Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Department of Education

Region V (Bicol)
Division of Albay
MATARA HIGH SCHOOL
Matara, Libon, Albay

3rd Periodical Examination in Values Education III (2012-2013)

Name: __________________________Yr.& Section: _________Date:________Score:_______

“Honest zero is better than a stolen one.”

I. PAGSUSULIT NA MAY PAGPIPILIAN. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay ang birtud na tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain.
A. Pagkamasigasig C. Pagkamasinop
B. Kasipagan D. Tiyaga
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang modelong manggagawa?
A. Kasipagan C. Tiyaga
B. Pagkamasinop D. Katatagan
3. Ang paghahanap ng mga mura subalit magagandang kagamitan para sa anumang bagay na gagawin ay
pagpapamalas ng pagiging
A. Masipag C. Malikhain
B. Masinop D. Matatag
4. Ito ay tumutukoy sa positibong pakiramdam, pagkagusto, at paglalagay ng isip at puso sa isang gawain.
A. Pagkamasigasig C. Kasipagan
B. Tiyaga D. Konsentrasyon
5. Ito ay ang birtud na tumutukoy sa pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang dito hanggang sa matapos
ang gawain.
A. Kasipagan C. Pagkamasinop
B. Tiyaga D. Pagkamalikhain
6. Alin ang dapat na gawin upang higit na malinang ang tiyaga sa isang tao?
A. Pagrereklamo sa lahat ng mga bagay na C. Pagpili ng gawain na kaya lamang tapusin
dapat gawin D. Pag-alis ng mga negatibong bagay na
B. Pagkakaroon ng time management nasa kanyang isipan
7. Mahalaga ang sipag, subalit kapag wala ang ____________, balewala ang produkto ng sipag.
A. Paggastos C. Pera
B. Pagkamasinop D. Sahod
8. Ang taong ____________ ay nagmamahal at hindi nagpapabaya sa kanyang gawain.
A. Matiyaga C. Masipag
B. Masigasig D. Masinop
9. Ito ay nangangahulugan ng kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba o paunlarin ang mga
bagay na naimbento na.
A. Pagkamalikhain C. Pagka-orihinal
B. Pagkamakabago D. Pagkamasinop
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang malikhaing tao?
A. Mayaman sa ideya C. Madaling makibagay at iangkop ang sarili
B. Orihinal sa iba’t ibang pagkakataon
D. Paggaya sa isang sikat na proyekto
11. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting naidudulot ng pagiging malikhain?
A. Nakakagawa ng panibagong imbensyon C. Nakapagpapadali ng gawain
B. Naiaangat ang kalagayang ekonomikal ng D. Nagagamit ang natatagong talento
isang tao
12. Si Jerry ay nakatira at lumaki sa iskwater. Sa kanyang nakagisnang kapaligiran malamang na sa paglaki niya ay
maging laman din siya ng lansangan. Kung ikaw si Jerry, ano ang pinkamainam mong gawin?
A. Magsumikap na baguhin ang buhay C. Tanggapin ang buhay ng maluwag sa puso
B. Mapoot sa lipunang nakagisnan D. Pagyamanin ang buhay-iskwater
13. Ang bawat tao ay may kakayahang tuklasin at paunlarin ang kasanayan sa isang gawain dahil sa taglay niyang
A. Kasipagan C. Ganda
B. Karapatan D. Talino
14. Isa sa pangunahing katangian ng makabuluhang gawain ang pagsasaalang-alang ng
A. Kabutihang idudulot sa kapwa C. Magandang sasabihin ng mga pinuno
B. Produktibong paggamit ng oras D. Bilang ng trabahong matatapos
15. Alin sa mga gawain ang dapat na tandaan upang malinang at malayang maipahayag ang pagkamalikhain?
A. Pagbibigay ng dagliang puna at konlusyon C. Pagtanggap sa pagkakamali
sa sariling gawa at gawa ng iba D. Pagtanggi sa gawain
B. Hindi pagtanggap sa pagbabago
16. Ano ang birtud na kailangang taglayin upang malampasan ang hadlang na nararanasan?
A. Katapangan C. Katatagan
B. Kayabangan D. Kasipagan
17. Ang pagdedesisyon na harapin ang anumang balakid o pagsubok ay nagiging daan para sa
A. Ikauunlad ng bansa C. Ikapagtatagumpay ng isang gawain
B. Pagpapaunlad ng sarili D. Pagdami ng gawain
18. Ito ay dahilan kung bakit nahihirapan ang mga nilalang na gawin ang mga gawain na nakaatas sa kanila
A. Hadlang C. Pangarap
B. Pera D. Kabiguan
19. Kailan nangyayari ang pagkabigo?
A. Kapag sumuko sa pagsasagawa ng isang C. Kapag nakakita ng mali sa gawa
bagay D. Kapag di tinantanggap ang pagkatalo
B. Kapag minamadali ang pagtatrabaho
20. Sino sa mga sumusunod ang nakaranas ng mga kabiguan bago nagtagumpay?
A. Benigno Aquino Jr. C. Manny Pacquiao
B. Richie Rich D. Miriam Defensor-Santiago
21. Mahalagang sa murang edad pa lamang ay masanay na ang isang bata sa mga gawaing makatutulong sa
kanyang pag-unlad. Ang pagkakaroon ng mabuting gawi ay tinatawag na
A. Attitude C. Value
B. Habit D. Virtue
22. Inutusan si Henry ng kanyang nanay na mamili sa palengke. Pagkatapos niyang mamili ay isinoli niya sa kanyang
nanay ang tamang sukli. Anong katangian ang ipinamalas ni Henry?
A. May sariling pagtitimpi C. Tapat
B. Paggalang sa magulang D. Paggalang sa sarili
23. Si Ging ay katulong sa bahay nina Mrs. Marcelo. Isang araw, habang naglilinis siya ng kwarto ng kanyang amo ay
nakita niya ang kahon ng mga alahas at agad niya itong itinago. Anong katangiang moral ang nilabag ni Ging?
A. Pagiging maingat C. Pagiging magalang
B. Pagiging tapat D. Pagkakaroon ng dignidad
24. Ang katapatan ay ang ___________________.
A. Pagsasabi ng mga kasinungalingan sa mga C. Pagtanggap na ang katotohanan ay
tao masakit
B. Pagsasabi ng totoo at hindi paglinlang sa D. Pagsasabi ng mga bagay-bagay sa mga
tao tao na hindi pa napapatunayan kung ang
mga ito’y totoo
25. Humingi ng pera si Alvin para bumili ng bolpen. Nang makarating siya sa tindahan, bumili siya ng sorbetes sa
halip na bolpen. Ano ang masasabi mo kay Alvin?
A. Siya ay malikhain. C. Siya ay tapat.
B. Siya ay sinungaling. D. Siya ay malusog.
26. Ito ay isang uri ng pagsisinungaling na bagamat may malinis kang intensyon ay matatawag pa ring kawalan ng
katapatan
A. Yellow Lie C. Amalayer
B. White Lie D. Gray Lie
27. Piliin sa mga sumusunod ang hindi pamantayan ng katapatan:
A. Mamuhay ng matuwid at may malinis na C. Kumilos ng may katarungan.
konsensya. D. Mang-api ng kapwa kung kinakailangan.
B. Magtiyaga at magsikap upang paunlarin
ang buhay.
28. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang taong matapat?
A. Iniingatan ang lihim na ipinagkatiwala ng C. Mayroong time management
iba D. Pagsasabi ng opinyon sa lahat ng usapin
B. Gumagawa ng kwentong papuri sa ibang
tao
29. Pinagagawa ka ng iyong guro ng mga dekorasyon para sa bulletin board subalit wala kang kakayahan sa ganitong
gawain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Ipapagawa sa kamag-aral ang mga C. Hindi gagawin ang inuutos at papabayaan
dekorasyon na lamang
B. Sasabihin sa guro na hindi marunong at D. Sasabihin sa guro na hindi marunong at
hihingi ng pahintulot na magpapatulong sa iutos na lang ang gawain sa iba
iba para matapos ang dekorasyon
30. Naipapakita mo ang pag-aalala at paggalang sa ibang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas-trapiko
kahit na walang nakabantay na pulis o tagapamahala ng trapiko sapagkat ____________.
A. Alam mong maabala mo ang maayos na C. Sinabihan ka ng nanay mo
daloy ng trapiko kung hindi mo susundin D. Ayaw mong magbayad ng
ang batas-trapiko malaking multa at makulong
B. Natatakot kang maparusahan ng pulis
31. Mayroon kang pagpapahalaga sa iyong reponsibilidad kung naipapakita mo ang pag-aalala at paggalang sa
ibang tao sa pamamagitan ng pagtupad sa
A. Mga araw ng pista opisyal C. Mga gawain ng ibang tao sa inyong
B. Kalinisan sa iyong pamamahay pamayanan
D. Iba pang mga alituntunin sa pamayanan,
maging lokal at nasyonal
32. Ang pagiging responsable ay hindi lamang ang pagtupad sa tungkulin at mga gawain. Kasama rin dito ang
A. Gumagawa ng angkop at tama kung may C. Pag-aalala sa magiging epekto ng gawain
mga nakatingin lamang sa kanya sa ibang tao at pag-alam kung bakit
B. Ang pagpapakita ng pakikibahagi sa mahalaga ang tuntunin
damdamin o interes ng ibang tao D. Paglabag sa batas ng paaralan
33. Ito ay nangangahulugan ng kakayahan na kumilos, mag-isip at magsalita nang naaayon sa mga pamantayang
legal at moral na ipinasusunod sa lipunan.
A. Responsibilidad C. Tungkulin
B. Disiplina D. Dignidad
34. Ang pagtitimpi sa sarili ay ang kakayahang pigilin ____________________________________.
A. Ang pagkain ng masasarap na pagkain C. Ang paggawa ng desisyon
B. Ang paggawa ng tama D. Ang mga masasamang gawain upang
maging isang responsableng tao
35. Ang kalayaan ng bawat tao ay may kaakibat na
A. Responsibilidad C. Disiplina
B. Pera D. Kayamanan
36. Ito ay tumutukoy sa mga kautusan ng Diyos na Kanyang isinulat sa dalawang tapyas na bato at ibinigay kay
Moses para sa Kanyang bayan.
A. Holy Rosary C. Ten Commandments
B. Stations of the Cross D. Seven Sacraments
37. Ang taong may paggalang sa sarili ay ____________________________________.
A. Gagawin ang lahat kahit na may ibang C. May pagmamalaki sa sarili at gumagawa
masasaktan makuha lamang ang kanilang gusto ng mga angkop na gawain
B. Kumukuha ng pera sa ibang tao D. Pinahihintulutan ang mga ibang tao na
abusuhin at gamitin siya
38. Kailangang ipakita mo ang iyong pag-aalala at paggalang sa ibang tao sa pamamagitan ng pagtapos ng iyong
mga nasimulang gawain kahit may mga iba ka pang personal na pagkakaabalahan sapagkat _____________.
A. Sinabihan ka ng iyong nanay na gawin ito C. May mga tao na umaasa sa iyong
B. Gusto mong magyabang sa ibang tao produkto, serbisyo at gawain
D. Ang tatanggapin mong bayad ay malaki
39. Ito ay ang pakikibahagi sa damdamin o mga interes ng isang tao.
A. Pag-unawa C. Pagmamatyag
B. Pakikilahok D. Pagdaramdam
40. Ito ay ang pag-iwan sa nasimulang trabaho at hindi pagtapos dito
A. Free will C. Ningas Kogon
B. Responsibilidad D. Crab mentality
41. Ano ang pinakaangkop na dahilan kung bakit mahalaga ang batas?
A. Upang mapanatili ang katahimikan C. Upang makatugon sa mga pangangailangan ng
B. Upang mapangalagaan ang naapi mga mamamayan
D. Upang maparusahan ang mga
nagkakasala
42. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang taong may disiplina?
A. Nakikipaglaban ng patas C. Nalalaman ang mga limitasyon at resulta ng
B. Nagmamahal ng lubos kanyang kilos at desisyon
D. Nagbibigay ng kanyang mgga opinion sa mga
usapin
43. Piliin sa mga sumusunod ang aytem na nagpapakita ng disiplina.
A. Pagpasa ng takdang aralin nang mas C. Pagpapasingit sa pila sa isang kakilala
maaga kaysa sa itinakdang panahon para hindi siya mahirapan
B. Paghahanap ng mas madaling paran, D. Paghihintay sa paglapit ng araw ng
kahit ito ay mali, upang maisagawa ang pasahan bago gawin ang proyekto
trabaho
44. Ang mga sumusunod ay nagpapamalas ng tamang gawi sa paggawa maliban sa isa. Alin ito?
A. Mas mabuting magtanong ng paraan C. Dapat pagbutihin ang ginagawa kahit pa
kung paano gagawin ang isang bagay kaysa mahirap itong gawin
magkamali D. Hangga’t pwede, dapat pagtakpan ang
B. Mahalagang maglinis ng mga basurang pagkakamali sa trabaho
naiwan sa paggawa kapag may oras pa
45. Ito ay isa sa mga masamang bunga ng hindi pagsunod sa tama at takdang oras
A. Naisasakripisyo ang kalidad ng gawain C. Maraming kaibigang nakikilala
B. Mas maraming gawing natatapos D. Maganda at napupuri ang proyektong
ginawa
46. Kailan nasasabi na ang isang gawa ay orihinal?
A. Bago at walang sinumang nakakagawa pa C. Pagbibigay ng bagong tingin sa isang
B. Pinalitan ang pangalan ng produkto lumang gawa
D. Pagpapabuti sa isang lumang imbensyon
47. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay kahulugan sa kasabihang “Time lost can never be regained.”?
A. Ang nawawalang oras ay di mo na C. Ang oras ay mahalaga.
mahahanap. D. Ang oras ay ginto kaya dapat pahalagahan.
B. Ang nakalipas na oras ay di na maaring ibalik.
48. Isa sa mga paraan upang maging kapaki-pakinabang ang paggamit ng oras ay ang paghahanda ng isang
A. Class schedule C. Journal
B. Time Diary D. Bio-data
49. Ang mga sumusunod ay batayan sa wastong paggamit ng oras at panahon maliban sa isa. Alin ito?
A. Maging tiyak sa pagtatakda ng panahon C. Matutong magbudget ng oras sa lahat ng gagawin
B. Magsulat ng mga dapat tandaan D. Ipagbukas ang mga dapat na gagawin
50. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng wastong pamamahala sa oras at panahon?
A. Pakikipagkwentuhan paggising sa umaga C. Paglilinis ng bahay tuwing walang pasok
B. Pakikipag-chat sa internet hanggang madaling- D. Pagtetelebabad sa telepono
araw
51. Isa ito sa mga mabubuting naidudulot ng tamang paggamit ng oras
A. Nagiging produktibo ang isang tao C. Nakakapag-ipon ng pera
B. Nagkakaroon ng maraming kaibigan D. Nakakapunta kung saan man gusto
52. Ito ay tumutukoy sa tamang pagbudget ng oras at gawain
A. Daily plan C. Rehearsal
B. Time management D. Project proposal
53. Ang proseso ng pagpapasimula ng isang negosyo, pangangasiwa nito at pagharap sa hamon ng pinasok na negosyo ay
tinatawag na
A. Entreprenyur C. Entreprenyursyip
B. Marketing D. Consumer
54. Ito ay ang indibidwal na nag-oorganisa ng lahat at nagpapatakbo ng isang negosyo
A. Entreprenyursyip C. Mamimili
B. Entreprenyur D. Manager
55. Ito ay isa sa mga kailangan upang makapagsimula ng isang negosyo
A. Utang C. Kapital
B. Sahod D. Bumbay
56. Ang lahat ng sumusunod ay mga potensyal ng isang matagumpay na entreprenyur maliban sa isa. Alin ito?
A. Madaling nakakagawa ng desisyon ayon sa C. Madaling mainis kapag nabibigo
hinihingi ng pagkataon D. Ginagawa ang mga bagay na itinuturing ng iba
B. May sapat na tiwala sa sarili upang na mapanganib
magtagumpay sa buhay
57. Ang isang entreprenyur ay may kakayahang tanawin ang bawat suliranin ay may kaakibat na benpisyo at kabutihan. Ito ay
nangangahulugan na siya ay
A. Magiliw at makatarungan sa kanyang kapwa C. Positibo ang pagtingin sa buhay
B. May initiative D. May katangian ng isang survivor
58. Nasisiyahan ang isang entreprenyur na paglingkuran at pangalagaan ang pinakamabuting interes ng kanyang mamimili.
Anong katangian ang ipinapamalas niya
A. Bukas ang isip at kalooban sa mga C. May matibay na komitment
pagkakataon at oportunidad D. Nagsisilbi nang may kababaang-loob at
B. May angking tiyaga, sipag at determinasyon katapatan sa mga mamimili
59. Ito ay tumutukoy sa pagmamahal o pagkawili sa mga material na bagay.
A. Clean living C. Kasaganahan
B. Materyalismo D. Milyonaryo
60. Upang maiwasan ang masamang dulot ng materyalismo at kalayawan, kailangang piliin ang
A. Mga kaibigan C. Simpleng pamumuhay
B. Mga bibilhin D. Tamang hanapbuhay
61. Ang mga sumusunod ay paraan upang mapili ang simpleng pamumuhay maliban sa isa. Alin ito?
A. Maari siyang magbahagi ng mga bagay na C. Mangolekta ng maraming gamit para
hindi na niya kailangan o gingamit maraming pagpipilian
B. Maari siyang mag-ulit ng paggamit D. Dapat siyang mag-isip bago magdesisyong
bumili ng anumang bagay
62. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa Diyos
A. Pagtatanim C. Pangigipit
B. Paggawa D. Pagtulog
63. Kanino dapat ihandog ang mga gawain na ating ginagawa sa araw-araw?
A. Guro C. Diyos
B. Magulang D. Mahirap
64. Bakit kailangang ialay sa Diyos ang lahat ng ating ginagawa?
A. Upang maipaabot sa Kanya ang pasasalamat C. Upang makaahon sa hirap
B. Upang makaakyat sa langit D. Upang maging maayos ang gawain
65. Ang kahalagahan ng isang bagay ay hindi natin mapapansin maliban na lamang
A. Kung makakabili pa tayo nito ulit C. Kung meron na ang iba nito
B. Kung nawala na ang bagay na ito D. Wala sa nabanggit
II. PAGPAPALIWANAG (10 pts)
Bakit kailangang ialay ang lahat ng ating ginagawa sa Panginoon?
(Rubrics: Nilalaman – 5 pts, Organisasyon - 3 pts, “Grammatical correctness” – 2pts)

You might also like