Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PAMBUNGAD

Magandang hapon po sa iyong lahat. Tayo po ngayon ay nagkakatipon bilang


isang pamilya upang parangalan at pasalamatan ang Espiritu Santo, hilingin natin
sa paghahandog na ito na tayo ay pagkalooban ng biyaya na magsisilbing gabay at
tulong sa ating mga guro, mag-aaral, magulang at mananampalataya sa
pagbubukas ng klase sa taong ito, 2012-2013.

Sa ganitong kaisipan, sama – sama tayong magpasalamat at magpuri sa


Panginoon sa pangunguna ng ating mahal na Obispo, Most Rev. Buenaventura M.
Famadico, D.D. ….

Magsitayo na po ang lahat at sabay sabay na awitin ang pambungad na awit.


AWITING PAMBUNGAD

OBISPO: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.

LAHAT: Amen

OBISPO: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-big ng Diyos


Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.

LAHAT: At sumainyo rin.

PAGSISISI NG MGA KASALANAN

OBISPO: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y
maging marapat na gumanap sa banal na pagdiriwang.

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa inyo mga kapatid, na lubha akong


nagkasala sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking pagkukulang, kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birhen Maria at sa inyo mga kapatid na ako’y ipanalangin sa
Panginoong ating Diyos.

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga


kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

LAHAT: Amen

PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI (aawitin)


PAMBUNGAD NA PANALANGIN

OBISPO: Ama naming makapangyarihan, pinababanal mo ang iyong pandaigdig


na sambayanan sa ipnahahayag mo ngayon sa dakilang kapistahan. Gawin mong
ang buong daigdig ay mapuspos nang ganap sa mga kalooban ng Espiritu Santong
bigay mo sa lahat para puspusin ang kalooban ng tanan noong ang Mabuting
Balita ay simulang ipangaral, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

LAHAT: Amen

UNANG PAGBASA

Pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol

Nang sumapit ang araw ng Pentekostes, nagkatipon silang lahat sa isang lugar. At
biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, animo’y hagunot ng malakas na
hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May nakita silang wari’y
dilang apoy na lumapag sa bawa’t isa sa kanila. At silang lahat ay napuspos ng
Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng
Espiritu.

May mga Judiong buhat sa iba’t ibang bansa, na naninirahan noon sa Jerusalem,
mga taong palasamba sa Diyos. Nang marinig ang ugong na ito, nagdatingan ang
maraming tao. Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika
nila. Sa kanilang pagtataka ay kanilang sinabi, “Hindi ba Galileo silang lahat?
Bakit atin-ating katutubong wika ang naririnig natin sa kanila? Tayo’y mga taga-
Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam, mga naninirahan sa Mesopotamia, sa
Judea at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asya. Mayroon pa sa ating mga taga-Fragia
at Panfilia, Egipto at sa mga saklaw ng Libia na sakop ng Cirene, at mga
nakikipanirahan mula sa Roma, maging mga Judio at mga naaakit sa Judaismo.
May mga taga-Creta at Arabia pa rito. Paano sila makakapagsalita ng atin-ating
wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos?
Ang Salita ng Diyos.

LAHAT: Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN

TUGON: ESPITU MO’Y SUGUIN, POON TANA’Y IYONG BAGUHIN

Pinupuri ka, Poong Diyos, nitong aking kaluluwa,

O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!

Sa daigdig ikaw, Poon, kay rami ng iyong likha,

Sa dami ng nilikha mo’y nalaganapan ang lupa.

Tugon:

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga

Mauuwi sa alabok, pagka’t doon mula sila.

Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,

Bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig

Tugon:

Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,

Sa lahat ng iyong likha ang madama’y kagalalakan,

Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,

Habang aking inaawit ang papuri sa may kapal.

Tugon:

ALELUYA…
MABUTING BALITA

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

LAHAT: Papuri sa iyo Panginoon.

Kinagabihan ng araw ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang
mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio.
Dumating si Hesus, at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sinabi
niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang
tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang Makita ang Panginoon. Sinabi
naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama,
gayon din ay sinusugo ko kayo,” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi,
“Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga
kasalanan ay pinatawad na nga, ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga
pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

LAHAT: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILIYA…
PANALANGIN NG BAYAN

OBISPO: Batid natin na ang Diyos ay Panginoon ng awa at pagmamahal. Siya ang
lumilingap sa atin sa bawat saglit at pangyayari sa ating buhay. Kaya sa
pagkakataong ito ng Misa ng BANAL NA ESPIRITU, marapatin natin na lumapit sa
kanya at bukas-loob nating sabihin:

IPADALA MO SA AMIN ANG ESPIRITUNG BANAL

1. Upang ang ating Santo Papa, Benedicto XVI, ang ating Obispo,
Buenaventura Famadico at ating mga pari, nawa’y patuloy na maging mga
magigiting na saksi ni Hesukristo sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos sa
samabayanan. Manalangin tayo sa Panginoon.
2. Upang ang mga namumuno ng ating bansa at pamayanan at makagawa ng
napapanahong programa para sa edukasyon na sumasagot sa problema at
pangangailangan ng mga kabataan. Manalangin tayo sa Panginoon.
3. Upang ang ating paaralan, HOLY CHILD JESUS COLLEGE, ay tunay na maging
daan ng pagpapanibago na humuhubog sa mga kabataan para maging mga
mabubuting Pilipinong Kristiyano na nagpapahalaga sa katolikong
pananampalataya. Manalangin tayo sa Panginoon.
4. Upang ang ating mga tagapamuno ng paaaralan na si Gng. Teresita I. Eria,
kasama ang mga guro ay buong pusong maglaan ng sarili para sa katuparan
ng PANANAW at MISYON ng ating paaralan. Manalangin tayo sa Panginoon
5. Upang ang ating mga pamilya ay patuloy na magtaguyod sa mga Gawain ng
ating paaralan para maisakatuparan ang isang dakilang Gawain n gating
simbahan, ang Katolikong Edukasyon. Manalangin tayo sa Panginoon.
6. Upang ang mga mag-aaral ng Holy Child Jesus College ay makiisa sa mga
Gawain ng paaralan para mahubog sila bilang mga kabataang Maka-Diyos,
Maka-bayan, Maka-buhay, at Maka-kalikasan. Manalangin tayo sa
Panginoon.

OBISPO: Mapagmahal naming Ama, lingapin mo ang kahilingan ng iyong mga


anak. Patnubayan mo kami ng iyong mga biyaya upang kami ay maging mga
masigasig na manghahasik ng binhi ng Mabuting Balita. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ng iyong Anak kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
LAHAT: Amen

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

OBISPO: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming
paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing magbibigay buhay

Lahat: Kapuri-puri ka Poong Maykapal ngayon at kailan man!

OBISPO: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong


kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga
ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong
Espiritu

Lahat: Kapuri-puri ka Poong Maykapal ngayon at kailan man!

OBISPO: Manalangin kayo, mga kapatid upang ang paghahain natin ay


kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan.

Lahat:Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa


kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayan
niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

OBISPO: Ama naming Lumikha, pakundangan sa pangako ng iyong Anak ang


lihim ng iyong pag-ibig at paglingap ay isiwalat nawa ng Espiritu Santo ngayong
ginaganap ang paghahaing ito na siya rin nawang maglahad ng iyong katapatan sa
pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat:Amen.
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

OBISPO: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin

OBISPO: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Lahat: Itinaas na namin sa Panginoon.

OBISPO: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Lahat: Marapat na siya ay pasalamatan

SANTO SANTO

OBISPO: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

OBISPO: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya, ang lahat ng


parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

ANG PAKIKINABANG

PANALANGIN NG PANGINOON…

AMA NAMIN…

OBISPO: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng


kapayapaan sa araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan and dakilang araw ng pagpapahayag ng
Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Lahat: Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan


magpakailanman, Amen.

OBISPO: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumaiyo.

Lahat: At sumainyo rin.

OBISPO: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

Kordero ng Diyos...

PAGHAHATI NG TINAPAY

OBISPO: Ito ang kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan. Mapalad ang inaanyayahan sa kanyang piging.

Lahat:Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang


salita mo lamang ay gagaling na ako.

AWIT SA PAKIKINABANG

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

OBISPO: Ama naming mapagmahal, pinapakinabang mo ang iyong


sambayanan sa iyong mga bigay buhat sa kalangitan, ang iyong pagpapalang
kaloob sa amin ay iyong panatilihin upang lagging masaganang dumaloy ang
Espiritu Santo at ang aming pinagsaluhan sa pagdiriwang na ito ay magdulot ng
pag-unlad sa pamamagitan ni Hesukristo, magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.
PAGTATALAGA NG SARILI
(Mga Guro ng Holy Child Jesus College)

MGA GURO: Naririto po kami sa inyong harapan, mahal naming Obispo,


upang magtalaga ng sarili sa Gawain ng pagtuturo at paghuhubog sa mga
kabataan ng Holy Child Jesus College.

OBISPO: Nagpapasalamat kami sa inyo mga guro at naririto kayo at


naghahandang maglaan ng sarili sa dakilang misyong ito ng ebanghelisasyon.

Bilang mga guro ng katolikong paaralan sariwain ninyo ngayon ang


pananampalatayang inyong tinanggap noong kayo’y bininyagan na siya rin
ninyong ibabahagi sa ating mga kabataan.

Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat na may


gawa ng langit at lupa?

MGA GURO: Opo, Sumasampalataya po kami.

OBISPO: Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,


Panginoon natin, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, ipinako sa krus, namatay,
inilibing, muling nabuhay at nalukluklok sa kanan ng Ama?

MGA GURO: Opo, Sumasampalataya po kami.

OBISPO: Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang


Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa
muling pagkabuhay ng mga namatay at sa buhay na walang hanggan?

MGA GURO: Opo, Sumasampalataya po kami.

OBISPO: Ngayon naman, inyong ilahad ang inyong saloobin ng pakikiisa sa


mga gawain ng ating katolikong paaralan ang Holy Child Jesus College.

Nangangako ba kayong susunod sa mga alituntunin at programa ng Diyosesis


hingil sa Katolikong Edukasyon na ipinatutupad sa pamumuno ng inyong abang
lingkod?
MGA GURO: Opo, nangangako po kami.

OBISPO: Nangangako ba kayo na makikiisa sa mga tagapamahala ng Holy Child


Jesus College sa pagpapatupad ng Pananaw at Misyon ng paaralan?

MGA GURO: Opo, nangangako po kami.

OBISPO: Nangangako ba kayo na magsusumikap na maging tapat sa inyong


pagtuturo sa mga kabataan at mabubuting halimbawa sa pagsasabuhay ng
pananampalatayang Kristiyano?

MGA GURO: Opo, nangangako po kami.

OBISPO: Gabayan at pagpalain nawa kayo ng Espiritu Santo, upang maging


daan ng pagbabago sa ating katolikong paaralan sa pagsunod ninyo sa yapak ni
Kristo patungo sa Ama.

MGA GURO: Amen.

PANGWAKAS NA AWIT

You might also like