- - Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT
aabuso ng mga Espanyol. ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international media
• Ang pagdating ng mga Amerikano ay at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas
nagdala ng ideya ng kalayaan, mangibang-bansa.
karapatan, at pagkakapantay-pantay
sa Pilipinas. ❖ Dekada 80 - 90
• Sa pagsisimula ng pampublikong - maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa
paaralan na bukas para sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT.
Panahon ng kababaihan at kalalakihan, mahirap - halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad, isang
mga o mayaman, maraming kababaihan antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng
Amerikano ang nakapag-aral. gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil
• Nabuksan ang isipan ng kababaihan Garcia noong 1993.
na hindi lamang dapat bahay at - Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco
simbahan ang mundong kanilang Holmes na A Different Love: Being Gay in the Philippines
ginagalawan. noong 1994.
• Ang isyu ng pagboto ng kababaihan
sa Pilipinas ay naayos sa ❖ Dekada 90s
pamamagitan ng isang espesyal na - Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa
plebesito na ginanap noong Abril 30, Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-kilalang
1937. 90% ng mga bumoto ay pabor samahan na Lesbian Collective sa martsa ng
sa pagbibigay-karapatan sa pagboto International Women’s Day noong Marso 1992.
ng kababaihan. Ito ang simula ng - Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng
pakikilahok ng kababaihan sa mga isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas.
isyu na may kinalaman sa politika. - ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa
Pilipinas.
• Dumating ang mga Hapones sa
- Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993
bansa sa pagsiklab ng Ikalawang
- Metropolitan Community Church noong 1992
Digmaang Pandaigdig. Ang
- UP Babaylan noong 1992
kababaihan sa panahong ito ay
- CLIC (Cannot Live in a Closet)
kabahagi ng kalalakihan sa
Panahon ng - Lesbian Advocates Philippines (LeAP)
paglaban sa mga Hapones.
mga - Akbayan Citizen’s Action Party (Unang partidong
• Ang kababaihan na nagpapatuloy ng
Hapones politikal na kumonsulta sa LGBT community)
kanilang karera na dahilan ng
- Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o
kanilang pag-iwan sa tahanan ay
LAGABLAB - noong 1999.
hindi ligtas sa ganitong gawain.
- September 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto,
• Sa kasalukuyan, marami nang propesor sa Ateneo de Manila University, ang political na
pagkilos at batas ang isinusulong partido na Ang Ladlad.
upang mapagkalooban ng pantay na - Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang
Kasalukuyan karapatan sa trabaho at lipunan ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa basehang
mga babae, lalaki at LGBT. imoralidad. Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito
ay ganap nang pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan.
❖ Ika-16 hanggang ika-17 siglo Paksa: Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Ang mga BABAYLAN
- isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at Saudi Arabia
maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman • Hindi Pagboto noon
- mayroon ding lalaking babaylan – halimbawa ay ang
• Pagbabawal sa pagmamaneho ng sasakyan nang
mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo na hindi lamang
walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki (asawa,
nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae
magulang,kapatid) noon
upang ang kanilang mga panalangin umano ay
• Ang PAGLALAKBAY ng mga babae ay napipigilan
pakinggan ng mga espiritu.
sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan ang
mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan
man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng
(sekswal o pisikal) Kababaihan sa Pakistan

Africa Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus


FEMALE GENITAL patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang
MUTILATION (FGM) miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa
• May 125 kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga
milyong batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
kababaihan Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng
(bata o matanda) ang biktima ng FGM sa 29 na bansa kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang
sa Africa at Kanlurang Asya. impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga
• Napatunayan na walang benipisyong medikal sa panayam sa mga pahayagan at telebisyon. Dahil dito,
kalusugan ang FGM sa mga babae nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni
• Ngunit patuloy ang ganitong gawain dahil sa implwensya Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya
ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagalawan. ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
• Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng
matanda) nang anumang walang benepisyong medikal. tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
• Paniniwalang mapapanatili ang WALANG BAHID
DUNGIS ang babae hanggang sya ay maikasal. Mga Personalidad na Kinikilala sa kanilang Larangan
• Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, 1. ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista,
hrap umihi at maging kamatayan. manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa
pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The
South Africa Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang
• May mga kaso ng GANG-RAPE sa mga LESBIAN ilang Pilipinong mang- aawit gaya ni Charice
(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon Pempengco.
nila matapos gahasain. 2. TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa
ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Bago
• May mga kaso rin na ang karahasan ay nagmumula sa
mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook
pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT
sa Compaq at IBM, at mga kompanyang may kinalaman
sa computers.
New Guinea
3. CHARO SANTOS-CONCIO (babae) Matagumpay na
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead
artista sa pelikula at telebisyon, nakilala siya sa longest-
at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon
running Philippine TV drama anthology program
ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga
Maalaala Mo Kaya, simula pa noong 1991. Siya ay
pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon
nagging presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation
nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
noong 2008-2015.
Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga
4. DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa kilalang
lalaki at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga
pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag.
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging sa
Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang
Estados Unidos.
pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na
5. MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair, Presidente, at
nangangahulugang “tao”), walang mga pangalan ang mga tao
CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa
rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa
paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at
maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
iba pang mga makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
taon niyang pananatili sa kumpanya, naitalaga siya sa
Samantala sa kanilang namang pamamalagi sa pangkat
iba’t ibang matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga
napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.
babae at mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at
6. CHARICE PEMPENGCO (lesbian) Isang Pilipinang
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.
mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging
At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din
sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na
na Chambri, ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang
“the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya
gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan
ay ang Pyramid.
nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila
7. ANDERSON COOPER (gay) Isang mamamahayag at
rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala
tinawag ng New York Time na “the most prominent open
ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa
gay on American television.” Nakilala si Cooper sa
kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief operations
noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang
ARALIN 2 – MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN
host at reporter ng Cable News Network o CNN.
8. PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya Chief Executive
Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT
Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer
na may sangay sa ingapore, Indonesia, Malaysia,
Diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o
Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.
restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng
9. GERALDINE ROMAN (transgender)Kauna-unahang
hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang
kanilang mga karapatan o kalayaan.
kinatawan ng lalawigan ng Bataan. Siya ang
pangunahing taga-pagsulong ng Anti-Discrimation bill sa
Kongreso.
• Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang
Paksa: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at LGBT babae sa China.
• Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit
LGBT hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
• Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Development Programme (UNDP) at ng United States • Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog
Agency for International Development (USAID) na may sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa
titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot
Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa buong paa.
sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at • Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus
maging sa edukasyon. feet o lily feet.
• Sa ibang pagkakataon din, may mga panggagahasa • Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito.
laban sa mga lesbian. • Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa
• At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda,
patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang- • Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may
aabuso. bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos,
• Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 may pakikilahok sa politika, at ang kanilang
1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008- 2012. pakikisalamuha.
• Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council • Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong
ay nagkaroon ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen
mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBT. dahil sa di-
• Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti- mabuting
Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang dulot ng
same- sex relations at marriages ay maaaring tradisyong ito.
parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Kababaihan
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United
Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against
women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta
at pagsikil sa kanilang kalayaan.
• Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay BREAST IRONING o BREAST FLATTENING sa
nakararanas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at CAMEROON, AFRICA
di pantay na pakikitungo at karahasan. • Ang breast ironing o breast flattening ay isang
• Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng
noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig. Africa.
• Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa • Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng
China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
kababaihan. martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
FOOT BINDING sa CHINA • May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24%
ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado
nito.
• Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa
nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay
upang: maiwasan ang
(1) maagang pagbubuntis ng anak;
(2) paghinto sa pag-aaral; at
(3) pagkagahasa.
• Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa paniniwala
ng ina na ang paglaki ng dibdib ng anak ay maaaring
makatawag-pansin
sa mga lalaki
upang sila ay
gahasain.
ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN • Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang
mga gay, bi-sexual at transgender
• Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang • Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na
nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15, anim bayolente
na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
• 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo
na seksuwal ang ganitong pangyayari:
• Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 • pinagbabantaan ka ng karahasan.
ang nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na • sinasaktan ka na(emosyonal o pisikal)
sekswal mula sa kanilang mga asawa. • humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at
• Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nagbibigay ng suhol.
nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob • Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
ng 12 buwan bago ang sarbey, 65% ang nagsabing sila • Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at
ay nakaranas ng pananakit. karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for ARALIN 3 – TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN AT
Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action) ay isang LIPUNAN
samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang :
(1) pambubugbog/pananakit, Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa
(2) panggagahasa, lipunan, patuloy ring lumalakas ang kanilang boses upang
(3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso, tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na
(4) sexual harassment, pagtingin at karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong
(5) sexual discrimination at exploitation, seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at
(6) limitadong access sa reproductive health, gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng
(7) sex trafficking at prostitusyon. daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6
hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga
Karahasan sa Kalalakihan prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga
LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa
• Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal
kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga
isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, rekomendasiyon.
maging ang kalalakihan ay biktima rin.
• Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga Prinsipyo 1
lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang ganitong ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG
uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, MGA KARAPATANG PANTAO
seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan
din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga
homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at
mga palatandaan ng ganitong uri ng karahasan. pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na
magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong
kapareha ay: Prinsipyo 2
• tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY PANTAY
iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka; ATKALAYAAN SA DISKRIMINASYON
• pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
• pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang
kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong
pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na
isusuot; ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang
• nagseselos at palagi kang pinagdududahan na walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba
nanloloko; pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong
• nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga; diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
• pinagbabantaan ka na sasaktan;
• sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong Prinsipyo 4
mga anak o mga alagang hayop; ANG KARAPATAN SA BUHAY
• pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban
at Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring
• sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan,
nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo. kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender: hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity
ngmga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong
• Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa
pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State
Prinsipyo 12 parties na baguhin ang
ANG KARAPATAN SA TRABAHO mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa
babae.
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho,
samakatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa
sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat CEDAW?
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na
Prinsipyo 16 laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan
ito. May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang mga State parties ay inaasahang:
Prinsipyo 25 1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang
ANG KARAPATANG LUMAHOK SABUHAY-PAMPUBLIKO nagdidiskrimina;
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping 2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang
publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong
ng mga patakarang maykinalaman sa kaniyang kapakanan; at mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng
upang mabigyan ngpantayna serbisyo-publiko at trabaho sa mga hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan karapatan;
pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya 3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan
at militar, nang walang diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong ng iba’t ibang hakbang kondisyon at karampatang
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. aksiyon;at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon
Paksa: Convention on the Elimination of All Forms of tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang
Discrimination Against Women mga tungkulin sa kasunduan.

Ano ang CEDAW? Paksa: Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga Isyu ng


Karahasan at Diskriminasiyon
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang Anti-Violence Against Women and Their Children Act
inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito
bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for Ang Anti-Violence Against Women and Their Children
the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na proteksiyon sa mga biktima nito,at nagtatalaga ng mga kaukulang
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, parusa sa mga lumalabag dito.
panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations
General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18, 1979 Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas
noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW na ito?
noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang
ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng
nagratipika.Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang
State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang lalaki, at babaeng nagkaroon
nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay
nito. tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala
pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na
sa kababaihan? wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa
sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng ilalim ng kaniyang pangangalaga.
konkretong resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-
sabihin, may mgaresponsibilidad ang estado sa kababaihan na aabuso at pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?
kailanma’y hindi nito maaring bawiin. Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at
umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito. dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang live-in partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa
paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating
institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga relationship” sa babae.
pribadong indibidwal o grupo.
Paksa: Magna Carta Of Women

Ano ang Magna Carta for Women?


Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong
Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon
laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa
mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo
na ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat
babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-
unlad, sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan
ng kababaihan ay karapatang pantao.

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan
bilang pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng
komprehensibong batas na ito.Ginawa na tuwirang
responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan
sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang
mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag
ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang
maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga
paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas,
patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at
kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang
marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa
kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang
basagin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang
panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at
gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-


aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan ethnicity ay
saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang
nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae,
matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult
Circumstances.

*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng


mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o
may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga
kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka
at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang
Moro at katutubo.

*Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult


Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na
kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-
aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakulong.

You might also like