Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sapat na ba ang may alam lang?

Okay na nga ba tayo sa "pwede na?"

Ang wika ay isa sa mga pinakamakapangyarihang instrumentong nalinang ng tao at sa pamamagitan nito
tayo'y nakabuo ng pagkaka-isa na umuugat sa pagkakaroon ng unawaan.

Madali lang makuha ang instrumentong ito, kailangan mo lang siyang pag-aaralan... ngunit sapat na nga
ba iyon?

Hindi. Tila ba susugod ka sa giyerang may dalang armas na kaya mong lagyan ng bala ngunit di mo
kayang iputok, sa huli walang kwenta ang kaalaman mo. Nais ko lang ipahiwatig sa inyo na ang wika ay
binuo upang tayo'y magkainitindihan. Mayroong itong iba't ibang mga patakarang dapat sundin upang
mas lalong maging mabisa ang pagbigay mo ng mensahe bilang isang komunikeytor. Oo, alam mo pero
bakit hindi mo ginagawa? Sa ganoong paraan, binalewala mo ang layunin ng wika, ang magkaroon ng
pagkakaunawaan. Hindi sapat lang ang may alam ka, dapat nagagamit mo rin. Sabi nga, sipag at tiyaga.
Oh ngayon, nasa iyo ang desisyon kung isasabuhay mo ang husay mo o hindi, dahil sa huli hindi lang iba
ang malalabuan, pati ikaw.

You might also like