Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Republika ng Pilipinas

Mindanao State University- General Santos City


Ikalawang Semestre, SY 2018-2019

SINTAKS

Ipinasa kay:

PROPESOR MARY GRACE VALLE

Ipinasa ni:

BATCHINITCHA, LORINILLE
BURLAS, MELANIE
CALAMAYAN, MELANIE
CAPERO, ERIKA
CARLOMAN, FAYE LOUISE ANNE
GONZAGA, STEFHANIE NICOLE
IRIBAL, JULIETO
MAHUSAY, MIGUEL DOMINIC
MANGUBAT, JOANNA MAE
MENDOZA, MIKEL ANDRE
UTTO, NORBAESHIEN
SINTAKS

LAYUNIN:

Sa katapusan ng dikusyon ang buong klase ay inaasahan na:

 Nalaman at naintindihan ang kahulugan at kalikasan ng Sintaks.


 Naunawaan ng husto ang mga bahagi nito at;
 Makapagsagawa ng isang pangkatang gawain kaugnay sa paksang
tinalakay.

1. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG SINTAKS

-Ang pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o sentens ang


tinatawag na sintaks. Dalawang uri ang pangungusap sa Filipino.

-Tamang kombinasyon ng mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap.

-Kung hindi ayon sa pamantayang pang- gramatika ang isang


kombinasyon ng mga salita, hindi ito grammatical. Sinasabing
gramatikal ang anumang nasasabi kapag tinatanggap ng mga taal na
ispiker na tama ito sa wika nila. Pamantayang pang- gramatika

-Pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap pagsasama- sama ng


mga salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap may
kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na batayan sa
pagbuo ng pangungusap.

-Malikhain at sistematiko ang sintaks ng isang gramar. Nakapagsasama-


sama ang mga ispiker ng isang wika ng mga salita para makabuo ng mga
pangungusap.

Suriin:

A. Binulsa ko ang mabangong bahay’


B. Binulsa ko ang mabangong panyo
C. Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

 Walang nilabag na pamantayan sa gramatika ang una, pero hindi


ito katanggap- tanggap sa sinumang taal na ispiker dahil wala
itong kabuluhan.
 Bagama’t may saysay at maaaring maintindihan ang ikalawa, may
nilabag naman itong pamantayan sa gramatika.
 Kung gayon, ang ikatlong pahayag lamang ang tinatanggap ng taal
na ispiker ng Tagalog. *bagay- Ang *pandiwa- panlaping i-, hindi -
um-

Halimbawa:
A. Tumira nang matagal sina Ramon sa Amerika.
B. Sa Amerika tumira sina Ramon nang matagal.
C. Amerika tumira sa Ramon matagal sina nang

 Bagama’t magkahawig ang una at ikalawa, may pagkakaiba ang


mga ito sa puntong gusto nitong bigyan ng diin.
 Hindi gramatikal ang ikatlo kahit binubuo ito ng mga salitang
mayroon sa unang dalawang pahayag. Wala itong linggwistik na
kahulugan.

A. KATEGORYA AT ESTRUKTURA NG SALITA

Mga sintaktik na kategorya:

• Noun - N • Verb- V • Adjective- A • Preposition- P • Adverb- Adv

Mahalaga ang mga it0 sa pagbuo ng mga pangungusap. Madalas


din itong tinatawag na Leksikal na kategorya.

Pantungkuling kategorya:

• Determiner- Det • Auxilary Verb- Oks • Conjunction- Kon •


Pandegree- Dig

Masmahirap bigyan ng kahulugan at pakahuluganan sa ibang


pangungusap ang mga ito kaysa sa mga leksikal na kategorya.

Halimbawa:
Noun
(‘bundok’) Ingles: mountain Kastila: monte Hapon: yama
Masmadaling ipaliwanag ang kahulugan… (leksikal na kategorya)

Halimbawa: Kaysa…
Determiner (‘ang’) Ingles: the Kastila: el/ la Auxilary Verb
Ingles: would Kastila: ser/ estar Hapon: desu

Hindi laging madaling malaman ang kategorya ng mga elemento sa


isang pangungusap. Isang pagkalito sa klasipikasyon ng mga
salita ang pagiging alanganin ng ilang mga anyo tungkol sa
kategorya ng mga ito.

Halimbawa:
a. Maria found a toy. (Nakakita si Maria ng laruan.)
b. Maria toyed with her hair. (Pinaglaruan ni Maria ang kanyang
buhok.)

***Ginamit ang ‘toy’ bilang noun sa unang pangungusap, bilang


verb naman sa ikalawa.

Halimbawa:
a. I stood near the door. (Tumayo ako malapit sa pintuan.)
b. They neared the end of the line. (Lumapit sila sa dulo ng linya.)
c. We are near relatives. (Malapit kaming magkamag- anak.)

***Ginamit na preposition ang near sa una, verb sa ikalawa, at


adjective sa ikatlo.

Pag-alam sa kategorya ng isang salita:

Maaaring maipaliwanag sa iba’t ibang paraan ang mga kahulugang


maiuugnay sa mga leksikal na kategorya gaya ng noun at verb…

Halimbawa:
‘an intelligent witness’ (isang matalinong saksi)

*** Ang tipikal na gamit ng isang adjective ay ang pagpapahayag


ng katangian o atribyut ng isang noun. Inatribyut natin ang
katangiang intelligent sa noun na witness.

Halimbawa:
a. Roy slept well. (Mahimbing na natulog si Roy.)
b. Roy slept early. (Maagang natulog si Roy.)

***Tipikal naman na ipinakilala ng mga adverb ang mga


katangiang nababagay sa mga aksyong ipinapahayag ng mga verb.
***Ipinakita sa una ng adverb na well ang paraan ng pagtulog ni
Roy, ang early naman sa ikalawa ay ang panahon nito.

Ang kahulugan ng isang salita ay hindi palaging nagbibigay ng


maliwanag na palatandaan ng pagkakabilang nito sa isang
partikular kategorya.
May mga abstract- noun na hindi nangangailangan ng anumang
tao, lugar o bagay tulad ng beauty (kagandahan), kindness
(kabaitan), temperament (pag- uugali).

Bagama’t karaniwang mga verb ang mga salitang tumutukoy sa


mga aksyon, may ilang mga verb na pwede ring gamiting bilang
mga noun.

Halimbawa:
The ambush/ attack was reported at noon. (Tanghali nang
inireport ang pagtambang o pagsalakay.)

***Ang verb na ambush/ attack ay tumutukoy sa aksyon subalit


ginamit na noun.

Halimbawa:
(I like/ am fond of pasta. (Gusto ko ng/ Mahilig ako sa pasta.)
***Magkaiba ang mga category ng ilang mga salita na halos pareho
ang kahulugan. Pareho ang kahulugan ng like at fond, pero verb
ang like habang adjective naman ang fond.
)
B. INFLEKSIYON

Inpleksyon Ang isa pang kraytirya na ginagamit sa pag-alam ng


kategorya ng mga salita ay ang iba’t ibang panlaping inpleksyon na
pwedeng gamitin. Bagama’t nakatutulong ang infpleksyon, hindi
ito parating nagbibigay ng impormasyong kelangan para malaman
ang kategorya ng salita sa Ingles.

Halimbawa: Ang plural –s at possessive –’s ang mga panlaping na


tinatanggap ng mga noun; ini-inflect ang mga verb sa tense sa
pagkakabit ng past tense –ed at progressive –ing, at ikinakabit
naman sa mga adjective ang comparative –er at superlative –est.

Halimbawa: Hindi lahat ng mga adjective ay nai- inflect gamit ang


comparative –er at superlative –est, gaya ng bader (mas masama)
at badest (pinakamasama). Mayroon ding mga noun na
karaniwang hindi ini- inflect sa pamamagitan ng plural –s katulad
ng mga noun na nabibilang tulad ng dews (hamog) at clothings
(mga damit) o ng ilang mga abstract noun, gaya ng intelligence
(katalinuhan) at prorocol (protokol).

Makikita na ang mga pangungusap ay hindi binubuo sa simpleng


pagsasama- sama lang ng mga salita. May mga herarkiya na
istruktura ang mga ito na binubuo ng mg grupo ng mga salita.
Maaaring binubuo rin ito ng mas maliit pang grupo ng mga salita.

2. PARIRALA

-Ang tawag sa lipon ng mga salita na walang buong diwa, walang


panaguri at paksa.

-Ito ay lipon o grupo ng mga salita na hindi nagsisimula sa malaking


titik, walang bantas, hindi kumpleto ang diwa.

-Ito ay isa sa mga maliit na grupo ng mga salita na masasabing


nakapaloob sa herarkiya ng istruktura ng pangungusap. Kung titignan
ang internal na istruktura nito, malalaman na ang mga sangkap ay
Pangalan, Pandiwa at iba pa.

A. ESTRUKTURA NG PARIRALA

URI NG PARIRALA

Pariralang Pang-ukol
-Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon nito.

Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas.

Pariralang Pawatas
-Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.

Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan.

Parirala sa Pangngalang Diwa


-Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang
pantig ng salitang ugat + layon nito.

Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap.

Pariralang pandiwa
-Ito ay pariralang binubuo ng pandiwa at pang-uri o lipon nito.
Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay
pagsasama ng pantukoy na ang + pang-ngalang diwa + layon nito.
Tumutukoy sa aksyon.

Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang


pinakamahusay na mag-aaral.

KARAGDAGAN UKOL SA PARIRALA KUNG PAANO MAKAKABUO:

Pariralang Pangngalan
– panuring + pangngalan

Pariralang Pang-ukol
– pang-ukol + Pangngalan/Panghalip
Pariralang Pawatas
– Pantukoy + Panlapi + Salitang ugat

May apat na uri ng parirala

May apat na uri ng parirala ayon sa kayarian. Ang mga ito ay pariralang
panuring, pang-ukol, pangngalang diwa at pawatas.

1. Ang pariralang panuring ay binubuo ng panuring at pangngalan.

halimbawa: mahusay na bata

2. Ang pariralang pang-ukol ay binubuo ng pangukol at layon.

halimbawa: dahil sa iyo

3.` Ang pariralang pangngalang diwa ay binubuo ng pantukoy at


pangngalang diwa.

halimbawa: ang pag-ulan

4. Ang pariralang pawatas ay binubuo ng pantukoy at pawatas na


pandiwa.

halimbawa: ang magsisipag


B. MGA PANANDA (SPECIFIER)

-Ang mga pandanda ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit


ng isang salita sa loob ng pangungusap. Ang mga sumusunod sa
ibaba ay ang mga panandang madalas na ginagamit sa mga
pangungusap.

 Ang / Ang mga

Ang panandang ang at ang mga ay ginagamit sa pantukoy ng simuno o


pangalan sa pangungusap.

Halimbawa:

1. Naghanda sa pista ang pamilya Alfonso.


2. Sinulat ang pangalan ng mga maiingay sa pisara.
3. Ang mga kaibigan ni Carmela ay umuwi na.
4. Ang mga bata ay naglalaro sa kalsada

 Sa / Para sa

Ang panandang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung


saan naganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang
kalaanan kung sinasamahan ng salitang para.

Halimbawa:

1. Sa Jollibee kumain sina Joanna at Mikel.


2. Pauwi na sa kanilang tirahan ang mag-anak.
3. Ginagawa ko ito para sa aking mga pangarap.
4. Para sa kanilang kasal ang mga biniling bulaklak.

 Si / Sina

Ang panandang si at sina ay ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao sa


pangungusap. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay para sa
dalawahan o maramihan.

Halimbawa:

1. Huli na naman sa klase si Melanie.


2. Umiyak si Marou dahil naiwan siya ng bus.
3. Magkasama sina Julieto at Melai sa simbahan.
4. Sina nanay at tatay ang nagdisenyo n gaming bahay.

 Ng / Ng mga

Ang mga panandang ng at ng mga ay ginagamit bilang pananda sa


pangngalan na ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o
tatanggap ng pandiwa.

Halimbawa:

1. Tatanggap ng perang papremyo ang mananalo.


2. Bumili si Miguel ng gulay sa palengke.
3. Sumunod ka sa payo ng mga magulang mo.
4. Iginuhit ng mga mag-aaral ang larawan sa pisara.

 Kay / Kina

Ang mga panandang kay at kina ay isang panandan ng pangngalan na


ginamit na layon ng pandiwa o panuring. Kay ang ginagmit kung ang
pangngalan ay isa o pang-isahan at kina kung ito naman ay pang-
maramihan.

Halimbawa:

1. Kay Yanzy ang sombrero sa lamesa.


2. Galing kay Juanito ang mga bulaklak.
3. Kina Jomar at Paul ang mga nakaparadang motorsiklo.
4. Papunta kina Nicole at Shien ang pulang sasakyan.

 Ay

Ang panandang ay ay isang pang-angkop o panandang pagbabaliktad.


Kadalasang ginagamit sa mga pangungusap na di-tuwiran o baliktad na
ayos.

Halimbawa:

1. Sina Daniel At Kathryn ay ikakasal na.


2. Ang mga opisyales ay nagpupulong.
3. Ang bata ay bumili sa tindahan.
4. Si Ma’am Valle ay nakatira sa looban
C. TUNTUNING ESTRUKTURANG PARIRALA

May mga tuntuning dapat isaalang-alang sa pagpaparirala. May


kaugnayan ito sa pagbubuo ng mga pangungusap.

PP (Pangungusap)= P (Panaguri) + S (Simuno)


P= PD (Pariralang Pandiwa)/ PN (Pariralang Pangngalan)
PH ( Pariralang Panghalip) /PU (Pariralang Pang-uri)
PD= Pd (Pandiwa) +/- K (kaganapan)
Pd= asp. (aspekto) + pl (panlapi) + s.u. (salitang-ugat)
1 2 3
Asp= asp 1 (ginanap) asp (ginaganap) 3 asp (gaganapin)
pl=- um-, mag-, mang-, in-, an-, i/ ipang-, ika-,…atb
s.u.= alis, luto, hiram, dala, punta, sama, etc.
K= kg (kaganapang gol), kl (kaganapang lokatib), kb (kaganapang
benepaktib), kk (kaganapang kawsatib), kd (kaganapang direksyunal), ka
(kaganapang aktor), ki (kaganapang instrumental).
g
kg = ng + Pn pang-uri (pu) pang-angkop
kl = sa + Pnl (pang-akp)
kb = para + Pnb pang-abay (pa) panghalip (ph)
kk = dahil sa + Pnk pantukoy (pt) pandiwa (pd)
kd = sa + Pnd pangatnig (pgt)
ka = ng + Pna pandamdam (pdm)
ki = sa pamamagitan ng + Pni

M= ang, ng, sa, si, ni, kay


M(m) = ang mga, ng mga, sa mga, sina, nina, kina

Pn= tao, bata, lalaki, babae at iba pa.


Pn(si) = Lorna, Roberto at iba pa.
1 2
1 p(m)
PH = M + Ph /Ph /Ph 2 p(m) /Ph
Ph 1 = ako, ikaw, siya
Ph 2 = ito, iyan, iyon
Ph1 (m) = tayo, kami,kayo, sila
2 (m)
Ph = ang mga ito, ang mga iyon, ang mga iyan
p
PU = M + Pu/Pu
Pu = pl (panlapi) + s.u. (salitang-ugat)
Pu(m) = maramihan
=
Pl = ma-, pala-, mapang-, -an, atbp.
s.u. = ganda, buti, hinhin, atbp.
S = M + PN/PH/PU/PD
PAG-IISTRUKTURA NG PANGUNGUSAP BATAY SA TUNTUNIN NG
PAGPAPARIRALA

Bahagi ng pagkaalam sa wika ang kaalaman kung paanong


pinagsama-sama ang tinatawag ng constituent o mga sangkap at
mapangkat-pangkat ang mga ito. Ang kaalamang ito ang maaaring
katawanin ng set ng mga patakarang matatawag na pagpaparirala. Ito
ang kasangkapan sa pag-aaral ng sintaktika ng anumang wika.
Makikitang buhat ito sa simpleng istruktura tungo sa malawak na
istruktura.

a. Pangungusap-------- Panaguri + Simuno


PP--------------- P + S
b. Panaguri-------------- Pariralang Pangngalan
P----------------- PN
c. Pariralang Pangngalan- Marker + Pangngalan
PN------------- M + Pn
d. Simuno--------------- Pariralang Pangngalan
S ----------------- PN
e. Pariralang Pangngalan- Marker + Pangngalan
PN------------ M + pn

3. PANGUNGUSAP

Ano ang Pangungusap?

 Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng


buong diwa. Karaniwan nang isipin na ang pangungusap ay
binubuo ng dalawang bahagi – ang panaguri at paksa.
 Ang mga pangungusap ay binubuo ng mga salitang may iba’t
ibang gamit (pangngalan, panghalip, pandiwa, atbp.). Kapag
pinagsama-sama ang mga salitang ito, makabubuo tayo ng
pahayag na may diwa. Karaniwan itong nagsisimula sa malaking
titik.
 Ang simuno ay kung sino o ano ang pinag-uusapan sa
pangungusap. Maaaring itong isang pangngalan o panghalip.
 Nagsasabi naman ang panaguri tungkol sa simuno. Kalimitan
itong pandiwa.
A. BATAYANG KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

1. PAYAK - Ang payak na pangungusap ay may isang sugnay na


makapag-iisa. Ang sugnay na makapag-iisa ay grupo ng mga
salitang nagtutulung-tulong at naglalaman ng simuno at panaguri.
Maaari itong makatayong mag-isa o kaya’y maintindihan nang
walang kakailanganing tulong. Ito ang pangungusap na may iisang
paksang pinag uusapan na kumakatawan sa iba’t -ibang anyo.
Bagamat payak may inihahatid itong mensahe. Mayroong iba’t-
ibang anyo ng payak na pangungusap, at ito ay mga sumusunod:

a. PS-PP (Payak na Simuno at Payak na Panaguri)


Hal: Masipag na mag aaral si Jose.
PP PS
b. PS-TP (Payak na Simuno at Tambalang Panaguri)
Hal: Matalino at masipag na mag aaral si Jose.
TP PS
c. TS-PP (Tambalang Simuno at Panaguri)
Hal: Mapagkandili at maalalahanin sina mama at papa.
PP TS
d. TS-TP (Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri)
Hal: Sina pangulong Arroyo at Estrada ay mga haligi ng bansa at
mga magulang ng bayan. TS
TP

2. TAMBALAN - ito ay pangungusap na may dalawang kaisipan na


pinag-uugnay o pinagdudugtong sa tulong ng pangatnig.
Tinatawag na pangatnig ang mga salitang ginagamit sa
pagdurugtong ng tambalang simuno at panaguri sa pangungusap.

Hal: Kailangang magmahal at kumalinga sa isa’t isa ang mga


miyembro ng pamilya.

Ang pangatnig na “at” ay nagdurugtong ng mga salitang


“magmahal” at “kumalinga” na bahagi ng tambalang panaguri.
Bukod sa “at,” may iba pang mga pangatnig na maaaring gamitin.
Kabilang sa mga ito ang pero, subalit, ngunit, kung, dahil, kasi,
kaya, kung kaya, pagkatapos, habang, sapagkat, bago, habang,
kung saan, paano, minsan, kaysa, hanggang, noon, samantala,
kapwa...at, parehong...at, hindi...ni, hindi lamang...kundi, nang,
nang sa gayon, datapwat, atbp.

3. HUGNAYANG PANGUNGUSAP - ay may isang sugnay na


makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ang
sugnay na di makapag-iisa ay hindi maaaring tumayo nang mag-
isa. Kailangang may kakabit itong sugnay na makapag-iisa upang
maintindihan. Kalimitan itong nagsisimula sa pagkatapos, kahit
na, dahil, bago, paano, kung, kaysa, na, hanggang, nang, kung
saan, habang, upang, kapag.

Hal: Pagkatapos ng digmaan, maraming ari-arian ang nasira.

Sugnay na makapag-iisa: “maraming ariarian ang nasira.’’


Sugnay na di makapag-iisa: Pagkatapos ng digmaan.

4. LANGKAPAN -ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit


pang sugnay na makapag iisa o sugnay na di makapag iisa.

Hal: Makapapasa talaga siya at makataatamo ng diploma kung


magsisipag sa pag aaral at magtitiis ng hirap.

Sugnay na makapag-iisa: Makapapasa talaga siya at makatatamo


ng diploma.
Sugnay na di makapag-iisa: Kung magsisipag sa pag aaral at
magtitiis ng hirap.

Mga dapat tandaan:


Sugnay na di-makapag-iisa - ugnay na di kayang tumayong mag-
isa
Sugnay na makapag-iisa - grupo ng mga salitang may simuno at
panaguri, at maaaring tumayong mag-isa.
i. PARIRALANG PAKSA

MGA PARIRALA bilang PAKSA

1. Tanging tampulan o ubod ng pangungusap ang paniyak dahil sa


katiyakan nito; may fokus ang paniyak, ito ang napakahalagang
katangian ng paniyak na Filipino. Sa karamihan ng pangungusap,
pariralang pangngalan ang paniyak. Dahil dito mahalaga na
ipalagay na pananda ng paniyak ang ang. Palaging ginagamit ang
panandang ang kung hindi pangngalan ang paniyak.
Walang ang sa harap ng panghalip, at pangalan na may pantukoy
na si. Dahil sa katiyakan nito, hindi maaaring itanong ang paniyak
sa wikang Filipino.

Hal: Naglalaro ang maliit na bata. (Ang pariralang ‘’ang maliit na


bata’’ ay nagging simuno o paniyak ng panaguring ‘’naglalaro’’)

2. Sa pang-araw-araw na pananalita, maaaring gamitin sa halip ng


panandang ang ang hulaping -ng sa iniuunang salita. Karaniwang
ginagamit ito, kung hindi nagpapahayag ng katiyakang tangi
ngunit pampalaugnayan lamang ang tungkulin ng ang. Ito ang
nangyayari sa pangungusap na pananong katulad ng:

Hal: [a] Anong maingay doon? [b] Ano ang maingay doon?

3. Pag kahanayan ang paniyak ay maaaring ilagay sa harap ng buong


paniyak ang ang [hal. A] o maaaring ulitin ang ang upang bigyang-
diin ang katiyakan ng iba't-ibang bahagi [hal. B].
Hal. A: Patuloy na naglalaro sa aking isipan ang pagtatagpo at
pag-uusap namin ni Nieva.
Hal. B. Nagunita niya ang kanyang ama at ang kanyang
kapatid na si Ligaya.
4. Kung binubuo ng dalawang pariralang walang ang (ngalan ng tao
at panghalip) ang panaguri at paniyak, maaari pang ibukod ang
panaguri sa paniyak. O sumusunod ang paniyak sa panaguri o
may panandang ay ang panaguri.

Hal: [a] Sino siya? [b] Si Ate siya.

ii. PARIRALANG PANAGURI

MGA BAHAGI NG PARIRALA bilang PANAGURI

1. Pariralang Pangngalan bilang panaguri - Kalimitang walang


pandiwa ang pangungusap. Dahil dito hindi bihira ang pariralang
pangngalan bilang panaguri. Hindi nasa unahan ang panaguri sa
mga pangungusap na ahil dito mayroon itong panandang ay. Lalo
na nasa harap ng pantukoy ang panandang ay.

Hal: Ako ay Pilipino. (Ang pangngalang ‘’Pilipino’’ ay ginamit na


panaguri sa halimbawang naibigay.

2. Pariralang Pandiwa bilang panaguri - Sa pangungusap na may


pariralang pandiwa bilang panaguri ay bahagi ng pariralang
pandiwa ang mga kawani maliban sa paniyak. Nasa fokus ng
pandiwa ang paniyak. Sa karaniwang ayos ng panaguri at paniyak,
sinusundan ng paniyak ang pariralang pandiwa. Maaaring hatiin
ang panaguri upang mailagay ang paniyak sa likod ng pandiwa.
Kung itinuturing ang pandiwa sa pang-abay, karaniwan itong nasa
harap ng pandiwa. Malimit na ginagamit ang mga pang-abay na
hutagang na, pa at iba pa.

Hal: Hindi ko binigyan ng halaga ang mga salitang iyon noong


una.(Ang pariralang pandiwa na ‘’ Hindi ko binigyan ng halaga’’ ay
ginamit bilang panaguri sa simunong ‘’ang mga salitang iyon’’.)

3. Pariralang Pandako bilang panaguri - Maaaring panaguri o


paniyak ang pariralang pandako. Dapat ibukod ang panaguri at
paniyak na binubuo ng pandakong may sa, sa itong binubuo ng
pandakong may nasa o pariralang pangkaroon.

Hal: Sa akin ang lapis. (Ang pariralang pandako/ pagmamay-ari


ay ginamit bilang panaguri sa simunong ‘’ang lapis.’’)

4. Pang-uri at Pang-ukol bilang panaguri - Maaaring bumuo ng


panaguri ang pang-uri (o pariralang pang-uri) sa mga
pangungusap na walang pandiwa.

Hal: …maaliwalas ang langit at maganda ang panahon. (Ang


pang-uring ‘’maaliwalas’’ ay ginamit na panaguri.)

5. Pang-abay bilang panaguri - Madalang lamang ang pangungusap


kung saan nagagamit na panaguri ang pariralang pang-abay ,
karaniwang pang-abay ng pulutong na kanina.

Hal: Bukas kasi ang iyong kaarawan. (Ang pang-abay na


pamanahon na ‘bukas’ ay ginamit bilang panaguri.

B. KOMPLEMENTO

Ang Komplemento

Ang iba pang pariralang pangngalang may kaugnayan sa


panaguring pandiwa ay ang tinatawag na komplemento. Ito ang
tinatawag ng mga komplementong aktor, gol, benepaktib, direktib,
lokatib, instrumental at kawsatib. Pinangungunahan ito ng mga marker
na1.siyang nagpapakilala
Komplementong kung anongngkomplemento
aktor- nagpapakilala ang pinangungunahan
gumaganap ng kilos, mga iyon. ng ng/ni.
Gol Pokus Pandiwa Komplementong Aktor Simuno
-in- Binili ni Ana ang kotse.

2. Komplementong Gol- nagpapakilala ng tagatanggap ng kilos, pinangungunahan ito ng -ng.


Aktor Pokus Pandiwa Komplementong Gol Simuno
-um Bumili ng bahay ang asendero.

3. Komplementong benepaktib- nagpapakilala ng pinaglalaanan, pinangungunahan ng para


sa/kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong benepaktib
-um Bumili siya ng laruan para sa anak.
4. Komplementong Lokatib- nagpapakilala ng pook na pinangyarihan, pinangungunahan ng sa.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong Lokatib
-um Bumili siya ng laruan sa Rustan’s.

5. Komplementong Direksyunal- nagpapakilala ng direksyon o taong tagatanggap ng kilos,


pinangungunahan ng sa/kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Komplementong Direksyunal
-um Dumalaw ang binata kay Vilma.

6. Komplementong Instrumental- nagpapakilala ng kagamitang gagamitin sa pagkilos,


pinangungunahan ng sa pamamagitan ng.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong Instrumental
-mang Namitas siya ng bulaklak sa pamamagitan ng gunting.

7. Komplementong Kawsatib- nagpapakilala ng kadahilanan ng kilos, pinangungunahan ng


dahil sa/ kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol Komplementong Kawsatib
-um Sumakit ang tiyan niya dahil sa santol.

8. Resiprokal
Nagmahalan ang magkasintahan.

I. SALITANG PANGNILALAMAN

1. Mga Nominal
a. Pangngalan
b. Panghalip
2. Pandiwa
3. Mga Panuring
a. Pang-uri
b. Pang-abay
Mga Nominal

I. Pangngalan – tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, o


pangyayari.

Dalawang uri ng Pangngalan:


 Pantangi – tiyakna ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari.
Hal. Ninoy Aquino, Cavite, atbp.
 Pambalana – karaniwan o balanang ngalan ng tao, bagay,
hayop, o pangyayari.
Hal. Silid-aklatan, paaralan, pahayagan, atbp.

Maaring uriin ang pangngalang pambalana sa mga sumusunod:

1. Kongkreto o Tahas – mga bagay na tumutukoy sa bagay o


material na nakikita at maaring hawakan.
Hal. Kagubatan, prutass, gulay, atbp.
2. Di-kongkreto o Basal – diwa o kaisipan ang tinutukoy at
hindi material. Hindi nakikita o nahahawakan ngunit
nadarama.
Hal. Pagsisikap, pag-asa, atbp.
3. Lanskan –nangangahulugan ng bilang o dami na
pinagsama-sama ngunit ang bilang ay walang katiyakan.
Hal. Kumpol, klase, pulutong, atbp.

Mga Pananda

Makakatulong ang mga pananda sa madaling pagkilala ng mga


pangngalan.

 Pantukoy – ang, ang mga, si, sina, ni, nina, kay, kina.
Hal. Ang kaibigan ni Marco ay si Jano.
 Pang-uring pamilang- isa, tatlo, marami.
Hal. Maraming manggagawa ang natuwa sa isang taong
nagmalasakit sa kompanya.
 Panandang “ay”
Hal. Siya ay guro sa ikaanim na baiting.

Kailanan ng pangngalan

 Pananda
isahan- ang, si, kay, ni
maramihan- ang mga, sina, kina, nina
 Pang-uring panlarawan
Hal: isahan- masustansyang gulay
maramihan- masusustansyang gulay
 Paglalapi
Hal. dalawahan- magkapatid
maramihan- magkakapatid
 Pang-uring pamilang
Hal. Isahan- isang kaibigan
Dalawahan- dalawang kaibigan
Maramihan- grupo ng mga kaibigan

Kasarian ng pangngalan

 Pambabae – lola, ate, nanay


 Panlalaki – lolo, kuya, tatay
 Di-tiyak – kamag-anak, bunso, kaibigan
 Walang kasarian – bakuran, bahay, puno
Mga gamit ng pangngalan

 Simuno o Paksa (Subject)- pangngalan pinag-uusapan sa


pangungusap.
 Kaganapang pansimuno (Subject Complement)- pangngalang
sumusunod sa panandang ay.
 Pamuno (Appositive)- ang simuno at isa pang pangngalang nasa
paksa ay iisa lamang.
 Pantawag (Direct Address)- pangngalang tinatawag sa
pangungusap.
 Layon ng pandiwa (Direct Object)- pangngalan pagkatapos ng
pandiwa.
 Layon ng pang-ukol (Object of the preposition)- pangngalang
pinaglalaan ng kilos.
Kaukulan ng pangngalan

 Palagyo- kaukulan ng pangngalang ginagamit na:


a. Simuno o paksa
Halimbawa: Ang mga nilikha ay ipinagkatiwala sa atin ng
Maykapal.
b. Kaganapang pansimuno
Halimbawa: Si Pamulak Manobo ay dakilang bathala ng mga
Bagobo.
c. Panawag
Halimabawa: Pamulak Manobo, ipasala po ninyo ang ulan.
d. Pamuno
Halimbawa: Si Pamulak Manobo, ang bathala ng mga
Bagobo ay mapagmahal sa tao.
 Paari- kaukulan ng pangngalang nagpapakita ng pagmamay-ari.
Halimbawa: Ang mga anak nina Toglai at Togliban ay nanirahan sa
iba’t ibang panig ng Mindanao.
 Paukol o Palayon- kaukulan ng pangngalang ginagamit na
tuwirang layon.
Halimbawa: Nagtayo siya ng pamayanan sa Sibulan.

II. Panghalip - Tumutukoy sa mga salitang ipinanghahalili sa


pangngalan.
Tatlong uri ng panghalip

• Panghalip Panao
• Panghalip Pamatlig
• Panghalip Panaklaw

PANGHALIP PANAO

Ipinapalit ito sa ngalan ng tao. Mayroon itong panauhan at


kailanman.

 Panauhan
o Unang Panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita o
kumakausap - ako, ko, akin, tayo, natin, atin, kami, namin,
amin.
o Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap sa
pangungusap - ikaw, ka, mo, iyo, kayo, ninyo, inyo.
o Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan at
malayo sa nag-uusap - siya, niya, kanya, sila, nila, kanila –
 Kailanan
o Isahan- ako, ko, akin, ikaw, ka, mo, iyo, siya, niya, kanya.
o Dalawahan- kata, kita .
o Maramihan- kami, namin, atin, natin, tayo, amin, kayo,
ninyo, sila, inyo, nila, kanila.
Panghalip pamatlig

Ginagamit itong panghalili sa pagtuturo ng pangngalan. May


limang uri ng panghalip pamatlig: paturol, paari, patulad, at pahimaton.

Panauhan Paturol Paari Patulad Paukol Pahimaton


Nagsasalita Ito, ire Nito, nire Ganito, Ditto Heto, eto
Kausap Iyan Niyan ganyan Diyan Ayan,
Pinag- Iyon, Niyon, Ganoon, doon hayan
uusapan yaon noon gayon Hayun,
ayun

Panghalip panaklaw

Ang panghalip panaklaw ay may sinasaklaw na kaisahan, bilang,


dami, o kalahatan. Ito ay maaring tiyakan o di-tiyakan.

Halimbawa: Tiyakan- isa, bawat isa, pulos, iba, lahat, pawang

Di-tiyakan- anuman, sinuman, kaninuman, ninuman,


saanman
Gamit ng panghalip

• Simuno o paksa- panghalip na pinag-uusapan sa pangungusap

Halimbawa: Sila ay malinis at maingat sa katawan.

• Kaganapang Pansimuno- ang panghalip ay nasa kaganapang


pansimuno kung ito ay: panghalip na tumutukoy sa panaguri; ito at ang
simuno ay iisa lamang at walang pandiwa sa pangungusap. Nakikita ito
pagkatapos ng ay.

Halimbawa: Ang tagapag-alaga ng inyong kalusugan ay kayo.

• Tuwirang Layon- ang panghalip na tumatanggap ng kilos sa


pangungusap. Sumasagot din ito sa tanong na ano.

Halimbawa: Si Mylene ang nagbasa nito.

• Layon ng Pang-ukol- panghalip na gumaganap na layon ng pang-ukol


sa kaukulang paukol.

Halimbawa: Ang para sa kanya ay ibibigay niya sa mga


nangangailangan.

Kaukulan ng panghalip

Kaukulan ang tawag sa kakanyahan ng panghalip na nagpapakita


ng gamit nito sa pangungusap.

 Palagyo- ginagamit na paksa Halimbawa: Ako ay tumutulong sa


mga biktima ng sakuna. - ginagamit na kaganapang pansimuno
Halimbawa: Ang tagapamahal ng donasyon ay siya.
 Paari- nagpapakita ng pagmamay-ari at hindi katabi ng
pangngalan Halimbawa: Kanila ang toldang ginamit sa evacuation
center.
 Paukol- Ang panghalip kung katabi o kasunod ito ng pandiwa o
layon ng pang-ukol Halimbawa: Bibigyan ko ang mga nasalanta ng
mga damit.

Pandiwa

ang tawag sa salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa lipon


ng mga salita. Sa madaling salita, mga salitang nagsasaad ng kilos.

Panlaping makadiwa

Panlaping makadiwa ang panlaping ginagamit sa pagbuo ng


pandiwa.
 mag- palaging ginagamit na unlapi, ginigitlingan ang pandiwa
kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig.
Halimbawa: mag-ala mag-usap magsaliksik
 um- maaaring maging unlapi o gitlapi.
Halimbawa: umayon umawit tumawid
 magka- panlaping nagpapakita ng pagkakaroon.
Halimbawa: magkaasawamagkaplano magkaposisyon
 magpa- panlaping nagpapahiwating ng kilos na ipinapagawa sa
iba.
Halimbawa: magpaayos magpagupit magpatahi
 mai- unlaping nagsasaad ng kilos na ginagawa para sa iba.
Halimbawa: maitala maipitas maihanin
 ipa- nagpapahayag ng pagpapagawa ng kilos sa iba.
Halimbawa: ipaulat ipasara ipasukat
 mag- an/mag- han- nagpapakita ng kilos na sabayan.
Halimbawa: magsayawan magkantahan

ASPEKTO NG PANDIWA

1. Aspektong Naganap o Perpektibo- nagsasaad na tapos na ang


kilos.
Halimbawa: Ako’y Pinoy na isinilang sa ating bansa.
2. Aspektong Katatapos- katatapos lamang ng kilos.
Halimbawa: Kaaawit lamang ng klase ng ako’y “Ako’y Pinoy.”
3. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo- nagsasaad ng patuloy pa
ring nangyayari ang inumpisahang kilos.
Halimbawa: Isinusulong ng mga mamamayan ang sariling
wika.
4. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo- gagawin pa lamang ang
kilos.
Halimbawa: Paano natin matatamo ang ganap na
pagkakaisa?
5. Aspektong Neutral- ang kilos ay nagaganap sa anyong pautos o
nasa anyong pawatas.
Halimbawa: Gamitin natin ang wikang ating minamahal.
Mahalin ang Wikang Filipino.

URI NG PANDIWA

 Katawanin- Ito ay pandiwang buo o ganap ang diwang


ipinahahayag. Hinti ito nangangailangan ng layon o tagatanggap
ng kilos. Ang pandiwang katawanin ay maaaring:
- nagsasaad lamang ng gawain o pangyayari.
Halimbawa: Nagtuturo si G. Lapulapu.
- pandiwang palikas na walang paksa.
Halimbawa: Umuulan.
Ang pandiwang katawanin ay maaaring maging pandiwang palipat
kapag ito ay dinudugtungan ng tuwirang layon.

 Palipat- Ito ay pandiwang hindi ganap o buo at nangangailangan


ng tagatanggap ng kilos.
Halimbawa: Nagpatupad ng ordinansa ang alkalde.
Nagpasalamat ang mga taga-Marina kay Gobernador Butanding.

TINIG NG PANDIWA

 Tukuyan o Tahasan - simuno o paksa ng pangungusap ang


gumagawa ng kilos.
Halimbawa: Si Mang Valentin ay nagturo ng pagtugtog ng
bandurya sa anak. Ang apo ay bumuo ng awiting “Ang Unang
Buko.”
 Balintiyak- nasa bahaging panaguri ang tagagawa ng kilos.
Halimbawa: Ang “Banaag at Lakas” ay nilika ni Nicanor
Abelardo. Si Nicanor Abelardo ay tinuruan ng kanyang tatay.

POKUS NG PANDIWA

Ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa paksa ng


pangungusap ay pokus.

Narito ang ilan sa pokus ng pandiwa:

 Pokus sa Tagaganap o Aktor


 Pokus sa Layon o Gol
 Pokus sa Ganapan o Lokatib
 Pokus sa Tagatanggap o Benepektibo
 Pokus sa Gamit o Instrumental
 Pokus sa Sanhi o Kawsatibo

Mga Panuring

I. Pang-uri - salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng


pangngalan o panghalip.
TATLONG URI NG PANG-URI
1. Pang-uring Panlarawan- nagsasabi tungkol sa anyo, laki, lasa,
amoy, hugis, at ipa pang katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Makukulay ang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Malayo
man o malapit ang lugar na may pagdiriwang, ito ay dinarayo pa
rin ng mga tao.
2. Pang-uring Pamilang- nagsasabi ito ng dami o bilang ng
pangngalan at panghalip
Halimbawa: Sina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ay
dalawang tauhan sa Santacruzan. Ang Panagbenga ay isang
pagdiriwang na ginaganap sa Baguio.
3. Pang-uring Pantangi- may anyong pangngalang pantangi na
naglalarawan sa pangngalan
Halimbawa: Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang sapatos-
Marikina. Maraming gumagamit ng sukang Iloco.

KAYARIAN NG PANG-URI

• Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang

Halimbawa: tunay dakila payapa

• Maylapi- binubuo ng salitang-ugat at panlapi

Halimbawa: masigla napakahusay maaasahan

• Inuulit- binubuo ng pag-uulit sa salitang ugat o pang-uring maylapi


Halimbawa: kaaya-aya malakas na malakas

• Tambalan- binubuo ng dalawang magkaibang salita

Halimbawa: basang sisiw taos-puso.

II. Pang-abay - tawag sa mga salita o mga salitang nagbibigay-turing,


o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay

TINUTURINGAN NG PANG-ABAY ANG:

• Pandiwa

Mga halimbawa: Seryosong magsalita ang pangulo sa klase.


Makataong magdesisyong ang hukom ng korte.

• Pang-uri
Mga halimbwa: Hindi mahirap ang gawaing pinagtutulungan.
Sadyang tahimik ang buhay sa nayon.

• Kapwa Pang-abay

Mga halimbawa: Totoong mahinahong magpaliwanag ang batang


nakasaksi sa pangyayari. Ang nangyaru ay sadyang madaling
paniwalaan.

ANG PANG-URI AT PANG-ABAY AY MGA SALITANG KAPWA


NAGLALARAWAN SUBALIT MAGKAIBA ANG INILALARAWAN O
BINIBIGYANG-TURING.

• Pang-uri- sa pangngalan o panghalip naglalarawan

Mga halimbawa: maingat na doktor mahusay na gamot payapang


buhay masalang siya

• Pang-abay- sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay nagbibigay-


turing.

Mga halimbawa: maingat kumilos talagang mahusay payapang


namumuhay tunay na malinis magbiro

URI NG PANG-ABAY

• Pang-abay na Pamaraan- sumasagot ito sa tanong na paano ginawa,


ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap

Halimbawa: Magalang na itinmuro ng Ati ang tahanan ni Marikudo.

• Pang-abay na Pamanahon- sumasagot sa tanong na kailang ginawa,


ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap

Halimbawa: Magdaraos bukas ng pulong ang mga datu.

• Pang-abay na Panlunan- sumasagot sa tanong na saan ginawa,


ginagawa o gagawin ang kilos sa pangungusap.

Halimbawa: Bumisita kami sa lalawigan ng aming mga kamag-anak.

• Kataga o Ingklitik- ito ay tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa


unang salita ng pangungusap

Halimbawa :Magaling ding sumayaw ang mga katutubo.

Kilalang ingklitik:

- kasi, man, sana, na, pala, nang, din/rin, tuloy, yata, lamang /lang,
kaya, nga, daw/ raw, naman, ba, pa, muna.
IBA PANG URI NG PANG-ABAY

• Panggaano- ito ang pang-abay na nagsasaad ng dami, halaga, timbang


o sukat ng isang pandiwa.

Halimbawa: Apat na oras naglaba si Shing-Waz.

Anim na kilo ang idinagdag sa nakasakong bigas.

• Pananggi- ito ang pang-abay na nagsasaad ng pagsalungat o di-


pagsang- ayon tulad ng huwag, ayoko, hindi, ayaw, wala.

Halimbawa: Ayokong umalis dito.

Huwag mong kunin ang mga libro.

• Panang-ayon- ito ang tawag sa pang-abay na nagpapahiwatig ng


pagpayag o pag-ayon sa opinyon o gusto ng iba gaya ng tunay, totoo,
talaga, walang duda, sigurado, sigurado, tiyak, opo, oo.

Halimbawa: Siguradong maipaaabot sa kinauukulan ang mungkahi mo.

Oo, sasama ako sa lakbay-aral.

• Pang-agham- tawag ito sa mga pang-abay na nagsasaad ng


pagdududa, pag-aalinlangan o kawalan ng kasiguraduhan, gaya ng
baka, tila, marahil, siguro.

Halimbawa:

Tila babagsak na ang ulan.

Baka mapagsaraduhan ako ng gate.

II. HINANGO AT DI PANGUNAHING KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA ANYO:

Payak, Tambalan, Hugnayan

1. Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang diwa,


maaaring tambalan ang simuno at panaguri na pinag-uugnay ng
at.
 Mega star si Sharon.
 International star si Lea.
 Mang-aawit si Sharon at si Lea.
 Artista ang mang-aawit na si Lea.
 Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.

2. Tambalan ang pangungusap kapag nagpapahayag ng dalawang


diwa na pinag-uugnay ng at, ngunit, datapwat at subalit.
 Mega star si Sharon at international star si Lea.
 Naghihimala ang Birhen sa Agoo at naghihimala rin ang Birhen
sa Lipa.
 May kapansanan siya subalit napaglabanan niyang lama ang
pagsubok sa buhay.
 Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod niya.

3. Hugnayan ang pangungusap na binubuo ng malaya at di –


malayang sugnay na pinangungunahan ng kung, kapag,
samantala, habang, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa. May
simuno at panaguri ang sugnay tulad ng pangungusap ngunit
bahagi lamang ito ng pangungusap.
 Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka.
 Habang nasa kabundukan pa ang Bundok Pinatubo ang lahar
malaking panganib ang darating.
 Nararapat puntahana ang mga makasaysayang pook upang
maisadiwa ang mga nagawang kabayanihan ng ating kalahi.
 Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa nang
maipagmalaki natin ito.
 Samantalang nasa isip mo iyon walang mangyayari sa buhay
mo.

DI-PAGPAPANAGURING PANGUNGUSAP

May mga pangungusap na walang simuno ngunit may


ipinahahayag na buong diwa, samakatuwid walang ang marker na
matatagpuan dito. May mga pangungusap namang walang panaguri
ngunit may diwa rin. (Sa Ingles may simuno ang mga pangungusap na
ito maliban sa padamdam at amenidad.)

Penomenal- na nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng


kalikasan. Nababanghay ang nasa unang hanay dahil mga pandiwa ang
mga ito.
 Umuulan. Umaaraw. Lumilindol. Bumabaha. Maulap.
Kumukulog.

Temporal- na nagsasaad ng kalagayang panandalian o panahunan


lamang.

 Bukas na. Taglagas na. Tagsibol na. Mayo na. Semana Santa
na. Linggo na.

May modal- na nangangahulugan ng gusto, nais, ibig.

 Gusto niya ng kapangyarihan.


 Nais ko ng kotse.
 Ibig mo ng katanyagan, di ba?

Eksistensyal- Nagpapahayag ng pagkamayroon o wala.

May pangulong babae.


Walang dumating.

May ka ang pandiwa- na nangangahulugan ng katatapos na pagganap


ng kilos.

Kakakain lang ni Letty.


Katatawag lang ni Annie.

Padamdam na pangungusap.

Aray! Naku! Aba! Saklolo! Holdaper!

Paghanga- ginagamitan ito ng panlapi para sa kaantasang pasukdol na


napaka-, ng kay, at ng ang na sinusundan ng salitang-ugat.

Napakaganda ni Gemma!

Amenidad

Salamat po. Magandang umaga po. Ang bait niya!


TALASANGGUNIAN

(‘’Ang ABC ng pagsusulat ng mga Hugnayang Pangungusap,’’ NY:


Retrieved from:
http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/ang_abc_ng_
pagsulat_ng_mga_hugnayang_pangungusap.pdf

Daigo, Kristina (2018). Ano ang Pananda o nagsisilbing tanda ng gamit sa


isang salita ng pangungusap?. Retrieved from
http://www.buhayofw.com/blogs/blogs-filipino-language-ano-ang-
pananda-o-nagsisilbing-tanda-ng-gamit-ng-isang-salita-ng-
pangungusap-583ada97637ac

Macaraig,C. (2016). Uri ng Pangungusap ayon sa kayarian. Retrieved


from: https://charlenemacaraig.wordpress.com/2016/11/25/uri-ng-
pangungusap-ayon-sa-kayarian/

Moller, Armin. (2016). Palaugnayan ng Wikang Filipino – Wakas ng


Panaguri at Paniyak. Retrieved from:
http://www.germanlipa.de/wika/ug_P-P_2.htm

Pinoy Homework.com
http://www.pinoyhomework.com/content/ano-ang-mga-uri-ng-parirala-
ayon-sa-kayarian?fbclid=IwAR1cKgJ4DF9WZoq4p8W8wmZBtvAvYp-
k78ujof-5FmtRIAmMXFGBYAn9-ig

Rosalie Orito
https://www.academia.edu/9397935/SINTAKSIS

Siela Mae Gutierrez, May 25,2015


https://www.slideshare.net/shielamaegutierrez12/introduksyon-sa-pag-
aaral-ng-wika-sintaks

Rosalyn Montes, July 2017


https://www.slideshare.net/roselynrequiso/parirala-at-pangungusap-
77738763

You might also like