Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Rebyuwer sa Filipino

Pamanahong Papel – isang uri ng papel-pananaliksik na kadalasang isinasagawa


nang isahan o pangkatan na higit na maikli kaysa isang literal na thesis, ito ay
may prosesong sinusunod (sistematiko o siyentipiko)
BAHAGI AT KABANATA ng isang pamanahong papel
Mga pahinang Pre-liminari o Front Matters
 Fly Leaf 1: ang pinakaunang pahina na kung saan walang anumang nakasulat
dito,sa madaling salita blangko ang pahinang ito

 Pamagating pahina: pamagat, kung kanino ihaharap ang pamanahong papel,


asignatura, kung sino ang gumawa
 Kadalasang inverted pyramid ang ayos nito

 Dahon ng pagpapatibay: kinukumpirma sa pahinang kinukumpirma sa


pahinang ito ang pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro
ngpamanahong papel

 Pasasalamat o Pagkilala: pagtukoy sa mga indibidwal,pangkat,tanggapan o


institusyong maaaring nakatulong sa pagkakabuo at pagkakasulat ng
pamanahong papel
 Talaan ng Nilalaman: ito ang nakaayos na balangkas na bahaging nilalaman
ng pamanahong papel

 Talaan ng mga Talahanayan at Grap: dito nakasaad ang bawat grap at


talahayan ng pag-aaral ng mga datos na nakasalansang at nakapahina
 Fly Leaf 2: ang pinakahuling pahina na kung saan walang anumang nakasulat
dito,sa madaling salita blangko ang pahinang ito
Mga Kabanata at mga Nilalaman ng isang pamanahong –papel
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
Kabanata 2
( Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura)
Kabanata 3
( Disenyo at Paraan ng pananaliksik)
Kabanata 4
( Presentasyon at Interpretasyon ng Datos)
Kabanata 5
( Lagom , Kongklusyon at Rekomendasyon)
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
a. Introduksyon
 Isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik
 Kadalasan naglalaman ito ng lima hanggang walong makabuluhang
talata

b. Layunin ng Pag-aaral
 Isang maikling talatang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay
ng paksa ng pananaliksik
 Nakasaad din dito ang ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong

c. Kahalagahan ng Pag-aaral
 dito inilalahad ang signipikans o kahalagahan ng pagsasagawa ng
pananaliksik nakasaad din dito ang kapakinabangan ng ginawang pag-
aaral

d. Saklaw at Delimitasyon
 nakasaad ang simula at hangganan ng pananaliksik ,dito itinatakda ang
parametro ng pananaliksik dahil dito tinutukoy ang kung ano-anu ang
baryabol na sakop at di sakop ng pagaaral

e. Paradima ng pag-aaral
 dito masasalamin ang ginamit na paradima sa paglalahad ng pag-aaral na
maaring
1. konseptuwal
2. teoretikal
f. Depinisyon ng mga Terminolohiya
 nakapaloob ang kahulugan ng mga di pangkaraniwang terminong
nabanggit sa ginawang pag-aaral maaaring:
1. (konseptuwal) ang istandard na kahulugan ng salita
2. (operasyunal) kahulugang kung paano ginamit ang salita
Kabanata II
( Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura)
Sa bahaging ito nakasaad ang kaugnay na babasahing literatura sa pag-aaral
kinakailangan ang paglalahad ay ganito ang pamamaraan
1. Obhektibo at walang kinikilingan
2. Nauugnay o relevant
3. Sapat ang dami o hindi kaunti lamang
4. Totoo at katotohanan lamang
Sa ilalim ng Kabanata II ay may…
1. Apat hanggang limang talata sa INTRODUKSYON
2. Lokal na pagaaral
3. Global na pag-aaral
4. Sintesis
… at kailangan nagtataglay ito ng mga datos o tala na limang taon palang ang
nakalipas
ISTILONG PARENTETIKAL (Uri at Anyo)
Tatlong Uri ng Batayang Istilong Parentetikal
• APA = American Psychological
Association (Social Sciences)
• MLA = Modern Languages Association
(English and the Humanities)
• CBE o CMS = Council of Biology
Editors (Science)
Uri ng Istilong Parentetikal
MLA
Modern Language Association
sa istilong ito nauuna ang apelyido ng awtor at bilang ng pahina kaysa sa
ideya,impormasyon o datos na hiniram
1. Mula sa akda ni Stanley Brooks pahina 12 sa kanyang “Theory of
Listening”,1999 Ang proseso ng pakikinig ay binubuo ng
pagtanggap o resepsyon ,pagkilala o rekognisyon at pagbibigay-
kahulugan o interpretasyon sa tunog na naririnigAyon kay Brooks
Stanley., pahina 12 sa kanyang “Theory of Listening,1999, ang
proseso ng pakikinig ay binubuo mg pagtanggap o resepsyon
,pagkilala o rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig.

APA
American Psychological Association
ito ang istilong mas sinusunod ng mas nakararaming nananaliksik sapagkat ito
ay nagtatakda ng mga panunutunan mas madaling unawain at isagawa
1. Mula sa akda ni Brooks Stanley.,1999 “Theory of Listening”, Ang
proseso ng pakikinig ay binubuo ng pagtanggap o resepsyon
,pagkilala o rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig.
2. Ayon kay Brooks , S. (1999) “Theory of listening”, ang proseso ng
pakikinig ay binubuo ng pagtanggap o resepsyon ,pagkilala o
rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa tunog
na naririnig.
3. Ang proseso ng pakikinig ay binubuo ng pagtanggap o resepsyon
,pagkilala o rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig (Brooks , S. 1999, “Theory of
listening”).
4. Ayon kay Brooks ,S. et al. (1999), “Theory of listening”, ang
proseso ng pakikinig ay binubuo mg pagtanggap o resepsyon,
pagkilala o rekognisyon at pagbibigaykahulugan o interpretasyon
sa tunog na naririnig.
5. Ang proseso ng pakikinig ay binubuo ng pagtanggap o
resepsyon, pagkilala o rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig (Brooks , S. et al. ,1999
“Theory of listening”).
Kabanata III
( Disenyo at Paraan ng Pananaliksik)
a. Disenyo ng Pananaliksik
 malinaw na nakasaad kung anong uri ng pananaliksik ang ginamit sa pag-
aaral (isang mungkahi mas mainam na deskriptib analitik ang gamit upang
madali ang paglalahad ng datos at inpormasyon)
b. Respondente
 sila ang mga taong nabigyan ng sarbey kwestyuner,kung ilan sila at paano
at bakit sila napiling maging bahagi ng pag-aaral
c. Instrumento ng Pananaliksik
 ito ang paraan kung paano nakuha ng mga mananaliksik ang datos na
kailangan nito sa ginagawang pag-aaral maaaring mabanggit sa bahaging
ito ang interbyu,sarbey,pakikipanayam, pagsagot sa mga kwestyuner
d. Tritment ng Datos
 inilirarawan sa bahaging ito ang istatistikal na paraan ang ginamit upang
ang mga numerikal na datos ay mailarawan,dito makikita ang gamit ng
iba’t-ibang grap,tsart at talahanayan
… sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal,tabular o grapikal na presentasyon sa teksto
inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri
Pagsisinop at Presentasyon ng Datos
Dalawang Pamamaraan ng Presentasyon ng Datos
1.Tabular - ito ay ginagamit bilang isang istatistikal na talahanayan
2.Grapikal - ito ay isang biswal na presentasyong kumakatawan sa
kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga baryabol o kwantiteytib na
komaprison ng pagbabago ng isang baryabol
ayon kina Calderon at Gonzales 2009
1.1. Layn grap - ginagamit ito upang ipakita ang mga pagbabago
ng baryabol mainam itong gamitin kung nais ilantad ang trend
(kung mayroon) o pagtaas at pagdami o pagsulong (maaaring
kabaligtaran ng mga nabanggit ) ng isang tiyak na datos ng
isang baryabol
1.2. Bilog na grap - tinatawag din pie o circle graph mainam itong
gamitin kung nais ipakita ang distribyusyon,pagkakahati o
dibisyon o maaaring proporsyon o dili kaya ay alokasyon
1.3. Bar grap - epektibo naman itong gamitin kung nais ipakita ang
sukat,halaga o dami ng isa o higit pang baryabol sa
pamamagitan ng haba at taas ng bar maaari itong ilahad o
ipakita ng patayo o pahiga
1.4. Piktograp - taglay nito ang isang larawan kumakatawan sa
kabuuang bilang ng isang baryabol na makikita ang katumbas
sa leyenda

Kabanata V
( Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon)
a. Lagom - binubuod ang mga datos at impormasyon nakalap ng
mananaliksik na komprehensibong tinalakay sa Kabanata 3
b. Kongklusyon - ito ang mga inferences,abstrasyon,implikasyon,
interpretasyon sa pangkalahatang pahayag at paglalahad batay sa datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik
c. Rekomendasyon - ang mungkahing solusyon para sa suliraning natukoy sa
ginawang pagaaral o pananaliksik
d. Listahan ng Sanggunian - isang kumpletong tala ng lahat ng mga
pinaghanguan o sorses na ginamit sa pananaliksik
e. Apendiks - tinatawag din itong Dahong-Dagdag dito maaaring ilagay ang
mga liham ,pormularyo ng ebalwasyon,transkripsyon ng interbyu sample
ng sarbey-kwestyuner bio-data ng mananaliksik o mga larawan.

You might also like