Piyesa Sa Interpretatibong Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Wikang Pambansa

Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling
wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa


kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit
hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay
na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan
walang wikang ginagamit ng lahat.

Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging
Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga
Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa
mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?

Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang
pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang
pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga
Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya.

Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang
katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika.
Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o
anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.
PILIPINONG BANYAGA SA WIKANG FILIPINO
Akda ni Jian E. Orejas ng Grade 8 Graham Bell (Unang Pwesto sa
Paggawa ng Tula)
Ikaw kabataan,binibini,ginoo
Sa lahat ng Pilipinong makakabasa nito
Maalam ka ba sa wikang Filipino?
O isa kang banyaga sa wika mo?

Kamusta o Kumusta?
Ano nga ba ang tama sa dalawa?
Tagalog o Filipino ba?
Ano rito ang pambansang wika?

Magaling,kay galing!
Ang isip sa wika ng iba'y matulin
Kapag Filipino na ang usapin
Bakit ika'y nagiging antukin?

Sa Ingles kay husay,o napakahusay


Ngunit sa Filipino ika'y nawawalan ng kulay
Nauubusan ng tinig,tinatakasan ng salita
Hala siya sa kanyang wika ay banyaga

O kahindik-hindik,kagila-gilalas
Paanong nangyari hindi ka matatas
Kung nabubuhay pa lamang si Balagtas
Tiyak mabubwesit sa'yo ang pantas

Nasaan na ang bakas ng wika sa pananalita?


Bakit hindi na kilala ng iyong dila?
Napakarikit naman ng ating wika
Sana lamang ay ito'y inyong makita.
Pilipinong Banyaga sa Wikang Filipino

Ikaw kabataan, binibini, ginoo


Sa lahat ng Pilipinong makakabasa nito
Maalam ka ba sa Wikang Filipino?
O isa kang banyaga sa wika mo?

Kamusta o kumusta?
Ano nga ba ang tama sa dalawa?
Tagalog o Filipino ba?
Ano rito ang pambansang wika?

Magaling, kay galing!


Ang isip sa wika ng iba’y matulin
Kapag Wikang Filipino ang usapin
Bakit ba ika’y nagiging antukin?

Sa Ingles kay husay, o napakahusay!


Ngunit sa Filipino ika’y nawawalan ng kulay
Nauubusan ng tinig, tinatakasan ng salita
Hala siya sa sariling wika niya ay banyaga!

O kahindik-hindik, kagila-gilalas
Paanong nangyaring di ka matatas
Kung nububuhay lamang si Balagtas
Tiyak mabubuwisit sa’yo ang pantas.

Nasaan na ang bakas ng wika sa pananalita?


Bakit di na kilala ng iyong dila?
Napakarikit naman ng ating wika
Sana lang ito’y iyong nakikita.

Buksan lamang ang iyong kamalayan


Ang wika nati’y makulay kung mamasdan
May kapangyarihang magbuklod ng mamamayan
Ng mga mamamayang niyayakap nitong bayan.

Ang Pilipinong banyaga sa Wikang Filipino


Ay di dapat tawaging isang Pilipino
Mahal mo lang ang Pilipinas kapag gusto mo
Ngunit hindi ba dapat mahalin mo ang lahat ng tungkol dito?
Iniibig Ko Ang Wikang Filipino
Mula sa website na Pinayunlimited.wordpress.com
Ginulo mo ang isip ko sa paraang gusto ko
Pinilit ko mang umiwas ngunit sinuyo mo ako
Itinakas sa ‘king mundo dinala sa’yong palasyo
Aking nadarama hindi ito ordinaryo.

Hanap ko’y salita, angkop na salita


Sa paglalarawan nais ko sanang ipakita
Angkin mong kulay o kay iga-igaya
Bakit ang iba’y hindi ito makita?

Musmos nang ika’y unang makapiling


Ang makilala ka ng malalim yan ang aking hiling
Sana’y makita ka saan man bumaling
Akin kang makikilala gamitan man ng piring.

Naaalala mo ba galak ko sa paligsahan?


Unang sabak ko noon sa talumpatian
May pagdiriwang noon Agosto ang buwan
Nabigo man ang dilag ngunit ako’y may natutunan.

Ang iyong pagkasilang ay dakila pala


Binuklod mo ang mga taong nais magkanya-kanya
Ikaw ang sinag na piniling di makita
Aming lampara sa dilim ng umaga.

O aking Wika nasa puso ka ba nila?


Sa tibukan ng buhay ko’y mabubuhay ka
Mahal ko ang Pilipinas at ang lahat sa kanya
Kaya ikaw Wikang Filipino di ka mag-iisa.

You might also like