Pandiwa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay-Aralin

Aspekto ng Pandiw

I. Layunin
A. Naipaliwanag kung anu-ano ang aspekto pandiwa;
B. Napag-iiba ang tatlong aspekto ng pandiwa; at
C. Nagagamit sa pagbuo ng makabuluhang mga pangungusap ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.

II. Pangkasanayan:
Napahalagahan ang paggamit ng wastong aspekto ng pandiwa para sa maayos at malinaw na kumonikasyon at
pakikipag-ugnayan sa kapwa

III. Pangkasanayan:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Patetsek ng pagdalo ng mga mag-aaral.
c. Pagbati
i. Pagganyak
-Nakapagpapakita ng pagtatanghal na gumagamit ng mga aspekto ng pandiwa sa iba’t ibang
mga sitwasyon.
a. Magpakita ng dalawang magkakaibang larawan hingil sa isang lugar o bagay na may
pagkaibahan batay sa epekto nito ng panahon o oras.

Halimbawa:

b. Pagkatapos maipakita ng guro ang mga larawan, magbigay ang Guro ng dalawang tanong
sa klase ng kanilang pag-iisipan. Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng isang minute upang
pag isipan ang kanilang sagot.

c. mga katanungan ng guro


-Anu ang kaugnayan ng larawan noon at ngayun?
-Kung hindi tayo magbabago, ano kayang uri ng mundo ang makikita o matitirahan natin sa
hinahrap?

d. Pagbabahagi ng groupo: Magtawag ang Guro ngdalawang hanggang tatlong pareha na


magbabahagi ng kanilang kasagutan sa harap ng klase sa loob ng liman g minute
e. Matapus ang pagbahagi ay lalagumin na ng buong klase ang kanilang repleksyon.
Gagamitin ng guro ang paglalagom upang gawing tuntungan sa pagbubukas ng talakayan
sa wika. Sa loob ng tatlong minute.
B. pagtatalakay sa Paksa
a. Magpakita ang guro ng mga pangungusap na gumagamit ng mga pandiwa na nasa iba’t ibang
aspekto
Mga halimbawa:
-Kung hindi tayo magtutulungan upang pangalagaan an gating kapaligiran. . ..

b. tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang napansin sa mga pandiwang
may salunguhit.

c. Gagabayan ng guro ang mga mag-aaral upang manmula sa kanila ang pagbubuo na ang
mga pandiwang may salungguhit ay nagpapakita ng mga kilos na natapo na, kasalukuyang
ginagawa at kilos na gagawin pa laman.

d. Pagtalakay ng guro sa tatlong aspekto ng pandiwa gamit ang isang tsart bilang gabay ng
biswil.

e. Pagbibigay ng guro ng mga karagdagang halimbawa ng mga pangungusap na nagpapakita


ng mga pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto.

d. Pagtatawag ng guro ng mga mag-aaral upang magbigay ng sarili nilang mga pangungusap
na gumagamit ng iba;t ibang aspeto ng pandiwa.

f. Pangkatang Gawain: Pagpangkatin ng guro ang mga mag-aaral. Ang layunin ng pangkatan
ay magamit ng mga mag-aaral ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa mas komunikatibong
pamamaraan. Buhat ditto,hihilingin ng guro na gagamitin ng mga mag-aaral ang mga
sitwasyon. Itatanghal ito ng mga mag-aaral pagkatapos. Sa loob ng labing dalawang minuto.

Halimbawa ng mga sitwasyon:

-unang araw ng klase


-interbyu para sa trabaho
-pamimili ng kagamitan
-pagtatanong ng direksyon

C. Pagtatapos Ng Talakayan

a. Pagbibigay ng guro ng sampu hanggang labinlimang bilang na maikling pagsusulit. Sa loob ng


sampung minute.
b. Pagwawasto ng maikling pagsusulit. Pagtalakay sa mga aytem na nahihirapan ang mga mag-aaral. A
loob ng limang minute.
c. Pagbubuod: Sa pagsasara ng klase, hihilingin ng guro sa mga mag-aaral na lagumin ang kanilang
aralin sa araw na iyon sa pamamagitan ng pagbuo ng sumusunodna pangungusa sa loob ng limang
minuto.
-Natutunan ko na ang pandiwa ay may iba’t ibang aspekto, ito ay ang mga…..
-Natutunan ko rin na mahalagang wasto ang paggamit sa mga aspekto ng pandiwa dahil.
d. Pagpapaligpit ng mga kagamitan ng mga mag-aaral

e. Pagpaalam ng guro.

You might also like