Written Report

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

YUNIT V: ANG MASINING NA PAGBASA

ARALIN 1: Katuturan , Mga Uri , Patnubay at Antas sa Pag-unawa ng Masining na Pagbasa

Sa paksang ito, natitiyak na nailalahad ang katuturan ng pagbada ayon sa iba't ibang manunulat ,
naipaliliwanag ang pagkakaiba ng dalawang uri ng pagbasa, natutukoy ang mga iba't ibang patnubay sa
pagbasa at nakapaghihinuha ang mga mag-aaral sa tekstong kanilang nabasa.

INTRODUKSYON

Ano nga ba ang masining na pagbasa?

Kapag sinasabi nating masining na pagbasa , ito ay pagbabasa sa paraang maayos, tama, magaling at
mabisa. Katulad na lamang nito ay ang masining na pakukuwento na kung saan ito ay ang
pagkukuwentong may aksyon na nakakatawa o nakakalungkot.

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-berbal, ang kanilang kakayahan
sa larangan ng pagpapahayag at lagi ng nasasangkot. Sa paraan, sa teknik at kahusayan sa pagpapahayag
ng impormasyon o detalye, nakasalalay dito ang linaw ng mensaheng nais iparating sa kaniyang kapwa.
Ngunit, paano nga ba maangkin ng isang tao ang pagbabasa ng masining?

Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang
matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Kapag
sinasabi nating kasanayang pangwika, ito ay ang apat na makrong kasanayan (Pagbabasa, Pakikinig ,
Pagsasalita at Pagsusulat) na kung saan ito ang siyang magbibigay gabay o tuntungan ng kaalaman ng
isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot. Sa apat na makrong
kasanayan, 53% sa pakikinig, 17% sa pagbabasa, 16% sa pagsasalita at 14% sa pagsusulat. Ang 53% sa
pakikinig ay nahahati sa 21% na pakikinig sa radyo, media at telebisyon, 32% naman sa harapang
komunikasyon.

Sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba't-ibang makatotohanang
gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Halimbawa , pagbibigay ng takdang aralin
sa mga mag-aaral, aktibidad, maraming babasahing aklat, dula at tula, paguhitin ng magagandang
tanawin at marami pang iba. Lahat ng mga karanasang ito ay magsisilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
DEPINISYON NG PAGBASA

1. Feliciana S. Angeles - Ang pagbasa ay ang tiyak at maayos na pagkilala at pagsasama-sama ng mga
salita upang makabuo ng mga kahulugan at mga salita. Ibig sabihin sa tuwing ikaw ay nagbabasa sa
tamang paraan at sa maayos na paraan, nakakabui ka nga mga kahulugan batay sa binasa mong salita.

2. Toze- Ang pagbasa ay nagbibigay impormasyon upang magiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito
ay isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran at paglutas sa mga suliranin ay nagkakapagdulot ng ibat-
ibang karanasan sa buhay.

3. Belvez, et. al 1997 - Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha nga mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ang pagbasa'y isang bahagi ng
pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Ito'y pag-unawa sa wika ng may
akda sa mga nakasulat na simbolo. Ito ay paraan ng pagkilala, pagpapakahulugan, at pagtataya ng mga
kagamitang nakalimbag.

Sa pamamagitan ng nakalimbag na mga sagisag o tinatawag nating letra ay inihahayag ng manunulat ang
kaniyang kaisipan at sa pamamagitan ng pagbasa ng isinulat ng manunulat, nalalaman ng mambabasa
ang kaisipan na nais ipabatid o ipahiwatig ng manunulat.

You might also like