Hilahang Lubid ABSTRAK

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ma.

Francesca de Asis FILI 11 - Sec ZZ

Hilahang Lubid: Ang Kultural na Paglalaan na Nagaganap sa Loob ng Komunidad

ng Pilipinong Amerikano

(Pangangatwiran)

Abstrak

Nilalayon ng pananaliksik na ito na maipakita ang nakatagong kultural na paglalaan o

cultural appropriation ​sa mga panggagagad na inihayag sa ​social media​ ng mga unang

henerasyon imigranteng Pilipinong Amerikano. Madalas hinihila sila sa pagitan ng kulturang

Pilipino at kulturang Amerikano dahil sa migrasyon sa murang edad. Bunga nito,

naiimpluwensyahan silang makilala sa isang kultura at piliin lamang ang pinaka

kapaki-pakinabang na aspeto ng dalawang kultura. Sa nilalaman ng parodya nila, kumikita

sila sa panunuya ng mga ugaling Pilipino at mas lalo nilang itinatanim ang negatibong

stereotype​ ng mga Pilipino sa iba’t ibang mga tao. Pinapatunayan ni Erich Hatala Matthes na

kasama sa masamang epekto ng paglalaan ng kultura ang maling paglalarawan o

misrepresentation ​ng isang lahi ng tao. Bagaman ang paglalaan ng kultura ay karaniwang

ginagawa ng isang tao mula sa ibang komunidad, maaari rin itong gawin ng isang

miyembrong ipinagmamalaki ang isang kultura na hindi nila lubos na naiintindihan. Ninanais

ng papel na magbigay ng dahilan kung saan nagmula ang kababalaghan na ito at magbigay ng

rason kung bakit hindi makatarungan ang paglalaan ng kultura sa loob ng isang komunidad.

Upang mangolekta ng datos, susuriin ang mga panggagagad, mga babasahin tungkol sa

kultural na paglalaan at migrasyon, at mga pag-uusap na nagaganap sa ​social media ​tungkol

sa pagbibigay ng heneralisasyon sa kulturang Pilipino.

You might also like