Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria.
"Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.
Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang
tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran niJuan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.
Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may
kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sailalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."
Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan
nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na." "Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango. GINTONG BATA SA PUTING KALABASA
KAKATWA at kakaiba ang maliit na bahay, gawa sa kawayan, ng
isang lalaki at isang babaing nabubuhay sa mga gulay na tanim nila sa malaking bakuran. Mabait ang mag-asawa at mabuti ang turing sa kanila ng lahat ng mga kapitbahay. Subalit hindi sila maligaya sapagkat wala pa silang anak, bagay na maraming taon na nilang hinangad. Ipinag-dadasal nila araw-araw na kahit babae o lalaki, magka-anak lamang sila, subalit walang sagot ang kanilang mga panalangin. At ngayong tumatanda na sila, nawawalan na sila ng pag-asa.
Isa sa mga tanim nila sa bakuran ay puting kalabasa na
mayabong na nagbubunga buong taon, kaya hindi sila nawawalan ng pagkain kahit kailan, hanggang isang araw nang napansin nilang walang umuusbong na kalabasa. Inusisa nilang maigi at inalagaan ang halaman araw-araw subalit kahit panay ang sulpot ng malalaking dilaw na bulaklak na, pagkalanta at pagkatuyo ay dapat sanang mapalitan ng usbong na bunga. Subalit wala kahit isang kalabasa na lumitaw at nagsimulang magutom ang mag- asawa.
Isang umaga, pagkaraan ng mahabang panahon, napasigaw sa
galak ang asawang babae nang masipat niya ang isang maliit na usbong. Ipinasiya ng mag-asawa na huwag kainin agad ang kalabasa, hintaying lumaki at mahinog ito upang magkaruon sila ng mga buto na maitatanim uli sa bakuran.
Lumaking napaka-gandang puting kalabasa ang bunga subalit
napakatagal nahinog kaya, sa gutom, nagbago ang isip ng mag- asawa at pinitas ang gulay upang kainin. Hihiwain na sana nila ang kalabasa nang narinig nila mula sa luob ang isang tinig.
“Mag-ingat kayo at baka mahiwa ako!”
Natigilan ang mag-asawa, akala minumulto sila, subalit nagsalita
uli mula sa luob ng kalabasa. “Buksan n’yo na, nang makalabas ako!”
Maingat nilang hiniwa at lumabas ang isang sanggol na lalaki.
Nakakatayo at nakakapag-salita na ang bata. Tuwang-tuwa ang mag-asawa, may “anak” na sila! Agad umigib ng tubig ang asawang babae at naglatag ng banig upang paliguan ang bagong panganak na “anak.” Tuwing buhos ng tubig sa bata, bawat patak ay naging ginto kaya matapos ng ligo, natakpan ng ginto ang buong banig! Lalong nalugod ang mag-asawa, may “anak” na sila, yumaman pa sila sa ginto.
Sapat na dapat ang nakamit ng mag-asawa, subalit pagmasid nila
sa ginto, hinangad nila ang mas marami pa. Kinabukasan, pinaliguan uli ng asawang babae ang “anak” at natakpan uli ng ginto ang banig. May sapat na silang yaman upang magpagawa ng isang malaking bahay, subalit gusto pa nila ng higit. Kaya sa ika-3 araw, umigib uli ng tubig na pampaligo ang asawang babae, subalit nalungkot ang “anak,” umalis at naglaho. Kasabay, naglaho rin ang lahat ng ginto. Naiwang nag-iisa ang mag-asawa na, tulad ng dati, ay mahirap at walang anak.