Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa ngayon, kung kailan nauuso ang lahat ng bagay sa computer maging ang mga laro at edukasyon, hindi

kataka-takang karamihan ay mayroong nag-iisang suliranin--ang panatilihin ang wastong timbang batay
sa edad at taas ng tao. Ang pagkakaroon ng wastong timbang ay isang magandang senyales ng
pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Ang magandang kalusugan ay hindi lamang nakukuha sa purong bitamina, food supplements at kung
anu-ano pa diyan. Ang tama at regular na pag-eehersisyo na hinaluan ng tamang nutrisyon ay ang ganap
na 'recipe' sa isang magandang kalusugan. Ang ehersisyo at nutrisyon ay isang kombinasyon para sa
kaaya-ayang timbang ngunit sa napakagandang kalusugan na rin. Sinasabing ang kalusugan an gating
natatanging yaman kung kaya’t dapat lang na atin itong alagaan at huwag hayaang mapabayaan sapagkat
napakamahal ang magkasakit. Isa sa pinakamabisang paraan upang maging malakas at malusog ay ang
panatilihin ang tamang timbang sa pamamagitan ng tamang pagkain at regular na ehersisyo. Ito lamang
ang mga ilan lamang sa mga natural at tiyak na paraan upang mapanatili ang tamang timbang at
kalusugan na hindi na kailangang gumastos pa ng malaki.

Sa panahon kung saan, bihira ang gumalaw at mag-ehersisyo, hahayaan mo ban a maging isa kang sakitin
at walang silbi?

Kaya’t ano pang hinihintay mo, kumain ng tama at ehersisyo ay simulan na.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/180409#readmore

You might also like